Chapter 9: Mission Almost Failed

35.4K 728 7
                                    

Lian's POV:

Pqgkababa ko ng kotse ay naagaw ko agad ang atensyon ng mga kalalakihang aking nadaanan.

Napa smirk lang ako.

Bakit? Masyado bang seductive ang beauty ko ngayon? Bareback v-neck spagetti strapped dress na may mahabang slit sa gilid na nagpapalitaw sa angkin kong kaputian at kasexyhan.

Matching in my red lipstick na nag-emphasize sa aking seductive lips..

Tinakpan ko naman ng makeup ang tattoo ko sa balikat.

Yun lang naman ang madalas na pambato ko sa tuwing may misyon akong malalaking tao ang sangkot.

Itatanong niyo kung bakit?

Dahil ang mga yan ay party people. Madalas nasa malalaking okasyong gaya nito.

Di naman nila ako makikilala at di nila malalaman na isa lang akong gate crasher coz its a masquarade ball.

Ang tanga lang.. Alam na maraming kaaway nagpaparty pa ng ganito..

Pumwesto ako sa may bar at naupo sa barstool. Nag-order lang ako ng margarita at habang dahan dahang sinimsim ang laman ng kopita ay inilibot ko ang paningin at hinanap ang target.

"Target 1 at the left side of the bar wearing blue with silver mask.." boses ni Lion sa speaker na nakakabit sa aking tainga.

Ginawa kaming partners ngayon dahil mahirap daw mag-identify agad..

"Copy!" sagot ko habang nakahawak sa tainga ko kung saan nakaset ang speaker.

Sinipat ko ang sinabi niya.

Hmm... Mukhang maaga akong matatapos ngayon.

Tumayo na ako saka lumapit sa unang target.

"Hi there!" sabi ko.

Ngumisi naman ang matandang lalaki at tila nasiyahan pa sa paglapit ko.

"Sabi ko na nga ba at di pa kumukupas ang kagwapuhan ko.." pagyayabang niya at saka hinawakan ako sa bewang.

Tiniis ko ang panghihilakbot. Trabaho ko ito kaya gagawin ko ang lahat matapos lang agad ang misyon.

Konting chikahan at landian bago ko pasimpleng kinapa ang karayom na nasa aking hita.

Tatlo ito at nakatalaga para sa tatlong taong misyon ko ngayon.

Ganyan nga uminum ka lang ng uminom para di nila halatang patay ka na.

Nang malingat na siya ay agad kong itinurok ang karayom na may matinding lason sa kanyang batok.

Napasandal siya sa upuan kaya tumayo na ako.

Ilang minuto lang at tatalab na ang lason.

"Target one done!" bulong ko.

"Target number 2, at the terace wearing white tux." si Lion uli.

Nilakad ko naman palabas ng venue at gaya ng sabi ni Lion nasa terace nga ito.

Kung sinuswerte ka nga naman, nag-iisa palagi ang target ko.

"Hey!" nakangiting tawag ko dito.

Bumaling naman ito sa akin at namumungay na ang mata. Halatang lasing na lasing na ito.

"Assnong..shaaabi mooh?"tanong niya.

Pasimple akong dumukwang sa kanya at kunyari ay bumulong pero mabilis kong itinarak ang karayom sa kanyang batok.

"Wala.. Happy trip to hill!" bulong ko at iniwan na siya.

"Target 2 done!" sabi ko uli sa speaker.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon