Chapter 8: The Revelation

65 4 0
                                    

Zac's P.O.V.

"Ang School's History Book?" Tanong ko sa kanila sabay upo sa may sahig. This is such a mess! Dapat hindi nalang ako bumalik sa school na'to!

"Mukang mga wala pala talaga kayong alam Zac." Sambit ni Jilbert habang nakatitig sa akin.

"What do you mean?" Tanong ko sabay hakbang palapit sa kanya.

"Kayong pito; Ycezy, Yumi, Reena, Monique, Zac, Prince, Razor at Dave. Kakatransfer niyo palang sa school sa na'to pero mga nagmamagaling kayo! Marami pa kayong hindi nalalaman sa school na'to." Sabi ni Jilbert nang nakangiti sa amin. Naiinis ako sa mga labi niyang 'yon, nakangiti siya ng para bang nang-aasar.

"Tama siya Zac" Sabi pa ni Zhraine. "Ang Secret High ay hindi lamang school ng mga matatalino kundi pati na rin school ng mga demonyo."

Hindi ko sila maintindihan.
Naguguluhan ako sa mga sinasabi nila.
Ano ba ang meron sa school na'to?
Ano ba talaga ang sekretong itinatago nito?

"Ipaliwanag niyo ang mga pinagsasasabi niyo!" Sigaw ni Ycezy sa kanila.

"Hindi ba dapat kayo muna ang magpaliwanag sa'min, hah?! Ycezy, Yumi, Charlotte, Zac, Dave, Prince, Emerald, at Jk isama pa sina Monique at Reena. Hindi ba kilala rin kayo sa tawag na 10 Secret Keeper?!"

"Paanong...?!" Bitin na sabi ni Ycezy.

Bakit ang dami nilang nalalaman? Ito na ba ang oras para sabihin sa kanila?

"Sigurado ba kayong gusto niyong malaman.. kapalit ng buhay niyo? " Tanong ko sa kanila ng nakangiti. Ano ito? Bumabalik na naman ang dati kong katauhan. Bumabalik na naman ang pagkademonyo ko.

"Wag kayong mag-alala dahil matagal na! Hindi niyo ba alam ang motto ng school na'to? ONCE YOU KNOW, YOU'LL DIE..." Sagot niya sa akin habang pinaglalaruan ang kanyang buhok.

"Sige" Sabi ko sa kanila.

"Sigurado ka ba Zac na ito na ang oras pa malaman nila?" Tanong sa'kin ni Ycezy na mukang natatakot.

"Oo." Sagot ko sa kaniya. "The Secret High is a very famous highschool known for its advanced lessons, ewan ko lang ngayon kung ano nang nangyare sa school na'to. Dati, the class 1-S section doesn't really exist but instead our section is 1-Z. Ang class 1-Z ay isang section na puno ng kalinuhan at kasamaan kaya minsan narin kaming tinawag na OWL STUDENTS...

_______________________________________

Trivia

Owl represents Intelligence and Darkness.

_______________________________________

Merong isang babae na nagngangalang Haize R. Perez. Siya ang pinakamatalino sa lahat at sa totoo lang, napakaganda rin niya. Siya ang top student ng aming section. Hinahangaan, Tinitingala, iyan siya. Naging dahilan ito ng inggit at pang-aapi. Kaming sampo o mas kilala sa tawag na 10 Secret Keepers ay isang grupo ng mga matatalinong studyante sa aming classroom. Wala pang time na nawala kami sa top pero nangdumating yang si Haize na 'yan, nagsimula nang bumaba ang mga grades namin habang siya ay patuloy na tumataas. Dahil sa inggit at galit nagsimula kaming saktan at pahirapan siya. Binayaran din naman ang aming advicer na si teacher Anne para ibagsak siya pero... patuloy parin ang pagtaas niya. Hanggang sa nagplano kaming pahirapan at pa..."

"Tama na Zac, itigil mo na! Ayoko na yang marinig!" Pagmamakaawa ni Charlotte sa akin.

Bigla nalang hinila ni Scarlette si Charlotte at itinutok ang isang lapis sa tenga nito at sinabing... "Tumahimik ka nga! Dummy! Kung ayaw mong makinig then just die!"

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now