CHAPTER 17

19.4K 291 15
                                    

GERALD:

Hindi ko na talaga mapigilang ibuhos ang lahat ng nararamdaman ko para kay Riko. He made the first move nung hinalikan niya ako and sa tagal tagal kong pagtatago ng emosyun ko, hindi naman madali daling ibalik agad ang lahat sa dati na parang walang nangyari. Mahal ko siya, oo aminin ko and nasasaktan akong tingnan ang reaksyon niyang naguguluhan siya. 

“Riko?” tawag ko sa kanya, para kasing tulala pa din siya. Parang gusto ko iuntog ulo ngayun sa pader. Hinalikan ko nanaman ulit siya, and ang lambot ng kanyang mga labi, ugh, focus Gerald.

“Ha?” sagot niya na parang wala sa sarili.

“Riko... uhm..” nauubusan na ako ng sasabihin sa kanya. Napahawak ako sa likod ng leeg ko at medyo nahiya ako.

“Tara na Gerald,” biglang tumayo siya sa pagkakaupo.

Narinig ba niya sinabi ko? Sinabihan ko siya na mahal ko siya langya. Ouch, parang hindi niya ata pinansin yun. Aminin ko nasaktan ako. Isang matalim na kutsilyo na sumaksak sa dibdib ko.

Lumingon si Riko sa direksyon ko pero bigla ko inayos ang muka ko, ayaw ko makita niyang nasaktan ako. Tutal matagal naman na din ako nasasaktan nung una pang inamin ko sa sarili na mahal ko siya. Hindi na to bago sakin, pero di ko mawala sa isip ko na parang bakit mas matindi ang sakit sa puso ko ngayun na nararamdaman ko?

Ngumiti ako sa kanya ng bahagya, sh*t sana di niya nakitang nasaktan ako.

“Gerald...” medyo may kung ano sa mga titig niya sakin.

“Ok lang yun tol, tara na,” ako nalang ang sumegway, alam ko. OO alam ko sa mga mata niya hindi siya handa, naguguluhan siya, alam ko ang mga titig na iyun. Kaya ako na naunang umalis sa lugar namin.

Hindi naman na sumagot si Riko kaya hinayaan ko na. Hays.

Napansin ko na ako yung nauunang maglakad saming dalawa papunta sa exit gate ng campus. Nang tiningnan ko siya sa likod parang may iniinda pa din siyang sakit sa tiyan niya kaya nilapitan ko na at inalalayan ng walang salita pa.

“Teka yung sasakyan ko nasa parking lot pa,” protesta ni Riko nang papalabas kami ng campus.

“Hindi ka naman makapagdrive niyan kaya magcommute nalang tayo tsaka doon muna tayo sa condo ni Liam mas malapit lang kasi yun dito,” sagot ko. 

May kung anong kurot na naramdaman ko sa puso ko. Selos? Di ko alam. Alam kong gusto niya si Liam and ang mga pinapakita niya sakin ngayun parang naguguluhan ako sa kanya. Gusto rin ba niya ako? Ayoko umasa, handa na nga akong magpaubaya para sa kaligayahan niya, pero talagang t*nga lang talaga ako. Hays pagibig nga naman. 

Inisip ko na baka mas gusto ni Riko na makasama si Liam tsaka mas malapit nga naman talaga condo niya kaya dun kami pupunta. Alam kong di pa ok si Riko maglakadlakad o ano pa man.



................................



“Dude what happened to your face?” gulat na sambit ni Liam nang binuksan niya ang pintuan sa condo niya.

Naka undershirt lang siya at pants ng school uniform niya na halatang kauuwi lang din niya.

“Ah wala to,” sagot ko, muka ngang namamaga ang pisngi ko pero di ko namalayan, si Riko kasi ang iniisip ko.

“Okay ka lang ba?” pagaalalang tanong ni Liam sakin tapos tiningnan niya si Riko na parang naguusisa kasi inaalalayan ko siya papasok.

“Ok nga lang ako pero si Riko, di ko alam kung ok siya,” nagaalala na rin ako, kanina pa kasi hindi nakikipagusap sakin, kung tanungin man tipid naman ang sagot. 

“Im fine,” sagot ni Riko at naupo sa isang upuan habang hawak hawak ang tiyan niya.

“Bakit parang purow pasa ang mga muka nyo?” tanong ni Liam.

Pumunta na ako sa ref ni Liam ng walang paalam, feel at home e kaya walang hiya hiya akong kumuha ng maiinom at makakain, nagutom kasi ako. Kinuha ko na rin ang ice cubes na nakalagay sa freezer niya tapos nilagay sa isang plastic na cellophane at tinali ito. Pagkatapos e binalutan ko ito ng bimpo na hinalungkat ko sa drawers ng kwarto ni Liam. 

Nagkalat ang boxer shorts at underwear ni Liam ng hinalungkat ko ang mga gamit niya, parang kapal muks lang no?

As usual wala lang naman kay Liam, minsan nga nagtataka ako kung masunog kaya condo niya o di kaya nakawan siya ng mga gamit niya siguro wala lang din to pake. Kakatuwa siya.

“Eto o lagyan mo sa pisngi mo,” abot ko kay Riko.

Ayaw kunin ni Riko pero si Liam na ang kumuha at umupo sa side niya habang nilagay sa pisngi ni Riko. Ouch, pero hey masokista lang. Ang sweet nila tingnan pero hinayaan ko na.

“Bro you ok?” pagaalalang tanong ni Liam kay Riko habang nilalagay nya sa pisngi nito yung ice pack.

Ako naman e kumakain ng sandwhich na prenipare ko galing sa ref habang nakatayo at nakasandal sa isang mesa nakatitig lang sa kanilang dalawa. 

“Ok lang ako Liam,” sagot ni Riko pero halatang iniinda ang sakit.

“You dont look ok to me, sino ba gumawa niyan sa inyo?” tanong niya, nang wala siya makuhang sagot kay Riko, lumingon sakin siya at tumaas ang kilay.

“Di ko alam,” nagkibit balikat nalang ako. Totoo naman di ko talaga kilala ang mga ungas na iyon at kung bakit pinagtripan nila si Riko, buti nalang hinabol ko siya kundi baka ano pa nangyari sa kanya. Medyo bumigat ang loob ko nang inamgine ko kung may nangyaring masama kay Riko.

“Wala yun, baka napaginitan lang ako,” sagot ni Riko pero may kung ano sa expression ng muka niya. Halatang may tinatago, hindi siya nagsasabi ng buong katotoohanan. Napabuntong hininga ako.

Di ko na sinabi kay Liam pa na naghalikan kami ni Riko, baka ano pa isipin niya. Tsaka mukang di pa ready si Riko magsalita tungkol dun, alam ko.hays.

Habang pinagmamasdan ko yung dalawa sa harapan ko, may kung anong kumukurot sa puso ko, alam kong mas matagal na magbestfriend na silang dalawa ni Liam pero ewan, it hurts seeing them na ganyan kaclose. Inakbayan na ni Liam si Riko habang nilalagay niya yung ice pack sa muka niya habang si Riko naman e parang statwa lang sa kinauupuan niya. Gusto ko ako yung nasa tabi niya ngayon pero alam ko it will be awkward tsaka alam ko gusto niya si Liam, siguro mas makakabuti na sa tabi ni Liam muna siya. 

Unconsciously hinimas ko yung labi ko, naalala ko yung mapusok na halik namin kanina kanina lang. Hays, baliwala lang ba yun sa kanya? May naramdaman din ba siya tulad ng nararamdaman ko? Napayuko nalang ako sa kinatatayuan ko. I’m hopeless and bawat minutong ganito, mas naiinlove ako sa bestfriend ko.


“Gerald? Gerald! Bro,” sigaw sakin ni Liam.

“Ah ano bakit?” parang bumalik ako sa tamang pagiisip.

“Sabi kow uuwi ka pa ba? Or dito ka na rin lang muna matutulog? I don’t think you look any better, mas madami kang pasa, makakauwi ka pa ba niyan sa parents mo?” seryoso pero may bahid ng pagaalala sa tono niya.

Tama siya hindi ko pwede ipakita to kena tatay at nanay, tiyak katakot takot na sermon ang aabutin ko. Tsaka bakit dito rin ba matutulog si Riko? Ah sabagay mas mainam nga ganun nga kasi hindi pa ata kaya niya maglakad lakad.

“Ah sige dito na rin,”

“Ok bro, ihahanda ko lang yung kwarto ko dun nalang tayo, malaki naman kama ko, pasensya na isa lang ang bedroom ng condo unit na ito,” sabi niya habang inaalalayan si Riko papunta sa kwarto niya.

“Ok lang,”

“Dude you messed up my drawer,” inis na sambit ni Liam

Natawa nalang ako sa kanya, ni hindi man lang ako guilty o ano man, alam ko naman wala lang din yun sa kanya, pero kinalat ko talaga ang mga gamit niya e, hehe.



........................................



DERICK:



Nagulat ako syempre sa sinabi ni Gerald, para akong nasa ibang mundo na hindi ko na alam kung tama ba tong nangyayari sakin o hindi. Wala akong maibigay na sagot sa kanya. 

Mahal kita Riko

Umalingawngaw sa kailaliman ng aking isip nang sinabi ni Gerald ang mga katagang iyon. I mean I was lost. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko at lalo na kung ano gagawin ko. Hindi ako sumagot at nagmistualng bingi lang ako. Nakita ko na nasaktan ko siya base sa mga mata niya. Pinilit niya ngumiti at parang binaliwala lang pero kita at ramdam ko na nasasaktan siya. Sh*t this is a mess.


“Dude you ok?” tanong ni Liam sakin.

Ah right nakitulog pala ako sa condo ni Liam, for some reason hindi na ako nakipagdebate pa since ayaw ko din naman makita nila kuya at dad ko na may pasa ako sa muka. 

Nakahiga ako sa gitna ng malaking kama ni Liam habang nasa kaliwang banda ko siya. Nagising ko siguro siya, hindi pa kasi ako makatulog. For some reason wala lang kay Liam na we are all sharing on one same bed. Ako, si Liam, at si Gerald na ngayon ay tulog na sa tabi ko din sa may kanang banda. 

One bedroom condo unit pala tong tinitirhan ni Liam ni sofa niya maliit nga, couch lang, sabagay magisa lang kasi siya tsaka sino ba naman kami magreklamo noh, ang bait na nga nang tao na alukin na magsleepover kami sa kanyang kwarto. May aircon kasi hehe at halata namang ayaw ni Gerald sa labas matulog. Malaki laki din naman ang higaan ni Liam sakto kaming tatlo, masikip nga lang ngayun na magkakatabi kami. 

Rinig ko ang hilik ni Gerald sa tabi ko, sarap na sarap matulog ang mokong.

“Yeah im fine,” sagot ko kay Liam na pumupungas pungas pa sa antok.

“Ok well get some sleep, I’m tired,” 

Hays kahit naman gustuhin ko, hindi ako makatulog e. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Ang daming gumugulo sa utak ko. Plus ang lamig naman ng aircon sa kwarto ni Liam, nanginginig na ako.

“Liam yung aircon, malamig na masyado,” reklamo ko.

“mmmm,” sagot lang niya. 

Gusto ko bumangon pero ayaw ko distorbohin yung dalawa, tiyak magigising si Gerald and alam ko he is really exhausted. Hays di ko na alam talaga ano gagawin ko. I mean hindi sa lamig ah, kundi sa nararamdaman ko ngayun.

Nilalamig na talaga ako, di ko na matiis, tinangka kong bumangon para ako na magadjust ng settings ng hinawakan ako ni Liam gamit ang isa niyang kamay na nakapatong sa dibdib ko at tinulak pabalik sa higaan.

“Liam malamig na, yung aircon!” bulong ko na may halong inis.

“Huwag I like it like that,”

“Pero...”

Natigilian ako nang niyakap niya ako at lalong nilapit niya ang katawan niya sakin.

“If your cold then yakapin nalang kita, get some sleep,”

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya at pumwesto na halos magkadikit na ang aming katawan. Nabigla ako oo pero medyo mainit ang katawan ni Liam kaya nawala ang lamig na. Instant body warmer si Liam langya. Di ko mapigilang maexcite na may halong kaba habang niyayakap niya ako. Pernes ang bango niya and ang init ng katawan niya, cozy kum baga. 

Sari saring emosyun ang nararamdaman ko na. I find Liam attractive and I find Gerald hot and seductive. Yep, mukang hindi na talaga ako straight. Sumakit bigla ulo ko. Di ko na alam ano gagawin ko. Bakit? 

Bakit? Yun nalang natanong ko na para bang may kinakausap sa kisame. Ewan may topak na siguro ako. Sa dami kong iniisip di ko nalang namalayan na dinalaw na pala ako ng antok at nakatulog na rin sawakas.



..............................



LIAM:


When I first saw Gerald with his face like that, I was worried, yeah, kaibigan kow kasi yung tao but when I looked passed by him and saw Derick, I was extremely pissed to whoever did that to him. Derick my best bud, I love him as a brother, I mean yea dati I did mention I love him on the phone when we were on the states that’s coz he has this place in my life that no one will replace. I mean c’mon he is Derick, my best buddy and though I have many siblings, mas naituring ko pang kapatid si Derick. I really do love him, I don’t know if it’s a homo thing but heck even if it is I won’t mind. Hell I don’t even f*cking care about the people around me and that’s just who I am. Sabi pa nga ni Derick sakin, I’m like an innocent, naive child when in fact I am way bigger than him and I’m certainly not a child. 

He squirmed under my warm embrace, I can see there are a lot of things bothering him pero he is asleep.

He was cold and i hugged him tight, well I made an excuse na I want the AC as it is but the fact is, I just wanted to hug him. It looks like he needed it anyway. I can see it on his eyes, may something na nagbobother sa kanya and I know him too well that he will keep it inside no matter what. 

I hugged him tight as he stopped squirming and hear the soft sound of his even breath. Yeah, I think he’s sleeping now. 

I slept as well after that.



.........................................



“Huy Liam gising na,” i heard someone and nudging me.

“huh?” I squinted my eyes as the beam of light from my windows passed through it and into my room.

“Uwi muna ako tol tumawag si nanay,” Gerald said as he was looking at me sternly but still in a friendly way. His eyes says something too but I didn’t bother to ask what it is. 

“Ah sure sige bro, my class is in the afternoon, mamaya pa ako babangon, I’m still sleepy,” I said but Gerald kept eyeing me and someone on my side, Oh shoot yeah Derick, I’ve been hugging him all this time like a pillow. I think maybe that’s why he’s been looking at me like that with a weird face. 

I took my hand off Derick who is still sleeping beside me while Gerald made that look yet i can’t understand. A look of hurt? I dunno, hmmm this two needs to tell me stuff coz though I’m not that very perceptive of things, I can still feel there’s something. Well let’s just say, ako yung tipong tao na they need to tell me things upfront coz I won’t get you unless you do so. Ano pa ba yung term dun in tagalowg? Manhid, yeah that. Plus with my awesome personality of not caring at all makes me oblivious to what’s really happening around me, God I need to change that somehow, but I know it wont happen anytime soon.

“Ok,” he sighed, “pakisabi nalang kay Riko na nauna na ako and magkita nalang kami sa eskwelahan.”

“Right,” I gave him a nod and went back to sleep. What? I’m tired and I’m a growing boy, well technically I’m a man but whatever.


I heard the front door creaked as it opened and closed with a soft click and off to slumber land, unconsciously hugging Derick on the process. He is warm, hmmm, I can get used to this. 




................................................




I woke up with the sound of clicking and banging noise in the kitchen. 

Sniff. Sniff.


Is that egg I’m smelling, someone must be cooking. I opened my eyes and yawned, stretching my arms I felt that Derick wasn’t there anymore. Lumabas na ako ng kwarto ko to check on him outside, I bet siya ang nasa kusina.

“Hey,” he greeted me while cooking some eggs. I think he borrowed some of my shirt and boxers but I don’t mind, heck when did I ever mind anyway.

“Sup?” I yawned.

“Nagluto ako ng breakfast natin, pasensya na ito lang muna, nasaan si Gerald?” he asked me.

“Umalis kaninang madaling araw, he said something like his mom worried about him? And he also said that sa school nalang daw kayo magkita later,”

I saw something in his eyes as I mentioned Gerald. Parang it was something that greatly bothers him but he tries to hide it with a poker face, nope he’s not foolin me but it’s not my business to meddle within the two. They are my bestfriends yes but if they are on some petty quarels I think I’ll wait when they’re both ready. I’ll prolly talk to Gerald first knowing Derick can be stubborn as mule when he doesn’t want to tell me. I know him, if he wants to tell me something, he’ll do it and if not then I will patiently wait even if it kills me. Pfft, I groaned with frustration and tough luck I think he saw that.

“May problema ba Liam?” he asked.

“Ah wala, ikaw you wanna share something?” I’m still keen on finding out who did this to him and to Gerald so I can beat them to a pulp.

“Wala, tara kain na tayo and uuwi muna ako I told my dad na nagsleep over ako dahil sa school project para hindi na siya magalala,”

Yep he won’t tell me anything so I’ll respect that. I’ll find out anyway sooner or later and I’m gunna kill those b*stards. I swear.

“Ok,” that’s all i get to say.


..................................................



DERICK:


Since malapit lang ang skwelahan sa condo ni Liam, pinuntahan ko muna ang sasakyan bago umuwi, magskip nalang ako ng first subject namin tutal ayaw ko naman makita si Mr. Gelado. 

Nagdridrive ako habang lumilipad ang isip ko. Liam, Gerald, Liam, Gerald, kinamot ko ulo ko sa pagkainis. Inis sa sarili ko, hindi ko alam paano tratratuhin si Gerald ngayun, he confessed his love to me. This is stupid of me na hinayaan ko mangyari yun, although hindi ko naman pinagsisihan yun. Hays ang gulo ko.


Pinabuksan ko yung gate namin sa mga katulong at pinark ang kotse ko sa loob ng bahay namin.

“Magandang umaga sir,” bati sakin ni manang.

“Magandang umaga din po,”

“Ah sir ano nangyari sa muka mo?”

“Ah wala nadapa lang,” pagsisinungaling ko, “Manang si papa?”

“Kaalis lang po magkikita ba dapat kayo ngayung umaga?”

“Ah hindi nagtatanong lang, I’ll see him later tonight nalang,”

“Ah sige po sir, wala po ba kayong pasok?”

“Meron po magpapalit lang ako,”

“Ah sige nakapagalmusal na ba kayo at ipagluluto ko kayo ng paborito niyong pagkain,”

“Huwag na po tapos na and manang please don’t tell my dad about sa pasa ko,”

Tumango nalang si manang, alam ko naman di ko to maitatago sa dad at kapatid ko, pero as much as possible I wan’t it delayed. 

Nagpalit na ako ng damit at saka umalis papauntang school ulit. Medyo late na ako masyado but I don’t care. Medyo uminit ulo ko ngayun na alam ko makikita ko si Anne sa klase. I decided not to care, kung ano mang sinabi ni Anne sa bf niya, for sure kung ano ano pa sinabi niya sa mga kaibigan niya. Tama nga si Gerald, sisiraan ka talaga ng babaeng yun but I don’t care. 

Kaya nung pumasok ako sa klase ko and nakita ako ni Anne, hindi ko na pinansin pa siya. Di ko naman kailangan pansinin siya, kaya ayun sumimangot ng husto, I guess being treated as invisible is far worse. Wala din naman ako oras para pagaksayahan siya.

Nakita ko si Gerald as usual nakaupo sa likod ng seat ko. Nagtama ang aming mga tingin. He is really hot, medyo may kung ano sakin na nagpabilis ng tibok ng puso ko bastat nakikita ko si Gerald sa mga panahong ngayun. Pero hindi ko pa talaga alam pano magrespond sa sinabi niya. 

Kaibigan ko siya and ang pinakaimportante sakin ngayun ay hindi mawala ang pagkakaibigan namin. Yun lang iniisip ko.

“Gerald,” bati ko sa kanya, hindi ko sinabing tol o ano man kasi alam niyang seryoso ang paguusapan namin ngayun.

“Oh tol, nagalala ako sayo kanina wala ka sa klase ni Mr. Gelado e,” parang normal lang na boses ni Gerald, tinatangka ba niyang umastang parang walang nangyari kahapon?

“Ah oo kasi umuwi ako muna, nauna ka daw umuwi sabi ni Liam,” tanong ko pero biglang may something na nagbago sa kung paano niya ako tingnan pero biglang bawi na kunwari wala lang. Parang may nakita akong emosyun, nasasaktan? Tama ba? Di ko alam, bakit kaya?

“Oo e tinext ako ni nanay sobrang nagalala kasi di daw ako umuwi kaya nauna na ako,” ngiti niya sakin.

“Gerald...” seryoso kong tono.

Gusto kong magusap kami ng masinsinan, wala ako pakialam sa mga makakarinig samin sa paligid basta gusto ko magusap kami.

Nakita naman niya yun sa pagmumuka ko.

Nagbuntong hininga siya at pinikit ang mga mata niya tila may iniisip at tiningnan niya ulit ako.

“Riko kalimutan nalang natin ang nangyari kahapon ok?” ngumiti siya sakin, pero kahit ganun ang mga mata niya, alam kong hindi nagsisinungaling di tulad ng mga ngiti niya, nasasaktan siya.

“Tol,” mahina kong sambit.

“Please kalimutan na natin ok? Tsaka ang importante andito ka, nandito ako, nandyan si Liam,” may kung ano nanamang sakit na pinapahiwatig sa mga mata niya, “magkakaibigan tayo yun ang importante, yun ang mahalaga, ok?”

Mukang mas pinapaniwala pa niya ang sarili niya kesa sakin. Hays, pagbibigyan ko siya, di ko na uungkatin pa ang nangyari kahapon. Pero gusto ko talaga na maging ok siya, mukang hindi kasi siya ok kahit pa ngumingiti pa ang mokong. Tumango nalang ako sa kanya.

“Tara tol kain muna tayo sa labas, nagugutom ako e,” masigla niyang sabi sabay akbay sakin. 

“Magsisimula na diba ang klase?” protesta ko.

“Wala pa naman si Maam Natividad, sige na tara na,” pagpupumilit niya at hinila niya ako, ang kulit talaga tong mokong nato, napangiti ako sa kanya.

“Sige na nga,”

“Ayos, ikaw manlilibre ah,” abot tenga niyang ngiti,

“Wow galing kaya pala ako pinasasama?”

“Syempre,”

Alam ko he is trying his best to be ok pero I’ll be here, bestfriend niya ako e.



....................................................




Soccer practice ni Gerald ngayon and napagpasyahan kong bumisita sa practice nila sa field since wala naman ako ginagawa. Si Liam nasa basketball practice niya pero mukang intensive ang training nila ngayun kasi may interschool competition sila, UAAP ba yun? Di ko alam di naman kasi ako mahilig manood nun. Patapos na din soccer practice ni Gerald kaya siya nalang ang pinuntahan ko.

Ang galing niya talaga maglaro ng soccer, no doubt one of the best players ng school namin kaya madaming humahanga na babae sa kanya e. Ang daming fans club, nakikita ko sa harapan ko, napangiti nalang ako.

Natapos na rin sawakas ang practice nila kaya tumayo na rin ako sa kinauupuan ko, medyo malayo ang distansya ko kaya alam ko di niya ako makikita pa.

Lumalapit na sana ako sa kanya ng may napansin ako.

Umalis na ang kanyang mga kasoccer team maliban sa isang lalaki na lumapit sa kanya. Inakbayan siya nito at mukang masayang masaya sila nagkwekwentuhan. Well may itsura yung lalaki, chinito mas matangkad sa kanya at pogi. Siguro magclose lang talaga sila, pero the way na humawak yung lalaki di ko maiwasan magisip ng kung ano. Damn stop overthinking! Tsaka kaibigan niya yun, ano masama naman sa konting akbayan, kami nga nagaakbayan. Pati sa konting harutan? At konting bulungan? Huh? Yeah magkaibigan lang naman sila, tsaka bakit ganito ako magisip, malisyoso ko talagang tao. I facepalmed myself. 


Umalis na yung chinito habang abot tengang ngiti yung dalawa na nagkawayan papalayo. Nakita na ako ni Gerald at pumunta sa dereksyon ko.

“Tol di mo sinabi na pupunta ka pala dito?” pawis na pawis siya pero mas lalo ata nakakahot siyang tingnan.

“Ah oo may basketball practice pa kasi si Liam, tara gala tayo,” alok ko.

Huminto muna siya tila may iniisip.

“Ah e, di pwede e,”

“Ah ok bakit? May gagawin ka pa ba?” tinangka kong itago ang pagkadismaya ko, I really wanted to hang out with Gerald kasi.

“Hindi naman sa ganun, may nag aya kasi sakin ngayun, bonding daw ng team,”

“Ah kayo lahat?”

“Di ko alam pero pinapasama ako ni Evan,”

“Evan?”

“Ah oo kateam mate ko, ipapakilala kita kung nandito siya, kaalis lang,”

I see, si chinito pala si Evan. 

“Gusto mo ba sumama samin?” tanong sakin ni Gerald.

“Ah hindi next time nalang, sige enjoy sa lakad niyo ni Evan,” 

“Sure ka? Ok naman ata sa kanya kung sumama ka,”

“Huwag na,” medyo may halong pagkainis ata ang tono ko kaya hindi na nagpumilit si Gerald.

Tiningnan nalang niya ako ng parang nagtataka pero hinayaan na.

“Ok sige, next time nalang tol ha, palit muna ako.” At umalis na siya.

Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko, parang, naiinis na may halong pagkadismaya. Hays di ko alam sabagay sino ba naman ako para magdemand gumala kami, nakalimutan ko meron din naman siyang ibang circle of friends. Hindi pala sakin umiikot ang mundo niya, somehow bakit nalungkot ako dahil dun? Ewan di ko na talaga maintindihan sarili ko.





To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon