GERALD:
Medyo malayo layo nga ang baryo ng kamaganak ni Liam, dumaan pa kami sa isang di sementadong lugar at puno ng kabukiran. Probinsyang probinsya nga. Medyo hindi patag ang daanan kaya parang nasa alon ng dagat kami sa loob ng sasakyan, nahihilo nanaman ako langya. Mga ilang minuto din ang binaybay namin sa daang yun na puro kabukiran at mga malilit na bahay kubo lang nakita namin.
“Ditow na tayo,” biglang sabi ni Liam.
“Dito na ba sure ka?” tanong ni Derick.
“Oo ito na yown,” Tinuro niya ang isang medyo maliit na bahay pero yari sa mga bamboo at ilang metal seam. May mga pader na na nakahollow blocks pero walang finishing. Malaki laki din naman ang bahay compared sa mga nakita namin papunta dito. Sakto lang na pangpamilya na nakatira sa probinsya.
Pinatay ni Derick yung makina nung kotse at lumabas na kaming tatlo. Medyo ok na ako basta hindi lang umuga ang ulo ko na parang nasa dagat ako.
“Ok ka lang?” makulit na tanong ni Liam.
“Ok nga lang sabi, ang kulit mo din no tol?”
Wala lang naman siya, parang di tumatalab sa kanya ang mga sarcastic na mga tono o halatang inis na pananalita. Kakaiba talaga tong si Liam, walang paki, natawa tuloy ako sa kaloob looban ko.
“Tao pow?” tawag ni Liam sa labas ng bahay.
Walang sumasagot kaya nilakasan pa boses ni Liam.
“Tao pow? Aunt Nelia?” sigaw niya.
Maya maya may dumungaw sa bintana at mukang nagalak nang makita si Liam.
“Aba andito si Liam, Kadyo, Rosing, Jose, andito si Liam,” sigaw ng babae habang nagmamadali lumabas ng bahay.
Medyo may edad na siya nakasuot ng pambahay lang.
“Aba iho salamat naman at napadalaw ka ulit,” niyakap niya si Liam ng sobrang higpit. Maya maya ay may lumabas din na may edad na lalaki siguro asawa to ng babae at isang binatang anak at batang babae.
“Liam buti at dinalaw mo kami,” sabi nung lalaki at niyakap din siya.
“Ah hehe opow masaya din akong makita kayong lahat,” sabi niya.
“Ang galing, mukang marunong nang manangalog si kuya Liam ah,” sabi nung binatang lalaki.
“Para naman di tayo nahihirapan inglis ng inglis sa kanya, hindi maintindihan ni nanay, kailangan ko pa itranslate,” sabi naman nung babae.
“Oh sino mga to Liam?” Tumingin samin yung matandang lalaki.
“Hello po magandang hapon sa inyo,” bati ko sa kanila, medyo nawawala na yung pagkahilo ko.
“Hello po,” sabi ni Derick.
“Kay gwagwapong lalaki, pasok kayo, mga kaibigan ba kayo ng pamangkin ko?”
“Ah opo, ako nga pala si Gerald,”
“Ako si Derick,”
“Ikinagagalak ko kayong makilala iho, ako naman ang tita niya tawagin niyo nalang akong Aling Nelia at eto asawa ko, Mang Kadyo nalang itawag niyo, at yung mga anak namin si Jose at Rosing, hala sige pasok kayo,” anyaya ng tita ni Liam.
“Sige po salamat,” sagot ni Derick.
“Pasensyahan niyo na at medyo maliit lang bahay namin ah, nakapananghalian na ba kayo?” masiglang sabi ni Aling Nelia.
“Ah e hindi pa nga pow e, gutom na po kami,” sagot naman ni Liam, pernes gumagaling na sa pananangalog siya ah.
“Ah sige ipaghahanda ko kayo, kumakain ba kayo ng tinolang isda at kangkong?”
“What’s that?” bulong ni Liam sakin.
“Isda yun na may sabaw at gulay yung kangkong,” sagot ko naman.
“Oh ok,” tumango lang siya, nakakatuwa talaga siya parang first timer lang.
“Opo tita, kumakain po kami nun, huwag kayo magalala, tsaka pasensya na naabala po namin kayo,” paumanhin ni Derick kay Aling Nelia.
“Ay ano ba kayo, bihira nga lang namin makita tong si Liam at may dala pang mga gwapong kaibigan syempre di kayo abala, pasensyahan no nalang kung ito lang muna maiaalok namin, yaan mo mamaya ipapakatay ko kay Kadyo yung manok sa labas para sa hapunan natin, magpapalipas ba kayo ng gabi dito?” masiglang sagot ni Aling Nelia.
“Ah eh nakakahiya naman po baka maghotel nalang kami,” sagot ni Derick.
“Ano ka ba iho huwag ka na kayong mahiya dito na kayo tsaka malayo layo din ang bayan, yung kwarto ni Jose, dun na kayo matulog. Dun muna sa kwarto namin matutulog siya,” sagot naman ni Mang Kadyo.
“tay naman,” angal ni Jose.
“huwag nang umangal, nakakahiya sa mga bisita,” pinagalitan ni Aling Nelia si Jose, medyo ako tuloy ang nahiya para sa kanila.
“Sorry tol e naabala pa namin kayo,” paumanhin ko kay Jose.
“Ok lang,” tapos lumapit at bumulong sa tenga ko si Jose, “Huwag niyo lang gagalawin yung mga tinagong x rated tabloid dun ah,”
Natawa ako ng bahagya sa kanya na medyo nahiya din, “sure tol,”
“Kuya Liam may girlfriend na po ba kayo?” tanong naman ni Rosing.
Nagulat kami sa tanong niya na medyo natawa din, di mapigilan ni Derick ang ngumiti, halata kasing may crush yung bata sa pinsan niya. Sa tantya ko e nasa grade 6 palang tong si Rosing, nakakatuwa siyang tingnan parang bibo lang.
“Akow ah wala pa,” sagot naman ni Liam at ngumiti sa bata.
Ngumiti din yung bata tapos lumingon kay Derick.
“E siya kuya Liam may girlfriend na rin ba?” nabilaokan sa iniinom na tubig si Derick. Natawa ako sa reaksyon niya.
Tiningnan ni Liam si Derick, parang hindi sure kung ano sasabihin.
“Ah eh wala pa, ilang taon ka na ba Rosing,” si Derick na ang sumagot at sumegway ng topic.
“I am 10 years old, my name is Rosina Samonte Madriaga, studying at Tigbao Elementary School,” parang tumutulang sagot ni Rosing.
“Ang galing galing naman ng anak ko,” tuwang tuwa naman na pinalakpakan ni Aling Nelia ang anak niya.
Ang cute niyang bata halatang matalino din at bibo.
“Kuya Liam,” hinihila niya ang t-shirt niya, halatang may gustong ibulong, “ang gwapo po nung kaibigan niyong si Derick, shhhh lang ah,”
Parang hindi binulong ni Rosing, dinig pa din e kahit hininaan lang niya boses niya, halatang nahiya si Derick sa napakinggan niya. Natawa ako sa reaksyon niya, ayun na at may fans na siya pagdating na pagdating palang sa Naga.
“Rosina,” galit na sambit ni Aling Nelia, “ke bata bata pa e kung ano sinasabi, magaral ka muna sa kwarto, dali pasok,”
Pumasok naman agad si Rosing pero tumingin muna kay Derick at nahiya, biglang tumakbo paloob ng kwarto, cute tingnan hehe.
“Hayaan mo na Nelia, paghanga lang naman yun,” natutuwang sambit ni Mang Kadyo habang umupo sa harapan namin sa hapag kainan.
“Ah kahit na, ikaw Kadyo huwag mong kunsentihin mga anak mo ah,” sermon ng isang nanay habang nilalapag ang mga pagkain sa mesa, “ O siya dali huwag kayo mahiya kain lang ha,”
“E kayo po?” tanong ko naman.
“Ay nako iho kanina pa kami kumain, dali kainin niyo na iyan at makapagpahinga muna kayo mukang mahaba haba yung biyahe niyo ah,” sagot ni Mang Kadyo.
“Oo nga e,” sagot ko naman.
“Nga pala si Jose nasaan?” tanong ni Aling Nelia.
“Ayun lumabas sumama ata sa mga barkada niya,” sambit ni Mang Kadyo.
“Hay nako batang yun oo,”
“Nga pala Liam kamusta ang pag-aaral mo?” tanong ni Aling Nelia.
“Ok naman pow, hindi naman akow nahihirapan sa subjects namin,” sagot niya habang tiningnan niya yung kangkong, parang ngayun lang ata siya nakakain nun.
“Mabuti naman, tsaka humuhusay ka na sa pagtatagalog ah, nung una nahihirapan kami makipagusap sayo ngayon nakakaintindi ka na,” tuwang sambit ni Aling Nelia.
“Ah opow tinuruan po kasi akow ng mga kaibigan kow,” ngumiti siya samin dalawa ni Derick.
“Kebabait naman tong mga kaibigan mo pala,” natutuwang sabi ni Aling Nelia, “Oh siya kain lang, huwag mahiya.”
“Opo,” sambit ko.
...............................
Matapos namin kumain e napagpasyahan kong humiga muna sa kwarto ni Jose, medyo hindi pa kasi nawawala yung pagkahilo ko pero hindi na kasing grabe tulad ng nasa daan kami. Simple lang ang kwarto may dingding at pader na hindi finished at walang pintura. Yung bintana ay gawa sa kahoy na may nakatukod lang para iangat yung parang plywood na pantakip sa bintana. Walang elecric fan at lalong walang aircon. Sariwang hangin lang yung pampalamig sa kwarto.
Yung higaan e gawa sa kahoy at walang kutson, sakto sa dalawa lang kaya siguro mamaya e may isang matutulog sa sahig. Naisip ko ako nalang, kaya ko naman matulog dun, kasi alam ko di sanay sa hirap yung dalawang kasama ko. Mayaman si Derick at ganun din si Liam, kutis palang nila parang di pwede maalikabukan.
Kinuha ko yung banig na nakatago sa likod ng pintuan at nilapag sa sahig. Dala ko yung gym bag ko kaya yun ang ginawa kong higaan at humiga ako. Pinikit ko mga mata ko. Naririnig ko sa labas ng kwarto ang kaliskis at tunog ng mga pinggan at kutsara’t tinidor. Napagpasyahan nila Derick at Liam na tumulong pero pinagbawalan sila ni Aling Nelia kaya kinuha nalang nila yung mga gamit nila sa kotse habang ako e nauna nang pumasok sa kwarto sa kadahilanang masakit pa din ulo ko. Siguro pagod lang sa byahe. Di ko namalayan e nakatulog na ako.
Maya maya e may narinig ako na parang may binubuhat at inaayos na malaking bagay.
Kreeek...
Kreeek...
Papungas pungas pa akong bumangon sa nahigaan ko.
“Oh towl gising ka na pala,” bati ni Liam.
“Pasensya nagising ka ata namin, ok na ba pakiramdam mo?” tanong ni Derick.
“Uhmmhuh, ano ba ginagawa niyo,” at humikab ako at nagunat.
“Ah e wala, bakit kasi sa sahig ka natulog meron naman kama,” sagot ni Derick.
Nagising na ako ng tuluyan at tiningnan ko yung paligid ko, yung kama pala yung inayos nila. Tinayo nila ito at pinatagilid sa pader ng kwarto para magkaroon pa ng space sa sahig.
“Ano ginagawa niyo?” tanong ko at nagtataka.
“Ah e sabi ni Liam unfair daw sayo kung isa satin e sa sahig matutulog kasi maliit yun kama kaya gusto niya lahat tayo sa sahig nalang,” paliwanag ni Derick.
“Adek ba kayo ah? Kayo matutulog sa sahig?” yamot kong sambit, ako na nga nagpaubaya baliwala din pala, bumangon na ako sa kinahihigaan ko.
“Hey it’s just fair and panow mong nasabi yan, we can sleep on the floor as well no big deal,” paliwanag ni Liam sakin.
“Ewan ko sa inyo, kapag kayo galisin sige ka,”
“Tol ano tingin mo samin mga maarte, nu ka ba, ok lang ako dito matulog din.”
“and also remember ditow din ako natulog last summer kaso magisa nga lang ako sa kama,” natatawang sagot ni Liam.
“O kitamo first time mo din sa sahig,”
“Ok lang yown, it’s gunna be fun,” ngumiti si Liam.
“Kayo bahala ano na ba oras ngayun?” tanong ko.
“It’s 4 in the afternoon,” sagot ni Liam.
“Gusto mo pumunta muna tayo sa kabukiran, sabi nila may magandang talon at lawa daw malapit dito,” excited na sambit ni Derick.
“Sige tara,”
“Ok na ba sakit ng ulo mow?” tanong ni Liam.
“Yea ok na bro,”
Hinampas ni Liam yung likod ko at ngumiti tapos naglakad papunta sa bag niya, my hinalungkat lang.
“Tara, ready na ako,” biglang sambit ni Derick.
“Ah ok sige tara,” sabi ko.
“Just bring some clothes with you to change,” paalala ni Liam.
“Ah tama,” at kinuha ko na rin ang pampalit ko.
“Ayos masaya to,” mukang excited si Derick.
.................................
Mga ilang oras din yung nakalipas nang makarating kami sa sinasabi nilang waterfalls sa malapit sa lugar ng baryo nina Aling Nelia. Nakapagpaalam naman kami at pinaalalahanan lang na magingat tsaka umuwi ng maaga, delikado daw kapag gabihin kami lalo nat di namin kabisado yung lugar.
Ang ganda nung lugar, rinig namin ang malakas na agos ng tubig mula sa talon. Presko at malinis yung tubig, clear water ika nga. Kitang kita ko na excited ang mga kasama ko. Ako nga e nagulat at namangha sa ganda ng lugar.
“Man this so awesome!” manghang mangha si Liam.
“Ang ganda,” sabi naman ni Derick.
“Oo nga,”
“Tara ligow tayow,”
“Sige tara,” sagot naman ni Derick.
“Tara na Gerald, this place is great,”
“Ah oo sige,” sagot ko.
Hinubad ni Liam yung pangitaas niya, tumambad samin ang maskulado niyang katawan pero hindi sobrang buff, sakto lang sa build niya, napatingin din si Derick at napansin kong inalis din niya agad to at dumerecho ang tingin. Hinubad narin ni Derick yung sando niya, maganda din katawan ni Derick, ang kinis niya at maputi. Di ko maiwasang pagmasdan yun. Fit siya at defined ang muscles niya sa braso at chest. Hinubad na rin niya board shorts niya at naka boxers nalang siya. Hindi ko mapigilang tumitig sa katawan niya. May kung anong init akong naramdaman sa katawan ko pero pinipigilan ko.
Inalis ko yung mga mata ko sa kanya at binaling to sa umaagos na tubog sa talon.
Kalma lang Gerald, sabi ko sa sarili ko. Kinakausap ko nanaman sarili ko.
Narinig ko na may nagsipagtalunan sa tubig at lumangoy, sina Derick at Liam na pala yun. Kitang kita ko na tuwang tuwa si Derick na nakikipagharutan kay Liam. Binabasa niya ang muka ni Liam sa pagtatampisaw gamit kamay niya.
May kung anong kurot ang naramdaman ko sa puso ko pero binaliwala ko yun.
“Haha bro talo ka sa patagalan sa ilalim ng tubig,” pangaalaska niya kay Liam.
“Pfft yea right, I can do better, tingnan mow lang,” hamon naman ni Liam.
Mukang masaya si Derick na kasama si Liam, kaya ngumiti na rin ako para sa kanya. Ewan di ko mapigilang hindi magalit sa kanila, kaibigan ko kasi sila pareho at basta masaya si Derick, masaya din ako kahit na masakit. Ang ikinatutuwa ko lang e at least ako lang ang nakakaramdam nito, hindi si Derick. Ok na yun sakin.
“Hey bro, maghubad ka na and get in here, the water is nice,” sigaw ni Liam sakin.
Nawala ako sa pagkatulala ko at sinagot siya.
“Ah oo andyan na,”
Hinubad ko na T shirt at shorts ko, nakabrief nalang ako at sumama na rin maligo sa talon.
................................
Mga alas otso na ng gabi nang makauwi kami sa bahay nila Aling Nelia, pinaalalahanan naman kami niya na huwag masyado pagabi kahit na malalaki na kami, kargo pa din niya ang responsibilidad samin tatlo lalo pat dayo lang kami. Nagpaumanhin naman kami at naintindihan naman niya.
Matapos kumain e nagligpit kami ng pinagkainan namin. Matapos ko magwalis ay lumabas muna ako sa bakuran nila. Naiwan sa loob sina Derick at Liam naghuhugas at nakikipagkwentuhan kena Mang Kadyo at Aling Nelia.
May isang bangko na malapit sa isang puno sa bakuran nila at doon ako umupo. Kitang kita ko yung liwanag ng buwan at yung mga bituin. Walang ganito sa siyudad, talagang payapa ang lugar at yung hangin na dumadampi sa mga balat ko ay presko at malamig. Ang sarap talaga sa probinsya nakakapayapa ng damdamin.
Maya maya e may lumabas at nakiupo sa may bangko katabi ko, si Liam pala.
“You ok bro?”
“Ok lang bakit?”
“Wala lang pansin kow kasi parang may malalim ka na iniisip,”
“Wala naman,”
“Are you sure?”
“Oo, tsaka marami ka nang consequence ah, mamaya e pahirapan kita dyan,” natatawa kong hamon sa kanya.
Wala lang naman kay Liam, as usual ganun naman talaga siya di na bago sakin yun.
“Ok lang sakin, perow tell me honestly, is there something bothering you?”
Tumahimik muna ako at nagisip. Malalim nga siguro ang iniisip ko, kanina pa kasi ako minsan natutulala. Siguro napansin yun ni Liam.
“I have a question for you bro,” inaayos ko yung mga dapat sasabihin ko.
“Sure ano yown?”
“Uhhm hypothetical lang bro, you like a person but this person doesn’t know how you feel, kaso yung taong to, likes someone else, what do you think about it?” maingat kong pinili ang mga salita ko.
“hmmm,” nakita kong nagisip ng malalim si Liam. Mukang naging seryoso ang pagmumuka niya ah, nakkatawa tuloy.
“I dunno, All I can say is that, that dude is stupid,” biglang sambit ni Liam.
Nagulat ako dun ah, tama ba narinig ko. sinabihan ba niya akong stupid. Uminit ulo ko ah, pero di ko pinahalata.
“Bakit mo nasabi?” usisa ko.
“It’s like this, who f*ckin cares who that person likes, what’s important is how you feel, show it to her, you’ll never know unless you try,” payo niya sakin.
Natulala ako sa sinabi niya. Minsan mukang mas may alam pa tong mokong to sa lovelife ah kesa sakin ah. Medyo naliwanagan ako ng kaunti.
Inakbayan ako ni Liam, tipong pinapagaan niya loob ko.
“Besides bro, you have good qualities that most babes will fall for, gwapow ka, magaling sa soccer and funny,” dagdag niya, “kaya I’m sure it’s her loss if di pa niya yun makita sayow.”
Napangiti niya ako, biglang nawala yung sakit na nararamdaman ko sa puso ko. He made me feel better sa mga sinabi niya. Sumaya ako ng bahagya.
“Thanks bro,” ngiti kong sinabi.
“Sure anytime,” ngumiti siya sakin, “sino ba tong maswerteng babae?”
Napipi ako sa tanong niya. Wala ako maisagot. Nagisip ako ng pwede kong maisagot pero tila bumaluktot ata dila ko.
“Ui dito lang pala kayo,” biglang dumating si Derick.
Nakahinga ako ng malalim, buti nalang dumating siya.
“Yea bro, come sit, the air is cool and ang ganda ng langit ngayun oh,” niyaya niya si Derick umupo sa tabi niya sa bangko. Umusog ako ng kaunti para makaupo siya.
“Ang presko ng hangin dito tol di tulad sa Manila,” dagdag ko.
“Oo nga, iba talaga pag sa probinsya, ang tahimik,” sabi ni Derick.
“This is by far on of my fave place on earth,” masiglang sambit ni Liam habang inakbayan din niya si Derick, dalawa na kaming inakbayan niya.
“Mukang enjoy na enjoy ka sa mga kagat ng lamok ah Liam,” pangaasar ko sa kanya.
“Hey ok lang nandyan din naman kayow kinakagat din,” aba alam na din mangalaska tong kanong ito.
Natawa si Derick, napansin ko paminsan minsan e tinitigan niya si Liam sa dilim. Kahit gabi na maliwanag naman ng kaunti dahil sa sinag ng buwan. Halatang may gusto ang mokong kay Liam talaga.
Pero gaya ng sabi ni Liam, wala naman mawawala kung ipakita ko lang ang pagmamahal ko sa kanya. Tanggap ko naman kung sino ang gusto ni Derick, ok lang sakin pero since siya ang gusto ko, di naman maling ipakita at iparamdam ko yun sa kanya. Hindi ko na inaasahan na susuklian din niya ako ng ganun pero ang maiparamdam ko ang tinatago kong pagmamahal sa kanya, sapat na yun sakin. Sapat na siguro yun. Ngumiti ako ng bahagya at tiningnan si Derick. Titig na may halong pagmamahal.
To be continued
YOU ARE READING
Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]
RomanceThe story talks about three close friends. Derick Villafuente lived in the states with his mom and younger brother almost half his life. His bestfriend half caucasian half pinoy who looks like a male model confessed to him that he likes him more tha...