CHAPTER 2

34.8K 450 16
                                    

A/N: Pic on the side is Liam :)

------------------

Binuhos ko nalang lahat ng oras ko nung araw na iyon sa paglalaro ng xbox at computer games. Nung napagod ako e nakaidlip ako ng ilang oras sa kwarto nang biglang naalimpungatan ako sa biglang pagring ng phone ko.

"Riko? Hello?"

"Yes ma?"

"Did you call your dad already?"

"Ah not yet ma, I'm going to call him now,"

"Ok tell him I'll be home soon para makapagusap kami din,"

"Alright,"

Yung Dad ko ay nasa pinas kasama yung eldest brother ko, we are not a typical family but hey we manage and no hindi divorced parents ko. It's just that mas pinili nila ang ganitong set up na sa America kami ng bunso kong kapatid with my mom and yung Dad ko at yung kuya ko ay nasa pinas dahil sa pagaasikaso ng negosyo. It's been years actually na hindi ako umuwi ng Pinas. I lost contact wth my old friends and we lived the American life ever since.

Pinindot ko yung redial button sa Video phone namin na connected sa another same video phone sa pinas. Nagring yung phone sa kabilang linya na may logo ng phone sa gitna ng screen habang di pa sinasagot.

Ring..

Ring..

Ring..

"Oh hello," biglang bungad ng Kuya ko sa kabilang linya, kita ko muka niya sa screen, "Oh Riko napatawag ka?"

"Mom told me so, kailangan ko kausapin si papa daw, can I speak to him?"

"Ah ok sandali lang,"

Nakita kong tumayo at naglakad papalayo ng screen kapatid ko then tinawag nya Dad ko at nakita ko silang dalawa lumapit uli while my Dad sat in front of the screen.

"You need to talk to me?"

"Ah oo nga pala buti napatawag ka at tsaka nasaan mama mo?"

"Nasa work pa pero pinasasabi na uuwi na siya soon kaya hintayin mo daw para makapagusap kayo,"

"Ok ok,"

"So ano po ba yung need natin pagusapan para atang urgent yan?" pagtataka kong tanong sa Dad ko.

"Ah yes, umm Riko una how's work?"

Natigilan ako ng bahagya pero hindi ko na pinahalata sa kanya. I tried my best to put a poker face for now.

"Ah ok naman po, everything is swell" may hint ng pagkasarkastiko sa tono ko. Hindi ko pa rin lubos maisip na nisexual harrass ako ng manager namin at di yung weird feeling when Liam hugged me. Iwinaksi ko nalang yung sa isipan ko.

Napansin yung ng Dad ko kaya parang mapanuring tingin ang binigay niya saken.

"Are you sure you're ok?" marahan niyang tanong.

"Yes I'm fine pa, ano po ba yun sasabihin niyo?" I tried to change the topic nang di pa maungkat ang nangyari kaninang umaga.

"Ah yes, alam mo naman magpapasukan na next month and matagal ka na rin diyan sa US, naisipan namin ng mama mo na baka pauuwiin ka na namin dito at ipagpatuloy ang college mo. Ano masasabi mo?"

Medyo natahimik muna kami dalawa. I know they've been urging me to go back home, matagal tagal na rin kasi akong tumira sa US pero alam ko at alam nila I wasn't ready.

"Di ko alam pa, I think mas better dito lang muna ako besides think of it this way I can help out here kay mama diba?"

Nagbuntong hininga si papa.

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon