Chapter 6:

43.1K 770 5
  • Dedicated kay Junrey Busano
                                    

Lian's POV:

Hinimas ko ang balikat ko kung saan naroon ang tattoo ng pagiging isang assassin ng mafia.

Ang tattoong inilagay ni Lion upang takpan ang tama ng bala ng gabing binaril ako ng isa sa mafiang kumidnap sa aking magulang at kambal.

Isa itong hugis baril na may nakapulupot na ahas. Yun ang tanging pagkakakilanlan kung sino ang tunay na si Sniper sa mafia.

Maliban kay Lion, walang nakakakita ng tattoo na ito sa katauhan ng simpleng si Lian Vena.

Inilalantad ko lang kasi ang tattoo pag nasa loob ako ng mafia mansion.

Kailangan ko ng magsimulang mag-imbestiga..

Dapat mahanap ko na ang aking mga magulang..

Sapat na ang labin tatlong taon kong pananahimik..

Isinuot ko ang isang tube at leather pants na hapit sa aking hita at binti. Tenernuhan ko ito ng leather boots na flat at leather jacket. Nagsuot rin ako ng headmask at tanging mata lang ang nakalabas.

Puro itim ang kulay ng kabuoang suot ko upang di ako makita sa dilim.

Inayos ko na ang gamit na dadalhin.

Telescope..

Phone na may hitech na gadget na pweding maglabas ng data sa buong lugar..

Isang laser pen.

Ang folded katana ko.

At ang pinakapaborito ko sa lahat, ang aking baril.

Isinuksok ko ang baril sa aking bewang at inilagay ko na ang iba sa loob ng maliit na bagpack.

Lumabas ako ng bahay at sumakay sa aking black harley davidson bigbike..

Unang target.

Luize do Mierre.. Isang matagumpay na negosyante at isa sa sampung pangulo ng mafia.

Agad akong nagmaneho papunta sa kanyang mansion. Nagpark ako isang kanto mula sa kanila at iniwan ang aking motor sa tabi ng kalsada.

May inilagay akong laser beam sa motor upang di magalaw ng sinuman at mapuputol ang kanilang kamay.

Pasimple akong naglakad patungo sa harap ng mansion ng mga Mierre.

Mapuno ang lugar kaya saktong sakto ang pag-akyat ko sa isa sa naroon.

Mula sa aking kinapupwestuhan ay kita ko ang buong solar ng mga Mierre.

Inilabas ko ang bitbit kong telescope. May night vision ito at laser vision kay kitang kita maski sa loob ng mansion.

Tiningnan ko ang paligid muna ng bahay.

Maraming nakakalat na bantay at puro armado ng malalaki at mahahabang armas.

May ilan ding palakad lakad na mafia.

Sinuyod ko naman ang loob ng mansion.

Gaya ng nasa labas ay marami ring tauhan ng mafia sa loob. Kasalukuyang kumakain ng hapunan ang buong pamilya.

Nilibot ko ang tingin sa mga silid. Pare-pareho lang ang laman subalit isang silid ang nakaagaw ng aking atensyon.

Kahit anong pihit ko sa telescope ay di umubra ito at di ko pa rin makita ang loob ng silid.

Woooosssshhhh....

Shit! Isang shuriken ang lumilipad sa aking kinalalagyan.

Agad akong sumandal sa puno subalit mas dumami na ang shuriken na ibinato sa pinagtataguan ko.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon