Chapter 11: Lyra Denaia

46 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

"Ano ba Razor? tama na!" Sigaw ko sa kanya pero wala parin siyang pakialam at patuloy parin sa pagtawa.

"Anong nangyayare sayo?" Tanong ni Ycezy sa kanya. Napahawak ito sa aking braso dahil sa takot at habang tumatagal ay pahigpit ito ng pahigpit.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumapit ako kay Razor at hinila ang kwelyo nito palapit sa akin. Handa ko siyang suntukin anumang oras.

"Razor! Tell me! Did you kill Jk?!" Tanong ko sa kanya pero patuloy parin siya sa pagtawa. Sorry Razor. Nainis na ako sa kanya at sinapak ko siya sa muka dahilan para siya'y matumba at mapatigil sa pagtawa.

Noong mga oras na'yon ko lang na-realized na hindi siya masaya, na hindi siya tumatawa kundi... umiiyak siya. Umiiyak siya na para bang katapusan na ng lahat. Hindi ko mapigilang maawa sa kanya. Hindi siya masaya kundi natatakot siya. Natatakot siyang mamatay. It's my fault. Hindi ko na dapat siya hinikayat na mag-aaral dito knowing that this is one hell of a school. Alam kong hindi siya sana'y na makakita ng mga ganito. Ang tanga-tanga ko.

"Stop crying man. Big boys don't cry." Sabi ko sa kanya habang tinutulungan siyang tumayo.

"Sorry." Muli kong sabi.

"For what?" Tanong niya sa akin habang di parin matigil ang pagpatak ng kanyang mga luha.

"For everything."

"It's not your fault and sorry for being such a cry baby. Haha" Sabi niya sa akin at sa wakas natigil narin ang pagpatak ng kanyang mga luha.

Maya-maya lamang ay nagdatingan na ang iba pa naming kaklase. Katulad ko, nangilabot rin sila sa kanilang nakita. Halo-halo ang emosyon na nadarama ng bawat isa.

"Akala ko ba ayaw niyo'ng makialam then what are you doing here?" Tanong ni Ycezy sa kanila.

"You don't care!" Sigaw ni Scarlette sa kanya. "Anyway, where is Zhraine?"

"Nasa dorm ko siya." Bigla nalang bumuka ang bibig ko ng di ako nag-iisip. Damn it! Alam kong mag-iisip sila ng kung anong masama.

"Nasa dorm mo siya?!" Tanong ni Dave sa akin habang pilit na pinipigilang tumawa.

"Don't get me wrong she's..."

"No need to explaine Zac, we get it." Sambit ni Prince.

"Ok."

(Forward)

(In the Classroom)

Nagkasundo kaming bumalik sa aming classroom total, malapit lang naman ito sa dorm ni Jk. Dama ko parin ang takot sa buo kong katawan. Hindi ko maiwasang magbuntong-hininga kapag naaalala ko ang aking mga nakita.

"Pang-ilan na ba si Jk?" Tanong ni Yumi sa amin at ramdam ko na medyo natatakot rin siya.

"Ahhhmmm, si Ellaine, Monique, Reena, Karen, at si Jk. Pang lima siya." Sagot ni Charlotte na katabi lamang Yumi.

So, lima na pala ang napatay at ang tatlo sa kanila ay part ng 10 Secret Keepers kaya pito nalang kami. Mukang dapat na talaga akong mag-ingat dahil sa tingin ko, ang nangyare kanina ay isa na namang pakana ng Puppeteer. Sino ba talaga siya?

"Napansin ko na parang wala masyadong ibang istudyante na pumupunta dito sa top floor." Sabi ni Emerald sa amin. Abah! Ngayon ko nalang ata narinig muli ang boses ni Emerald. Madalas siyang tahimik pero sabi nga nila. Ang mga taong tahimik at laging mapag-isa, siya 'yong taong maraming itinatagong sekreto. Anyway, sang-ayon ako sa sinabi niya. Bakit nga ba parang kami lang mga taga 1-S section ang madalas andirito sa taas kapag Slaughter Party na? total iisang floor lang naman ang kinatatayuan ng classroom ng S at ibang A section.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now