Chapter 14: Into the Gangsters World (Part 2)

32.1K 698 21
                                    

Lian's POV:

Nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang lumabas mula sa likuran ng grupong aking nakalaban sa gitna ng arena.

Diba may sakit siya?

"Sumagot ka! Sino ka? Bakit ka naggugulo sa lugar na ito?" singhal ni Rave sa akin.

Oo si Rave..

At nakatutok sa akin ngayon ang hawak niyang baril.

Buti nalang at di niya ako makilala sa suot ko.

Tanging mata ko lang kasi ang makikita.

Woooosssssshhhh....

Shit!

Bigla akong umatras at umikot payuko dahil sa dagger na muntik ng tumama sa akin.

Traydor!

Mabilis ang reflexes ko na itinukod sa semento ang hawak na espada at saka tumalon ng mataas.

Gaya ng ginawa ko kanina, doon ako tumulay sa balikat ng mga nasa harap kong gangsters.

Iniwasan kong apakan si Rave.

Kailangang makaalis ako rito.

Bang! Bang! Bang!

Sunod sunod ang putok ng baril.

Di ko alam kung sino ang nagpaputok..

Pero siguradong ako ang nais patamaan.

Tumalon na ako saka sumirko at nagtambling sa ibaba upang maiwasan ang kanilang ataki.

Malapit na ako sa harang..

Kailangang makalabas..

Subalit maraming sandata na ang kanya-kanyang ibinato nila sa akin.

Todo sangga at iwas lang ako.

Parami ng parami ang nakakalaban ko.

"Stop!" sigaw ni Rave.

Napatigil naman ang lahat sa pag-ataki sa akin.

"Magaling ka.. Gusto kitang makalaban..." sabi niya.

Napailing ako..

Ngayon alam ko na ang target ko.

Si Rave..

Sila ang namamalakad sa underworld ng mga gangsters..

"Ayoko!" pinatigas ko ang aking boses upang di mahalata.

"Pumasok ka rito ng walang pahintulot.. At ginulo mo ang laban.. Sa palagay mo makaka-alis ka ng buhay?" sigaw niya.

Kita ko ang pangangalit ng kanyang bagang.

Nagsigiliran ang lahat ng mga gangsters at tanging kami nalang ang naiwan sa gitna.

Ayokong saktan si Rave..

"Ayoko.. Mukha ka pang mahina.. Saka na kita papatayin pag magaling ka na!" sigaw ko.

Nagulat siya.

Natigilan naman ako..

Di ko nabago ang boses ko.

Mabilis kong nilundag ang pader subalit binaril niya ako.

Arrrgggghhh...

Tinamaan ako sa kaliwang braso.

Tiniis ko ang sakit at mabilis na pumakabilang bakod.

Hinabol naman ako ng mga gangsters na nasa labas ng arena.

Kassshiiiinnnggg!

Woooossssshhhh!

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon