CHAPTER 36

11.7K 237 38
                                    




DERICK:


Nakalabas na rin ako sa wakas ng hospital after a few days na inobserbahan nila ako. So far wala namang abnormality sa heart at utak ko sabi lang ng doctor na more on my nerves at paunti unti daw e pati yung paghinga ko at paggalaw e maapektuhan sa sakit ko unless magpa 2nd opinion kami sa states. Binigyan naman ako ng steroids na mga gamot which I hate taking by the way pero yun lang ang paraan para napapayag ko sina papa na manatili muna sa pinas. 

Matigas na kung sa matigas ang ulo ko pero once I made my decision, di nila ako makakaladkad para gawin ang isang bagay. They know me too well kahit nga yung desisyun na paguwi ko ng pinas e needed nila ako tanungin kahit na pautos ang tono nila mama at papa na pauuwiin ako but it was my decision to go back here pa din. 

Stubborn kasi ako yun ang isa sa pinakanegative trait ko and desidido ako na hindi umalis ng bansa kahit anong pilit ng family ko.

“Riko, I’m giving you only a few weeks para ayusin yang sagot mo, sa ayaw at sa gusto mo babalik ka ng states,” galit na sabi ni papa sa akin.

Normally matatakot ako kay papa kapag pinagtataasan na ako ng boses. Pero this time around hindi ako susuko, hindi ako magpapaubaya sa desisyun nila. This time around ipagpipilitan ko ang gusto ko at ang gusto ko ay makasama si Gerald.

“No pa, hindi ako babalik, hindi niyo ako mapwepwersa kahit anong gawin ninyo, that’s my final decision,” pagsuway ko.

Nagbuntong hininga si papa.

“Riko bakit ba ayaw mo umalis? What’s so important that keeps you from going back to the states at nakuha mo pang suwayin kami ng mama mo, this is not like you,” halatang nagtitimpi na si papa sa akin.

“I’m really sorry pa, pero di talaga ako aalis, nagsteroids naman na ako, tsaka iiwasan ko lang mabinat,” pagsisinungaling ko, alam ko naman na hindi pangmatagalan ang management na yun pero it’s worth a try para lang mapakumbinse ko sila.

“Tol bakit? Tapatin mo nga kami ano talaga ang dahilan bakit ayaw mo umalis? We’ve never seen you like this before unless may matinding dahilan. Kung maibibigay mo yun samin, di ka namin pipilitin pa umalis,” sabat ng kuya ko.

Napatahimik muna ako. Ipagtatapat ko na ba? Guess this is the right time. Kahit papano di naman nila ako itatakwil, I’ll just pull the sick card on them. Ala nga naman pabayaan nila ako e may sakit na nga ako. Magagalit sila oo pero at least assurance ko yung sakit ko para di nila ako itakwil. Yeah twisted nga pero at least it helps my confidence na ipagtapat sa kanila.

Huminga ako ng malalim bago ako magsimula, kitang kita ko naman na nagaanticipate sila ng sagot sa akin.

“May, uhmm... may gusto kasi ako dito and ayaw ko iwanan siya,” mahina kong sambit. I know napaka vague ng sagot ko pero at least they get an idea. 

Nakita kong kumunot ang noo ni papa and tumango naman si kuya. Alam na alam kasi nila how stubborn I am pagdating sa pagmamahal. Saksi din sila nung highschool ako e nagdecide ako umalis ng bansa kasi sinaktan ako ng babaeng mahal ko na kapatid ni James but that was back then. Iba na ngayon and si Gerald ang mahal ko. Alam nila papa na once yun ang rason ko at patungkol sa personal life ko nagiging stubborn ako to the point na di nila ako mapipigilan sa desisyun ko just like before.

“Sinasabi ko na nga ba, parang katulad lang ito yung kay Stephanie,” sabat ni kuya habang si papa nakatitig lang sa akin na nagpapakaba sa akin kasi di man lang siya nagsasalita.

“Sino siya?” tanong ni papa na parang walang kaemoemosyun. Feeling ko alam ni papa, hindi naman kasi siya t@nga, para saan pa’t naging sundalo siya, syempre alam niya kumilatis ng nangyayare sa paligid niya and our personal life is no exception.

Pansin ko yung tanong niya e parang generalized at di pinatamaan na babae ba talaga ang nagustuhan ko. Nakatingin siya sa akin naghihintay ng sagot.

“Ah e kuwan... uhmm,” wala ako maidugtong sa kaba.

“Riko!” pasigaw na sabi ni papa halatang galit na, “kung gusto mo manatili dito sa pinas and trust me kung di mo sasabihin ang totoo ako mismo ang kakaladkad sayo papuntang airport ngayun din.”

Ok I was wrong, kahit stubborn ako kapag si papa magalit at lumabas ang pagka sundalo niya wala talaga akong choice kundi sundin siya. Para lang akong bata kung magtatantrum pero alam ko sila pa din ang masusunod.

I guess para mapanatili ako dito kahit saglit lang I have to tell them the truth. Bahala na si batman.

“Kasi pa, may mahal akong tao and di ko kayang iwan siya dito sa pinas,” humugot ako ng lakas para ipagpatuloy ang sasabihin ko, “ Mahal ko si Gerald, I’m sorry. Pero hinding hindi pa din ako aalis ng pinas kahit na pwersahin niyo ko, lalayas ako kung gagawin niyo yun,”

I know my attempt to threaten him is futile, tinakot ko pa yung ex military officer, sino niloko ko. pft.

“Si Gerald?” napakunot noo yung kuya ko.

Di naman nagsasalita si papa, tinitigan lang ako, ramdam kong disappointed siya sakin and it hurts. Alam niyo yung feeling na parang nalungkot ka kasi your parents will never look at you the same anymore. Lumungkot ang muka ko pero nang nakita yun ni papa, nagbuntong hininga siya.

“Fine, you can stay pero only for a few months and kailangan mo pumunta ng states para magpagamot, bumalik ka nalang kung kelan mo gusto, siguro naman ok na yan sayo? Hindi mo maiiwan totally si Gerald at parang nagbakasyon ka lang sa states then bumalik ka,” paliwanag ni papa na parang nabunutan ako ng tinik. Does that mean accepted niya ako? Accepted niya ang relasyon namin ni Gerald? Medyo umaliwalas ang muka ko.

Mukang wala naman idinagdag yung kuya ko bukod sa nagulat siya pero di naman siya nagpakita ng kung anong pagkamuhi sa akin. Hmm? They took it better than I thought.

“Ibig ba sabihing iyon e di mo ko itatakwil?” mahina kong tanong.

Napakunot noo si papa at nagulat sa tanong ko.

“Bakit naman kita itatakwil, anak kita, kung sino man mahalin mo labas na kami doon pero siguraduhin mo lang handa ka sa pinapasok mong relasyon, I just don’t want you to get hurt kahit na mabait na bata yang si Gerald.” Sagot ni papa.

“Salamat pa,” at medyo guminhawa naman ang bigat na nararamdaman ko kanina pa.

“Nice tol akalain mo yun pumatol ka sa kapwa mo lalaki,” pangaalaska ni kuya.

“Tigilan mo na yan TonTon, pumasok ka na sa trabaho at may aasikasuhin din ako, makikipagmeeting ulit ako sa mga business partners natin,” saway ni papa na nagpatigil sa kanya sa pangaalaska. Well at least accepted nila ako. That’s a relief, ngayon ang gagawin ko nalang ay papasok ako sa school nang makita ko si Gerald. Hindi pa rin niya ako kinakausap kahit na panay text na ko sa kanya. 

Tinatanong at kinukulit ko si Liam pero panay segway lang ang ginagawa niya. Akala niya di ko mahahalata na may pinagtatakpan siya pero I know him too well, mas matagal kong naging bestfriend si Liam kaya kilalang kilala ko na to and he is a bad liar.

Nagaalala lang ako na sana ok lang si Gerald pero since di naman sinasabi sakin ni Liam na may masamang nangyari sa kanya e di ako masyado nagpapanic pero nandyan pa din yung kaba. Natatakot ako malaman bakit iniiwasan ako ni Gerald. 


---------------------- 


Medyo ok naman na ako kaya pumasok na ako sa school kahit na hapon na. Hindi kasi ako pumasok sa morning classes ko kasi gusto ko makausap si papa and for now napapayag ko silang manatili muna ako sa pinas plus di ipagsabi sa iba ang karamdaman ko. 

“Uy Derick kamusta ka? Ok ka na ba?” bati sakin ni Gwen na isa sa kaklase ko. Wala naman talaga kasi ako kaclose sa mga classmates ko.

Pero mabait si Gwen, isa siya sa mga tahimik na babae sa klase namin na di nangingialam sa buhay ng may buhay. I can see through her eyes na genuine ang pagaalala niya. 

“Ah oo ok lang ako,” tipid kong sagot, nasa may hallway kasi kami di pa ako nakakapasok ng classroom and di ko pa din nakikita si Gerald.

Medyo naexcite ako na makikita ko siya ngayon, siguro nasa usual seat namin siya ngayon nakaupo sa loob. Masusurpresa ko kaya siya na pumasok ako? Namiss ko kasi siya e. Kaya hahakbang na sana ako papasok sa classroom nang tinawag ulit ako ni Gwen.

“Ah Derick, it’s nice to see you back, nagalala kami sayo,” dagdag niya.

Tumango at ningitian ko nalang siya tapos nagderederecho na ako papunta sa classroom.

Pagpasok ko mismo sa may pintuan nagulat ang mga classmates namin at pinagtinginan nila ako. Siguro di nila ineexpect na papasok pa ako sa hapon since absent nga ako kaninang umaga. Nilibot ko yung mga mata ko kung nasaan si Gerald and tumpak nga nagkatinginan kami at bakas sa muka niya ang pagkagulat din na pumasok ako.

Nagsimula na ako maglakad nang binati ulit ako ng mga kaklase ko. Tumango nalang ako sa kanila at naglakad pa din papunta kay Gerald na kitang kita ko na parang binawi na niya ang reaksyon niya na pagkagulat at napalitan na ito ng poker face. Hmm, weird, di ako sanay na ganun si Gerald kasi hyper tong tao na to.

“Uy tol,” bati ko sa kanya at ngumiti ako ng pagkalaki laki, namiss ko siya talaga, “kamusta ka? Di ka man lang bumisita sa akin sa hospital.”

Nagpout ako sa kanya pero mukang walang epek. Bakit kaya? Di niya ako sinagot at parang dinedma lang niya ako. Ouch. May kinuha siyang headset at nilagay sa tenga niya at nagastang wala ako sa harap niya. 

Nasaktan ako sa ginawa niya. Bakit ayaw niya akong kausapin?
Pero eto ako di pa rin nagigive up, alam ko nagpapalambing lang ang loko. Didn’t I mention stubborn ako? Kahit obvious na obvious na ayaw akong kausapin binabaliwala ko lang at nirarationalize pero deep inside nagsisimula nang sumakit yung puso ko. Di ko lang pinapakita, kaya huminga ako ng malalim at ngumiti nanaman. Kahit anong gawin ni Gerald di na niya ako maitataboy, he made me fall in love with him, sasapakin ko talaga siya kung kalimutan niya yun.

Nilagay ko ang mga gamit ko sa katabing seat niya at umupo ako habang tinitigan siya. Patuloy pa din siya sa pakikinig ng music at di ako pinapansin pero di ako susuko. Kakausapin ko si Gerald ng masinsinan kung bakit nagkakaganito siya.

“Ger...” mahina kong tawag pero di pa din ako nililingon niya.

“Baby?” ayan ah nilagay ko na sarili ko sa kahihiyan kahit marinig ng mga katabi naming classmates, alam niyang ayaw na ayaw ko sa PDA pero eto nagpapakumbaba na ako kausapin lang niya ako. Nasasaktan na kasi ako e.

Di pa rin talaga kumikibo si Gerald, ayaw niya talaga ako kausapin kaya medyo naginit na ang ulo ko. Hinablot ko yung isang wire sa headset niya at tinawag siya na may kataasan ng boses, di ko na pinansin pa ang mga seatmates namin.

“Gerald!” tawag ko sa kanya.

“Ano ba?” galit niyang sabi, at least nakuha ko atensyon niya.

“May problema ba tayo?” tanong ko sa kanya.

Hindi niya ako sinagot kundi inagaw niya ulit yung wire na hawak hawak ko at binalik sa tenga niya yung headset. Tiningnan ko lang siya at nagiisip ng malalim, bakit kami nagkaganito? Kala ko ba mahal niya ako? May kung anong kurot sa puso ko nang sumagi yun sa isip ko.

Hindi muna ako umimik ng ilang minuto nang may lumapit sa akin na classmates ko.

“Derick ok ka na ba?” tanong ng isang babae na classmate ko kasama niya ang isa niyang kabigan na babae din.

“Ah oo ok lang ako,” binaling ko muna ang atensyon ko sa kanila pero pansin ko pinapakinggan lang kami ni Gerald sa tabi kahit na nakaheadset lang siya.

“Buti naman kala namin napano ka na, 2 weeks ka kasing absent pano na ang mga namiss mong tests at lectures?” 

“Ah hahabol nalang ako tsaka kinausap ko na rin yung admin, bibigyan naman din nila ako ng special exams para makahabol ako,” sagot ko.

“Mabuti naman, nga pala napano ka ba talaga? Bakit 2 weeks kang wala?” tanong ng kaibigan niyang babae.

Hmm ayaw ko ipagkalat kung ano talaga ang sakit ko kaya minabuti ko nang magsinungaling.

“Ah infection lang sa puso kaya ayun, nagantibiotic naman na ako, kaya ok na,” muka naman kapanipaniwala ang palusot ko kaya tumango nalang sila at nakisampatya. Di ko kailangan ng sympathy nila hays kaya ayaw ko sabihin ang totoo.

“Buti nalang ok ka na, sige kapag kailangan mo manghiram ng notes nandito lang kami ha,” ngumiti sa akin yung babae kaya tumango nalang ako. 

Dumating na yung professor namin at bumalik na sa sariling upuan yung ibang classmates ko kaya di nalang ako umimik sa seat ko. Hindi pa rin ako pinapansin ni Gerald kaya mamaya pagkatapos ng klase, kakausapin ko siya ng masinsinan. Ewan ko ba kung bakit ako ganito, pagdating sa kanya talaga, kaya ko magtiis kahit ano pa gawin niya. Alam ko kasi mahal niya ako, pinaniniwalaan ko yun. Yun na lang ang tanging pinanghahawakan ko kahit na ibang iba ngayon si Gerald sa pakikitungo sa akin. Nandyan ang sakit at kirot sa puso syempre pero sadyang mas nananaig lang talaga ang pagmamahal ko sa kanya kaya kahit nagmumuka akong t@nga sa kaasa, ok lang. 



---------------- 


Natapos yung klase namin and napansin ko dali daling umalis si Gerald sa classroom ni hindi man lang ako kinausap. Nagmadali na rin ako ayusin mga gamit ko nang maabutan ko siya, ang bilis pa naman maglakad ang mokong na yun. 

Saktong nasa papalabas na siya ng gate ng naabutan ko siya at nahablot ko yung bag niya para tumigil siya sa paglalakad.

“Gerald!” hingal kong tawag.

“Ano ba kailangan mo?” inis nitong sabi.

Ouch. Ngayon ko lang siya narinig na pagsalitaan ako ng ganito. Masakit din yun ah. Pero binaliwala ko nalang, stubborn e, t@nga pa. 

“Bakit mo ko iniiwasan? May nagawa ba akong masama? May nagawa ba akong ikinagalit mo? Kung ano man yun humihingi na ako ng paumanhin, please kausapin mo lang ako... mi-miss na kita..” di ko mapigilang tumulo ang luha ko sa huling salita ko na yun. 

“I think dapat kalimutan mo na ako Derick,” natulala ako sa sinabi niya and the mere fact na ginamit niya ang pangalan ko na Derick instead of Riko parang may nagiba sa kanya na, bakit? Di ko maintindihan, tuloy tuloy na ang pagpatak ng luha ko na di ko namamalayan, masakit e.

“Ayoko na Derick, hindi na kita mahal,” patuloy niya.

Tiningnan ko siya sa mata kung talagang totoo sinasabi niya pero sa oras na yun wala akong makita na kung anong emosyun sa mga mata niya. Seryoso siya talaga na lalong pumiga sa puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko na hindi namamalayan. Mas masakit pa pala to kesa sa naramdaman kong parang sinusunog ang katawan ko. Walang tatalo sa sakit sa puso na para bang sinasaksak ito ng pulit ulit ng kutsilyo. Sh*t it hurts.

“Hindi yan totoo, mahal mo ako diba? Sabi mo yun, Gerald bakit ka nagkakaganito?” humakbang ako papalapit sa kanya para yakapin siya pero lumayo siya sa akin kaya napahinto ako. Parang another wave of gnawing pain ang dumaloy sa puso ko,tsk. Kahit kelan di ako nakaranas ng ganitong heartache, kahit sa mga ex ko. Si Gerald lang ang nagparanas sakin nito. Mahal na mahal ko kasi siya, higit pa sa inaasahan ko. Lumungkot na ng tuluyan ang muka ko at iniinda ang sobrang sakit na nararamdaman ko. 

“Derick tama na, pwede ba huwag mo na akong lapitan pa, ginulo mo lang buhay ko,” wala pa ding kaemo emosyun na sabi niya.

Huh ginulo? Kala ko ok na kami? Ngayon pa ba siya aatras na inaccept na relasyon namin ng pamilya ko. Ang saklap.

Naramdaman kong may lumapit sa akin sa likod, si Liam pala. Hinimas niya likod ko habang pinagmasdan kaming dalawa ni Gerald. Tiningnan muna niya ako then binaling ang mata niya kay Gerald. Naramdaman kong nagtitimpi si Liam.

“Derick ok ka lang? Anong nangyayare dito?” bakas sa muka niya ang pagaalala. Sa sobrang focused ko kay Gerald di ko namalayan na nilapitan na pala kami ni Liam, sabagay nasa gate naman kasi kami and wala ako pakialam sa mga tao na panay tingin sa amin. Gusto ko lang intindihin bakit nagkakaganito si Gerald sa akin. Hindi na ba niya ako mahal? 

Hindi ako sumagot kay Liam pero nabigla ako nang may lumapit kay Gerald galing sa labas ng gate. Si James!

“Tara na?” aya nito kay Gerald at inakbayan ito. Huh bakit?

“Gerald!” hinawakan ko braso niya para di sumama kay James, “bakit nandito yang g@gong yan? Hindi mo ba alam na balak lang niya siraan tayo? Siya ba dahilan kung bakit ka nagkakaganito?”

Nagulat ako nang tinanggal ni Gerald ang pagkakahawak ko sa kanya ng pagkalakas lakas. 

“Alam ko lahat yun, pero hindi na niya kailangan pa gawin yun kasi ako na mismo ang umiiwas sayo!” galit niyang sabi, “tsaka ayoko makipagrelasyon sa isang sakiting tao, baka mahawaan pa ako!”

Ouch. Sh*t that hurts, di naman nakakahawa sakit ko ah pero di niya alam yun, wala naman akong pinagsabihan na kahit na sino. Iniisip ba niya nakakahawa sakit ko kaya pinandidirian na niya ako. Ang sakit talaga, sobrang sakit. 

Napatulala ako sa sinabi niya at hinayaan nalang tumulo ang luha ko, wala ako magagawa parang nanliit ang tingin ko sa sarili. Umalingawngaw sa isip ko ang mga katagang yun, ‘baka mahawaan mo pa ako’!

“Sumusobra ka na ah!” narinig ko si Liam sumigaw at sinapak si Gerald, “wala kang karapatan sabihin yan kay Derick, di mo nga alam kung ano talaga sakit niya and here you are judging him and behaving like he’s contagious. Naituring ka pa naman niyang boyfriend at pinagkatiwalaan ka pa naman niyang bilang bestfriend! You’re an asshole!”

“Tama na,” hinawakan ko sa braso si Liam, kahit na parang pinupunit na ang puso ko sa sakit nang marinig yun kay Gerald, pinigilan ko pa din si Liam. Ayoko saktan niya si Gerald, mahal ko pa rin siya e, kahit di na niya ako mahal.

Naramdaman kong nanggigilaiti sa galit si Liam at naninigas ang buong katawan niya pero di na niya sinapak si Gerald na napaupo sa lupa habang pinunasan niya yung pumutok niyang labi. 

Tinulungan ni James si Gerald makatayo at walang sali salita silang tumalikod sa amin at humakbang papunta sa kotse ni James.

Nang makapasok na si Gerald sa kotse niya, tumalikod si James para humarap sa akin.

“Binabawi ko na rin sinabi ko sayo Derick, I’d rather stay away from you baka mahawaan mo din ako,” Nagpumiglas si Liam sa pagkakahawak ko pero pinigilan ko pa din siya para sugurin si James.

“Don’t worry I’ll take care of Gerald, pangako iyan,” I can see sincerity sa mata niya. Alam ko masakit pero kung may magpapasaya man kay Gerald bukod sa akin, I’ll gladly accept it. 

Pumasok na sa loob ng kotse si James at pinaharurot iyon papalayo sa amin. Naramdaman ko pa din na galit si Liam pero hawak hawak ko pa din braso niya. Huminga nalang siya ng malalim at lumingon sa akin.

“Are you ok?” kitang kita ko ang pagaalala niya sa muka niya.

Nagmistulang estatwa lang ako at di makapagisip ng maayos. Maraming sumasagi sa isip ko pero namumukod tangi talaga ang binitawang salita ni Gerald sa akin kanina. Kitang kita ko sa mata niya ang pangdidiri sa akin na lalong nagpakirot sa puso ko at nakita yun ni Liam sa muka ko kaya hinila niya ako para yakapin. May katangkaran si Liam sa akin kaya nakapatong ulo ko sa dibdib niya habang hinahawakan niya batok at likod ko. 

Naramdaman ko na ngayon ang delayed effect ng nangyare kanikanina lang. Humagulgol na ako sa dibdib ni Liam habang hinayaan ko nang lamunin ang puso ko ng sunod sunod na pagpiga sa sakit. 

“Shhh tahan na,” pabulong na sabi ni Liam na lalong nagpaiyak sa akin. Ewan nilabas ko nalang lahat ng lungkot ko at pagkadepressed ko kaya para akong bata na humagulgol sa pagkakayakap ni Liam. Ang sakit talaga.

Ito na ba ang pagtatapos sa relasyon namin ni Gerald?

Ito na nga siguro yun.


Ang sakit.



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon