Chapter 25: Birthday

29.4K 615 13
                                    

May magbabalik.... Tentenen...

---------

Lian's POV:

First day of vacation kaya sinusulit ko ang oras sa pagbabad sa higaan.

Tinatamad akong bumangon kaya kahit kanina pa ako nagising ay nakahiga pa din ako sa kama at yakap yakap ang aking unan.

Kumusta na kaya si Rave?

Nakakamiss din pala ang hightempered na lalaking iyon..

Napangiti ako sa naisip.

Halos kalahating oras din akong nanatili sa higaan bago nagpasyang bumangon.

Ano kayang magandang gawin ngayon?

Naglinis muna ako ng bahay at saka inatupag ang labahin.

Sakto namang kumulo ang tyan ko pagkatapos kaya nagpasya akong kumain.

Alas dos na pala ng hapon at wala pang laman ang aking tiyan mula kanina.

Buti nalang at may stock akong cup noddles palagi.

Kumuha ako ng dalawa at saka naupo sa dining table.

Kailangan ko na palang mamili at wala na akong stocks ng pagkain.

Nang maubos ko ang noddles ay nagpalit na ako ng damit.

Wala pala akong kotse.

Maglalakad nalang ako..

Nilock ko na ang bahay at saka naglakad palabas ng subdivision.

Medyo mainit pa ang sikat ng araw kaya sa gilid lang ako dumadaan upang di derektang tamaan ng sinag.

Papaliko nako sa may kanto ng maramdaman kong may nakasunod sa akin.

Binagalan ko ng konti ang lakad ko upang mauna ito subalit biglang nawala ito.

Muli ay binilisan ko ang lakad.

Nakasunod na naman ito.

Napangisi ako.

Bigla ang ginawa kong paglingon subalit mas maliksi itong nakapagtago at di ko na nakita.

"Brad, ano ba!? Kanina ka pa sunod ng sunod.." nakapameywang.kong sabi at nakanguso pa ako.

Nakangisi namang lumabas si Brad mula sa likod ng poste.

"Paano mo nalamang sinusundan kita?" tanong niya at mabilis na lumapit sa akin.

"Eh nakita kita!" sabi ko.

"Talaga? Akala ko pa naman di mo ko napansin.." pabulong niyang sabi.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"At bakit mo naman ako sinusundan aber?" tanong ko uli.

"Wala lang.. Gusto lang kitang samahan.. Kumusta nga pala ang sleepover mo kina Ashley?"tanong niya.

Napakunot noo ako ng may maalala.

Yung anino na biglang naglaho.

"Nagpunta ka ba doon?" ako.

Nakita kong bahagya siyang natigilan subalit ngumiti din siya pagkuwan.

"No! Bakit namimiss mo ko doon ano? Hinahanap hanap mo ang kagwapuhan ko!" pang-aasar niya.

Napatawa ako.

"Yuck! Ikaw mamimiss ko? Hindi noh!" sabi ko at tumalikod na.

"Hoy teka! Lian! Aminin mo.. Nagkacrush ka na sa akin no?" hirit pa niya.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon