Chapter 15: Revelations

31.7K 661 5
  • Dedicated kay sa lahat ng pasyente sa SMC
                                    

Sabaw ang update na to. Pagpasensyahan kasi nasa ospital pa ako.
Dedicated sa lahat ng pasyente dito. Hahaha..

--------------

Lian's POV:

Alam kong delikado na pumunta pa sa underground arena dahil bago at sariwa pa ang pangyayari sa pagpasok ko.

Tiyak na alerto sila at bantay sarado ang buong lugar.

Subalit kailangan kong kumilos.

Baka isipin ng mafia na di ko ginawa ang misyon ko at unahan ako sa pagtapos kay Rave.

Mabigat man sa loob ko ay patuloy akong nagmanman kay Rave.

Oo si Rave ang misyon ko..

Ang sakit.. Mahal ko na siya pero kailangan ko siyang tapusin..

Binalot ko uli ng makapal na tela ang katawan ko upang magmukhang lalaki ang nakasuot ng itim na damit.

Gaya ng itsura ko dati ay nagpunta ako sa bahay ni Rave gamit ang motor ko.

Pumarada ako sa harap ng kabilang bahay at patakbong tinungo ang mansion ni Rave.

Inakyat ko ang mataas na bakod nito sa may gilid na maraming barb wire..

Pagdating ko sa tuktok ay may malaking puno sa kabila at may isang metro din ang layo mula sa kinalulugaran ko.

Tinantiya ko ang kilos at saka lumundag sa sanga ng puno.

Naglambitin ako at kumapit ng mabuti sa sanga nito.

Inugoy ko ang sanga at ikinapit ng mabuti ang paa sa isa pang sanga.

Nang makaayos ako sa taas ng puno ay nagmanman ako.

Tahimik ang buong solar. Tila walang tao man lang.

Pagpunta ko dati ay wala man lang akong nakitang mga maids.

Napaayos ako ng magkasunod na pumarada ang limang itim na sasakyan at lumabas ang mga armadong lalaki.

Huh? Sino ang mga yan?

Nagmanman pa ako.

Maya maya ay pumarada din ang sasakyan ni Rave at kasunod ang isang.kotsing puti.

Bumaba si Rave at lumapit sa kotseng puti.

Bumaba rito ang isang eleganting may edad na babae. Sumunod na bumaba ang isang may edad na ding lalaki. May hawak pa itong tungkod sa kanang kamay.

Ito kaya ang magulang ni Rave?

Pumasok na sila sa loob ng mansion.

Di ko makita kung anong nangyayari sa loob kaya bumaba nalang ako at umalis sa lugar na iyon.

Rave's POV:

Nagulat ako ng makatanggap ng tawag mula sa personal butler ng pamilya at sabihong nasa pilipinas ang aking mga magulang.

Anong ginagawa nila rito?

Mabilis akong nagmaneho pauwi.

Sayang gusto ko pa naman sanang dalawin si Lian.

Namimiss ko ang gf ko..

Ano kayang pinagkaabalahan niya at wala siya sa school kahapon pa.

Wala din namang text o tawag man lang..

Haloagkasunod pa kaming dumating ng convoy ni daddy.

Nauna akong bumaba at tumayo sa harap ng kanilang kotse.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon