Chapter 20: The War Begun

39 1 0
                                    

WARNING: Ang Chapter na ito ay naglalaman ng mga mas mararahas at mas maseselang bahagi kaysa sa mga naunang chapter. Blood here, blood there, blood everywhere.

Claire's P.O.V.

Hindi ako mapakali at patuloy kong pinaglalaruan at pinaiikot-ikot ang buhok ko. Naiinip na ako! Bakit ba ang tagal naman naming sumugod?! Para mapatay ko 'yong lalaking sumampal sa'kin! Sayang naman 'yung kapogian niya dahil maya-maya lamang ay papatayin ko na siya. Oo, ako si Claire Loudly... Ako 'yong studyante na nabihag nila kanina lamang pero nailigtas rin ako nitong si Nikko na gumamit ng machine gun.

Mag-aalasnuebe na. Nakahanda na ang mga gagamitin namin ng mga kaklase ko sa gera namin sa class 1-S. Nananabik na akong matapos ang paghihirap naming lahat. Matatapos na ang mga gabi-gabi naming pagtatago at pakikipaglaban.

"Claire, o... Ito ang gamitin mong armas. Ingatan mo 'yan." Sabi ni Sir Aizawa sa akin habang iniaabot ang isang chainsaw. I like it. Si Sir Aizawa ang advicer ng class 1-S at siya rin ang nagplano ng lahat ng ito. Bakit? Dahil gusto daw niyang maghiganti sa mga studyante sa classroom na'yon kaya ito kami ngayon... Handang pumatay.

"Thank you po, sir." Sabi ko sa kanya.

"Ano ba?! Pakawalan niyo ako dito!" Sigaw ng babaeng bihag namin habang pilit na nagpupumiglas. I pity her pero gusto rin siyang patayin dahil sa itsura niya. She's so beautiful... Ang sarap balatan ng pagmumukha niya!

Attention everyone. The time is 9:00pm. A Section War between the class 1-S and the class 1-A is about to start. Any kinds of weapon our allowed to use in this event. Enjoy.

Narinig na sa buong school ang isang anunsyo tungkol sa magaganap na Section War at kasunod nito ay ang malakas na tunog ng school bell, hudyat na simula na ito.

"Oras na..." Sambit ni Sir Aizawa na nakatayo sa may unahan ng classroom. Sa wakas! Ang pinakahihintay naming oras ay dumating na! "Siguraduhin niyong maipaghihiganti niyo ako. Gusto kong dalhin niyo ang mga ulo nila sa'kin para sigurado akong napatay niyo na talaga sila. Maghihintay lamang ako dito... at bago kayo umalis, gusto ko lang sabihin sa inyo na... ENJOY." Muli niyang sabi. Yuck! But I like that idea.

"Ito na ang oras... Mag-ingat tayong lahat. Sugod!" Sigaw ng class president namin na si Vincent. Sugod?! Natatawa ako sa salitang 'yon. Kelan ko ba huling narinig ang salitang iyon? Parang laro lang ang mga nangyayare pero hindi... Totoo ang lahat... This is the reality and this is me. Naglakad na kami palabas ng classroom ng nakataas ang mga noo at handa nang lumaban sa gera. Nasa unahan ang si Vincent na nagsisilbi naming pinuno. We're not planning a sneak attack dahil ang gusto namin ay isang maingay, magulo, at madugong laban.

Nang malapit na kami sa classroom ng 1-S, balak na sana naming tumakbo para sugudin sila pero itinaas ni Vincent ang kanyang kanang kamay na nasa may unahan namin hudyat na tumigil muna kami. Bakit?

"Tingnan niyo." Sambit niya. Lumapit ako sa bintana ng classroom at pinagmasdang mabuti ang loob nito. Halos wala akong makita dahil sa kapal ng usok sa loob. Ano 'to? Tumingin ako kay Vincent ng may pagtataka sa aking mukha.

"Smoke screen." Sabi niya sa akin. Smoke screen? This can't stop us. "Nikko! Ang machine gun! Nagtatago lamang sila." Muling sabi ni Vincent. Tama siya! Maaaring nagtatago lamang sila sa loob ng makapal na usok. Ang talino talaga nitong si Vincent. Lumapit si Nikko sa may pinto ng classroom at sinimulang tadtarin ng bala ang buong kwarto. Lumayo ako mula sa kanya dahil sa lakas ng tunog nito. Nakakabingi!

"Tama na 'yan. Lahat kayo pasok! Patayin niyo lahat makikita niyo at wag niyong kakalimutan ang pasulubong natin kay sir Aizawa!" Sigaw ni Vincent. "Claire, maiiwan muna tayo dito." Sambit niya habang nakapatong ang kaniyang kanang kamay sa aking balikat.

Battles Of The Gifted OnesWo Geschichten leben. Entdecke jetzt