Chapter 2: Untitled

49.1K 1K 6
                                    

Nakaupo ako sa sala ng aking bahay. Ang bahay na makikita lang kung andito ako.

Binuksan ko ang tv at nilagay sa channel ng balita.

"Patay na ang kauupo pa lamang na gobernador ng San Juan City na binaril sa mismong araw ng kanyang thanks giving party! Di pa nalalaman ang motibo at kung sino ang pumatay.."

Napahalakhak ako sa nakitang balita. Tapos na ang trabaho ko..

Papano naman nila malalaman kung sino ang pumatay eh wala namang naiwang bakas ko.. Mga gago!

Riiiinnnnggggg....

Dinampot ko ang fon at sinagot ang tumawag.

Yes?

(Job well done Sniper! Mabilis ka talagang magtrabaho!)

Bakit ko pa papatagalin kung kaya ko namang bilisan!

(Hahaha! Okay kalma! Diniposito ko na sa account mo ang bayad. Pahinga ka muna!)

K..

At naputol na ang linya.

Nagbalik naman ako sa panonood ng balita. Iba na ang nakaflash rito.

Nang magsawa ako ay pinatay ko na ang tv at binuksan ang libro. Kailangan kong mag-aral dahil di ako nakapasok ng ilang araw.

Kinabukasan..

Tahimik akong naglalakad sa quadrangle. Wala akong kaibigan dito sa school for their safety na rin. Wala kasi dapat makakaalam sa trabaho ko upang di mapahamak sa mafia.

Oi pumasok na siya o!

Ang sexy talaga niya.

Maganda siya kahit pa nakasuot siya ng pang nerd!

Yan na nga ba ang ayaw ko eh! Masyadong maiksi itong uniform ko kaya halatang seksi ako kahit pa magsuot ako ng nerd glasses..

Di ko nalang sila pinansin at pumasok na sa aking first subject.

Naupo ako sa pinakadulo at nagbabasa ng libro. Wala pa ang mga kaklase ko kaya solo ko ang buong classroom.

I love the solemnity of being alone. Walang storbo sa aking pag-aaral.

Maya maya ay pumasok ang tatlong malalanding kaklase ko.

"Ang sarap talaga ni Rave.. Grabe halos mapugto ang hininga ko kanina.." tili na sabi ni Ara. Isa siya sa bitch ng campus. Halos lahat ng sikat na lalaki dito ay naging boyfriend na niya. Siya ang Ms. SIU. At cheerleader ng school.

"Talaga nakipaghalikan siya sayo?" si Monique. Isa pa yang bitch. Kasama din sa cheering squad.

"Oh nakakinggit ka naman!" and lastly si Avon. Ang baitbaitan kunyari na kabarkada nila but truth is bitch din yan.

"Oh look who's here! Ang ating sometimes lost classmate!" sambit ni Ara at saka hinablot ang binabasa kong libro.

Naiirita ako ngunit pinigilan ko ang sarili.

"Give back my book Ara.." mahinahon kong sabi.

"Oh! Papalag ka? Kaya mong lumaban sa akin?" naaasar na tanong nito at initsa ang libro ko sa mga kasamahan.

Damn! Konti nalang makakapatay ako ng di oras. I have a problem pa naman with my temper.

"Give back my book before i could do something bad to you.." pilit kong kinuntrol ang sarili at ikinuyom ang aking kamao.

Nagtawanan lang ang mga bruha at akmang tatalikuran ako ni Ara.

Di ko na napigil ang sarili at mabilis akong tumayo at hinablot ang buhok ng nakatalikod na na si Ara.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon