Chapter 4: The Start of the Nightmare

153 7 0
                                    

Ellaine's P.O.V.

Wala sa kaalaman ni Sir Murphie na patuloy parin kaming nagsasaya kahit na sinabihan na niya kaming natulog.

YOU HAVE 1 MESSAGE.
FROM: UNKNOWN

May nagtext at agad ko namang binasa.

Meet me at the laundry room (basement).

Sino naman 'to?! Pero sinunod ko nalang ang nakasulat dito. It may be a prank but it may be fun.
Nang makarating ako, nakita ko agad si Prince na walang malay.

"What happened?!" Tanong ko sa kanya habang pilit siyang ginigising.
Bigla nalang sumarado ang pinto na akin namang ikinagulat. Alam kong hindi lang kami ang nandirito.

"Hi Ellaine!" Sabi niya sa akin. Isang pamilyar na boses ito.

"Teka! Ikaw si ..."

"Yes, I am!" Sambit niya sa akin habang may kinukuha siya sa may likuran niya. Isang lubid na tingin ko ay gagamitin niya sa akin. Anong gagawin niya?

"What are you up to?!" Tanong ko sa kanya.

"Sumama ka nalang ng tahimik sa akin kung ayaw mong masaktan." Sagot niya sa akin.

Dahan-dahan akong lumakad paatras ng matapakan ko ang isang mabigat na bagay. Dali-dali ko itong pinulot at ibinato sa kanya. Tumama ito sa ulo niya dahilan para dumugo ito ng husto.

"Why you..!?" Galit na galit niyang sabi sa akin. "You leave me no choice. I'll kill you." Meron siyang kutsilyo. OMG, hindi siya nagloloko.

Nakaramdam ako ng takot at nanginginig ang buo kong katawan. Bakit niya 'to ginagawa?!

Dahil sa takot, dali- dali akong tumakbo at nagtago. Halo-halo ang nararamdaman ko pero isa lang ang sigurado ko, papatayin niya talaga 'ko.

"Sorry Ellaine pero ngayon na ang oras para mamatay ka na. Iniintay ka na ni Alice sa Impyerno." Sabi niya habang papalapit sa aking pinagtataguan dahilan para lalo pa akong matakot ng husto.

Anong ibigsahin niyang iniintay na ako ni Alice? Pa'no niya nalaman na...
Kinikilabutan ako sa mga tunog na ginagawa ng mga bawat hakbang niya. Papalapit na siya sa akin. Alam ko nang makita ko ang kanyang mga mata, na papatayin niya talaga ako, pero bakit? Nakakatakot ang mga tingin niyang iyon.

Hanggang sa napansin ko na biglang tumahimik kaya naman agad ko itong sinilip at... wala na siya. Sandaling nawala ang nararamdaman kong takot nang bigla na lamang makaramdan ako ng mainit na hininga sa aking bandang tenga. Muli akong binalot ng takot at sa tingin ko ay ngayon lang ako natakot ng ganito.

Ayokong tumingin sa gilid pero di ko rin ito napigalan at...

"Ssshhhhhh!!!! Wag kang mag-iingay. Maglalaro lang tayo. Handa ka na bang mamatay?"

"Aaaahhhhhhh!!!!!" Napasigaw nalang ako dahil sa takot at mukhang ikinagulat niya ito kaya naman bigla niya akong sinaksak sa aking hita. Ang sakit.

"Didn't I told you to be quiet?!"

Sinubukan kong tumakbo pero hindi ko nakaya dahil sa sakit ng hita ko. Natatakot ako, natatakot akong mamatay!!! Ayoko pang mamatay pero sa tingin ko, baka ito na nga ang oras ko. Pero sana naman, hindi lang ako ang maghirap dito. Sana walang matira sa kanila.

Ngumiti nalang ako habang nakapikit ang aking mga mata.

"Gawin mo na." Sabi ko sa kanya.

"Gusto ko lang malaman kung sino ka."

"Ok, I'm _________…" Sabi ni sa'kin habang tinatanggal ang suot nitong maskara.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now