CHAPTER 3

30.7K 430 31
                                    

A/N: Pic on the side is Gerald. Enjoy! comment below what you think.. I'm just an amateur so go easy on me pls ^_^

----

“Flight DL624 bound from Detroit to Nagoya with continuing service to Manila is now boarding priority, skymiles and business class passengers.”

Nakaupo lang ako habang tintingnan ko mga passengers na mga kano at hapon na pumipila para makasakay sa eroplano. Today’s the day, yep ngayon na sawakas e makakauwi ako sa pinas after so many years that I’ve shunned myself from that thought. 

Nagsalita nanaman yung haponesang stewardess sa booth ng gate entry papasok sa eroplano tapos trinansalate naman ng isa niyang kasamahan into english sa mic.

“We are now open for general boarding for zone 1. Please fall in line for general boarding with passengers sitting in zone 1.”

Nagsimula nang pumila ang mga tao. I looked at my boarding pass and checked, Seat G54 Zone 2. Tagal pa so kinuha ko muna yung phone ko at nakiconnect sa wifi ng terminal. I checked my emails and fb. 

Ok mga junk mails lang, now to check my fb. Click dito click doon, hmmm, naisipan ko magcheck in sa FB, wala lang trip lang. Clinck ko then post.

Derick Villafuente is at Detroit Metropolitan Wayne County Airport in Detroit, Michigan 1 minute ago

Biglang may naglike ng status. Chineck ko sino. 

Liam Andersen likes your status

Then biglang may nagpop na message box.

“Hey you’re leaving?”

“Yeah I’m at the airport right now.” parang tanga ko lang sinulat, obviously kapopost ko lang kaya kung saan ako.

“Right, i just received your letter,”

Ah yes, ngayon tuloy parang medyo nalungkot ako na aalis na ako, for some reason this was my home and I got used to it now it’s going to be a new challenge in my life and not to mention i somewhat felt guilty kasi drinop off ko yung CD at letter sa last minute, ayaw ko kasi na maging issue pa yun kay Liam na aalis ako. Mabuti na ang ganito. 

“Uh yeah, sorry I didn’t tell you sooner but hey i gave you my CD take care of it for me,”

“k”

Wow yun lang? nakapangiinis talaga ang ganong reply. Pero mukang walang gana makipagusap si Liam saken. I can understand naman. As a friend I really hope he’ll have a happy life, preferably with a girl. Sayang looks niya, artistahin pa naman. Ok why did I even think of that. Ugh. 

“Final boarding for passengers sitting on Zone 3,”

Oh sh*t pasok na dapat ako sa plane. Nireplyan ko na agad si Liam na magboaboard na yung plane and I have to turn off the phone now pero wala na ako nareceive na reply sa kanya. Binaliwla ko na lang yun at tuluyan nang pumasok sa boarding gate habang prinisenta ko yung US passport ko tsaka boarding pass. I walked inside the plane through the aisle searching for my seat then nilagay ko yung back pack ko sa loob ng overhead bin at naupo. Naisipan ko kalikutin ang mini tv na nakattach sa likuran ng seat ng unahan na passenger. Lahat ng seat sa likod nila ay may mga TV para sa entertainment purposes ng mga pasahero. 

I got bored so while naglalast inspection ang flight crew at pinapakita sa mga TV screens sa harapan namin ang safety guides before take off e pinikit ko yung mga mata ko at natulog. Mahaba habang biyahe din to but I know there are more in store for me when I finally arrive sa pinas.

..................


“Riko!” bati ng kuya ko nang nakalabas ako sa terminal ng NAIA I.

“ui kamusta?” sagot ko sa kanya habang kinuha niya yung cart na kung saan nakalagay mga maleta ko.

“Aba gandang lalaki mo na ah, tumangkad ka ata, tagal natin di nagkita, ano may gf na seksing amerikana ka na ba?” pangungulit ng kuya ko.

“Wala,” parang walang gana kong sagot.

“Sus sa pogi mong yan wala pa din? Ang hina mo naman, teka huwag mo sabihin dahil pa rin to sa ex mong sino pa nga ba yun? Sarah?”

“Stephanie,” I corrected him, “tsaka matagal na ako nakamove on kuya, bata pa namin noon, I was just naive back then.”

“Oo nga mga bubwit pa nga kayo nun,” sabay tawa ng malakas.

Sinuntok ko naman braso niya, lakas makapang asar lang.

“Aray sakit nun ah, porket malaki katawan mo huwag mong isipin di kita papatulan, isang sapak ka lang sakin,”

“Gusto mo ata ng isa pa e,” hamon ko naman.

“Magsitigil nga kayo diyan!,” galit na boses ni papa nang makita kong nasa harapan na pala niya kami na, “Ang lalaki niyo na asal bata pa din kayo, magsi ayos kayo, naiintidihan niyo?”

“Opo,” mahinang sambit ni kuya

“Yes pa,” sagot ko naman.

Nakakatakot magalit Dad ko, ex military official kaya siya. Pero ganun pa man he’s a family man. 

“Kamusta flight mo Riko?” tanong ni papa with his usual strict voice.

“Ok naman nakakapagod lang yung 16 hours na nakaupo sa plane,”

“Ah sige tara na sa kotse para makauwi na tayo at makapagpahinga ka,”

Sumunod nalang ako sa kanila. Nakapark yung car namin sa bandang likuran ng lote, ang dami kasing sasakyan na nakapark. Sa dami ba naman ng international flights na nagsisipagdatingan e.

Isa isa pinasok ni kuya Tonton yung mga gamit ko sa trunk ng kotse, tinulungan ko na rin siya. Mga magaalas dose na ng hating gabi nang nasa kalsada na kami ng Maynila. Gabi kasi arrival ng flight ko. As I sat there, I watched the cars and the streets ng Manila. Hindi pa rin nagbago, ganun pa din, madaming tao kahit disoras ng gabi. Pero may certain feeling of nostalgia pa din ang nanaig sakin habang pinagmamasdan ko bawat gusali, mga bahay at street lights na dinadaanan namin. Yep I’m home.

After some few minutes e nakarating na kami sa subdivision kung san dati ako nakatira. Ang tagal ko nang di nakauwi dito. Namiss ko din ang lugar nato.

Binuksan ng gate namin ng isa sa kasambahay namin at pinark ni papa yung car sa loob ng garage area ng bahay. 

“Goodevening po sir” bati ng isang kasambahay namin sa papa ko.

“Ah manang pakitawag nga silang lahat at tulungan kunin ang mga bagahe ni Riko sa likod ng kotse,” utos ng Dad ko.

“Opo sir,” pero bago pumasok ng bahay e nagtanong muna si manang, “ e sir bakit di niyo nalang tinawag si Mang Lando para ipagdrive kayo nang sunduin si sir Riko?”

“hindi na besides mas gusto ko ako ang sumundo sa anak ko,”

parang natouch naman ako dun kahit strikto papa ko talagang pinapakita niya mahal niya kaming mga anak niya. Sinimulan ko na rin kunin ang ibang maleta na kaya ko kunin.

“Riko hayaan mo yan dyan, sina Manang at Mang Lando nalang bahala diyan sa mga gamit mo, pumasok na tayo sa bahay,”

“Ah yes pa,”

“Tara na,” inakbayan ako ng kuya papasok ng bahay.

Ganun pa din ang bahay namin, walang pinagbago. Maluwang na lawn na may bermuda grass sa harapan ng malaking bahay. Sa pagpasok ko ganun din walang pinagkaiba nang umalis ako 6 years ago, maliban sa mangilan ngilang renovations sa wall at ceiling, pero yung maluwang na sala, dining area at hagdanan papunta sa 2nd foor ganun pa din. Home sweet home.

“Nakapaghapunan ka na ba Riko?” tanong ni papa.

“Ah tapos na po sa eroplano, di po ko gutom, gusto ko lang po maligo at magpahinga na,”

“Ah sige sige, iaakyat nalang nila manang mga gamit mo sa dati mong kwarto, nilinis na yun para sayo, magpahinga ka na at sa susunod na mga araw e mageenroll ka na sa napili mong university, naintindihan mo ba?”

“Yes pa, nga pala may mga pasalubong ako dala para sa inyo, andon sa box na dala ko,”

“Oh talaga ano yung pasalubong ko?” tuwang tuwan naman kuya habang ginulo buhok ko.

“ Mga T shirt tsaka Macbook pro, diba need mo yung laptop para sa trabaho mo?”

Nagaral si kuya ng Business Administration and siya ang tumutulong kay papa sa pagmanage ng Hotel na pagmamay-ari namin. Maliit lang naman na hotel pero madaming clients lalo na mga businessman ang nagkakagusto dito dahil sa unique environment na style na inadopt namin. Eco friendly hotel na ang design niya e para makapagrelax from the busy life of the city while equally enjoying the luxury life it can give. Plus aside sa magandang landscape design nito e unti unti namin inintegrate ang eco friendly techonologies like solar powered windows sa taas ng lobby area kaya isa ito sa dinadayo ng mga turistang gustong maglibot sa pinas.

“E may laptop na ako e, salamat nalang,”

“Ganun ba sige palit nalang tayo sayo nalang tong iphone5s ko, bago lang yan,”

“Sus nagpauto ka naman wala naman special sa cellphone na yan,”

“ayaw mo?”

“Huwag na, ilibre mo nalang ako sa susunod,”

“Ako pa ang manglilibre na estyudante nga ako di tulad mo may trabaho,” inis kong sagot.

“biro lang,” sinuntok niya braso ko.

“Tama na yan, Tonton bukas mo nalang kunin mga pasalubong mo, papagpahingain mo muna kapatid mo, umakyat ka na Riko sa kwarto mo.”

“Yes pa,”

“Sige tol, welcome back home,”

sumenyas nalang ako sa kanya at umakyat na sa malaking hagdan papunta sa kwarto ko. Wala pa din pinagbago, ganun pa din nung iniwan ko to. Nilinis lang at pinalitan ng bedsheets at cover yung bed ko. 

Matapos ko maligo, i felt so relieved and refreshed at dahil sa sobrang pagod ko sa biyahe e di ko namalayan nakatulog na pala ako.



..............


Second day ko na sa pinas, after ako makasettled in, pinag enroll ako ni papa sa university. Gulat nga ako hindi pa nga ako nakakapagentrance test enroll agad? Sabi naman niya ok pa rin daw yan kasi pwede pa rin daw ako magentrance test kung kinakailangan, ang importante e naproprocess na para makapasok ako next school year. Sumunod nalang ako. Gusto din nila ako magaral ng business related course para sa negosyo namin. Naisip ko why not, I have nothing better to choose from anyway. 

“Oh kamusta ang lakad mo?” my dad asked nung nakauwi ako sa bahay.

“Ok naman po I took an entrance test sa isang university na sinabi niyo po na top schools,”

“Yun lang ba?”

“I applied also for Le Gianfranco,”

“Le Gianfranco? Hindi ba isa yan sa mga elite schools here in Manila?”

“Yes pa pero I applied as well sa Liceo del Verbo Divino,”

“Mukang top contending schools ang inapplyan mo Riko, pero which one will you choose kung sakali pumasa ka sa dalawa?”

Nagisip muna ako ng mabuti. As much as I want to be with Le Gianfranco, I don’t think yun ang choice ko, malayo kasi sa bahay. Hassle kung sakali mapilitan ako magcommute where as kung sa Liceo del Verbo Divino ako mas malapit siya samin plus one of the oldest school siya and tulad ng Le Gianfranco nakaestablish na rin siya as one of the prestigious school here in Philippines. 

“Siguro sa Liceo nalang ako pa, mas malapit kasi kung magcommute ako,”

“Sigurado ka ba? Hindi ka naman magcocommute bibilhan kita ng sarili mong kotse,”

Teka did I heard it right? Bibilhan ng sariling kotse? Umabot tenga ang ngiti ko nang marinig ko yun.

“Talaga? Pero kung piliin ko ba Liceo does that mean walang kotse?”

“That’s not my point Riko, whatever you choose ok lang samin ng mama mo pero bibilhan ka pa din ng kotse gaya ng kuya mo. Ang sakin lang dont take it to consideration ang pagcocommute mo para pumili ng school.”

“Ah yes pa, umm pero kahit na matrapik pa din kung sa Le Gianfranco ako at least ang Liceo del Verbo Divino e malapit lang sa Makati, dun nalang ako.”

“Sige ifinalize mo na lahat nang makapagenrol ka ok?”

“Yes pa,” abot tenga pa din ang ngiti ko at sobrang excited sa sarili kong kotse. 


............



a few weeks after nakatanggap ako ng sulat na I was just recently accepted sa Liceo del Verbo Divino. Ibig sabihin pwede na ako magenrol for Business Management course bukas na bukas din. 

Inaasikaso pa lang yung kotse na binili ng Dad ko for me kaya napilitan ako magcommute lang muna. Though hindi masyado hassle compared to going the university belt mismo, medyo dyahe pa din sa tindi ng usok ng mga bus at jeep sa daan. Nasanay kasi ako na sa states kahit mga private cars ang andun e walang ganung smoke belching cars na halos ibuga sa pagmumuka mo ang itim na usok. Yung puting puting poloshirt ko na hapit sa katawan ko e parang naging beige na ata ang kulay. 

“Boss sa Liceo del Verbo Divino po ako, eto ang bayad,” inabot ko yung pamasahe ko s jeepney driver.

Maya maya e huminto at napick up ng pasahero yung jeep. May mga sumakay na mga kapwa estyudante ko din ata kasi may mga dalang envelopes at papel, siguro mageenrol din ata. Napansin ko din may sumakay na ilang grupo ng babae at sa likuran nila ay isang kasing edad ko ata na lalaki.

Normal lang ang itsura ng mga babae walang out of the ordinary na masasabi ko na pwede kong maging crush. 

“Pre pwede umusog ka ng konti dito nalang ako uupo,” sabi sakin ng lalaki na kasabay ng mga babae na sumakay. 

Umm masasabi kong may itsura yung lalaki, hindi typical pinoy looking. Mukang may lahi. Maputi siya, maganda ang pangangatawan, halatang regular maggym. Maganda ang hugis ng muka at matangos ang ilong. Artistahin kum baga.

Umusog na nalang ako nan makaupo siya sa tabi. 

Maya maya narinig ko yung mga babae na kaharap ko lang na nagbubulungan pero di nila alam na naririnig ko pa din kung ano pinagsasabi nila. Patay malisya nalang ako.

“Tingnan mo yung harapan mo Shiel, ang pogi niya oh,”

“Sino diyan? Dalawa kaya ang pogi diyan,”

“Ang gwapo nung nakawhite shirt, parang pwede nang isayaw sa background music na chinito ni yeng oh,” sabi naman ng isang girl.

Narinig ko natawa yung katabi kong pasahero na lalaki. Halatang pinipigilan niyang matawa. Lintik to ah ako ba tinatawanan nitong loko toh.

“Pero shiel pogi din yung isa oh yung nakablack sa tabi ni mr chinito,”

“Ang lalandi niyo girl, pwede isa lang basta sakin yung nakawhite, pwede nang pangleading man sa korea novela haay,”

“O sige basta saken yung nakaitim na tisoy, hang kyowt niya talaga,”

“E pano ako?”

“Sayo nalang si mamang driver,”

“Che!”

Nakita ko sa gilid ng mata ko na mukang ngumingiti si tisoy sa kanila ah. Playboy ang loko. 

Nagsipagtilian yung mga babae na pigil lang. Ang haharot sarap ihampas sa pader. Buti nalang e malapit na ako sa babaan ng Liceo.

“Para ho,” ako na naunang bumaba sa kanilang lahat at nakita kong sinundan ako ng tingin nga mga mahaharot na babae na yun. Siguro nakasimangot ako magdamag nun. Kakasira ng araw.

Di ko namalayan nagsipagbabaan din pala sila, mukang sa Liceo ata din sila mageenrol at sa di ko ineexpect tumabi saken yung nakaitim na tisoy galing sa jeep.

“Uy pare pangleading man ka daw sa koreanovela,” sabay pigil na ngiti. Nangaasar ba ito o ano?

“Ha?” kunwari di ko narinig siya at bakit kinakausap niya ako?

“Wala sabi ko type ka ata ng mga nun? Pati yung ale tintitigan ka kanina e,”

“Ikaw ata tinitingnan nun, sige mauna na ako,” binilisan ko lakad ko para maiwan si tisoy.

“Oi teka, bakit mukang masungit ka ata, di mo ba type yung mga chicks na yun?”

Nangaasar ata talaga tong loko nato. Ireto ba ako sa di ko kilala at higit sa lahat siya pa may ganang mangreto na hindi ko rin siya kilala. Nasisira araw ko umagang umaga.

“Oi bro,” binilisan narin niya yung lakad niya para makasabay saken.

“Dude What do you want from me?” Inis kong nasigawan siya.

Napahinto sa paglalakad si tisoy parang nagulat sa inasal ko. Ako man din e nagulat sa inasal ko. Siguro bad mood lang talaga ako. Nakita kong he was shocked at parang ayaw na iapproach ako dahil siguro sa halatang high blood ako. 

“Ah sorry, I need to go,” ako na nagpaumanhin at iniwan ko na siya sa daan inside the school. Naguilty ako oo pero andun na e besides kung isa man siya sa sudents ng Liceo i don’t think magkikita kami nun ulit kasama na yung mga mahaharot na mga babae na yun.

Natapos ang araw na nakapagenrol ako sawakas. Hindi ko nakita yung lalaki ulit pero naguilty ako na nasigawan ko siya. My self rightous thing is kicking in again. Nagsorry naman ako ah sapat na yun hays.

Chineck ko yung phone ko for any calls from my Dad or kuya ko wala naman. Ui may wifi sa school, nice, naglog in ako at chineck ko FB ko. May message isa pero di ko muna binasa. Trip ko na ata magcheck in kaya ginawa ko ulit. 

Derick Villafuente is at Liceo del Verbo Divino Makati Manila 1 minute ago.

matingnan nga kung sino yung nagmessage. Si Liam pala.

Liam: Hey sup bro, i bet you’re in Philippines now. I quit my job btw, after that whole incident with you and Mr stewart, I think he wants me next so I quit but hey I have news for you though. I talked to my Dad and all. After some serious conversation with him I sorta talked him into letting me finish my college somewhere else. Guess where? Im heading there in the Philippines next week. Awesome huh! See ya.

What the f*ck? Yun nalang naisip ko. Pupunta si Liam sa pinas? Sabagay he is half pinoy and i bet he talked to his mom na pinay din. For sure may relatives din dito si Liam but what the hell? Why siya pupunta ng pinas? Oh sh*t yung post ko need ko burahin baka makita ni Liam kung saan ako. 

Buburahin ko na sana nang may naglike. 

Liam Andersen liked your status 1 minute ago

Yea it’s too late, he knows where I go to school now. Sumakit bigla ulo ko. I need to sit down. Napaupo ako sa isa sa mga benches na nakalagay sa parang malawak na grass area ng school. This is going to be a long year ahead of me. Nakaupo ako habang pinagmamasdan ko ang kalawakan ng soccer field. 





To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon