Chapter 17: Secret's Room

32 4 2
                                    


Zac's P.O.V.

Patuloy kong pinagmasdan ang paligid at agad kong napansin ang isang librong may pamagat na THE SLAUGHTER PARTY kaya agad ko itong binuklat at binasa. Sa unang pahina, makikitang muli ang pamagat at sa ikalawang pahina, makikita ang isang litrato ng babae na sa tingin ko ay isang teacher at sa baba nito ay ang kanyang pangalan, Mrs. Herra Slaughtery. Muli kong binuklat ang libro at patuloy na nagbasa.

The riots every morning became worse after the class 1-Z incident, leaded by Haize R. Perez. Bullying, Gang wars, Tortures and even Murder happens. Ang mga ito ang maaaring maging dahilan ng pagkasira ng imahe ng school na'to. The others even said that this school is full of delinquents and evil students. Ang mga ito ang magiging dahilan ng tuluyang pagkawasak ng Secret High, that's why I, Herra Slaughtery, the head teacher of this school made this perfect plan that can prevent and even stop them for doing such things every morning. Ang Slaughter Party ang sagot.
----- Mrs. Herra Slaughtery

So, mismong ang head teacher pala ang nagpasimula ng Slaughter Party na'yan. Nakakapangilabot na pumayag ang school na'to sa ideya niyang 'yon. Ang salitang Slaughter pala ay kinuha mula sa kanyang apelyido. Muli kong binuklat ang pahina at binasa ang nakasulat dito.

Page 4

Ano ang SLAUGHTER PARTY?

Ang SLAUGHTER PARTY ay isang party na mayroong limitado at hindi eksaktong oras. Sa party na'to, lahat ng rules ng school na ito ay mapapawalang bisa, hinahayaan na gawin ng bawat studyante ang kanilang mga gusto... pati narin ang pagpatay. Ginaganap ito tuwing gabi. Lahat ng studyante ay inaanyayahang lumahok sa party na ito.

Page 5

Simula ng idineklara ang SLAUGHTER PAR...

"Zac..." Naputol ang aking pagbabasa dahil sa isang malakas na tawag mula sa aking likuran. Nagulat ako kaya hindi ko sinasadyang maipatak ang libro.

"Sino ka?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko makita ng maayos ang kanyang mukha kaya hindi ko siya makilala pero... Sigurado akong may hawak siyang baril at nakatutok iyon sa akin. Masasabi kong isa siyang babae dahil sa dibdib nito at sa hugis ng kanyang katawan.

"What do you want?" Muli kong tanong sa kanya.

"Pulutin mo 'yang libro." Sabi niya sa akin. Parang pamilyar ang boses niya ngunit hindi ko masabi kung sino siya. Tumalikod ako at dahan-dahang pinulot ang libro gaya nga ng sinabi niya pero hindi niya napansin na may ginawa akong iba.

"Ibato mo sa'kin 'yang libro." Ibinato ko sa kanya ang libro pero nilakasan ko ito at umasang tatama sa ulo niya pero... nasalo niya ito sabay takbo ng mabilis palabas ng kwartong ito. Hindi siya isang normal na studyante. Nararamdaman ko ito.

"Naloko ko siya." Sabi ko habang nakangiti.

Noong sinabi niyang pulutin ko ang libro, pasimple akong kumuha ng ibang libro sa may bookshelf na katapat ko lamang at 'yon ang ibinato ko sa kanya.

Pinulot ko ang libro na aking naipatak at naglakad na palabas nitong Secret's Room. Isinara ko ang pinto at umalis na mula roon para hanapin si Zhraine at ipaalam sa kanya kung ano ang aking natuklasan, ngunit...

The Slaughter Party is about to start. Lock your doors or die. Enjoy!

Eto na naman. Nagsimula na naman ang Party ng mga ng mga baliw at mga psycho. Nagsimula na akong makarinig ng mga ingay at kaguluhan sa labas ng library. Masyado na akong nagiging pakialamera kaya hindi na nakapagtataka kung may bigla nalang taong pumasok dito sa library na may dalang chainsaw at pagpira-pirasuhin 'tong katawan ko. Kailangan ko nang hanapin si Zhraine, aalis na kami.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon