Epilogue

30 2 0
                                    

Nagising ako sa isang kwarto, nurse's office siguro ito. Si Zhraine ay nasa aking tabi at nakaupo sa isang upuan ngunit nakatulog siya. Hindi ko siya ginising dahil alam kong pagod rin siya sa mga nangyare.

Nakakatuwa at nakakalungkot na isiping nakaligtas kami ni Zhraine, wala nang iba kundi kami lamang dalawa.

Bumalik sa aking isipan ang mga alala simula ng magtransfer ako dito sa Secret High. Merong mga masasayang alaala kahit na meron itong bahid ng kasinungalin at pagpapanggap. Maraming buhay ang nawala para sa mga walang saysay na dahilan. Nakakatawang isipin na sa tagal naming naghirap at nagtiis sa paglalaro sa amin ni Haize, ay ganito lang pala namin kadali siyang mapapatay.

"Zac." Sambit ni Zhraine ng nakangiti sa akin.

"Nagising ba kita? Paano tayo napunta rito? At anong nangyare kay Haize?" Tanong ko at ngitian siya pabalik.

"Nahimatay rin ako kanina kaya wala akong masyadong maalala at ang tanging natatandaan ko na lamang ay nakahiga na ako sa kama sa kabilang nurse's office. Nahanap kita rito at balak sana kitang bantayan pero... nakatulog ako. I also don't know what might happened to Haize." Paliwanag niya.

"Ok."

"Tapos na ang lahat, diba?"

"Tama ka."

"Ngayong tapos na ang lahat, meron nalang isang tanong ang aking nasa isipan. Ano sa tingin mo?"

"Hindi ko alam."

"What are you hiding Zac?" Seryoso niyang tanong. Alam niya sigurong may itinatago ako at ang pamilya ko.

"It's not yet the time. Balang araw sasabihin ko sa'yo pero ngayon... please accept this." Sabi ko habang iniaabot ang isang singsing sa kanya. Nagulat siya at namula ang buo niyang mukha, as expected naman. Sino bang hindi mabibigla kapag may nagpropose? I mean, this is not really a proposal for a marriage but a proposal to be her girlfriend pero hindi naman ako umaasa and I'll surely respect her answer.

"It's my pleasure to keep this." Sabi niya. Kinuha niya ang singsing at isinuot sa kanyang daliri. Umusbong ang ngiti sa aking labi. Ang saya ko.

"Oo ba ang ibigsabihin mo?" Tanong ko.

"Yes." Ngumiti siya kasama ang kanyang mga mata. Abot langit ang aking ngiti. Ang saya-saya ko! Parang gusto kong sumigaw ng YEEEEESSS!!!

At bakit ko pa ba sasayangin ang oras na ito? Bumangon ako at niyakap siya ng mahigpit, akala niya siguro ay hahalikan ko rin siya pero I better not. I respect girls.

Ngunit hindi ko inaasahan ang sunod na nangyare... siya mismo ang humalik sa akin kaya naman ito ngayon ang aking mukha at pulang-pula.

"Magaling." Sabi ng kung sino man mula sa may pintuan dahilan para maputol agad ang halik ni Zhraine.

"Pasensya na kung naabala ko kayo." Muli niyang sabi.

Hindi ko kilala ang taong ito at parang hindi rin naman siya kilala ni Zhraine. Parehas kaming nakatitig lamang sa kanya at nagtataka.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Pardon me. I'm Silverein Alfonzo P. Grin. That's my full name pero alam kong kilala niyo ako sa tawag na... principal Silver Grin." Nanlaki ang mga mata sa sinabi niya. Sa pangalan pa lang niya halata na ang kanyang pagkaprincipal.

"Sorry sir!" Nauutal kong sabi.

"No need to be formal. Gusto ko lang malaman ang mga pangalan niyo."

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now