Chapter 17: Best Day Ever

36.4K 882 7
                                    

Thank you po sa inyo at nasa popular action adventure stories na ang ILYMG..

---------------

Lian's POV:

Nagising ako sa ingay na narinig mula sa kusina ng aking bahay.

Agad akong bumangon at kinuha ang baril na nakalagay sa dresser sa tabi ko.

Dahan dahan akong lumabas ng silid.

Nakahanda ako sa sinumang naroon.

Patingkayad akong bumaba ng sala at saka sumandal sa dingding na nakaharang sa aking kusina.

Sinilip ko muna ang nasa kusina subalit wala akong makitang nandoon.

Mas lalo akong nagduda.

Ikinasa ko ang baril at biglang pumasok sa loob ng nakatutok ang baril.

Nakatalikod kasi ito at tanging sandong puti ang suot.

Kitang kita ko ang tattoo nitong tila ahas na nakaburda sa kanyang balikat.

"Sino ka?" tanong ko at mabilis na itinutok ang baril.

"Damn!" sambit nito sa gulat at nahulog ang isang gamit sa lapag.

Napaharap ito bigla sa akin.

o_O what? Anong ginagawa niya dito ng ganito kaaga?

Parehong rumihistro ang gulat sa aming mukha.

"Woah! Chill.. Angel.. Its only me.." sabi ni Rave at nakataas pa ang dalawang kamay na may hawak pang sandok ang isa.

Naibaba ko agad ang baril.

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" tanong kong nakakunot ang noo.

Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.

Niyakap niya ako sa bewang at saka hinalikan sa labi.

Mapusok ang halik at natatangay ako.

Halos kapusin na kami ng hininga ng bitiwan niya ako.

"Goodmorning angel.. I just wanna cooked you breakfast kaso wala ka palang stocks ng pagkain dito.." nakangising sabi niya.

"Di naman kasi ako mahilig magluto.." sagot ko.

Totoo naman eh. Abala ako sa misyon. At sa labas ako madalas kumain. At minsan cup noodles lang ay okay na sa akin.

"Okay.. But, why do you have this? Its dangerous.." sabi niya at kinuha ang baril mula sa akin at inilapag ito sa mesa.

"Just for my security.." sagot ko.

Shit! Bakit ba ganyan ang suot niya.

Naiilang akong tingnan siya eh..

"Halika na.. Nakapagluto nako!" masiglang sabi niya at saka ako pinaupo sa harap ng hapag.

Woah! Ang dami ng niluto niya!

Fried rice.. Omelet.. Pancakes.. Tocino.. Longganisa.. Hotdogs..

"Mauubos ba natin to? Ang dami yata ng niluto mo.." natatawang sabi ko.

Napakamot naman siya sa batok.

Ang cute niya.. *__*

"Ahm kasi wala akong maisip na favorite mo.. Kaya yan nalang ang niluto ko." paliwanag niya habang hinubad ang apron.

Ngayon ko lang napansin na nakasuot pala siya ng apron.

"Pasado naba ko sayo Angel?" tanong niya at umupo sa tabi ko.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon