Epilogue 2: The Comeback

27K 567 38
                                    

Rave's POV:

Tatlong buwan..

Tatlong buwang pangungulila sa kanya..

Tatlong buwang pagpapakagago...

Pero tama sila..

Di ko dapat sayangin ang ikalawang buhay na ibinigay ni Lian sa akin.

Angel ko... Mahal na mahal kita..

Kung nasaan kaman ngayon...

Sana masaya ka...

Sana balang araw ay magkikita pa tayong muli.

Kahit anong mangyayari ay ikaw pa rin..

I love you Lian..

It's time to move on..

******

Liana's POV:

Waaaahhhh...

Bakit ngayon lang ako nagising?

Tok.. Tok.. Tok...

Hala! Patay!

Nagmamadali kong binuksan ang pinto ng aking silid.

Tama nga ako..

Bumungad sa akin ang nakakunot na noo ni Darius, ang aking personal butler.

Bata pa naman ito..

Mukhang mas matanda lang sa akin ng limang taon.

"Young lady, bakit di pa po kayo nakabihis? Ngayon ang alis niyo pabalik ng Pilipinas.." mahinahong sabi nito.

"Ah..eh... Sorry! ^_^v.. Tinanghali kasi ako ng gising eh.. Pero 30 mins.." sabi ko at mabilis na isinara ang pinto.

Di ko na hinintay na magsalita pa siya at tiyak na sesermunan na naman ako noon.

Agad akong naligo at nagbihis.

Pagkababa ko ng hagdan ay nginitian ko ang mga katulong na nakahelira sa ibaba.

Isa-isa ko silang niyakap.

"Mamimiss ko po kayo..." mangiyak-iyak na sabi ko.

Sa loob kasi ng limang buwan kong pananatili dito sa Japan upang magpagaling ay naging kasundo ko na sila.

"Mamimiss rin namim po kayo, Young Lady..." halos sabay-sabay nilang sagot.

Nag vow sila sa akin habang palabas ako ng bahay.

Mamimiss ko ang lugar na ito.

"Tayo na po, young lady.. Nakahanda na po ang iyong private plane." sabi ni Darius.

Tumango ako at sumakay na sa kotse.

Pilipinas...

Ano kayang mangyayari sa akin doon?

Hanggang ngayon ay wala pa.din akong maalala..

Sabi ni papa, naaksidente ako kaya nagkabali-bali ang buto ko at nagka amnesia ako..

Pero tila may kulang..

Tila may mga bagay na.di pa niya sinasabi sa akin..

Napabuntong-hininga ako at saka isinandal.ang ulo sa sandalan.

"Darius, di ba sasama si Papa?" baling ko sa katabi.

"Susunod daw siya. May aasikasuhin lang.." sagot naman nito.

Palagi nalang siyang busy..

Ilang beses pa lang kaming nagkita mula mg magkamalay ako..

Anu ba yan...

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon