Chapter 9: Girl on the Rooftop

46 3 0
                                    

Scarlette's P.O.V.

Malapit nang matapos ang Party and for the third time, wala na naman akong napatay. Gosh!!!. Mukang ang daldal ko ngayon ah, kaya hindi na'ko magtataka kung meron nang nagbabalak na pumatay sa'kin. I've revealed too much secrets! Meron akong gustong malaman na sikreto sa school na'to na alam kong gustong-gusto ring malaman ng iba. From the humor that I've heared, once na malaman mo ito, mamamatay ka na sa kinatatayuan mo. Anyway, the party is about to end so kelangan ko nang mag-ayos.

"Wag kayong mag-alala dahil sa tingin ko ay maya-maya lang ay matatapos na ang party at babalik na ang lahat sa dati. Sa ngayon bakit di muna natin ienjoy ang party?" Sabi ko sa kanila.

"Are you CRAZY?!" Sabi ni Ycezy sa'kin habang hawak-hawak niya ang damit ko at may balak pa ata siyang sampalin ako.

"You think so? Then someday, matitikman mo rin kung gaano kabaliw! You freak!" Pang-aasar ko sabay tulak sa kanya dahilan para matanggal ang pagkakakapit niya sa uniform ko.

Good morning everyone! Its already 6:00am. The Slaughter Party has ended. All surviving students, be ready for your classes. Thank you. Enjoy your day! Isang boses mula sa may speaker ng gymnasium ang aming narinig.

"Mukang tapos na ang party." Sambit ni Jilbert sabay buntong ng hininga.

"Why so sad Jilbert? Anyway, mauuna na'ko guys. Ayokong malate sa klase mamaya." Sabi ko sa kanila habang naglalakad na ako palayo. "Why don't you go back to your dorms because any minutes from now on, magsisimula na ang klase."

"Just wait Scarlette!" Sigaw ni Zac sa'kin. Agad naman akong lumingon para pakinggan ang mga sasabihin niya.

"Aahhhmn, I will talk to you later." Sabi niya sa akin habang naglalakad na palayo kasama si Razor.

"Ok." Sagot ko muli na akong nagpatuloy sa paglaakad palayo.

............

Nasa dorm ko ako ngayon at nag-aayos para sa klase mamaya. Nakita ko ang lipstick sa may tabi ng salamin ko.

"Bakit andito na naman 'to?" Tanong ko sa sarili.

Hindi sa akin ang lipstick na 'to at hindi rin ako naglalagay ng lipstick because of my allergy. Pinabayaan ko nalang ito. Di nagtagal ay umalis na ako at baka mahuli pa ako sa klase.

Magsisimula na ang klase at mukang nabawasan agad kami ng apat na studyante; Ellaine, Monique, Karen and Reena and soon mamatay narin si Jk dahil nga nagpacontrol siya sa walang kwentang Haize na'yon. Di magtatagal ay kukunin na din ni Haize ang buhay niya. Idagdag pa si Alice na nakita kong nakabikti sa may botanical garden. Kakaunti lamang ang mga nakakaalam ng pagkamatay ni Alice dahil ang alam ng iba nagtransfer na siya. I wonder who killed her.

Magsisimula na ang klase kaya naman inilabas ko na ang aking notebook pero... nakaramdam ako ng takot sa buo kong katawan. Sigurado akong may nakatitig sa'kin. Sino siya? Ayokong tumingin sa paligid. Ngayon lang ako natakot ng ganito. Hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin bagkos ay patuloy sa paghahanap ng notebook ko.

"Ok class, copy this." Sabi ng teacher namin sa English. Binuhay niya ang projector at inayos ito sa tamang anggulo.

Magsusulat na sana ako pero pagkabuklat ko ng aking kwaderno.

YOUR DEAD!!! :)

Isang sulat ang tumambad sa akin. Sa sobrang takot ko, napatayo ako sa gitna ng klase na kumuha naman ng attensyon ng lahat. Lahat sila ay nakatitig sa'kin at para bang nang-aasar. Gusto ko silang patayin lahat.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now