Chapter 13: Into the Gangsters World

37.4K 670 14
                                    

Lian's POV:

Mula ng makasama ko si Rave sa resort ay tila lalo kaming pinaglapit ang tadhana.

Maging mag kabarkada niya ay madalas ko ng nakakasama.

Kahit sa oras na dati ay mag-isa ko lang pinalipas sa paborito kong tambayan ay may maiingay na grupo ng nanunukso sa akin.

"Wag mo silang pansinin.." nakangiting sabi ni Rave.

Nasa soccerfield kasi kami at naglatag ng kumot si Ashley kaya mistulang nagpipicnic kami.

Nakahiga si Rave sa kumot at nakaunan pa sa kanyang braso habang nakaupo naman ako sa kanyang tabi.

Naghaharutan naman sina Louie at ang iba pa sa harapang namin.

"Okay lang.. Medyo sanay na din ako sa kanila." sabi ko at muling itinuon ang paningin sa binabasang libro.

Bumangon si Rave at naupo sa tabi ko.

Kinuha niya ang aklat at inilapag sa tabi niya.

"Di ka ba nakakapag-aral kagabi at yan ang inatupag mo?" tanong niya.

Huh? What's wrong with studying?

"Nag-aaral naman.. Kaya lang marami kasi ang dapat kong aralin dahil absent ako ng ilang araw." sagot ko.

"Suss! Nagsiselos lang yan at di mo pinapansin!" kantyaw ni Gian.

"Pansinin mo kasi!" sulsol ni Louie.

"Mga gago!" sigaw ni Rave.

Binato sa kanila ni Rave ang libro ko. Buti nalang mabilis na nasalo ito ni Louie.

Alam kobg namumula ang mukha ko.

"Ahm.. May klase na ko.." sabi ko at mabilis na tumayo.

Kinuha ko ang libro kay Louie at akmang aalis na ng pigilan ako ni Rave.

"Ihahatid na kita sa room mo." sabi niya at mabilis na tumayo.

Tahimik lang kaming naglalakad patungong classroom ko.

*Sila na?*

*Wahhh! Bakit siya?*

*Bagay sila noh? Kaya lang mukhang may kakaiba kay Lian!*

*Ang gwapo talaga ni Rave.*

*Hay... Kelan kaya ako papansinin ni Rave..?*

*Pare, mukhang naunahan na tayo kay Lian..*

Marami pang mga usap-usapan habang dumaan kami.

Di ba sila nahiyang iparinig sa amin yun?(-_-')

Narating namin ang room ko.

"Thank you!" sabi ko.

Ipinamulsa naman ni Rave ang dalawang kamay sa kanyang pantalon.

"See you after class.." sabi niya.

Napakunot ang noo ko.

"Wala ka bang klase?" tanong ko sa kanya.

"Mamaya pang hapon. Pasok ka na.." sabi niya at saka tumalikod na.

Pumasok na ako at naupo sa dulo.

Maya maya ay pumasok na din ang aming professor at nagsimula ng maglecture.

Nakinig lang ako. Wala ako sa mood magsulat. Napag-aralan ko na rin naman ang dinidiscuss niya.

Pagkatapos ng unang klase ko ay sunod sunod na din ang iba pa kaya naging abala ako buong maghapon.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon