CHAPTER 24

15.9K 272 15
                                    




GERALD:

"Oh tol ano ginagawa mo dito?" sambit ni France.

Weekend kaya napagpasyahan ko na sa basketball court ng aming subdivision ako magpalipas ng oras. Kapitbahay ko si France and magkababata kami. Sa Mapua siya nagaaral after grumaduate sa Liceo highschool. Naalala ko before pa ako nagenrol sa college ng Liceo e hinangaan ko na ang kanyang mataas na pangarap at piniling kurso. Hirap kaya maging engineer, sabagay I'm not good with math.

"Ah wala papalipas oras lang,"

Tiningnan lang ako ni France na may kung ano sa muka ko at naguusisa.

"Ok sabi mo e, tagal natin di nagbonding ah. Mukang busy na tropa natin, namimiss ko na kalokohan natin,"

Napangiti ako dun, oo nga mukang naging busy na talaga kaming magtropa sa mga kurso namin.

May bigla akong naisip na ideya.

"Bakit hindi ulit tayo magbonding, lahat tayo kasama buong tropa,"

Biglang umaliwalas ang pagmumuka ni France.

"Uy ayos yan, matawagan ko nga sina Badong at Jek," kinuha niya yung cellphone niya sa kanyang shorts at may dinial sa phone niya.

Habang nakikipagusap si France sa phone at puro mura ang lumabas sa bibig niya na ibig sabihin e nagkukulitan ang mga mokong sa telepono.

Napapunta ako sa court at nagsimulang mashoot ng free throws sa ring habang nililibang ko ang sarili ko. Madami lang kasi sumasagi sa isip ko for the past few days. It's a breath of fresh air din na lumabas ako for my own self. Si Riko kasi ang laman ng isip ko halos araw araw na. I mean it's a good thing pero I dunno, alam niyang how much I love him and nakikita ko din naman na may feelings sakin si Riko, di lang siya showy. Pero gustong gusto ko talaga na kahit papano e ipakita niya yun sakin kahit hindi kami nagiisa.

I understand na siguro nahihiya siya? Or di siya sanay, sabagay sa una ko palang pagkakakilala sa kanya talagang antipatiko at may pagka snob talaga si Riko, kaya siguro mas nagustuhan ko siya, hays. Pero I just want him all for myself na hindi siya takot ipakita sa ibang tao ang tunay niyang nararamdaman.

"Huy!" biglang bulalas ni France na nagpawala sa pagdadaydream ko.

Tiningnan ko nalang siya ng masama.

"Mukang malalim ata iniisip natin tol ah,"

"Wala nagugutom lang ako,"

"Sabi mo e, nga pala papunta na dito sina Badong at Jek, inuman tayo sa inyo,"

"Huwag sa amin nandon ermats ko papatayin ako nun, adik ka ba,"

Kumunot noo si France habang nagisip siya.

"Sige sa amin nalang tutal si Tito lang naman nasa bahay, nasa Pampanga sina mama,"

Tumango nalang ako sa kanya. Gusto ko kasama si Riko, sasama kaya siya kung imbitahin ko siya? Oh right di pa nga alam ng mga barkada ko sa current situation namin ni Riko, di nga nila alam na in love ako sa isang lalaki. Hays.

Kinuha ko pa din cellphone ko para magpaalam kay Riko, nu kaya ginagawa niya ngayon. Imbitahin ko na nga lang siya, no harm from trying.

Gerald: hey musta?

Click. Send. Take it light muna bago ko imbitahin baka busy e.

Maya maya may nareceive akong text, mukang wala ginagawa siya ah, napaisip ako.

Riko: ok lang, ikaw ba kamusta?

Gerald: ok lang, gusto mo ba samahan ako sa bahay?

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon