Chapter 31: Awaken

25.4K 582 26
                                    

Someone's POV:

"Isang kapapasok na balita.. Kasalukuyang nasusunog ang chapel na pinaglagakan ng katawan ng nag-iisang tagapagmana ng San Diego Empire. Inambush din ang kaibigan niyang si Louie Aragon habang patungo sa chapel."

Fuck!

Naibato ko ang remote sa flat screen.

Basag ito at nawala ang palabas.

Mahinang katok ang pumukaw sa aking atensyon.

Humarap ako sa sinumang nasa aking likuran.

Nag vow pa ito sa akin.

"Anong dala mong balita?"

"Nasa kanya po si Rave.. Pero hindi namin matrace ang kinaroroonan nila."

Nangalit ang bagang ko sa narinig.

Iwinagayway ko ang hawak kong baston.

Yumukod uli ito bago umalis.

"Makukuha din kita, Sniper.. Balang araw ay mawawala ka din sa landas ko.."

*****

Lian's POV:

Kanina ko pa hinihintay ang pagtawag ni Lion.

Inabala ko nalang ang sarili sa pag eescan ng computer.

Nasaan ba siya?

Kanina ko pa siya tinatawagan pero di ko pa din siya makontak.

Pabalik balik na ako sa paglalakad sa sala.

Damnit!

Biglang bumukas ang pinto kaya agad akong napatingin dito.

Nakakunot-noong mukha ni Lion ang bumungad sa akin.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko sa kanya.

Di ako pinansin ni Lion at derederetsong pumasok.

Dinampot niya ang remote at binuksan ang isang channel sa tv.

'Muling nagbalik ng bansa ang mag-asawang San Diego matapos ang labintatlong taon nitong pamamalagi sa Amerika. Subalit isang masamang balita ang bumungad sa kanila. Sinunog ng di pa nakilalang tao ang chapel na kinalalagyan ng katawan ng kanilang nag-iisang anak."

Kinuha ko ang remote at pinatay ang tv.

So andito na sila..

Tamang-tama lang sa plano ko.

"Ikaw bang may gawa nito?" tanong ni Lion.

Ngumisi ako.

"Hindi. Pero nakabubuti sa akin ang nangyari. Kailangan ko sila. At naayon na ang lahat sa plano ko." sabi ko.

Inikot-ikot ko ang remote sa aking kamay.

"Alam ko na kung nasaan sila. Makukuha ko din sila Lion.. Malapit na malapit na. At pag nagawa ko na yun.. Mananagot ang lahat.." nakatiimbagang kong sabi.

Tiningnan ako ni Lion.

Alam niyang may binabalak ako.

Pero hindi kita idadamay dito kambal.

Ako lang ang haharap sa kanila.

"Anong plano mo?" sabi niya.

Umiling ako.

"Wala.. May hinihintay pa ako.." sagot ko.

Dinampot ko ang papel na inilapag ko sa mesa kanina.

"Nandyan sila. Alam kong andyan sila. Konti nalang Lion at makukuha ko na si Mommy. " ako.

Dinampot naman ni Lion ang papel at tiningnang mabuti.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon