Chapter 29

37 2 0
                                    

A game where is your life is at stake...























Chapter 30: The Game of Life

















Haize's P.O.V.

"It was a big mistake that I trusted him." Sabi ko sa sarili.

Nasa isang tagong lugar ako kung saan tanging ako lamang ang may alam, nakaupo habang umiiyak.

Galit na galit ako sa mundo kung bakit ba ganito ang buhay ko. Nasaktan ako sa mga sinabi ni Zac sa akin. Nakilimutan? Ganon nalang ba 'yon kadali? Lahat ng pinagsamahan namin ay masisira lamang ng dahil sa nakalimutan niya? Ridiculous.

Ramdam ko ang namumuong galit at poot sa aking puso at ang tanging nakakapawi lamang nito ay ang pagpatay. Sa sobrang galit ko gusto kong pumatay! Hanggang sa... isang nakakatakot na ideya na naman ang pumasok sa aking isip, mas nakakatakot pa sa ideya ko noon.

"Total, pinaglalaruan ko nalang din naman sila... bakit hindi natin i-level up ang game. Masyadong madali ang mga nangyayare ngayon." Sambit ko.

Tama, isang laro. A game where is your life is at stake. Sabi ni Zac na... mahal niya si Zhraine at mahal rin siya nito? They're both insane. Paglalaruin ko sila. Hindi isang laro na magpapasaya sa kanila ngunit isang laro na sisira sa tiwala nila sa isa't isa.

I will make them suffer. Not only Zac and Zhraine but also those who turned me into this kind of a monster.

I swear.

Zac's P.O.V.

Matapos ang lahat ng nangyare kanina, nakuha ko paring umattend ng klase. Nahuli nga pang ako. Nagsisimula na ang klase ng makarating ako at si Ms. Leyla Perez ang nagtuturo, she's our new adviser. Imbis na paglitan ako ay tumingin lang siya sa akin sabay ngiti.

Hindi parin ako makapagfocus sa klase. Gulong-gulo parin ang isip ko.

Tumungin ako sa labas ng bintana at pinagmasdan ang kagubatan sa labas.

"Posible pa nga kayang makalabas kami ng Secret High?" Tanong ko sa sarili. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam kung sino ang dalawang killer at patuloy parin silang pumapatay.

At dahil narin siguro sa mga nangyayare, hindi ko namalayan na konti nalang pala kaming natitirang buhay. Ako, si Zhraine, Ycezy, Dave, Jilbert, Prince, Yumi at Emerald. Malapit nang magtapos ang paghihiganti ni Haize. Sumasakit ang ulo ko ng dahil sa mga nangyayare!

Pinagmasdan ko ang paligid. Napansin ko na parang lumalabo ang aking paningin at tingin ko ay umiikot ang paligid. Maya-maya ay hindi ko sinasadyang matapon ang bote ng mineral water sa aking lamesa at bigla nalang akong natumba. Wala na akong naalala sa mga sumunod na pangyayare.
.

.

.

.

.

.

.

Nagising ako sa isang pamilyar na lugar. Kung tama ang ako, andirito parin ako sa aming classroom.

Gising na ako ngunit wala pa ako sa aking tamang pag-iisip. Nahihilo parin ako at malabo ang paligid.

Hindi nagtagal ay nahimasmasan narin ako. Pakiramdam ko ay nagmula ako sa napakahabang pagkatulog.

"Zac! Zac!" Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin mula sa likuran. Lumingon ako at...

"Zhraine?" Nagtataka kong sabi.

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now