Chapter 5: The Past

40.6K 851 19
                                    

Kausap ko sa sala ngayon si Lion. Naibalita na kasi sa lahat ng tv news at pahayagan ang tungkol sa pagkamatay ng bigating negosyante.

"Ang galing mo talagang magtrabaho Sniper! Puring puri ka na ngayon ng mafia." ani ni Lion na printing nakaupo sa sofa ng aking sala.

Andito kami sa isa pang bahay ko. Ang bahay kung saan nakatira ang isang simpleng Lian Vena.

Nililinis ko ang paborito kung baril.

"Nandito kaba para purihin ako Lion?" tinaasan ko siya ng kilay at itinutok sa kanya ang hawak na baril.

Napangisi naman si Lion sa aking tanong.

"Relax Sniper. Pinupuri lang kita. Masyadong mainitin talaga ang ulo mo.."

Nakataas ang kamay niya at napailing.

Napaismirk lang ako sa sinabi niya.

"Ano naman yun?" tanong ni Lion at inginuso ang dalawa kong malalaking aso.

"Alaga ko yan.." sagot ko at napangisi.

Binili ko talaga ang dalawang aso kahit may kamahalan dahil may pag gagamitan ako sa darating na mga araw.

Well trained ko ang mga yan. Tanging karne ang kinakain at di rin sila basta bastang kumakain unless sinabi ko.

"Woaahh! Kailan ka pa nag-alaga niyan? Ang lalaki ah?" tila naamaze naman si Lion sa aso at the same time natatakot na baka lapain siya.

Napismirk ako.

"Dont worry, di yan lalapa sayo unless sabihin ko!" ako.

Napabuntong hininga naman si Lion.

"So bakit ka nandito Lion?" tanong ko sa kanya.

"May balita ako sa parents natin.. I think they're being hid from you. Mafia thinks that you have that gadget made by our father so they made a new one to oppose that." pagbibigay impormasyon ni Lion.

Napatiim bagang ako sa narinig. Matagal ko ng pinaghihinalaan ang mafia na nasa likod ng pagkawala ng magulang ko.

"I know they were behind it. I just need to find where they hid mama and papa." sabi ko at ikinasa ang baril.

Bang! Bang! Bang!

Sapol ang tatlong vase sa itaas na bahagi ng divider na nasa likod ni Lion.

"Alam mo, i need to go na. Mukhang ako pa ang mapagpraktisan mo dito." paalam ni Lion at tumayo na.

"Awkie.. Just call me.." sabi ko at hinayaan na siyang umalis.

Lion's POV:

Wow! May pov ako! Anyways.. Ako nga pala si Lion Verz. Kambal ni Lian aka Sniper.

Kung nagtataka kayo papano kami naging kambal eh magkaiba ang apilyedo namin.

Ganito kasi yun, kinidnap ang parents namin when we were just 6yrs.old. Pinaghiwalay rin kami ni Lian. She was adopted by a chiness teacher of martial arts and i was taken by the mafia.

Nang magsixteen ako ay hinanap ko si Lian lingid sa kaalaman ng mafia at ipinasok ko siya rito bilang assassin.

Di pa nakikita ng mafia ang totoong itsura ni Lian upang maprotektahan ko ang kanyang pagkatao.

Akala ng mafia na nakalimutan ko na ang totoo ngunit inilihim ko ito at kasabwat ko ang psychiatrist na pinapakontrol nila sa aking alaala.

Alam ko lahat ng kilos ni Lian. At palagi akong nandun sa kanyang mga misyon lingid sa kanyang kaalaman.

I Love You, Mr. Gangster! (ILYMG Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon