Chapter 18: Gangsters vs. Assassins

35.8K 770 13
                                    

Hello poh! Dahil marami ang nagvote sa story na to kahit pa di pa umabot sa qoutang hiningi ko, eto na po yung update. Sana magustuhan niyo..

-------+++--------

Lian's POV:

"Goodmorning Angel.." bati ng boses ni Rave.

OMG! Hanggang panaginip ba ay si Rave pa din?

Kumilos ako at unti unting iminulat ang mata.

-_o aaaahhhhmmm...

O_- haaayyyy...

o_O huh!?

Nandilat ang mata ko ng mamulatan ang mukha ni Rave.

Agad akong napabangon.

Ouch! Ang sakit ng noo ko.

Sa biglang pagbangon ko kasi ay nauntog ako kay Rave.

"Angel, okay ka lang? Masakit ba?" natarantang sambit ni Rave at hinimas himas pa ang aking noo.

Woah.. Totoo ngang andito siya.

Nahila ko ang kumot at mabilis na itinakip sa aking mukha.

Woah.. Oo nga pala. Dito ko siya pinatulog kagabi.

Aissh...

"Ahm.. Rave doon ka muna sa labas please.. Magbibihis lang ako." sabi ko at nagtalukbong pa din ng kumot.

Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Okay. Labas kana pagkatapos at kakain na tayo." sabi niya.

Narinig ko na ang yabag niya na papalabas kaya mabilis akong tumayo at pumasok sa banyo.

Pagharap ko ng salamin ay muntik pa akong mapasigaw ng makita ang sariling repleksyon.

Mukha akong bruha..

Sabog na sabog ang buhok ko..

Agad akong naligo.

Inayos kong mabuti ang hitsura ko bago ako lumabas ng silid.

Nanonood ng tv si Rave.

Nakapaligo na pala ito at nakapagpalit ng damit.

Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Hubby tara kain na tayo.." sabi ko.

Lumingon naman siya at ngumiti.

"Tara.." sagot niya saka tumayo.

Hinapit niya ako at saka hinalikan sa labi.

"That's for my appetizer." sabi niya.

Di nalang ako umimik.

His a kissing monster nga diba..

Sabay na kaming dumulog sa mesa at hinayaan ko na siyang asikasuhin ako.

Baka kasi magtampo na naman.

"Angel ko, may lakad pala kami ngayon.. Aalis na ko pagkatapos nating kumain.." paalam niya.

"Okay.." sagot ko.

Matapos kaming kumain ay itinaboy ko na si Rave. Balak pa kasi niyang tulungan akong magligpit kaya sabi ko ako na lang. Sanay naman ako.

Hinatid ko siya hanggang sa gate at hinalikan muna niya ako bago umalis.

Hinintay ko munang tuluyang mawala sa aking paningin ang kanyang kotse bago ako pumasok ng bahay.

Iniligpit ko ang aming pinagkainan at naglinis na din ako.

Buti nalang at long weekend ngayon kaya bukas pa ang klase.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon