Chapter 21: Mistakes

32 1 0
                                    

Zac's P.O.V.

Agad akong nagtungo kay Zhraine at tinanggal ang kanyang pagkakatali sa upuan. Dama ko ang sakit at hirap na dinanas niya kay Sir. Aizawa dahil sa mahigpit niyang pagyakap sa akin.

"Thank you Zac." Sabi niya habang di mapigilang mapaluha.

"Ok na Zhraine. Tapos na ang Section war." Sambit ko.

"Nagsimula na pala." Bulong ng isang tao mula sa aking likuran. Lumingon ako upang tingnan kung sino iyon pero lahat sila... Lahat ng mga kaklase koay nasa aking likuran. Mga nakatayo at pinanonood kaming dalawa ni Zhraine.

"Nagsimula na ang ano?" Tanong ko ngunit ang ilan sa kanila ay parang walang narinig, mga nagbingi-bingihan. Ano kayang nangyare?

"Hah? Ano bang sinasabi mo Zac?" Pagtataka ni Ycezy.

" Tapos na ang gera at... nanalo tayo." Sambit ni Prince na parang di parin makapaniwala.

Attention everyone. The Section War has ended. The winner is the class 1-S. Please go to the Head Teacher's Office at the 8th floor immediately. Thank you.

Isang anunsyo na naman ang aming narinig hudya't na tapos na nga ang gera. Teka? Paano nila nasigurado na patay na lahat ng estudyante ng class 1-A? Anyway, bakit kami pinapatawag?

"Sumunod tayo." Sambit ko habang itinatayo si Zhraine.

Naglakad na kami palabas ng classroom, iniwang nakahandusay sa sahig si Sir. Aizawa na wala ng buhay.

(Forward)

"Mrs. Herra..." Sambit ko habang kinakatok ang pinto ng opisina niya.

"Pasok." Sambit ng isang babae mula sa loob. Binuksan namin ang pinto at sumalubong sa amin ang isang maganda at maamong mukha ng isang babae. Siya ba si Mrs. Herra? Nakaupo siya at sa unahan niya ay isang magarang lamesa. Siya nga! Hindi ako makapaniwalang ganito kaganda at kabata ang head teacher.

"Mrs. Herra?" Tanong ko habang naglalakad na kami papasok.

"Don't call me in that way. Nagmumukha akong matanda." Sambit niya.

"Bakit, hindi ba?" Pagbibiro ni Jilbert. Napakaprangka talaga nitong taong 'to. Ipapahamak siya ng paraan ng pagsasalita niya. Kita kong tumayo si Mrs. Herra at naglakad palapit kay Jilbert at nagbitaw ng isang malakas na sampal. Halos tumilapon 'yong ulo niya sa sobrang lakas.

"You should think before you speak, punk. My name is Mrs. Herra May Slaughtery, FYI, I'm the head teacher then all of you should call me Madam Slaughtery." Sabi niya na parang walang nangyare. Naniniwala na ako ngayon sa kasabihang... Looks are deceiving, tama ba? Sa kabila ng kagandahang meron siya, isang demonyo ang nagkukubli sa loob niya. She's the one who made that fucking Slaughter Party after all.

"Yes, Madam Slaughtery." Sabay-sabay naming sagot sa kanya.

"Alam niyo ba kung bakit ko kayo pinapunta dito?" Tanong niya sa amin.

"No. Madam." Sagot ko.

"Gusto ko lang naman kayong batiin sa pagkapanalo niya sa Section War. Ikalawang section na kayo sa nagwagi ng Section War." So nagkaroon na pala ng Section War dati? Marami na talagang nagbago sa school na'to mula nang sandali akong umalis. "You're the winners, kaya binibigyan ko kayo ng isang kahilingan."

"Kahilingan?" Nagtataka kong sabi.

"Yes. Kahit ano... Tutuparin ko maliban lamang sa isang bagay, hindi niyo pwedeng hilingin na makaalis ng school na'to." Paliwanag niya sa amin.

Battles Of The Gifted OnesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon