Chapter 34: Traitor! The Final Battle

29.7K 624 50
                                    

Rave's POV:

Mula sa pagkahiga ko sa kama ay mabilis akong napabangon nang marinig ang pagtawag sa akin ni Therese.

Oo nga at mistulang bilanggo ako dito pero naiintidihan ko ang lahat.

Alam ng lahat na patay na ako kaya di muna ako dapat magpakita sa pamilya ko.

Kung anuman ang plano ni Lian ay tiyak na may dahilan siyang mabigat.

"Rave gusto kang makausap ni Brad." sabay abot ng fon pagkabukas ko pa lamang ng pintuan.

Napakunot ang noo ko na kinuha ang fon kay Therese.

Iniwan naman niya ako.

"Yes?"

"We should go to Lian! She's in danger!"

"Fuck! What?"

"Sumugod siyang mag-isa sa mafia mansion. Bilisan mo wala na tayong oras.."

Halos madurog ang fon sa higpit ng pagkahawak ko rito.

Agad kong tinungo ang pinto palabas.

Nakatingin lang sa akin si Therese.

"Rave..!" pagkuway tawag niya sa akin.

Lumingon ako at isang bagay ang mabilis niyang initsa sa akin.

Agad ko naman itong sinalo.

"Nasa likod kunin mo nalang.." sabi niya at pumasok na sa loob ng bahay.

Tiningnan ko ang hawak at napangiti ako ng makitang isa itong susi ng bigbike.

Kaagad kong tinungo ang likuran ng bahay at napangisi ako ng makita ang isang itim na HONDA CBR1000RR 2009.

Whew! Ang gara nito ah!

Mabilis akong sumakay at pinaharurot patungong HQ.

Nagtxt ako kina Louie na magkita kami doon.

Wala na akong oras.

Kailangang sumugod kami.

Ilang minuto ko rung pinaharurot ang motor sa hi-way.

Sa laguna pala ako itinago ni Lian.

Angel ko..

Sana ligtas ka.

Di ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo.

Nakarating ako sa HQ ng Phyton Gang.

Agad akong pumasok at naabutan ko pa sina Louie na nagdediskosyon tungkol sa text ko.

"Sa palagay niyo sino kaya ang nagtext sa atin?" si Louie.

"Ako di ako mapalagay.. Takot ako sa multoooooo...." Gian.

"Si Rave.." Nick.

"Wag ka ngang magbiro Nick.. Wala na si Rave." sabi ni Gian.

"Eh sino yang nakatayo sa likod niyo?" tanong niya sabay nguso sa kinatatayuan ko.

"Fucking shit!"

"W-What!?"

Sabay na sigaw ng dalawa at mabilis na.lumingon sa akin.

Namutla pa sila pareho ng makita ako.

"R-Rave? B-boss? Totoo k-ka?" pagkuway tanong ni Gian.

Napaismirk ako..

"Gago! Ang tapang tapang mo sa.patayan eh takot ka pala sa multo!" sabi ko at lumapit sa kanila.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon