Chapter 32: Truth Behind the Lies

26.9K 626 28
                                    

A/N: sa lahat po ng nagtataka kung bakit muling nabuhay si Rave..

Andito po ang lahat ng kasagutan sa chapter na ito..

*******

Lian's POV:

"Kuya... Gising ka na pala!" malakas na sabi ni Angela at saka tumakbo papalapit sa kanya.

Saka lang kami tila natauhan at bumitaw sa aming titigan.

Napalabas naman sina Brad at Therese mula sa kusina.

"Naku! Gising ka na pala.. Anong gusto mo? Kakain ka ba o iinum.. Teka sandali at maghahain ako." tarantang sabi ni Therese.

Muli itong pumasok sa kusina.

Kaagad namang lumapit si Brad sa akin.

Alerto ito na tila anumang oras ay aatakihin ako ni Rave.

Nanatiling nakatingin sa amin si Rave.

Nakakunot pa ang kanyang noo.

Pero magkagayon pa man ay di ko pa din mabasa ang kanyang isip.

Blangko ang kanyang mukha.

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magsalita subalit naputol ito ng biglang paglabas ni Therese sa kusina.

"Ahm.... Naka-..." naputol ang sasabihin niya sana ng makita ang ackward na sitwasyon namin.

Nagtagisan kasi ng tingin sina Rave at Brad.

Tila may kuryente pang nanulay sa kanilang mata.

"Hi! Kuya... Kain na raw tayo sabi ni mama." sabi ni Angela at saka hinawakan si Rave sa pantalon nito.

Napabaling naman ang tingin niya sa inosenting mukha ni Angela.

"Ah... Nakahanda na ang pagkain. Kumain ka muna." sabat ni Therese.

Nakita kong tumango si Rave at sumunod kay Therese sa kusina.

Saka lang ako tila nakahinga ng maluwag.

Naramdaman ko ang paghawak ni Brad sa aking braso.

Napalingon ako sa kanya.

"What's your plan now?" nakakunot noong tanong niya.

Umiling ako.

"Wala.. Hihintayin ko ang gagawin niya. Kailangan ko lang masigurong walang butas ang ginawa ko." sagot ko.

Mas lalo itong nakapagpakunot sa noo ni Brad.

Ngumiti ako at tinalikuran ko na siya.

Tinungo ko ang balkonahe.

Papalubog na ang araw.

Namumula na ang kalangitan.

Naalala ko pa noong magpunta kami ng batangas..

Yun ang unang beses kong nakita ang papalubog na araw kasama si Rave.

Yun din ang unang date namin..

Napangiti ako sa sariling ala ala.

"Masaya ka yata.."

Nagulat ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko.

Di ko na kailangan pang lumingon.

Kilalang kilala ko ang boses niya.

"May naalala lang ako.." sagot ko.

"Ako din.. Napakaganda ng papalubog na araw.. Kasing kulay ito ng buhay natin. Nag-aagaw ang dilim at liwanag." sabi niya.

Sinulyapan ko siya.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon