Chapter 19: Night of Silence

30.1K 632 10
                                    

Rave at the Multimedia

----------

3rd Person's POV:

Matapos makalabas sa underground arena ay dumeretso ang magkapatid sa paaralan ni Master Yaki dala ang bangkay ni Sassha.

Nagulat pa si Ms. Ana ng makita ang dalawa.

"Ms. Lian? L-Lion? Teka anong nangyari? Pasok kayo.." natarantang saad niya at agad ibinukas ang pinto.

Pumasok ang dalawa at agad inilapag ni Lion ang bangkay ni Sassha sa sahig na may nakalatag na black leather.

Sakto namang papanaog si Master Yaki sa hagdan at agad nakita ang magkapatid.

"Lian? Lion? Napasugod kayo?" tanong niya sa magkapatid.

Mabilis namang lumapit ang dalawa.

Napakunot noo si Master Yaki ng mapansin ang duguan damit ng dalawa.

Yumukod ang dalawa sa kanilang master bilang pag galang.

"Master... Dala namin si Sassha.."ahinang sambit ni Lian.

Blangko ang expression nito at di kakikitaan ng anumang emosyon.

Nagulat naman si Master Yaki sa narinig at napatingin sa katawang nakalatag sa ibaba.

Napalunok ito saka dahan dahan humakbang papalapit sa bangkay.

Napaluhod si Master Yaki ng makita ang bangkay ni Sassha.

"Sassha... Anak ko..." hagulhol niya at niyakap ang bangkay ng dalaga.

Anak na ang turing ni master yaki sa lahat ng kanyang mag-aaral.

Napakuyom naman ang kamao ang magkapatid sa nakitang tagpo.

"Sassha.. Sana di nalang kita pinabayaang lumabas ng school.." dagdag pa ni master Yaki.

Niyakap ni Lion ang kapatid.

Alam niyang kahit nagpakatatag ito sa labas ay lugmok ang pakiramdam ngayon ni Lian.

Dinala niya ito sa sofa at saka niyakap.

Isinandig naman ni Lian ang ulo sa balikat ni Lion.

"Nalaman mo bang kasapi ni Cue sa mafia si Sassha?" biglang sambit ni Lian.

"Hindi.. Kung alam ko lang ay dinala ko na siya sayo." tiim-bagang na sabi ni Lion.

Alam niya kung gaano katuso si Cue.

Marahil ay nalaman nito ang kaugnayan ni Lian kay Sassha kay kinuha niya ang dalaga.

--------

Sa loob ng tatlong araw ay ibinurol ang bangkay ni Sassha.

Puno ng kalungkutan ang buong paaralan ni Master Yaki.

Lahat ay nagdadalamahati sa pagkawala ng kanilang kaibigan.

Samantala, pilit namang pinatatag ni Lian ang kanyang damdamin.

Balot ng pagdadalamhati ang kanyang dibdib at ibinuhos na lamang niya sa pag-eensayo ng kanyang kaalaman.

Madalas ay nasa harden siya at nagsasanay gamit ang katana.

Bawat hampas ng kanyang katana ay halos malaglag ang lahat ng dahon ng puno na nasa paligid niya.

Makikita ang poot at pighati sa kanyang mga mata.

Walang sinuman ang nagtangkang lapitan o kausapin man lang siya.

Kilala nila si Lian..

Napapailing nalang si Lion habang patuloy nabinabantayan ang kamabal.

Araw gabi itong nasa harden at inaabala ang sarili.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon