Chapter 3: Skills

51.5K 959 19
                                    

Bang! Bang! Bang!

Butas ang gitna ng target. Nasa isang shooting arena ako ngayon. Syempre kailangang hasain ko ang aking galing sa pagbaril at pag-ayos nito upang mas lalo akong gumaling.

Halos dalawang oras na akong nandito subalit di pa rin ako makontento. Kailangan kong mabreak ang record ko dati.

Muli kong pinagtatanggal ang bawat parte ng baril at inilapag sa mesa sa harap ko.

Nagset ako ng timer at sa mabilis na inasimble ang baril bago ikinasa at ipinutok sa target.

Bang!

Sapul uli..

30 sec.record time.

Hay! Palagi nalang ganyan..

Binitiwan ko na ang baril at tinanggal ang suot kong goggles.

"Ang sipag mo naman mag-ensayo. May misyon kaba uli Sniper?" tanong sa akin ng matandang katiwala ng shooting arena. Isa rin siyang mafia at bukod tanging nakakakita ng itsura ko bilang Lian liban kay Lion, ang aking kambal.

"Wala po.. Nag-iinsayo lang. Sige po alis na po ako." paalam ko at umalis na.

Sunod kong pinuntahan ay ang gym kung saan madalas din akong mag-sanay ng karate, judo, taekwando at maging ang paghawak ng iba't ibang klase ng armas panlaban. Isa itong chiness school na pag-aari ng kaibigan ni papa. Ito ang nagsasanay sa akin mula pagkabata.

"Welcome ms. Vena.." sabi ni Ana na sumalubong sa akin.

"Good day Ms. Ana!" sagot ko.

Pumasok na ako at nagpalit ng isang fitted sando at leggings. Mas comportable kasi ito kesa ipinasuot nila sa akin dati na kimono.

Matapos kong makapagpalit ay dumeretso na ako sa labas at kumuha ng katana.

Mag-eensayo muna akong mag-isa.

Woooosssshhhh....

Tunog ng espada habang iwinawasiwas ko ito. Para lang akong sumasayaw kasabay ang hangin.

Bawat hampas ko ay may nalalagas na dahin ng puno ng manga na nasa aking kinaroroonan.

Clap.. Clap.. Clap..

"Magaling ka na talaga sa paghawak ng ganyan Lian..."

Napalingon ako sa nagsalita at bumungad sa akin si Master Yaki, ang nagturo sa akin simula pagkabata.

"Magandang araw master." sabi ko sabay yuko.

Ngumiti lang siya at kumuha ng isang katana.

Naghanda naman ako dahil alam kong aatake lang siya bigla.

Woooossssshhh!

Biglang may lumipad na shuriken sa aking gilid at mabuti nalang ay alerto ako at agad na nakailag.

Wooossshhh... Wooossshhh...

Sunod sunod ang pagtapon ni master yaki ng shuriken kasabay ng pagsugod niya.

Hiyyyaaaahhhh!

Ginamit ko ang katana upang masangga ang mga shuriken maging ang pag-atake ni master.

Kazzzziiinnnggg!!

Kazzziiinnggg!

Tunog yang ng nagbanggaang katana namin.

Sugod lang ng sugod si master habang umaatras ako at sinasangga ang kanyang bawat ataki.

Nang makakita ako ng tyempo ay bumwelo ako at ako naman ang sumugod.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon