Chapter 26: Codename 'TRIGGER'

28.3K 593 23
                                    

A/N: excited na ba kayong makilala si Brad?

Hehehe.. Ako din..

Lian's POV:

May gusto akong malaman mula sa nakaraan kaya ko binalikan ang bahay namin dati.

Abala ako sa paghahalungkat ng kung ano ano sa gamit nina mama sa itaas.

Wala akong maisip na pakay pero pakiramdam ko ay may kailangan akong makita.

Binuksan ko ang cabinet nila papa na matagal na ding nakasara.

Halos maubo ako sa alikabok na nagsalimbayan ng buksan ko ito.

Ipinagpag ko ang kamay at saka sinimulang maghalungkat sa mga nakasalansang damit.

May nakita akong isang libro.

Mukhang sira na.

Pero pinagtyagaan kong ayusin ito.

Inilagay ko ang libro sa kama at muling naghalungkat.

Subalit nalibot ko na ang buong silid ay wala akong makitang bagay na maaring maging pakay ko doon.

Bumaba na ako sa salas.

Doon nalang ako dumaan sa grand staircase ng mansyon.

Gusto kong sariwain ang mga masasayang pangyayari sa aming pamilya noong kabataan ko.

Sa tindi ng pag-iisip ko ay nadulas ako sa hagdan kaya napahawak ako ng mahigpit sa hawakan nito.

Buti nalang at nasa ikalawang baitang na ako sa pinakadulo.

Subalit laking gulat ko ng tila nabali ang hawakan na may nakaukit na dragon.

Biglang nakaramdam ako ang mahinang pagyanig at nanlaki ang mata ko ng unti unting bumuka ang gitnang bahagi ng hagdan.

What was that?

Isang lagusan?

Tila isa itong sekretong daanan kung saan tutungo ay di ko alam.

Kinuha ko ang dala kong penlight.

Ginamit ko ito upang ilawan ang daanan.

May hagdan pa ito pababa.

Mahaba at puno ng alikabok.

Marahil ay ngayon lang ito muling nabuksan mula ng mawala ang aking magulang.

Kinapa kapa ko ang dingding sa gilid at baka sakaling may switch ng ilaw.

Walamg kuryente ang buong bahay pero alam kong gumagamit si papa ng solar.

Subalit wala akong makapa kahit maliit na button.

Nakababa na ako sa pinakahuling baitang.

Ano kayang meron dito? Tanong ko sa sarili at inilibot ang paningin sa paligid.

Maraming bagay o kasangkapan sa loob na natatakpan ng tela.

Mistula itomg bodega.

Natigil ako ng paghakbang ko ay may natapakan ako.

Titingnan ko sana ito pero laking gulat ko ng biglang bumaha ang ilaw sa buong lugar.

Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Ito ang lihim na laboratoryo ni papa!

Natatakpan ng tela ang kanyang mga computers.

Isa isa kong tinanggal ang takip na nakikita ko.

Tama nga ako.

Nasa harap ko ang lahat ng teknolohiyang gawa niya.

Naroon din ang iba't ibang armas at sandatang koleksyon niya.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon