CHAPTER 21

16K 290 11
                                    

DERICK:

I arrived home a little late than usual dahil sa traffic. Tinext ko na si Gerald na umuwi nalang siya baka gabihin na masyado siya sa daan. Hindi naman siya nagreply so I guess umuwi na nga ang mokong, at some point narelieve ako kasi parang I still need to gather some courage to talk to him about us. I mean a few months ago I like girls and boobs but now I dunno, siguro I’m confused and it’s always Gerald on my mind. Ugh, sumakit ulo ko kaiisip. 

Binuksan yung main gate ng bahay namin at pinark ko sa loob yung sasakyan. Sakto namang hinhintay ako ni manang sa labas. 

“Oh iho naghapunan ka na ba?” 

“Di po ako gutom manang, si papa?”

“Nasa kwarto natutulog na ata, pinasasabi wag daw masyado ikaw maglalabas kapag gabi na, delikado daw,”

“Cmon manang malaki na ako, huwag niyo na akong tratuhing parang bata,”

Nagsimila na akong maglakad papasok ng bahay ng tinawag ako ulit ni manang.

“Nga pala Riko, yung kaibigan niyo nasa sala pa din naghihintay sayo.”

“Ha?” gulat kong sabi, “bakit di niyo pinauwi gabi na masyado ah tsaka wala na masyadong sasakyan sa labas, kumain na ba siya?”

Natawa si manang sa reaksyon ko. Na bigla ko namang binawi at kumalma. 

“Hay naku katigas ng ulo ng batang iyon, sinabihan ko nang baka gabihin ka na masyado umuwi pero ayaw pa din umalis tsaka kumain na siya, pinasabay siya ng papa mo sa hapunan.”

Natawa ako sa sinabi ni manang, pinasabay kay papa sa hapunan? HA! naimagine ko lang parang santo ang dating ni Gerald imbis na maloko at pasaway na kung sino siya.

“Ano sabi ni papa?”

“Aba wala at mukang nagustuhan yang kaibigan mo, ang bibo kumain kala mo mauubusan at di kumain ng tatlong araw,” natatawang sabi ni manang habang umiiling.

Wow ok I stand corrected, walang hiya pala tong kaibigan ko na ito, ano pa nga ba ineexpect ko. Napangiti ako dun. 

Pumasok na ako sa loob ng bahay para kausapin si Gerald at sumunod naman si manang, nagtungo na siya sa kwarto niya at magpapahinga. Pumunta ako sa sala at nadatnan ko si Gerald nakahiga sa sofa sarap na sarap matulog, humihilik pa ang mokong. Napangiti ako sa kanya. Feel at home talaga ang loko. 

“Hey Ger... gising uy,” pasigaw na pabulong na ginising siya.

Umupo ko sa tabi niya habang pinagmamasdan ko ang muka niya. Parang ang inosente niyang tingnan kung matulog, akala mo hindi maloko at pasaway na tao. Ngayon ko lang napansin na ang kinis talaga ng balat niya sa muka. Mapupungay ang ang mga mata. Hinimas ko yung pisngi niya na kung saan may dimples kapag ngumingiti to. Tulog na tulog talaga ang mokong at rinig ko ang mahina niyang hilik. Napangiti lang ako habang pinagmamasdan ko siya. I guess sa kanya lang ako nagkakaroon ng ganitong kakaibang pakiramdam. Hinimas ko ulit yung pisngi niya at naramdaman kong lumakas ulit ang tibok ng puso ko, may kung anong electricity na dumaan sa loob ng kalamnan ko. Tulala akong pinagmamasdan si Gerald.

Nabigla nalang ako nang gumalaw si Gerald sa kinahihigaan niya at dahan dahang minulat ang mga mata niya na siya namang nagudyok sakin na agad bawiin ang palad ko na nasa pisngi niya. 

Parang kung anong napaso lang ako sa bilis ng reaksyon ko na bawiin kamay ko pero nakita yun ni Gerald kaya hinawakan niya agad ang kamay ko habang ngumingiti siya sa akin na tila ba antok pa din. 

“Tol, andito ka na pala,” mahina niyang sabi at humikab siya habang bumangon siya sa kinahihigaan para umayos ng upo sa sofa pero hawak hawak pa din kamay ko.

“Ngayon lang,”

“Ah ganon ba anong oras na ba?” 

“Alas dose na ng gabi,”

“Ha?” gulat niyang nasabi at tuluyan na siyang nagising.

“Sorry ginabi na ako masyado nakauwi kasi ang traffic may banggaan sa daan pauwi ko,”

“Ah ok lang,”

“Uhhm Ger?”

“Oh?”

“Ehem... kamay ko,”

hawak hawak pa din talaga niya kamay ko di niya namalayan na di niya yun binibitawan. Namula siya at binitawan agad ng masabi ko yun. Katuwa talaga siya mamula ang cute lang. 

Wala muna ni isa sa amin nagsalita, nagpakiramdaman lang. Talk about awkward huh? Iba rin tong si Gerald ha, ngayon pa dinawlaw ng hiya. Hay nako. Magkalapit pa din kami sa sofa na nakaupo. Maya maya ay siya na ang bumasag sa katahimikan.

“Ehem...uhm san ka ba nagpunta?”

Napatingin ako sa kanya na tila nagtataka. Yun talaga tinanong? Sabagay light topic muna. 

“Kung saan saan lang,” tumayo na ako sa kinauupuan ko.

“Ano ba namang sagot yan,” halatang may halong pagkainis sa tono niya. 

I Sighed.

“Tara bumangon kana diyan,”

“Bakit?”

“Sa kwarto tayo magusap,”

Nakita ko nanlaki ang mga mata ni Gerald. Ok hep! Perverted jerk.

“Uy kung ano ano iniisip mo diyan, doon tayo magusap, ayoko lang may mga chismosong nga katulong na makarinig sa atin,”

Medyo naparelax naman siya sa kinauupuan niya at bigla nanaman umupo ng matuwid na tila gusto makipagdebate habang kumunot noo niya. 

“And pano mo naman alam kung ano iniisip ko aber?”

I just rolled my eyes at that.

“Tara na sa itaas,” inis ko nang sambit.

“Ayoko nga baka reypin mo ko,”

What the hell? Nanginit ang tenga ko sa narinig ko.

“Ako pa ngayon ang manyak? Bahala ka nga dyan,”

Nagsimula na akong tumalikod sa kanya nang naramdaman kong tumayo siya at agad na hinawakan ang kamay ko para humarap sa kanya.

“Joke lang di naman mabiro, ang sungit mo pa din,” at ngumiti siya sakin na may kung anong epekto sakin. Kita ko ang malalim niyang dimples sa kabilang pisngi niya. Napatitig ako sa kanya ng di ko namamalayan, God what is he doing to me? Kung ano ano na naiisip ko sa kanya pero sa ngiti palang niyang yun nanlalambot na ako sa loob, ang cute niya. Ngayon ko lang narerealize yun. 

“Uuuy nahuhulog na yan sa alindog ko,” and then it’s gone. Wala, biglang turn off ugh.

“Ewan ko sayo!” binawi ko agad ang kamay ko.

“E bat namumula ka?”

“Hindi ako namumula!”

“Ows?”

“Sabing hindi! Mainit kaya dito,”

“Talaga lang ha?”

“Bahala ka na nga dyan, aakyat na ako sa kwarto ko,” padabog akong umakat sa hagdanan at naramdaman ko naman siya na sumunod sa akin na may kung anong ngiti sa muka niya. Is he smirking at me? Ugh, uminit ulo ko, lalo tuloy ata nanginit ang muka ko. F*ck!

Tuloy tuloy ako sa loob ng kwarto ko habang pumasok na rin si Gerald at sinara ang pintuan. Dumeretso ako sa closet ko at naghanap ng mga damit na mapapalitan ko at ilang extra shirts and boxers. 

“Ano to?” pagtataka ni Gerald when I shoved the clothes to his chest.

“E ano pa nga ba e di damit na pantulog?”

“Ha?”

Talaga bang dense tong taong to? Hay nako sabagay hindi magiging Gerald to kung hindi siya ang pinaka cute na dense na taong nakilala ko. Did I just say it out loud?

“Cute pala ha?”

“Sh*t, ah e sabi ko shoot! Expression ko yun!” pangungumbinse ko which i totally failed by the way sa pamumula ng muka ko. Ugh.

Ningitian lang niya ako at pinakita ang cute niyang dimples, bahagya lang ako natameme and i shook myself out of it. 

“Whatever,” at tumalikod ako sa kanya para may hanapin sa mga drawers ko, “dito ka na matulog, pagod na ako para ihatid pa kita sa inyo tsaka natutulog si Mang Lando ayoko siya gisingin para lang ipahatid ka.”

“Kaya ko naman magcommute,” 

“Mahirap ang sakayan dito,” at nilingon ko siya para tingnan ng maigi, “o nakalimutan mo na ba nung time na umuwi ka galing dito, umaga na iyon ah lalo pa kaya ngayon na disoras ng gabi.”

Napakamot siya sa ulo niya pero siguro nagsink in din sa makitid niyang pagiisip ang sinasabi ko. 

“Ok,” ngumiti siya sakin, agad agad? Di man lang nagpakipot muna o magpakitang mahiya? Umiling nalang ako at napangiti sa sarili ko.

Nagsimula siya maghubad ng soot niya pangitaas at nanlaki ang mga mata ko.

“Teka ano ginagawa mo?”

“Magbibihis,” tiningnan lang niya ako na para bang napakaengot na tanong na yun. 

“Doon ka sa banyo magbihis,”

“Bakit naman? Magpapalit lang naman ako ng damit,”

“Basta,”

Tumaas isa niyang kilay sa akin at ngumiting pilyo.

“Nahihiya ka bang makita ang katawan ko?”

Iniwas ko ang tingin ko so kanya at pinatuunan ko ang sahig o ang mga pader bastat hindi lang sa mga mata niya. Namumula nanaman ako walang hiya. 

“Hindi ah!”

“O bat di ka makatingin sa akin ng derecho?” halatang may panunukso sa tono niya.

“Nakatingin kaya ako,” depensa ko kahit kung saan saan pa din nakatuon ang mga mata ko at hindi a kanya.

Narinig ko humakbang papalapit sakin si Gerald. 

“Tumingin ka sakin kung bali wala talaga sayo makita akong magpalit ng damit.”

Ugh. Syempre ayoko isipin niyang tama siya kaya pinilit kong tingnan siya sa mata. Nagulat ako nasa harapan ko na pala siya at pilyong ngiti pa din ang naka dikit sa pagmumuka niya. Kainis. 

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maghubad siya ng pangitaas sa harapan ko habang nakatitig siya sa mga mata ko. He’s daring me to look away at alam ko once gawin ko yun I’ll prove him right na nabobother nga ako makita siyang ganito. Lalo atang uminit ang mga pisngi ko at mukang pulang pula na ang pagmumuka ko na siya namang ikinatuwa ng mokong kaya ang laki laki ng ngiti niya habang nakatitig sakin. 

Di ko mapigilan maglakbay ang mga paningin ko sa katawan niya nang maialis niya yung pangitaas niya. Is it just me or tila ang tagal niya magsuot ng shirt na binigay ko sa kanya. Aba ang mokong sinasadya talaga at pinagmasdan muna ang reaksyon ko. Di naman maipagkakaila maganda ang hubog ng katawan ni Gerald. Dami talagang babae at bading na maglalaway makita lang ito. 

Nang tinaas ko ulit ang paningin ko sa mga mata niya, aba ang loko namumula pero nandun pa din ang ngiting pilyo niya. Sinuot na niya ang sando na binigay ko sa kanya at di pa rin ako nagpapatinag sa hamon niya kaya tinitigan ko siya. Nang nakita niya yun lalo lang siya ngumisi sakin at parang dahan dahan na binuksan ang butones ng pantalon niya.

Napalunok ako sa kaba, ok that’s it. Bigla kong pinutol ang staring match namin at umalis sa harapan niya. Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. Ugh. Talo ako and halata sa pagmumuka ko ang pamumula nito na nagmistulang kamatis ang kulay.

“Oh san ka pupunta?” may halong panunukso sa tono niya.

“Magbabanyo!” 

I heard him chuckled.

“SHUT UP!” depensa ko, ayoko kung ano isipin niya, PERV!

“Wala ako sinabi,” natatawa pa din niyang sagot.

“Maghihilamos lang ako at magtoothbrush tsaka magpapalit ng damit,”

“Oh bakit defensive ka?”

“Ewan ko sayo!” at iniwan ko na siya sa kwarto. May sarili akong bathroom sa loob ng kwarto ko di ko na kailangan pa bumaba ng hagdanan.

Napasandal ako sa pintuan ng banyo. What’s goin on with me? Hindi pa nga kami nag uusap ng matino pero ito na reaksyon ko sa kanya. I’m doomed. Napagbuntong hininga ako ng malalim. 


-----


Matapos ko magpalit ng damit at manghilamos tsaka magtoothbrush pumasok na ako sa kwarto ko. Nakita ko si Gerald na nakahiga sa kama ko na yung kamay niya e nasa uluhan niya habang nakatitig sa kisame. Nakasando at boxer shorts nalang siya. Feel at home talaga ang mokong. 

Pumunta na ako sa kabilang gilid ng kama at umupo. Tahimik pa din siya pero alam kong alam niya na nasa tabi na ako ng higaan, nakatingin pa din sa kisame na tila may malalim na iniisip.

Di ko alam pano siya kausapin sa lalim ng iniisip niya kaya ginawa ko ang tanging magagawa ko lang. Hinampas ko siya ng unan sa muka hehe.

“Aray!” inis niyang sambit at napaupo siya sa kama at inis na tumingin sakin. 

Well at least i got his attention. Napatawa ako sa kalooblooban ko.

“Ang lalim ata ng iniisip mo,”

“At dahil doon e tinangka mo na akong patayin pagsuffocate sakin sa unan?”

OA naman ng mokong, I rolled my eyes.

“Ewan ko sayo,” sambit ko.

Rumelax naman siya at umupo sa katabi ko.

“Riko,”

“hmm?”

“galit ka ba sakin?”

Nagtaka naman ako sa inisip niya. Sometimes I worry what goes on inside that head of his.

“Hindi bakit naman ako magagalit?”

Narinig ko siya magbuntong hininga.

“Kahit na hinalikan kita?”

Huh? kelan niya ako hinalikan at bigla nalang may labing dumikit sa labi ko. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ako nanglaban o tinulak ko siya. Surprisingly i kissed him back, Sh*t I’m so doomed. Napapikit ako habang hinalikan ko na rin siya pabalik. Sa una napakagentle at mahinahon ang paghalik niya sakin di nagtagal nang hinahalikan ko na din siya e naging agresibo na kaming naghahalikan. Kusang tumaas ang mga kamay ko para hawakan ang batok niya at idiin pa ang pagkahalik niya sakin. Ang sarap, nakakadik siyang halikan. Ang lambot ng mga labi niya at ang init ng bibig niya. Di ko sinasadya magmoan sa bibig niya na siya namang ikinatuwa ng mokong at naramdaman kong ngumiti siya habang hinahalikan ako at tinulak ko siya papalayo. Kainis! 

He chuckled while he stared at me na di ko namalayan e magkalapit pa din pala muka namin.

“Best kiss ever,” bigla niyang nasabi tila kinakausap ang sarili niya kahit nakatingin pa din sakin.

“Gag0,” inis kong sambit.

Ngumiting pilyo lang siya.

“Riko,” naging seryoso ang muka niya.

“Ano nanaman?” triny ko sabihin with an irritated tone pero fail.

“Mahal kita,” tinitigan niya ako, seryoso walang bahid ng kung anong panunukso.

Namula ako sa sinabi niya. Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko. What is this guy doing to me.

“Ger...”

“It’s ok,” pinigilan niya ako habang nakatitig pa din sakin, “di mo kailangan sabihin pabalik yun sakin. Naiintindihan ko, gusto ko lang malaman mo yun. I just want to let you know how I really feel about you and gusto ko sana di mo yun pagdudahan ni minsan na mahal talaga kita Riko.”

Parang nakikita kong medyo naluluha siya pero pinipigilan niya at pinapakita niya na sa kabila ng pagiging maharot at maloko niya, at this moment he is vulnerable and sakin niya pinapakita yun. Naantig puso ko sa sinseridad na pinapakita ng mga mata niya. He really loves me. 

Wala man ako masabi naisip ko lang ang tanging magagawa ko para ipaalam ko a kanya na hindi ko binabaliwala ang nararamdaman niya. Hinalikan ko siya. It was a sweet and gentle kiss that says it all. Natuwa naman si Gerald kaya ngumiti siya habang hinalikan ko siya.

I pulled out from the kiss at tiningnan ko ulit siya ng masinsinan sa mata.

“Gerald alam ko kung ano nararamdman mo sakin pero I don’t know how feel about you. Ang alam ko lang di ako mapakali pag di kita makita at makasama araw araw, ikaw lang lagi nasa isip ko and I dont know if it’s what a normal bestfriend should feel pero masaya ako kapag kasama kita, yun nga lang I don’t think I’m gay, hindi ako nagkakagusto sa ibang lalaki pero iba sa iyo.”

“Naiintindihan ko,” ngumiti siya sakin.

“Pero di ko sinasabi na hindi ko gusto ang ganito kung ano mang meron sa atin coz I kinda feel na I like it as well.”

Ngumiti siya na tila naiintindihan niya sinasabi ko.

“Riko...”

“hmm?”

“I guess I’ll just make you fall in love with me once in for all,” ngumiti siya ng pagkaganda na nakapangaakit, pinapakita ang cute niyang dimples.

I rolled my eyes at tinulak siya palayo sa akin pero alam niyang nakikipagbiruan lang ako.

“Si Evan?” pagtataka ko.

“Umm actually di ko mahal yun,” habang bumalik siya sa pagkahiga at ginawang unan ang mga kamay niya habang nakatitig sa kisame, “siya nagsuggest na subukan kong makipagrelasyon sa kanya para makalimutan kita pero hindi naman gumana, mahal talaga kita kaya bukas na bukas din makikipagbreak ako sa kanya.”

Humiga na rin ako sa tabi niya at pinamasdan din ang kisame habang pinapakinggan siya sa tabi ko.

“So what does that make us?” tanong niya sakin.

“Di ko alam,” hindi muna ako nagsalita at nagisip, “let’s see kung saan tayo hahantong pero for now let’s keep it between ourselves lang muna hanggat di pa ako sure sa sarili ko.”

“Ok,” tumahimik siya ng ilang saglit, “pero Riko?”

“yea?”

“Hindi ko pipigilan sarili ko na ipakita sayo ang pagmamahal ko kahit na kulitin kita, lambingin kita, it’ll be sweet and all that you’ll barf rainbows.”

Natawa ako sa kanya, di ko mapigilang humalakhak sa pinagsasabi niya. Ang cute ni Gerald mang suyo ah. 

“Ewan ko syo, matulog na nga tayo.”

Biglang niyakap ako ni Gerald habang nakatalikod ako s kanya. Medyo di ako kumportable pero di nagtagal e rumelax naman ako sa kayayakap niya.

“Ger...”

“hmm?” antok niyang sabi.

“Just so you know di ako yung ma PDA na tao, subukan mo lang gawin yun sakin sa harap ng maraming tao babatukan talaga kita.”

He chuckled under my neck.

“Wala ako pakialam.”

I rolled my eyes and hinayaan ko nalang siya, di nagtagal e nakatulog din kami magkatabi at magkayakap.



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon