Chapter 22: Lies behind Him

28 1 0
                                    

Zac's P.O.V.

Tanaw na ng aking mga mata ang dorm ni Razor. Isang babae ang lumabas mula doon habang si Razor ay pinagmamasdan ang paglalakad nito palayo. Sino 'yon? GF niya? Unbelievable!

"Razor!" Tawag ko sa kanya.

"9 mins. late." Sambit niya habang ipinapakita sa akin ang kanyang relo.

"Sino nga pala 'yong babae? GF mo 'no?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Gf agad? Baliw! Kakilala ko lang 'yon sa class 3-D. Sa loob nalang tayo mag-usap." Sabi niya. Nang makapasok ako ay agad akong nahiga sa kanyang kama at siya naman ay naupo sa sofa. Komportable talaga ako dito sa kwarto niya dahil bukod sa pinsan ko siya, eh bestfriend ko rin siya. Mula pagkabata ay lagi kaming magkasama. Natatandaan ko pa ang ilang mga kulitang pinaggaga-gawa namin... karamihan ay nabura na sa aking isipan, simula noong...

"Zac? Hoy! Bakit kaba natutulala?" Nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin. Ano na nga ba 'yong iniisip ko? Nevermind.

"Sorry. Anyway, okay ka na?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman. Ano nga pala 'yung sasabihin mo?" Tanong niya na mukhang curious sa sasabihin ko. May kinuha ako sa aking bulsa at ipinakita sa kanya.

"Singsing? Para kanino?" Muli niyang tanong.

"Kanino pa ba? Kay Zhraine syempre. Matagal ko na 'tong binili, wala pa tayo dito sa Secret High, at balak ko itong ibigay sa taong magpapatibok ng puso kong bato... At si Zhraine 'yon. Gusto ko sanang ibigay 'to sa kanya sa oras na makalabas na tayo dito sa impyernong school na'to." Sabi ko habang pinagmamasdan ang singsing na kanyang hawak-hawak.
"Razor... Patingin nga pala ako nung astig mong T-shirt." Muli kong sabi.

"Nandun sa drawer ko." Sambit niya. Kinuha mo yung T-shirt at... Nagsimula nang maghubad pero...

"Teka-teka. Anong... ginagawa mo?" Nauutal niyang tanong sa akin.

"Nagbibihis! Teka may lagnat ka ba?" Tanong ko rin sa kaniya. Namumula siya at parang pinagpapawisan. Mukhang hindi pa talaga siya okay. May isa lang akong napansin... Nakatingin siya sa katawan na para bang... Ewan!

"Oo nga pala Zac... Kumain ka na? Tara sa Canteen." Sambit niya na sinang-ayunan ko naman.

(Forward)

"Ate, Apat pong pancake, untian niyo lang po 'yung chocolate syrup, palagyan narin po ng butter sa ibabaw at saka po isang bote ng tubig." Sabi ko kay ate na nagtitinda.

"Ate, same." Sambit ni Razor habang pinaglalaruan ang isang bola ng basketball, maglalaro daw siya pagkakain niya. Di kinalaunan ay naibigay rin agad sa amin ang aming order. Free lahat ng pagkain dito for all the students here in school. Astig diba? Kahit na kung anu-ano ang mga nangyayare dito, isa parin itong school. Kaso ayokong kumain ng madami... Baka umalis 'yong abs ko.

Humanap agad kami ng bakenteng upuan and as expected marami na namang estudyante dito. Sabi kasi nila mas-social daw ang mga pagkain dito sa top floor kaysa sa ibang canteen. Ewan ko lang... 'Di ko pa kasi nasusubukang kumain sa ibang canteen, nakakatamad kasing bumaba. Ng makahanap kami ng mauupuan ay agad kaming naupo at kumain. Maingay pero... Isang ingay ng kaguluhan ang nangingibaw.

"Umalis ka nga dito, bitch! Pwesto namin 'to." Sigaw ng isang babae.

"And... Didn't you know that freaks are not allowed here? O tanga ka lang talaga?" Sambit nung isa pang babae. Tiningnan ko kung sino 'yung binubili nila at nakilala ko ito. Si Charlotte... pinaliliguan na naman ng spaghetti. Madalas 'tong mangyare. Favorite target talaga siya ng mga bully dito pero 'ni hindi siya magsumbong sa mga teacher... At kahit na magsumbong siya para namang may pakialam 'yung mga guro dito. They worked here for money so they don't care.

Battles Of The Gifted OnesOnde as histórias ganham vida. Descobre agora