Chapter 1: Mission

66.3K 1.1K 23
                                    

Nagising ako sa tunog ng telepono. Patamad ko itong inabot habang pikit parin ang mata ko.

[Hey sniper wazzup!?] sambit ng nasa kabilang linya.

"Straight to the point Lion!" inis kong sagot at saka ako bumangon at naupo sa kama.

[May ipapagawa sayo, naifax ko na ang details.]

Okay!

Pinutol ko na ang tawag at basta nalang initsa sa kama ang aking celphone.

Tumungo ako sa kusina at kumuha ng gatas sa ref.

Saktong pagbalik ko sa silid ay ang pagtunog ng aking fax machine.

Kinuha ko ito at saka pasalampak na naupo sa kama.

Huh? Wow ha.. Kabago bago pa niya ay target na agad..

Natatawa akong tiningnan ang picture ng bagong halal na gobernador.

Ito ang trabahong minana ko pa sa magulang ko.. Ang maging isang assassin.

Ako si Lian Vena, isang half Korean half filipina. At sa edad kong 19 ay isa na ako sa pinagkakatiwalaang assassin ng mafia society.

Walang sinuman ang nakakakilala sa aking tunay na katauhan sa mafia maliban kay Lion na siyang tagabigay sa akin ng trabaho.

Kilala lang nila si Sniper..

Sadyang inilihim ng magulang ko ang aking katauhan upang maprotektahan ako sa mga kalaban nila.

Hmmm... Isa pala siyang racer.. Sisiw naman..

Agad kong hinanap sa aking computer ang kinaroroonan ng aking target.

Namana ko pa ang mga gadgets ko sa aking magulang na di ko alam kung saan na naroon.

Isa itong computer na nakakonekta sa isang satelite sa kalawakan na makakalocate sa isang tao sa buong mundo kahit pa nasa loob pa ito ng isang building gamit lang ang kanyang cellphone.

Matagal ko rin itong pinag-aralan gaya ng pagsasanay ko sa ibat ibang klaseng martial arts at paghawak ng baril.

Matapos ko siyang malocate ay pinatay ko na ang computer at isinara ang vault na kinalalagyan nito.

Nagpalit ako ng isang all black na seksing damit na nagpalitaw sa aking hubog at kaputian.

Nasa party pala siya.. Sambit ko sa sarili matapos malaman ang kinaroroonan ng aking target.

Lumabas na ako ng bahay dala ang aking guitar bag na naglalaman ng aking baril at pinindot ang remote na bitbit ko.

Tila naman kinain ng lupa ang bahay at nawala ito sa aking paningin at nagmistulang bakanting lote nalang ang lugar. Isa ito sa paraan upang di ako malocate ng sinuman. Pamana rin ito ng aking magulang.

Sumakay ako sa aking red lambhorgini na nakapark sa katabing bahay. Yun ang front ko pag isa lang akong ordinaryong mag-aaral..

Yeah.. Nag-aaral ako ng Accountancy sa **** university. 3rd year na nga ako eh.. Pero minasan lang ako pumasok.

Agad kong pinasibat ang kotse at mabilis kong narating ang aking distinasyon.

Agad akong pumasok sa kabilang building ng hotel na pinagdarausan ng party ni Gov.

Pumwesto ako sa kwarto na nakaharap sa convention hall at inayos ang portable gun ko at hinanap sa telescope ang aking target.

Agad ko naman siyang nakita sa isang sulok at kausap ang isang seksing babae.

Napaismirk ako at inayos ang pagkatutok ng aking baril sa kanya.

Isa..

Dalawa...

Bang!!!

Tinamaan sa ulo ang aking target.

Napangisi ako ng makitang bumulagta na siya at nagkagulo naman ang naroon.

Iniligpit ko ang aking gamit at lumabas na ng building.

Upang di masyadong halata ay pumasok pa ako sa hotel at nakihalubilo sa mga naroon.

Nakita kong inilabas nila ang bangkay ni Gov.kaya napangisi ako ng lihim.

Walang kwentang mga bantay..

Tumayo na ako at lumabas ng hotel nang makaalis na ang ambulansyang nagdala kay Gov sa ospital.

Di na yan aabot for sure.

------------------

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon