Chapter 22: New Friend

30.2K 585 7
                                    

Lian's POV:

Pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Brad mula sa kinatatayuan ko sa third floor.

Mukhang wala namang kakaiba sa kanya.

Masaya siyang nakikipag-usap sa mga engineering students.

Siguro kaklase niya ang mga iyon.

Biglang lumingon sa kinaroroonan ko si Brad saka ngumiti at kumindat.

Napaatras tuloy ako at mabilis na tumalikod.

Alam ba niyang pinagmamasdan ko siya?

Pumasok nalang ako sa klase saka naupo sa tabi ni Ashley.

Abala naman ito sa pagrereview kaya di ko na inistorbo at nag-a-iphone na ko.

"Hoy! Di ka ba magrereview?" untag ni Ash sa akin.

"No.. Natapos ko na yan kagabi." sagot ko.

"Ah kaya pala.. Buti ka pa." sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagrereview.

Maya maya ay pumasok na din ang prof at nagsimula na ang exam.

Buong araw na ganito ang ginawa namin.

Last day na din ng exam bukas at bakasyon na nextweek.

Excited na din ako at babalik na si Rave.

Namimiss ko na ang taong yun.

Wala na kasing tila kabuti nalang na sumusulpot.

Pagkatapos ng huling subject namin ay napagkasunduan namin ni Ash na magmamall.

"Oi tara na Lian. Excited na akong makabonding ka.." masiglang sabi ni Ash.

Hila hila pa niya ako palabas ng gate.

Napatigil kami ng bilang sumulpot sa harap namin si Brad.

"Hi ladies!" nakangiting sabi niya.

Nakita ko naman ang pangingislap ng mata ni Ash pagkakita kay Brad.

"Hi Brad.. Sama ka sa amin.." biglamg sabi niya rito.

Napatingin tuloy ako sa kanya.

Natutop naman niya ang bibig.

"Sure! Saan tayo?" tanong niya.

"Ah.. Eh.. Sa mall.. Magliliwaliw lang sana kami ni Lian." sagot ni Ash.

Napatingin naman sa akin si Brad na tila tinatanong kung okay lang sa akin.

"Ahm.. Yeah sama ka.." sabi ko.

Ngumiti naman si Brad.

"Okay.. Tara may dala akong kotse." yaya niya sa amin.

Hinila naman ako ni Ash pasunod kay Brad.

Sumakay na din kami.

Si Ash ang tumabi kay Brad sa harap at ako naman ang nakaupo sa likod.

Tahimik lang ako at pinapakinggan ang music sa aking headphones.

Subalit hininaan ko lang ito upang marinig ang usapan nila.

"Okay ka lang ba fyan Lian?" biglang baling ni Brad sa akin.

Nakatingin pala siya sa akin mula sa salamin.

Napataas naman ako ng tingin at saka ngumiti.

"Yeah im okay.." sagot ko.

Pansin ko ay saglit na natigilan si Brad at napatitig sa akin bago muling itinuon ang atensyon sa pagmamaneho.

Sa E-mall kami namasyal.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon