Chapter 28: The Devil is Awaken

27.6K 606 21
                                    

Lian's POV:

Ilang linggo na din akong pabalik-balik sa mansion.

Nagreresearch ako ng kahit anong maari kung gamiting clue upang mahanap ang kinaroroonan nina papa at mama.

Sa ilang beses kong pagpunta doon ay madalas kong nakakasagupa ang mafia ninjas na tila inaabangan ang pagsulpot ko doon.

Buti nalang at palaging naroon si Brad upang tulungan ako.

Kahit di ko man kailangan ang tulong niya ay nagpapasalamat na din ako at naroon siya dahil nakakakilos ako ng maayos ng di nangangambang may biglang sumugod sa akin.

Nakita ko ang file ng Pentagon sa mafia.

Ngunit malabo pa ding makikilala ko sila dahil puro tattoo lang ang pagkakakilanlan sa kanila at ni isa ay wala pa akong nakitang ganoon kahit kina Culprit.

Palagi akong bigo sa paghahanap ng clue.

"Lian.. Para saan ba yang ginagawa mo?" tanong ni Brad.

Kasalukuyan kaming nasa bahay ko.

Alam kong wala akong maililihim sa kanya kaya pinapasok ko na siya ng tuluyan sa mundo ko.

"Isang lason." sabi ko.

Ang lasong matagal ko na ding pinag-aralan at ilang beses ng pumalpak.

Subalit ngayon ay sigurado na ako na magiging sakto na ang kalalabasan nito naaayon sa aking plano.

Biglang tumunog ang computer ko kaya mabilis ko itong nilapitan.

Galing sa mafia?

Agad na binundol ako ng matinding kaba.

Nanlamig ang kamay ko habang pinindot ang mouse.

Bumungad sa akin ang isang nakakapanghilakbot na tagpo na kahit panaginip ay ayokong makita.

Napatiim-bagang ako at naikuyom ko ng mahigpit ang aking kamao.

Nasa monitor ang aking ama habang walang humpay na pinapalo ng latigo.

Hawak naman ng dalawang lalaki ang aking ina na nagpupumiglas at nagsisigaw.

Biglang nawala sila sa screen at pumalit ang nakamaskarang anyo ng tatlong lalaki.

Kahit pa anong gawin nilang pagtatakip ay kilala ko sila.

Skull, Knit at Culprit..

"Nagustuhan mo ba ang palabas Sniper?" tanong ni Skull.

Nag-igtingan ang ugat ko sa leeg sa tindi ng galit na nadarama ko.

"Alam mong may kapalit ang pagsuway mo sa misyon. Kailangan pa bang umabot sa ganito bago ka kumilos?" dagdag ni Culprit.

Nadurog ko ang hawak na mouse.

Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo at ilang saglit pa ay sasabog na ako.

Ito ang pilit kong pinigilang mangyari.

Subalit eto na..

Wala na akong kawala sa misyong pilit kong kinalimutan..

"My Love.. Bakit mo kami sinusuway.. Bakit mo kami kinakalaban? Wala naba silang halaga sayo?" sabi ni Knit.

Muling nagbalik ang eksena ng aking magulang.

Ipinikit ko ang mata..

Tila may sariling isip ang aking kamay na sinuntok ng malakas ang kaharap na computer.

Wasak ito at umuusok.

Ayokong makita pa ang lahat.

***

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon