Chapter 13: Operation: Blackmail

46 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

"Ano na?" Muli kong tanong sa kanya.

"Si Khyle, siya ang susi para malaman mo kung pa'no pwedeng matigil ang Slaughter Party." Paliwanag niya sa akin. Anong kinalaman ni Khyle? "Ipakita mo ang litratong 'yan kay Khyle at alam kong siya na ang magpapaliwanag sa'yo. Humingi karin ng tulong kay Ycezy, I know that she'll be a great help for you. Pwede mong gamitin ang lahat ng impormasyong makukuha mo para..."

"Para ano?"

"Para i-BLACKMAIL si Sir Aizawa." Muli nitong sabi sa akin. Tumingin ako kay Khyle na parang curious sa pinag-uusapan naming dalawa.

"Bakit mo kami tinutulungan at saan mo ba nalaman ang mga pinagsasaaabi mo?" Muli ko siyang tinanong pero 'di pa ako tapos magsalita ay pinutol na niya ang tawag. Kinuha ko ang litrato at ipinakita kay Khyle at sinabing...

"Explain this!"

"What the..." Bakas sa muka niya ang pagkagulat at pagtataka. Di nagtagal ay sinabi narin niya kung ano ang ibigsabhihin ng litrato. "Si.. si.. si Sir Aizawa? hindi ko naman talaga siya kakilala but... ok, i'll tell you. One day, nakabunggo ko siya sa may corridor habang tumatakbo ako. Nagpatak lahat ng hawak niya. Damn it! Try to look around sometimes. Tingnan mo ang ginawa mo! Pulutin mo lahat ng 'yan! Sabi niya sa akin. Ginawa ko ang pinapagawa niya pero ng iaabot ko na sa kanya ang mga gamit niya bigla nalang niya'ng itinaas ang palda ko na ikinagulat ko naman. Sir, what are you doing? Tanong ko sa kanya pero wala siyang imik at nakatitig parin sa palda ko. Nakaramdam ako ng takot as in takot na takot ako. Sumama ka sa'kin Muli niyang sambit sa akin. But sir.... Kabado kong sabi sa kanya. Sumama ka nalang sa akin kung ayaw mong patalsikin kita ng Secret High. Pinagbantaan niya ako kaya wala na akong choice kundi ang sumama sa kanya. Dinala niya ako sa may abandoned room dito sa may top floor at..."

"He raped you?" Tanong ko sa kanya.

"Not really but... he played with my body." Mukang matindi nga talaga ang pinagdaan niya kay Sir Murphie dahil habang nagkukwento siya ay kasabay nito ang pagpatak ng kanyang mga luha. Who knows that Sir Murphie is such a pervert. I didn't really expect this. "That fucking teacher touched every part of my body! He's a freak and a pervert! He destroyed my dignity. I despised him!" Bakas sa muka niya ang galit at pagkamuhi sa aking advicer. Ang pangyayareng ito ang makakatulong sa amin. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

"Don't worry Khyle, soon enough, makakaganti rin tayo sa kanya. Sa lahat lahat ng ginawa niya sa'yo pero, kailangan mo muna akong tulungan bago kita tulungan."

"I'll do everything."

"Then let's make our plan. Operation: Blackmail."

........

Matapos ang mabilis naming pag-uusap ay agad din siyang umalis at naiwan ako. Muli kong pinagmasdan ang paligid ng dorm ni Jk. Humakbang ako ng isa at ...

"Ouch!" Nadulas ako at napa-untog sa may sahig pero di naman gano'n kalakas at agad din naman akong tumayo. Mukang may natapakan akong madulas or something. Tiningnan ko ang sahig at... tumambad sa akin ang isang lipstick. Pinulot ko ito at pinagmasdang mabuti hanggang sa napansin ko ang naka-ukit na pangalan dito. "What?!"

(Forward)

We made an almost perfect plan and it'll be perfect kung tutulungan kami ni Ycezy dahil alam kong isa siyang former supreme council government member kaya naman marami siyang nalalaman tungkol sa rules ng school. Sa ngayon, nakahiga ako sa aking kama sa dorm ko, kailangan ko munang matulog para bukas. Time check, 11:58pm. Kinuha ko ang aking alarm clock at nag-set ng alarm sa oras na 6:00am at muling ibinalik sa may table ko sa tabi ng ulunan ko. Kailangan ko ng matulog. Pilit kong itinatatak sa isip ko na makakalabas pa kami dito but I can't help it, I'm actually scared. Hanggang sa dahan-dahan ng sumara ang aking mga mata at unti-unti na akong nakatulog.

Battles Of The Gifted OnesDär berättelser lever. Upptäck nu