CHAPTER 38

10.9K 256 31
                                    





4 years later


DERICK


Kakainis naman kasi tong last subject ko. Kung kelan pa talaga graduating na ako e saka pa ako pinapahirapan ng professor namin kabadtrip. 

“Hey Derick did you finish the papers due for today?” Si Meghan isang kaklase ko na amerikana. 

“Ah yea, just finished it a while ago, I really don’t understand why Ms. Moore gave us this stuff so late, I had to cram my thesis and exams because of this crap,” inis kong sambit. Natawa lang naman si Meghan.

Ah right pinagpatuloy ko pala yung college ko here sa states. Apat na taon na rin nakakalipas nang nadiagnose ako ng Guillain Barre Syndrome. My mom admitted me sa hospital kung saan siya nagtratrabaho para may benefits na magamit niya pampagamot sa akin. 

Katakot takot na mga labs at tests ang ginawa sakin nung nakaraang unang taon. Eventually gumaling naman ako kasi naagapan agad at an early stage. May plasmapheresis na ginawa sakin maliban sa mga gamot na tinatake ko. May ilan dun hanggang ngayon e tinatake ko pa din as maintenance nalang. Nag physical therapy din ako para di mawalan ng lakas yung mga muscles ko. So all in all I’m healthy now. Hindi rin pala uubra na uuwi ako agad matapos magpacheck up dito kasi kailangan talaga ako gamutin ng halos isang taon. 

In other words I stayed here sa states. Wala din naman ako balak na umuwi sa pinas, I mean matagal ko nang kinalimutan ang part na yan ng life ko. Basta ok na ko ngayon.


“Well alright, I’ll see ya later,” paalam niya sa akin, tumango lang ako.

Tiningnan ko yung orasan sh*t malalate nanaman ako sa last subject kairitar. Dali dali akong tumakbo sa hallways ng university para lang maabutan ko yung classroom ko na nasa kabilang dako ng building. Sa bilis kong tumakbo e hingal na hingal ako nang makaabot sa pintuan ng klase ko. Syempre huminto muna ako at kinalma sarili ko at inabot ang hininga ko. 

Phew, ok ready na. 

I opened the door and as usual nandun na ang prof namin nagtuturo sa harapan or more likely sa baba ng amphitheater-like na classroom. Dahan dahan akong pumasok at humanap ng bakanteng upuan at sakto nga may nakita ako malapit sa kanang banda at sa likuran pa, ayos!

Nilapag ko gamit ko at nagsimulang makinig sa pinagsasabi ng prof namin sa harapan. 

Kinakagat kagat ko na yung ballpen ko habang mistulang nabobored na ako sa pinagsasabi nito, how I passed this class is beyond me actually LOL.

“Ehem,” narinig ko may umubo sa katabi kong seat.

Nilingon ko ito baka lang naman e nabibilaukan na ito e, marunong ata to ng Heimlich manuever hehe. 

Nagulat ako nang may makita akong sobrang gwapo na lalaki. Halatang one of the popular dudes kasi hunk na pogi pa yung tipong pang teen tv show ang dating na gumaganap ng mga jocks, yun siya. 

Tinaasan ko siya ng kilay. Tapos binaling ang atensyon ko sa harapan.

“Ehem,” ubo niya ulit na parang nagpapapansin. Gusto ata nito ng solmux e, tsk.

“What?” inis kong tanong sa kanya.

Pero tiningnan lang naman niya ako na para bang nangaakit.

“Hey you’re Derick right?” 

Uy pano kaya niya kilala pangalan ko? Gulat naman ako dun. 

“And what is it you?” taray lang e no? e sa bad mood na ako e kanina pa. Late na nga ako, nagcramming pa ako sa pesteng term paper nato tapos sasabayan pa ng nagpapapansin na lalaking to. Dami diyan pwede niya pagaksayahan ng panahon. Dami ko pinoproblema ayaw kong mandagdag pa ng isa. Kitang kita ko kasi sa muka palang mamomoblema ka talaga sa kanya kapag kaibiganin mo lol. 


“Geez what crawl up your butt and died?” nangiinis ata to e, “my name’s Collin,”

“Ok,” sabi ko nalang. Badmood nga diba?


Ngumisi lang naman ang ungas sakin. 

Maya maya e natapos na din ang lecture ng prof kaya nagsipag alisan na yung mga students niya. Nagsimula na rin ako magligpit ng gamit ng may humarang sa tabi ko na papunta sa exit sa likod. 

“You wanna go out and have some cup of coffee or something?” Tanong ni hunky dude.

“Ah sorry no english, don’t understand,” palusot ko LOL. Engot lang no?

Tiningnan naman niya ako na para bang natatawa at pinipigilan lang.

“Dude you’re f*ckin cute,” he chuckled.

Namula ako dun langya. Ano ba trip ng mokong to at ako ang inaabala nito. Tinulak ko nga siya sa dibdib and wow hot d*mn ang tigas ng dibdib ah. 

“Your asian english impersonating skill is horrible,” he laughed na siya naman ikinasimangot ko. 

“Just leave me alone Collin,” prinangko ko na.

“Not unless you have a cup of coffee with me,” aba mapilit ang mokong.

I sighed. 

“Look I’ll be straight forward about this,” dagdag niya, “ I like you, will you go out with me?”

Nanlaki ng mata ko dun ah, ah sabagay what to expect di uso mahiyain dito, tsk. 

“Ah I’m sorry Collin but I have a boyfriend and speaking of him, crap I’m dead, I should’ve been on my way to our apartment right now,” nakita kong nalungkot siya pero ano magagawa ko totoo namang committed na ako. Loyal kaya ako, “ we could hang out next time I guess,”

Nakita ko umaliwalas ang muka ng ungas kaya klinaro ko na baka pa kasi mamisinterpret.

“Hang out as friends,”

Napakunot noo siya, ang cute lang talaga niya. Hep, bawal maglandi lol, committed nga ako diba.

“Alright then, but when you change your mind about going out with me, just tell me,” ngumiti siya sakin at umalis na ng classroom. 

Napailing nalang ako sa kanya. Ganun naman talaga mga kano very straight forward and kapag ireject e they’ll play it cool. Minsan di ko pa din makasanayan sila kahit matagal na ako dito sa states. 

Aw crap patay nanaman ako nito, I need to be in our apartment right now. Kaya nagmamadali nanaman ako umalis ng campus langya. Ang ending eto parang nakipag marathon ang itsura ko sa pawis. Muntikan ko na nga mabangga yung kotse ko para lang mahabol ang oras.


----------------- 


Dali dali kong binuksan yung apartment and nagtaka naman ako wala pang tao? Hmm siguro ako yung nauna. 

Phew, I feel relieved kala ko late ako. Nakita kong walang pagkain na nakahanda so nagsimula na ako maglabas ng mga gamit na lulutuin ko matapos makapag palit ng damit.

Gusto ko magluto ng chicken curry, wala lang gusto ko lang. Masarap kasi and fave ko. Naalala ko lang yung beach, no erase erase. Hays ano ba naman Riko, muntikan na. Ang mga dapat ibaon sa limot ay dapat manatiling nakabaon, it’s been 4 years already, tsk.

Habang naghuhugas ako ng gagamitin kong karaha napansin ko yung sing sing ko. Oo di ko pa din to inalis sa kamay ko. After 4 years suot suot ko pa din ang sing sing nato. Ewan ko ba sa sarili ko, di ko kaya kasing itago to o alisin sa mga daliri ko, hinayaan ko nalang. 

Habang tinitigan ko yung singsing medyo bumabalik nanaman yung mga ala alang ayaw ko sana balikan pa. 

Nagflashback sakin yung hotel na may mga maliliit na kandilang nagmimistulang alitaptap. Nakita ko siya sa harapan ko, dahan dahang kinuha yung nasa bulsa niya na isang maliit na box. Alam ko kung ano nasa loob ng box pero the mere fact na parang nagsloslow motion pa siyang lumuhod sa harapan ko. 

“Can you be my boyfriend?”


Hinimas ko yung singsing hanggang sa may namuong luha sa kabilang mata ko at nagskip ng beat ang puso ko. It’s been 4 years Riko, please stop this. Tsaka may boyfriend ka na. Mabait na boyfriend na laging nasa tabi mo kahit na alam niyang di ko mabigay bigay ng buo ang pinagtagpi tagpi kong puso. Pero kahit alam niya lahat yun, he understood me and he loves me. 

I sighed. 

Bigla nalang may naramdaman kong may yumakap sa likod ko. Ang init ng katawan niya, ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin habang pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at bumulong sa tenga ko.

“Hi hon,” 

Napangiti ako dun. 


Humarap ako sa kanya, at binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti bago ko siya halikan. 

“Hi hon, nakauwi ka na pala,”

“Yeah, I love you Derick,”

I smiled

“I love you too Liam”



To be continued...

------------------

A/N Pasensya maikling chapter hehe pero pinakita ko lang kung ano new life ni Derick. Next update hahabaan ko na :3

Collin on the side --->

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon