Chapter 12: Loved by a Gangster

38.8K 784 15
                                    

Para sayo to.. hope you like it..;-)

.

---------------

Lian's POV:

"Isang balita ang kapapasok pa lang. Ang tinaguriang leader ng sindikatong gun smuggling ay pinatay sa loob ng kanyang selda. Nakatakdang ililipat ito ngayong araw sa muntinlupa subalit nakitang patay at may tama ng baril sa dibdib.... Blahh.. Blahh... Blah..!"

Natawa ako sa balita.

Pinatay ko na ang tv at nagtungo sa kusina.

Kukuha na sana ako ng juice sa ref ng tumunog ang aking celfon.

Huh? Sino namang tatawag sa akin ng ganito kaaga maliban kay Lion?

Impossible namang siya dahil kagagaling lang niya dito..

Itinuloy ko ang pagkuha ng juice at hinayaan lang ang tawag.

Subalit sadyang makulit ang caller at ayaw tumigil sa pagriring ng fon kaya dinampot ko na ito.

Di na ako nag-abalang tingnan pa kung sino ang tumawag at basta nalang sinagot ito.

Pasalampak akong naupo sa sofa.

"Hello?" bored kong tono.

*Nasaan ka? Kanina pa ako tumatawag ba't ngayon mo lang sinagot?*

Napaupo ako ng tuwid sa boses na narinig.

"Rave? Paano mo nalaman ang number ko?"

Dinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

*Im sorry, nag-alala lang ako sayo.. Akala ko umalis ka na naman ng bahay gaya noong nakaraang gabi..*

Napangiti ako ng lihim..

Nag-aalala siya sa akin..

"Ahm.. Kagigising ko lang. Sorry di ko napansing may tumatawag.."

Sinabi ko nalang upang di siya magtanong pa.

*Can you go outside? I wanna see you..*

Huh? Nasa labas siya?

Agad akong napasilip sa bintana.

O_O nasa labas nga si Rave.

Nakasandal siya sa kanyang kotse habang nakikipag-usap sa akin sa fon.

Tila modelo siyang nasa isang photoshoot..

*What took you so long? Andyan ka ba talaga?*

Napangiti ako at lumapit sa may pinto.

Binuksan ko na ito at saka lumapit sa kinaroroonan niya.

Agad naman siyang umayos ng tayo nv makitang papalapit ako.

Damn! This man is totally an atention hooker..

Napapasilip ang mga nasa kabilang bahay sa kanya.

"Hi!" agad kong sabi ng makalapit ako.

Nakuta kong napakunot noo siya.

"WTF! Bakit ka lumabas ng nakaganyan?" nakakunot noo niyang tanong.

Huh? What's wrong with my attire? Nakapambahay lang naman ako.

Simpleng short short at sando.

"Get in.." utos niya sa akin at binuksan ang pinto ng kanyang kotse.

"Huh? Teka! Akala ko ba may mali sa suot ko.. Bakit mo ako pasasakayin dyan ng di man lang nakapagpalit..?" takang tanong ko.

Tumitig lang siya sa akin.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon