Chapter 24: Liers go to hell

28 2 0
                                    

Zac's P.O.V.

"Ouch!" Sigaw ko. Nagpatak na naman 'yung alarm clock sa mukha ko. 7:30am. May pasok na kami kaya naman bumangon na ako agad. Pumunta muna ako sa canteen para kumain sunod ay naligo na ako at nagbihis. Ito ang araw kung saan dapat ko nang malaman kung ano ang katotohanan.

Kahit ngayon... Hindi ko parin maiwasang maluha dahil sa nangyare kay Razor. Kasalanan ko 'yon pero pilit ko nang pinapakalma ang aking sarili para sa klase mamaya.

(Forward)

Pumasok na ako ng classroom at parang magsisimula na ang klase.

"Ma'am, excuse me po. Pwede ko po ba munang kausapin ang mga kaklase ko. Something private and really important." Sambit ko.

"Okay... I'll be back in 1 hour." Sabi niya sabay labas ng classroom.

"Oh, Zac. Ano 'yong importante mong sasabihin." Malambing niyang sabi sa akin. Hindi na ako muling maloloko ng mga salitang 'yan.

"Please, Ycezy. Itigil niyo na ang plastikan na'to. Totoo ba...? Totoo bang ginamit niyo lang ako." Hindi man lamang sila nagulat sa aking sinabi. Confirm.

"Gusto mo ng totoo? Pwes... I'll tell you the truth." Bigla na lamang nag-iba ang tono ng kanyang pananalita. Nag-iba ang aura ng buong classroom. Bigla nalang lumamig. "Tama ka Zac... Ginamit ka lang namin kaya mula ngayon wag ka nang magmamagaling because you're just our tool, we'll use you whenever we want."

"Dyan ka nagkakamali... Hindi niyo na ulit ako maloloko at magagamit." Sabi ko habang kinukuha ang baril sa aking likuran. Itinutok ko ito sa kanila ng walang pag-aalinlangan.

"Papatayin mo kaming lahat? Tanga ka ba?!" Matapang na sigaw sa akin ni Jilbert. Ng dahil sa inis... Binaril ko siya ng walang pag-aalinlangan. Tinamaan siya sa may braso na nagdugo ito ng husto. Dapat lang 'yan sa kanya.

"Oo, tanga ako. Ano ang sekretong itinatago niyo?" Aking tanong sa kanila. Alam kong meron silang itinatago... Nararamdaman ko.

"Okay! I'll tell you. Ibaba mo lang 'yang baril." Sambit niya na medyo natatakot. Dapat lamang silang matakot. Ibinaba ko ang baril gaya nga ng sinabi niya at naghandang makinig sa lahat ng kanyang sasabihin. "Magsisimula pa lamang ang lahat."

"Ang lahat?" Muli kong tanong pero bago pa niya ito masagot, ang tunog ng pagbukas ng pintuan ang pumukaw ng atensyon naming lahat. Si Haize?

"Tama siya, Zac. Pansamantala ko munang ititigil ang paghihiganti ko dahil..... Alam kong kayo-kayo rin naman ang magpapatayan." Sambit niya. Ano na naman 'to? Gulong-gulo na naman ang isip ko dahil sa mga sinasabi nila.

"Sasabihin ko sa'yo Zac..." Bitin na sabi ni Zhraine. Naglakad siya palapit sa akin at itinuloy ang kanyang sinasabi. "Merong dalawang killer at papatayin nila ang lahat ng estudyante na makakaalam ng sekreto nila."

"Isang nagpapanggap... At isang sinungaling. Alamin mo kung sino sila at siguradong panalo ka." Sambit ni Ycezy.

"Simula ngayon Zac, dito na ako sa classroom niyo at papanoodin lahat ng ginagawa niyo. Tandaan mo, hindi lang ako ang kalaban dito... Lahat sila pwede kang patayin... Kasama na ang pinakamamahal mo." Sabi ni Haize sabay ngiti. Nagulat ako noong sinabi niyang pati ang pinakamamahal ko. Si Zhraine ba ang tinutukoy niya? Nagsisinungaling na naman siya.

"Si Zhraine? Hindi siya katulad niyo!" Matapang kong sigaw sa kanila.

"Talaga? Bakit hindi ikaw mismo ang magtanong kay Zhraine?" Sambit ni Dave na nakaupo sa dulo ng classroom. "Kasabwa't namin siya sa lahat. Siya ang dahilan kung bakit ka namin naloko. Masyado kang nabulag sa kanyang pag-ibig na di naman totoo." Muli nitong sabi.

Noong mga oras na iyon... Napaisip ako kung dapat ba akong maniwala sa kanila. Sa tingin ko ay dapat pero ayokong maniwala. Hindi magagawa ni Zhraine na lokohin ako.

Tiningnan ko si Zhraine. Nakatungo siya at parang malalim ang iniisip. Hindi 'to pwede.

"Zhraine..... Sabihin mong hindi iyon totoo at maniniwala ako sayo." Sabi ko.

"Sorry." Sabi niya. Noong marinig ko ang salitang iyon, eto na naman, namumuo na naman ang mga luha sa aking mata. "Zac...pero..."

"Zhraine naman! Please?! Itigil mo 'yang kaplastikan mo! So, lahat... Lahat ng 'yon ay hindi totoo? It's just an act?! That confession... That kiss... It's all fake?! Napakauto-uto ko talaga. Ginamit niyo akong lahat!" Sigaw ko sa kanila. Ang sakit pala. Bumalik sa akin ang mga alala ko noong mga nakalipas na araw. Kaya pala parang iba ang tingin nila sa amin ni Zhraine ay dahil panloloko lang ang lahat.

Natatandaan ko pa noong una kong makilala si Zhraine. SHIT!!! Nalove at first sight ako noon sa kanya pero ang sakit isipin na ang taong aking pinakamamahal ay siya rin palang dahilan ng lahat, dahilan kung bakit nila ako nagamit at naloko. Mga sarili lamang nila ang kanilang iniisip, mga demonyo talaga sila.

"Zac... Hindi ako kagaya nila!" Sigaw rin ni Zhraine sa akin.

"Wow, Zhraine! Pare-pare lang tayo ditong mga demonyo! Wag ka nang magsinungaling." Sambit ni Ycezy sabay irap kay Zhraine.

"Zac...please naman. Maniwala ka sakin! Minahal talaga kita... Hindi kasinungalingan ang lahat!"

"Ngayon pa ba ako maniniwala sa mga pinagsasasabi mo kung kelan nasaktan na'ko? Dapat pala hinayaan nalang kitang mamatay! Hindi ako makapaniwalang isinakrispisyo ko si Razor para lamang sa isang taong katulad mo." Sambit ko habang pinipigilan parin na tumulo ang aking mga luha. Ayokong magmukhang mahina sa harapan nila.

"Zac... I love you. Maniwala ka naman sakin please?" Pagmamakaawa niya sa akin habang hawak-hawak ang aking mga kamay. Huli na ang lahat para maniwala pa ako sa kanya.

"Tama na Zhraine! I HAVE ENOUGH OF THAT BULLSHIT!!!" Muli kong sigaw sa kanya. Hindi ko na kayang pigilan ang galit na aking nararamdaman. Gusto na nitong sumabog sa loob ko. Kinuha ko ang baril at itinutok sa ulo niya. Handa ko siyang patayin para maibsan lang itong aking galit.

"Shoot me... Kung iyon lang ang tanging paraan para maniwala ka sakin... THEN YOU'D BETTER SHOOT ME!!!! NOW!!!!!" Sigaw niya habang umaapaw ang mga luha sa kanya. Sa kabila ng lahat ng ginawa nilang panloloko sakin... Hindi ko parin magawang barilin siya. Nanginginig ang aking mga daliri at di'ko maigalaw ang aking mga kamay. Oo, hindi ko matanggap na niloko niya ako at gusto ko siyang patayin pero hindi ko parin maitatanggi ang pagmamahal ko sa kanya. Shit. "Sasabihin ko sayo ang totoo, Zac. Ipangako mong paniniwalaan mo lahat ng sasabihin mo." Muli niyang sabi.

"Ok." Napasagot ako ng di namamalayan. Wala ako sa aking sarili at malalim ang iniisip pero handa akong makinig sa lahat ng sasabihin niya.

Ano bang sasabihin niya? Hindi ko masabi kung maniniwala na naman ako sa mga sasabihin niya.

Kayo na ang humusga.

"Sasabihin ko na kung saan ba talaga ako nagmula." Sani niya. Saan nagmula? Dapat ko pa ba 'yong malaman. Nonsense.

"Anong meron sa pinanggalingan mo?" Tanong ko.

"Nagmula ako sa section kung saan lahat ng estudyante ay pinahihirapang mag-aral." Sabi niya.

"So, what are you doing here?" Tanong rin ni Ycezy. "Don't tell me ikaw ang...!?!"

"Ang ano?" Muli akong napatanong. Napaisip ako sa sinabi ni Ycezy.

"Oo, pinatay ko silang lahat." Nanlaki ang mga mata pero naguguluhan parin ako sa mga sinabi niya. Pinatay niya silang lahat? "Pinatay ko lahat ng kaklase ko sa class 1-E section."

..........

Battles Of The Gifted OnesWhere stories live. Discover now