Chapter 4: She is a Devil

40.9K 865 17
                                    

Nasa loob ako ngayon ng conference hall ng mafia society. Pinatawag ako ng mga tagabigay ng mission.

Minsan kasi ay ganito ang paraan ng pagtalaga nila ng trabaho lalo pa at malalaking tao ang kailangan kong tirahin.

Nakasuot ako ng black tube at leggings na pinatungan ko ng black leather jacket.

Nakahalf mask din ako dahil wala pa namang nakakita ng tunay kong anyo sa mafia.

Kaharap ko ngayon ang tatlong pinuno ng mafia. Si Skull, Knit at Culprit. Mga may edad na sila at katulad ko ay nakatakip din ang kanilang mukha.

"So.. Anong mission ko at kailangan pang nandito ako?" pagsisimula ko.

"May bagong halal na presidente ng Amortal Company at ginawa niyang front ang kompanya sa eligal niyang negosyo kaya gusto nilang idispatsa na ito.." sagot ni Skull.

Kakaiba talaga ang boses niya. Tila galing sa hukay. Nakakakilabot lalo pa sa mga di nasanay.

Maya maya ay nakaflash na sa screen ang mukha ng target.

Medyo bata pa pala ang target. Siguro ay nasa early forties pa.

"Nandyan ang iba pang detalye tungkol sa kanya." sabi ni Culprit at initsa sa harapan ko ang isang folder.

Binuklat buklat ko ito at pinasadahan ng tingin.

Napasmirk ako sa napag-alaman. Mahilig pala sa bayaran ang lalaki.

"So ano.. Kailan mo gagawin ang misyon?" tanong ni Knit sa akin.

Napa-smirk ako at tumayo.

"Tapos na to bukas.." sabi ko at lumabas ng conference hall.

Nadaanan ko ang iba pang mga assassins na naroon. Wala naman akong pakialam sa kanila. Kilala ko lang naman sila sa kanilang pangalan pero di ko sila kaibigan.

Ang yabang talaga niya..

Oo nga, akala mo kung sinong magaling..

Di siguro siya kagandahan dahil palaging nakatakip ang kanyang mukha!

Baka bungi! Hahahaha!

Nakakainis sila ha? Kinuha ko ang nakasuksok kong 45 na baril at ikinasa. Pinaputok ko ito sa frame na nasa kanilang magkabilang gilid.

Bang! Bang! Bang!

Nanlaki ang mata nila ng dumaan ang bala sa kanilang mga mukha at tumama sa frame.

Napalingon agad sila sa akin. Tinaasan ko lang sila ng kilay at isinuksok muli ang baril sa aking bewang.

Agad namang nag-alisan ang mga gago sa takot na barilin ko sila uli.

Naglakad na ako palabas ng mansyon.

"Ang init talaga ng ulo mo." sabi ni Lion at inakbayan ako.

"Tsss!" ako at saka pumiksi.

"Kalma!" nakangising sabi ni Lion at itinaas pa ang kamay.

Binigyan ko siya ng matalim na tingin at sumakay na sa kotse ko.

Pinaharurot ko ito palayo sa mafia mansion.

Pagkarating ko sa bahay ay pinindot ko ang remote at lumabas ang bahay ko.

Agad akong pumasok sa silid at binuksan ang vault ng computer.

Nilingon ko muna ang orasan sa tabi bago mag-scan sa computer.

Alas nueve na pala ng gabi.

Hinanap ko ang kinaroroonan ng aking target.

Woah! Napakahilig sa laman!

Nakita kong nasa isang spa siya.

Agad akong nagpalit ng damit at naglagay ng makapal na make-up at isinuksok sa bag ang aking mask.

Lumabas ako muli ng bahay at sumakay sa aking kotse.

Tinahak ko ang daan papunta sa Spa.

Pagkarating ko doon ay tiningnan ko uli ang aking fon na nakkonekta sa computer ng aking bahay..

Nasa room 303 pala siya. Agad akong tumayo at pumasok sa kabilang silid.

Gumawa ako ng butas at saka sinilip ang nasa kabila.

Minamasahe pa pala siya.

Tamang tama lang sa plano ko.

Nakadapa ito at hubad. Tanging tuwalya lang ang nakatabing sa ibabang parte ng katawan nito.

Nakakita ako ng tyempo ng lumabas ang masahista.

Pasalisi akong pumasok at agad na inilock ang pinto.

Sinuyod ko muna ang loob ng silid for cctv at nang masigurong wala ay saka ako lumapit sa lalaki.

Pumatong ako sa likod ng lalaki at tila ako naman ang nagmamasahe sa kanya.

Pinadaan ko pabalik balik ang aking kamay sa sentro ng kanyang spinal cord hanggang sa matagpuan ko ang hinahanap.

Dinakot ko ito at hinila. Napaigik siya kaya tinakpan ko ang kanyang bibig.

Hinila ko pataas ang kanyang thoracic part ng spinal cord at saka ito itinulak pabalik.

Naramdaman ko ang pagkaputol ng kanyang hininga kay binitawan ko na siya.

Easy target! Napangisi ako at bumaba na sa pwesto.

Inayos ko siya tulad ng dati bago sinilip ang labas ng pinto.

Walang tao sa labas kaya agad akong pasimpleng lumabas. Sakto namang pagpasok ng masahista ang pagliko ko sa exit.

Narinig ko pa ang sigaw nito kaya napangisi ako.

Pumunta na ako sa pinagparadahan ko ng kotse at sumakay na.

Headlines na naman yan mamaya. Sorry nalang doon sa masahista.

Nagpunta muna ako ng mall. May bibilhin lang ako para sa project namin.

Pagkaparada ko ay di muna ako bumaba at tinanggal muna ang suot kong make-up.

Nakshorts at loose blouse naman ako kay okay lang na di muna magpalit. Sinuot ko na ang shades at pumasok sa loob ng mall.

Minsan ay mapapalingon pa sa akin ang mga nadaanan kong mga teen-ager na lalaki.

Deretso akong pumasok sa national bookstore at hinanap ang mga kailangan kong gamit.

Matapos makuha lahat ay pumila na ako sa cashier upang magbayad.

Akmang iaabot ko na ang bayad ng may nauna ng mag-abot nito.

"Huh!?" gulat ako na napatingin sa katabi.

OMG! Anong ginagawa niya rito?

"Here! Bayad sa pinamili niya." sabi ni Rave at nakangiti pang inabot ang pera sa kahera.

Tila kinilig naman ito at nagpacute pa sa lalaki habang inabot ang sukli.

"Sukli niyo sir!" sabi nito.

Binalingan naman ako ni Rave at inabot ang pinamili ko.

"May pera ako.. Kaya kong magbayad." nakasimangot kong sabi.

Can you just say "Thank you" to me?" sagot naman ni Rave.

"Well, thanks but no thanks!" sabi ko at nagmadali ng lumabas ng NBS.

"Wait!" pagsunod ni Rave sa akin at hinawakan ako sa braso.

Agad akong napapiksi sa hawak niya.

"I just wanna invite you for a snack.." sabi ni Rave.

Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"I just saw you walking inside NBS kaya naisip kong imbitahan kang magsnak." paliwanag niya na tila nahulaan ang iniisip ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad papasok sa isang cake shop sa loob narin ng mall.

Di ko na naisatinig ang aking protesta.

Ewan ko ba, pag ang lalaking ito ang nagsalita di na ako makapagreact.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon