CHAPTER 12

19.7K 300 20
                                    

GERALD:



Naglalaro ako ng psp buong hapon ng Friday, wala kasi kami pasok sa hapon. Kanina pa ako nakasubsob maglaro at nakalima na ata akong games na pinagkaabalahan. Ayoko kasi na walang ginagawa kasi madami akong naiisip. Lalo pa ngayon e ginagawa ko ang lahat na itago ang dapat na itagong emosyun. Ok naman na minsan di ko mapigilan ang sarili ko pero nakokontrol ko naman na hindi ipahalata kina Derick o Liam. Ang hirap pala ng ganito, di mo masabi o maipakita man lang sa taong gusto mo na gusto mo siya. 

Ayaw ko na din magtampo o magalit pa kay Derick kapag nagseselos ako, baka masira lang pagkakaibigan namin at hindi ko na tuloy siya makasama. Ok na to, Ok nga ba to? Biglang may kumurot sa puso ko. tsk.

Nawalan ako ng gana maglaro tinapon ko yung psp sa higaan at nahiga nalang ako sa kama, nakatulala nanaman sa kisame.

“Kuya yung psp ko kanina ka pa niyan gumamagamit,” sigaw ng kapatid ko.

“Eto na tapos na,” sagot ko sa kanya.

Pumasok siya sa kwarto ko at hiningi yung laruan niya. Binigay ko naman, kanina pa ata ako nagbabad sa paglalaro nun. 

Kinuha ko cellphone ko, tiningnan ko walang text maliban sa ibang classmate ko, pero walang text kay Derick. Ano kaya ginagawa ng taong yun. Nagmuni muni nanaman ako.

Biglang may tumawag sa cellphone.

Ring...

Ring...


Ui si Derick, himala , napangiti ako at bumangon agad sa kama. Sinagot ko tawag niya.

“Ui tol napatawag ka?” tanong ko na nakangiti pa din.

“Ah oo eh, uhm bakit nadistorbo ba kita?” 

“Ah hindi naman, wala nga ako ginagawa e, kakabored,” totoo naman yun.

“Ganun ba, pwede makitambay senyo?”

Ui nakapagtataka ata na gusto niya tumambay samin. Syempre tuwang tuwa ako pero parang may mali e, ano kaya problema ng taong to.

“Ah oo naman ok lang, e bakit si Liam wala ba sa condo niya?” pagtataka ko

“May klase siya gabi daw ang uwi,”

“Ah ganun ba sige tol punta ka nalang sa bahay alam mo naman na diba kung saan?”

“Oo sige magdala ako ng chibog o beer?”

“Huwag na magluluto naman si nanay ng panghapunan tsaka baka patayin ako nun makita na may beer sa kwarto ko,” natatawa kong sagot.

“Ah sige sige, see you tol,”

“Sige ingat,” at binaba na niya ang tawag.

Parang may dinadala ata ngayon si Derick at himalang nagalok ng beer. Kadalasan kasi sa bahay lang siya pag walang ginagawa o di kaya kina Liam kami pero hindi pa siya nagoffer na pumunta sa bahay namin. 

Nilinis ko yung kwarto ko kasi ang kalat nakakahiya kung pumasok si Derick. Nilagay ko sa laundry basket ang mga ginamit ko nang damit. Makalat talaga akong tao, pero yun talaga e ala nga naman maglaan ako ng oras para iorganize pa to, nakakatamad. Basta saktong matutulugan ok na. Wala naman yun problema sa dati kong mga katropa e.

Mga isang oras din yun bago may gumarahe na kotse sa labas ng bahay namin. Narinig ko may nagdoorbell, bumaba na ako.

“Ako na nay,” sigaw ko sa sala habang nakikita ko siya abala sa gawaing bahay at yung kapatid ko naglalaro ng psp sa sopa.

Nakita kong may tao sa gate namin at agad ko tong binuksan.

“Oh tol,” yinakap ko siya.

Wala man lang siya, sanay na siya sakin na ganito ako magsweet sweetan sa kanya. Kung si Liam nga e nahuhug siya bakit ako hindi.

Ang bango niya, parang naghalo ang pabango niya at ang natural na amoy niya, parang may kung anong epekto sakin basta naamoy ko siya. Lumalakas kasi ang tibok ng puso ko.

Naka printed t shirt na blue siya at dark maong pants, simple lang talaga siya magbihis pero bagay na bagay sa kanya. 

“Ui kamusta araw mo?” tanong niya sakin at binitawan ko na ang pagkakayakap ko na sa kanya.

“Ok lang bored, tara pasok ka,” niyaya ko siya sa loob.

Nakita kong nagaalangan siya pumasok, tinanggal muna niya ang sapatos niya, natuwa naman ako dun sa kanya. Cute lang tingnan. First time niya kung sakali pumasok sa bahay namin at di pa niya nakilala pamilya ko.

Nadatnan namin na nasa sala sina nanay at bunso kong kapatid.

“Nay, Garry, si Derick bestfriend ko,” pagpapakilala ko sa kanila.

“Magandang hapon ho,” magalang na bati naman ni Derick.

“Ah sige iho pasok pasensya na e makalat bahay namin, nagwawalis pa kasi ako,” 

“Ah hindi po ok nga lang,”

“Ah sige huwag mahiya pasok kung ano kailangan mo sabihin mo lang,”

“Opo,”

Wala naman pakialam si Garry at patuloy lang sa paglalaro ng psp niya habang nakaupo sa sopa.

“Tara na sa kwarto tol,”

“Ah ok sige,”

Binuksan ko kwarto ko, hindi ko namalayan ang dilim pala, kaya inayos ko yung kurtina para may sinag ng araw na pumasok. 

“Ambait ng mom mo ah,” sambit ni Derick.

“Ah ganun talaga yun, mabait talaga,”

Umupo si Derick sa may paanan ng kama ko at pinagmamasdan ang kabuuan ng kwarto ko. Natural na sa kanya na ganito siya, tahimik, seryoso, nakasanayan ko na yun kaya ako lagi ang nagbibiro sa kanya.

Inakbayan ko siya at umupo sa tabi niya, “pasensya tol makalat ang kwarto ko di tulad nung sayo pangmayaman,”

“Loko, hindi ako mayaman,” natatawa niyang sagot.

“E ano na ako nun pulubi?”

“Sus paulit ulit nalang joke mo walang bago?”

“Meron knock knock,”

Napakunot noo si Derick.

“Ang baduy ng joke mo,”

“Geh na sagutin mo nalang,”

“Who’s there?” pilit na sagot ni Derick.

“Closure,”

Medyo nagaalangan pa si Derick pero natatawa na ako at pigil na ngiti ang pinapakita ko.

“Closure who?” kunot noo niyang tanong.

“Close your eyes
Dry your tears
'Coz when nothing seems clear
You'll be safe here”

Feel na feel ko talagang kantahin ang kanta ni Rivermaya na You’ll be safe here. Papikit pikit pa ako ng mata at todo ko kanta na animo’y nasa concert ako.

“Haha ewan ko sayo,” tinulak niya bahagya muka ko na parang hinaplos niya kaliwa kong pisngi, ewan siguro imahinasyon ko lang yun.

“Ano ka pasalamat ka at maganda boses ko,”

“Ang baduy mo tol,” natatawa niyang sabi.

Ngumiti lang ako sa kanya, masaya ako na kasama ko siya. Ewan di ko maipaliwanag nararamdaman ko.

“Tol ako din may joke,”

“Weh,”

“May mga hayop nagtipon tipon sa gubat, andun lahat pero ang nawawala lang ay isang malaking elepante,”

“Alam ko na yan e, noong elementary pa, lousy,”

“Huwag na nga lang alam mo na pala e,”

Nagtawanan kami dalawa. 

“Oh bakit pala naisipan mong pumunta dito? Hindi sa ayaw ko ah pero nagtataka lang,”

“Ah eh,” medyo nagiba yung expression ng muka niya. 

Napatingin siya sa sahig ng kwarto ko, mukang may dinadalang problema tong si Derick na lalo nagpabagabag sa loob ko.

“Nagaway kami ni Hannah,”

Medyo nagulat ako sa sinabi niya syempre, ayoko din naman na nasasaktan siya ng ganito.

“Bakit ano ba nangyare, may maitutulong ba ako?” pagaalala ko.

“Ah wala , nagtanong lang naman ako kung gusto niya sumama this weekend sa Naga, sa una sabi niya ayaw niya pero nagreason out lang naman ako na magiging masaya yun at least kami dalawa magkakabonding ng dalawang araw, pero ayaw niya talaga hanggang sa nauwi sa pagtatalo at hindi na ako kinausap,” napahiga siya sa higaan ko habang nakatitig sa kisame na malungkot ang mukha.

“Sabi ko naman sayo tol e huwag mo nang pilitin kung hindi pwede bakit kasi pinagpilitan mo pa?” pagtataka ko.

“Hindi ko din alam e, alam kong gusto ko makasama si Hannah pero ewan gusto ko din kasama si Liam kasi,”

Teka parang may mali, biglang parang may tumusok na matalim na bagay sa puso ko. Si Liam lang ba ang gusto niya makasama at hindi ako? Nakakasakit ng damdamin yun ah, pero di ko pinahalata. Ouch talaga pero pilit kong di pinakita na nasaktan ako.

“Ah e ako?” di ko mapigilan tanungin siya.

Bumangon siya sa pagkakahiga at umupo katabi ko, magkaharap kami, mata sa mata.

“Ano ibig mong sabihin?”

“Ako ba hindi mo ako gusto makasama? Si Liam lang ata ang gusto mo makasama sa Naga ah, sabagay matagal naman na din kayo magkaibigan kesa sakin, sino nga naman ako diba,” di ko mapigilang ibuhos ang sama ng loob ko at emosyun ko. 

Nang nasabi ko yun bigla ko ding pinilit na hindi ipakita sa kanya na nasaktan ako sa sinabi niya. Dinaan ko pa nga sa biro at nagsmile ako, pilit na ngiti kahit na tinutusok ng karayom ang dibdib ko.

“Tol syempre kaibigan din kita,” medyo guilty niyang sabi.

“Oo naman kaibigan mo ko,” isa nanamang kurot sa puso ko, kaibigan lang. Ngumiti ako sa kanya na parang wala lang, mahahalata ba niya ang sakit na tinatago ng ngiti kong ito?

Ang problema kay Derick manhid ang taong to, pero di naman niya kasalanan. Sino nga naman ako para iparamdam ang totoo kong nararamdaman diba? kaya natural lang di niya alam.

“Ewan ko tol naguguluhan ako,” tinakpan ni Derick ang muka niya habang nakayuko at nakaupo sa kama, parang ang lalim ng iniisip.

“Naiintindihan kita,” 

“Naguguluhan ako tol, natatakot, di ko na alam gagawin ko,” mahina niyang sambit.

Hindi na ako umimik, alam ko kung ano nararamdaman ni Derick, pero sa isip ko, sana ako nalang. Kung sino nakakapagbagabag sa kalooban ni Derick, sana ako nalang.

“May kakaiba akong nararamdaman para kay Liam tol,” amin niya sakin.

Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig at di muna nakagalaw sa kinauupuan ko. Ang sakit sa puso marinig yun sa kanya. Ok na sana kung si Hannah yun medyo matatanggap ko pa pero ngayon na malaman ko na may pagtingin siya kay Liam, sobra akong nasaktan. Bakit hindi nalang ako, hindi naman ako panget, marami ngang nagkakagusto sakin pero bakit sa isang Derick Villafuente pa ako nagkagusto, lintek na buhay to. 

Siguro kung makikita lang ang puso ko ngayun, ang daming nang nakasaksak na karayom ang sakit. 

Hinaplos ko likuran ni Derick, hindi ako makapagsalita pero hinaplos ko ang likuran niya, gusto ko gumaan loob niya kaya yun lang natatangi kong nagawa sa mga oras na yun. Walang imik kami na ganun ang posisyun. Parang tumigil ang oras para sakin. Di ko alam ano sasabihin sa kanya at lalong hindi ko alam ano gagawin ko sa sarili ko.

Umupo ng maayos si Derick at tiningnan niya ako. Hindi ko pinakita ang malungkot kong mukha kundi ngumiti ako sa kanya.

“Ui ok lang yan tol ano ka ba hehe,” pilit kong pinapatawa sarili ko.

Hindi pa rin umiimik siya.

“Siguro phase lang yan diba, tulad nung nakikita sa mga pelikula, baka mahal mo lang yung tao kasi matalik mo siyang kaibigan, yun nga hehe,” pilit na ngiti habang pinapagaan ko loob niya, ayoko makita niyang nasasaktan ako.

Niyakap ako ni Derick bigla. Natulala ako sa ginawa niya, hindi ko alam bakit lalo ako nasasaktan sa ginagawa niya, halos maiyak na ako pero pinilit ko pa din ngumiti, kahit ngayon lang kailangan magpakatatag ako. 

Amoy ko ang pabango niya, ang sarap niyang amuyin, na lalong kumirot sa puso ko. Alam kong wala akong karapatan na makaramdam ng ganito sa kanya pero hinahayaan ko. Dahan dahan kong inaangat ang mga kamay ko para yakapin ko din siya. Ramdam ko ang tikas ng katawan niya at hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kanya. 

Ang bango niya talaga, naghahalo ang emosyun ko. sakit, saya, kaba. 

“Salamat tol,” bitaw niya sakin, bumitaw na rin ako sa pagkakayakap niya at ngumiti na parang normal lang, walang nangyari.

“Ok lang yun,”

“Wala kasi ako mapagsabihan kundi ikaw lang,”

“Oo naman bestfriend mo ako diba, isang poging bestfriend” sabay pogi sign 

Napatawa ko naman ang mokong. 

“Tol kalimutan mo nalang mga sinabi ko ah, ayaw ko malaman ni Liam to,” tila nahihiya niyang sabi.

“Walang problema,” tumawa ako at ngumiti. Ngiting may kaakibat na sakit.




......................................




Kinabukasan napagpasyahan namin na sumabay kay Derick sa kotse niya papuntang Naga, siya na daw magdridrive. Alam ko hindi madali dali mawawala sa isip at sa puso ko ang nangyari kahapon pero di ko dapat ipahalata sa kanilang dalawa. Ang hirap ng kalagayan ko.

Halos ang laki ng tinatago kong sekreto. Ang nararamdaman ko kay Derick, at ang sekretong may pagtingin si Derick kay Liam. Mabigat sa loob ko pero dapat kayanin. Kaya kahit ganun kailangan ipakita ko ang dating ako na mapagbiro, walang pakialam at walang hiya hiya. Talagang ganun ang buhay, hindi mapapasayo ang lahat ng gusto mo. Saklap talaga.

“Tara na towl,” senyas ni Liam habang dinaanan nila ako sa bahay.

May bitbit akong gym bag kung saan nakalagay ang pangpalit ko para sa weekend. 

Pumasok ako sa loob ng kotse at nilapag gamit ko sa kabilang parte ng passengers seat. 

“Kanina ka pa ba?” tanong ni Liam, ui pernes humuhusay na siya sa pananangalog.

“Hindi kagigising ko nga lang e at kapreprepare, kayo ba?”

“Ngayun lang din,” sagot ni Derick. 

Nasa harapan na passengers seat si Liam habang nasa likod ako. Nakasuot na parang manipis na cream V neck shirt si Liam na lalong nagpapakita sa maganda hubog ng katawan niya at nakashorts siya with matching tsinelas lang. Si Derick naman e nakasando na kulay black at board shorts with sandals. Ako simple lang suot ko T shirt at checkered shorts na nakasuot ng sandals. Para kaming magbebeach nito.

“So ano saan ano iterinary natin ngayong araw?” masigla kong tanong.

“Gustow ko kayo ipakilala sa mga kamaganak kow,” sagot naman ni Liam.

“Oh tapos nun?” tanong ko naman.

“Gusto niyo ba magcamping?” tanong ni Derick.

“Ui that’s a cool idea,” excited na sabi ni Liam.

“Tol may consequence ka,” bigla kong sabat.

“Oh right, pasensyah na, anow consequence kow?” tanong niya.

Nagisip ako ng pwede ipaconsequence niya. Nakita ko tiningnan ako ni Derick sa rear view mirror at dahil pilyo ako kahit alam ko masasaktan ako.

“Sige halikan mo si Derick sa labi sa cheeks bahala ka na,” sumbat ko. Ouch. Masokista nga talaga ata ako.

Nagulat si Derick sa sinabi ko at tila nagalit ata.

“Tol nagdridrive ako kita mo naman gusto mo mabangga tayo, adik ka ba?” reklamo niya.

Si Liam naman walang pakialam as usual, para talagang siyang batang madaling mauto. Cute nga yun sa kanya siguro yun nakita ni Derick sa kanya tsaka pogi naman talaga siya. Wala akong ibubuga sa kanya. 

“Sure,” biglang sabi ni Liam na wala man lang angal.

“Gagu ka ba?” inis na sambit ni Derick kay Liam.

“Bakit? Wala naman probleyma sakin yown,” sagot niya.

Tiningnan ako ng masama ni Derick sa salamin. Nagkibit balikat nalang ako. 

Hinalikan bigla ni Liam sa pisngi si Derick na siyang kinagulat ko at lalong ikinagulat ni Derick. Hindi nakontrol ni Derick yung manubela ng ilang segundo buti di kami nabangga.

“Dahan dahan naman sa pagdridrive tol,” pangiinis ko kay Derick.

“Dahan dahanin mo mukha mo,” ayun mukang galit nga, napangisi tuloy ako. Ewan parang gusto kong inisin si Derick ngayun.



........................




Tahimik kami habang nakiking sa radyo ng ilang OPM songs. Mga ilang oras na din ang lumipas kaya alam ko malapit lapit narin kami. 

Kanina pa kami nagdrive papunta sa Naga, di ko pala akalain na biyahiluin ako. Kanina pa masama ang pakiramdam ko pero tintiis ko lang. napansin yun ni Liam.

“Hey bro, okay ka lang ba?” tanong niya.

“Ok lang,” mahina kong sagot at pinipikit and mga mata ko habang sumasandal sa backseat.

“Derick punta muna tayow sa isang pharmacy pagdating natin sa bayan, I think there is one nung nakapunta ako dito,” narinig kong sabi ni Liam.

“ Ah oo sige, malapit na rin naman na tayo,”

“Ano ba pakiramdam mow ah Gerald?” tanong ni Liam.

“Nahihilo lang ako,” 

Tinanggal ni Liam yung seatbelt niya at tumalikod sakin, hinaplos niya noo ko, ang init ng kamay niya at malaki. Pinipigilan kong masuka sa loob ng kotse kundi lagot ako kay Derick. 

“You dont have a fever, pero dude dapat sigurow uminom ka ng medisina pampawala ng headache mo,” sabi niya.

Biglang gumalaw si Liam at pumunta sa backseat, nagulat ako sa ginawa niya pati din si Derick.

“Ui ingat naman diyan mababangga tayu,” paalala ni Derick dahil sa laki bang tao ni Liam e nakipagsiksikan pa para maka lusot sa backseat.

Umupo si Liam sa tabi ko tiningnan ulit kung may lagnat. Wala naman talaga ako lagnat biyahilo lang to, nasusuka adek ba tong si Liam.

“Bro you’re pale, may masakit ba sayow?” may bakas na pagaalala sa tono niya.

“Ok ka lang ba tol?” tanong ni Derick.

“Ok lang ako ano ba kayo,” di ko na mapigilang maduwal pero di pa ako sumuka.

“Dude, i dont think you’re ok, humiga ka muna,” pagalala ni Liam.

“Malapit na tayo sa bayan, tingnan ko kung may malapit na mercury drug store,” sabi naman ni Derick.

“Madami ka nang consequence,” nanghihina kong sabi kay Liam habang pinipilit ko buksan mga mata ko kasi nahihilo nga ako, aba ang mokong hindi maipinta ang muka.

“Yea well you can do whatever you like with me later, you should get better,” talagang wagas magalala tong kanong to ah, adik lang. Di naman ako mamatay ah.

Nakahanap naman ng isang pharmacy si Derick at pinark sa gilid ng kalsada. Binuksan ko agad yung pintuan at sumuka sa daan. Hinimas ni Liam yung likod ko habang nasusuka ako.

“Bro I think we should get you to the clinic,” pagaalala ni Liam.

“Hindi na sabi ok na ako, pramis,” tumawa pa ako ng bahagya.

“Eto bonamine ok na ba to?” bigay sakin ni Derick, kagagaling niya sa pharmacy. May dala din siyang mineral water kaya ininom ko na.

“Ok na ako mga tol, pramis,” ngumingiti pa ako.

“Sure ka ah?” tanong ni Derick. 

“Oo sabi, ako pa malakas ata to,” at nagflex ako ng muscles ko sa biceps.

Marahan naman akong kinutusan ni Liam.

“Quit foolin around and get better,”

“Tol nakakarami ka nang consequence ah,” 

“Oo na mamaya mow nalang ako iconsequence,” at pilit na pinapahiga akosa backseat. Kung makapagalala talaga wagas, bumubuti naman na pairamdam ko.

“San na tayo punta tol andito na tayo diba,” medyo masigla ko nang sagot.

“Yeah anditow na tayo, I think we should head to my aunts house para makapagpahinga muna tayong lahat,” suggestion ni Liam.

“Buti pa nga ata,” sabi naman ni Derick.


Tinahak namin ang isang daan papunta sa baryo ng kamaganak ni Liam. Di ko alam kung malayo pa o malapit na pero pinikit ko muna mga mata ko bago pa umatake yung pagkabiyahiluin ko.

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon