CHAPTER 11

19.9K 308 9
                                    

DERICK:


Nakapwesto kami ni Liam sa may gilid ng soccer field kung saan gaganapin yung tryouts. Nakita ko si Gerald na nakapang soccer attire pero sando yung suot niyang pang itaas. Nagstrestretching siya bago tawagin ng coach.

Nakita ko palingon lingon siya tila may hinahanap ata, 

“Hey Gerald over here!” sigaw naman ni Liam, kung makasigaw kala mo tarzan.

May mga katabi din kaming mga kapwa estyudante namin pero mostly girls ang nandun para manood sa mga nag try tryout, nagmistulang cheerleading squad sa lakas ng tili nila kung may gusto silang manlalaro.

Nakita naman kami ni Gerald kaya kumaway siya at abot tenga ang ngiti pa.

“Good luck!” sambit ko na sinigurado kong mabasa niya sa labi ko kahit sa pagbigkas ko man lang sabay thumbs up.

Nagthumbs up din siya sakin at mukang masayang masaya si mokong.

Pumito yung coach at tinawag pangalan niya.

“Cinco!” sigaw ng coach.

“Sir,” agad naman lumapit si Gerald.

May sinasabi yung coach nila pero di ko alam kung ano, nakita ko tumango si Gerald at pumagitna sa harapan ng coach kung saan may nakalagay na parang obstacle cones ba yun na may ilang metro ang layo sa isat isa na naka straight line. 

Nagsimula si Gerald mula sa unang bahagi na dulo ng linya then nakita ko paano niya sipain ang bola at pagulungin sa bawat obstacle cone na para bang pumapakaliwa at kanan siya. Swabe ang pagkakasipa nya ng bola sa bawat cone. Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan tapos bumalik nanaman papunta sa pinanggalingan niya. Nakita ko tumango lang ang coach tapos may sinulat sa clipboard na hawak niya.

Nagpakitang gilas pa ang mokong matapos yung test e nagexhibition pa sa bola na parang ginagawa niyang sipa. Mukang nakuha niya ang attention ng mga nanonood, lalo na ang mga katabi naming babae.

“Ang galing niya no?” sabi ng isa.

“Gwapo pa, may girlfriend na kaya siya”

“Kilala ko ata yan, taga Business Management class siya diba?”

“Classmate ko yan dati sa highschool diba ex yan ni Nadine? Lalo ata pumupogi ngayong college ah,”

Natatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ng mga ito. Mukang may fans na si mokong ah. Nakita ko tinawag siya ulit ng coach at may inutos ulit sa kanya. Tumango siya at pumagitna sa soccer field, ngayun naman mukang itry try niyang makascore ng goal habang may nagbabantay sa net. May three sets of balls dun so hula ko binigyan lang siya ng three tries. 

Pumwesto na siya sa unang bola habang tintingnan ang goal. Nakahanda na rin yung bantay sa net. Nakita kong huminga muna ng malalim si Gerald bago sipain yung bola. Isang malakas na pagkakasipa, shoot, goal, 1 point. Nagsigawan at nagsipagtilian ang mga babae na nasa tabi namin.

“Wow dude he’s good,” mangha naman ni Liam.

“Oo nga e, di ko alam na ganun siya kagaling ah,”

“Hindi mow pa siya nakeyta maglarow?” tanong niya.

“Ah hindi ngayun palang, first time,” aminin ko ibang iba siya kapag nasa field siya, may kumpyansa sa sarili at seryoso parang another side of Gerald ang nakikita namin na ikinatutuwa ko naman malaman.

Pangalawang bola na, pumwesto si Gerald at naghintay muna ng ilang minuto. Naririnig ko chincheer na sya ng mga tao.

“Wohooo galingan mo!” sigaw ng isang babae.

“Pogi kaya mo yan, aaaah,” sigaw naman ng isa.

Halatang di nila alam pangalan ni Gerald, hindi rin naman nakasuot ng soccer uniform kaya walang pangalan, infact naka sando lang siya at pinagpapawisan na siya. Kaya mas lalong nabibighani ang mga katabi naming babae sa pangangatawan ni Gerald.

Huminga siya ng malalim at sinipa ng pagkalakas lakas, munting nang masalo ng goalkeeper yung bola pero lumusot lang to sa kanang kamay niya at shoot, goal, 2 points na.

Nagsihiyawan ang mga tao na nanonood sa kanya. Yung coach nagsulat lang sa clipboard niya.

“He is really good at this huh?” manghang mangha si Liam.

“Last goal na sana maipasok niya,” tense kong sabi.

Pumuwesto na siya sa last na bola at mas nagtagal pa siya na para bang nagcoconcentrate. Mas lalong naging aktibo sa pagbabantay yung goalkeeper. Mga ilang segundo pa at huminga siya ng malalim, sinipa niya ang bola ng malakas. Tumilapon ito sa kabilang banda ng net na muntikan na e lumabas sa goal buti nalang e naipasok pa din at hindi tumama sa may metal railings.

Nagsipaghiyawan ang mga tao sa paligid namin, para lang nasa totoong tournament lang sa panonood nila. Nakita ko naman tuwang tuwa ang mokong at hinanap kami sa madla. Nagtama yung mga mata namin at ngumiti siya na abot tenga matapos e nagthumbs up. Ngumiti din ako sa kanya.

“Ang galing niya talaga, crush ko na siya promise,” ang harot ng isang babae sa tabi ko.

“Sana mapansin niya ako,” sabat naman ng isa.

Ewan parang natawa nalang ako sa fans club ni mokong.

Di na kami nagtagal ni Liam at umalis na kami sa tabi ng soccer field kasi may try out din na dadaluhan si Liam. Nagpaalam siyang mauuna na at magpapalit muna siya ng pangbasketball attire.

“I gotta go ahead Derick, I need to change, wish me luck bro,” hinawakan niya kaliwang balikat ko tsaka umalis na.

Hindi ko na sinundan si Liam, mauuna nalang ako sa mga benches sa gymnasium para makapwesto ng maayos. Nung naglalakad na ako papunta sa gym, narinig ko my tumatawag sakin at tumatakbo pa.

“Tol, teka,” hingal na tawag sakin ni Gerald.

Nakasando pa din siya at halatang pawis na pawis, dala niya yung gym bag niya.

“Di ka kaya magpalit muna, magkakapneumonia ka sa lagay na yan ah,” sambit ko.

Ngumiti ng pagkalaki laki naman tong si mokong.

“Ui concerned,” at tinusok niya gamit hintuturo niya yung tagiliran ko.

“Gagu,” at sinuntok ko siya sa braso.

“Di naman mabiro,” nakangiti pa din ang ungas, “maya na ako magbihis sa gym baka maunahan pa tayo ng magandang mauupuan e.

“Ikaw ang bahala, tara na,” pagmamadali ko sa kanya.

Medyo dumadami na din ang tao sa paligin ng benches ng gym. Gusto namin ni Gerald makapwesto sa pinaka malapit sa ring side para kitang kita namin pano maglaro si Liam.

“Tara tol dun oh,” turo ni Gerald sa may bakanteng upuan malapit sa court.

“Ayos makikita natin mabuti ang tryouts nila,” sabi ko naman.

“Oo nga,” sabay hubad niya ng sando niya sa harapan ko pa mismo.

Kita ang magandang hubog ng katawan ni Gerald, maganda yung biceps niya at chest, may konting abs at talagang mapapalingon sino man makakita sa kanyang hubad na pangitaas.

“Di ka ba nahihiya at dito ka ba naghubad,” sambit ko habang nilingon ko sa kabila ang mga mata ko, mahirap na baka ano pa sabihin ng mokong nato.

“O e ano ngayun tumingin na ang tumingin, hindi naman nila mapapasakanila ito,” aba at nagmayabang pa ang loko habang nagshoshow off ang kanyang katawan.

Nakita ko may ilang girls sa tapat namin na nakatitig sa kanya at di lang yan may ilang guys din na nakatulalang nakatingin sa kanya, mukang halatado agad sexualidad nila ah.

“Yabang mo,” yun nalang nasambit ko sa kanya.

“Huwag ka magalala tol para sayo lang to,” at kinuha niya kamay ko at nilagay sa bandang dibdib niya at pinahaplos pababa ng abs niya.

Nagulat ako sa ginawa niya at binawi ko agad yun. Binatukan ko nga ang loko ng pagkalakas lakas. Tawa ng tawa naman siya habang tinuro niya gamit nguso niya ang mga bading sa katapat namin. Nakanganga ang mga bibig nila na parang natulala. Aba ang loko nang joke time sa kanila ginamit pa ako walangya oh.

“Adik mo rin e no,” yamot kong sabi sa kanya.

“Adik sa yo,” pilyong sagot niya.

Tinulak ko nga pagmumuka niya palayo sakin.

“Aray, nakakarami ka na ah,” reklamo niya.

“Manood na nga lang tayo sa tryout nagsisimula na sila,” sambit ko.

Nakabihis na at least si Gerald ng isang T-shirt na kulay white pero printed na medyo hapit sa katawan niya.

“Galingan mo LIAM! Wohoo!” sigaw ni Gerald na napakahyper ata ngayun.

Lumingon si Liam samin at kumaway, para talaga siyang bata, napakainosente minsan na parang walang pake. Ang seryoso kasi ng pagmumuka di mo malaman kung nagagalak ba o naeexcite. 

Nakita ko na madaming nagtrytryout sa basketball pero nangingibabaw ang dating ni Liam. Siya lang kasi ang matangkad sa kanilang lahat plus namumukod tangi ang looks niya, halatang Fil-Am talaga na artistahin. Napansin ko nakuha ni Liam ang atensyon ng halos kalahati ng nanonood dun. 

Nagsimula na ang tryout, mukang dahil madami ang sumali e napagpasyahan ng coach niya na maglaro ng basketball mismo. Hindi na pinag free throw o ano pa man. Hinati niya yung mga kalahok sa dalawang kupunan. Siguro dun titingnan ng coach ang skills ng bawat manglalaro sa pamamagitan nun.

Nagsimula na ang laro at pumito yung coach. Nasa kabilang kuponan ang bola habang humabol si Liam. Tinangkang agawin ng teammate ni Liam yung bola pero hindi nakuha. Nagshoot at pumalya hindi pumasok sa ring, nirebound ni Liam, ang tangkad niya kasi kaya madali niya nakuha.

Nagsipaghiyawan ang mga babae at lalaki sa benches habang drinibol ni Liam papunta sa court nila, pinasa niya sa kaliwa habang pumwesto siya sa ilalim ng ring. Triny blinock ng kalaban ang pagthreepoint shot nung kateammate niya pero di nashoot, nagbounce lang pero narebound ng isang lalaki na kasali sa kupunan ni Liam. Drinibol niya pero nahihirapan siya pumasok sa higpit ng pagbabantay ng kalaban sa kanya. Nakita niyang open si Liam at pinasa sa kanya. Biglang nagfake si Liam at umarangkada papasok ng ring at naghalley hoop, sa tangkad niya walang nagawa ang kalaban sa depensa, shoot, 2 points sa kupunan ni Liam.

“Wooooooooh!” napasigaw ako at napatayo sa kinauupuan ko.

“Liam galingan mo!” sigaw naman ni Gerald.

Ngayun lang ako naexcite ng ganito, bawat galaw ni Liam binabantayan ko, kung pano siya maglaro at magpakitang gilas minamatyagan ko.

Nasa kalaban ang bola, dahan dahan nagdribol yung lalaki papunta sa court nila habang nagmamatyag kung sino ang open. May binabantayan si Liam sa bandang likuran. Pinasa nung lalaki sa kanan niya at tumakbo sa loob ng court. Yung isa naman e nagdridribol halatang gustong makapasok para ishoot pero nagdadalawang isip. Biglang may sumalpal sa bola at naagaw ni Liam pala yung bola. Nagsipagtilian ang mga babae.

“Wooooh,” sigaw nila.

Ang bilis ni Liam at hindi nakahabol ang mga kalaban niya para makaposisyon ng depensa. Nadunk ni Liam yung bola, 4 points na to zero.

“Tol di mo sinabi sakin pang propesyunal ang laro pala ni Liam ah,” natutuwang sabi ni Gerald.

“Alam ko naman magaling siya, di ko akalain na ganito siya kagaling,” mangha ko.

Balik sa kalaban yung bola, ngayun mas naging agresibo sila, pasa sa kanan, pasa sa kaliwa at may lumusot kahit napapligiran ng depensa, nashoot niya, 4-2 na ang score.

Nasa kupunan ni Liam ang bola, isang lalaking chinito ang may hawak habang naglalakad patungo sa court nila, mukang binabasa ang mga galaw ng teammates niya. 

May humarang sa kanya na kalaban, ang galing dumepensa hindi makapwesto yung lalaki. Pinasa niya sa kabila sa isang moreno na lalaki. Si Liam nasa may three point shot lane binabantayan din ng isang lalaki pero parang open siya kasi maliit ang nagbabantay sa kanya.

Pinasa ng lalaki kay Liam at isang iglap lang nishoot ni Liam ang bola, swak walang mintis, 3 points. 

Nagsipaghiyawan ang mga tao sa benches, pati kami ni Gerald napasigaw na din. 

“Woooooooh LIAM! Go Liam!” Sigaw ni Gerald.

Di ko mapigilan titigan si Liam, seryosong seryoso parang katulad pa din ng dati, di mo mabasa expression niya, kakatuwa siyang tingnan. 

Narinig ko sumisigaw ang mga tao sa gymnasium.

“DEFENSE! DEFENSE!” 

Ui mukang sumusuporta sila sa kupunan ni Liam ah. 

“Ang pogi niya!!!!!” tili ng isang babae sa likod namin.

“Ano pangalan niya?” tanong ng isa.

“Mukang taga BS Economics ata siya, nakita ko siya sa may Villasin building e,” sagot naman ng isa.

Mukang hindi lang pala si Gerald ang may fanclub ngayon pati din si Liam. Sabagay pansinin talaga naman tong dalawa. 

Nakita ko nashoot ng kalaban nila yung bola. Pawis na pawis si Liam pero halatang di pa napapagod. Tuloy pa din ang laro. Nagtagal ang laro ng halos 15 minutes, isang round lang at nagpito ang coach nila. 

Pawis na pawis si Liam na lumapit kasama ang ibang players sa coach. Lamang sina Liam ng 6 na puntos kaya alam ko makukuha siya sa basketball team. 

May pinagsusulat ang coach sa clipboard niya habang may sinasabi. Tumango naman ang lahat at nakinig.

“That’s it for now, yung mga natawag ko bumalik kayo sa lunes dito para sa practice session, understood?”

“Yes sir,” at sabay sabay na silang nagsipag alisan. Yung iba umupo muna sa bench habang uminom ng tubig, ang iba e dumerecho na sa locker room.

Pumunta si Liam sa direksyon namin, kinuha muna niya ang bag niya na nakalagay lang malapit sa bench ng players. Nang naglakad siya papunta samin, napansin ko nagkumpulan ang mga estyudante sa kanya.

“hi ano pangalan mo?” tanong ng isang babae habang hinihila hila niya ang mga barkada niyang babae.

“Huh?” napakunot ng noo si Liam habang hinaharangan siya papunta samin.

“Mukang sikat ni si tisoy ah,” sambit ni Gerald.

“Nagsalita ang isa diyan,” pangaalaska ko sa kanya.

“O bakit ano nanaman?” depensa niya.

“May fanclub ka din kaya dun sa soccer field,” tawa ko sa kanya.

“Sus isa lang naman gusto ko maging fan,” pilyo niyang sabi.

“Sino naman?” pagtataka ko.

“Ikaw syempre, ok na ako basta ikaw fan ko,” sabay akbay sakin at kutos, aba walangya ginawa pa akong member ng fansclub niya.

“At sino may sabi gusto ko maging fan mo ah,” pangiinis ko sa kanya.

“Ayaw mo nun tol sikat at gwapo pa ang idol mo,” 

“Yabang,” tinulak ko ng siya ng mahimasmasan sa kayabangan niya. Tawa ng tawa naman ang mokong.

Nakita ko si Liam hirap makipagusap sa mga estyudante, halatang gusto nang makaalis pero ayaw niyang maging rude kaya pinagbibigyan niya.

Sinenyasan ko nalang na sa labas nalang ng gym para di na siya pa kulitin ng mga babaeng estyudante. Nakita naman niya yun at tumango, nagpaalam na siya sa mga babae na ikinalungkot naman nila. Instant fame agad ang dalawang mokong ah.





..........................




Di ko lubos maisip na ang galing ng dalawang ito sa sports, napahanga talaga nila ako. Nakapagbihis na si Liam at dala dala nila ang mga bag nila habang kumakain kami sa Jollibee. B1 ang inorder namin ni Liam habang chickenjoy naman ang kay Gerald mukang nagutom ang loko. 

“Ang galing mo Liam kanina ah,” puri ko sa kanya.

“Oo nga tol parang MVP ka na kung makapaglaro ah,” sabat naman ni Gerald habang malaking subo naman na sinunggaban ang pagkain niya.

“Salamat, ginawa kow lang yung makakaya kow, it wasn’t that hard at all,” sagot naman ni Liam.

“Ikaw towl napabilib mow kow sa soccer ah,” habang kinakain niya ang isang fries.

“Syempre ako pa,”

“Ikaw na mayabang,” pangaalaska ko sa kanya.

Di naman ako pinansin kundi tuloy lang talga sa paglamon siya, natawa ko tuloy sa kanya, iba talaga tong si Gerald. 

“So Derick are you sure you don’t wanna come with us this weekend?” biglang singit ni Liam.

Tiningnan ni Gerald si Liam tapos lumingon sakin habang puno pa bibig niya ng pagkain na parang naghihintay ng sagot ko.

“C’mon it’s gunna be fun,” pagpupumilit ni Liam sakin.

Nilunok ni Gerald ang kinakain niya bago magsalita.

“Oo nga tol sa Naga yun para maipakilala na rin kita sa ate kong doctor dun, oo nga mukang maganda ngang sumama ako since di ko pa nakikita si ate ng ilang buwan na,” ngiting sambit ni Gerald.

“Di ko pa alam, tingnan ko, hahabol nalang ako kung ano man,” paumanhin ko sa kanila.

“Sus kung importante ang date niyo ni Hannah bakit di mo nalang isama siya sa Naga,” biglang bulalas ni Gerald habang umiinom ng softdrinks.

“Yeah that sounds like a great idea,” biglang pagsangayon ni Liam.

“Tol pwede magtagalog ka, tinuruan ka na nga, inglis ka pa din ng inglis, baka duguin na tenga ko niyan,” pangaasar ni Gerald kay Liam.

“Im trying naman na magtagalowg ah perow my accent seems funny,” reklamo ni Liam.

“Ok lang yan nang masanay ka na, mabibihasa ka din, mula ngayun pag maginglis ka pa dapat may consequence,” nakangiting pangaasar ni Gerald.

“What?” pagtatakang tanong ni Liam.

Sinuntok sa braso ni Gerald si Liam pero parang wala man lang naramdaman siya, ni aray wala parang walang paki. Tiningnan siya ni Liam na parang nagtataka kum bakit siya sinuntok sa braso.

“Consequence,” biglang sambit ni Gerald na nakangisi.

“Ah ok,” Sagot naman ni Liam. Adik talaga tong taong to parang blunt affect lagi at ang haba ng pasensya ah.

“Ok simula ngayown magsasalitah na akow ng tagalowg and if I slipped you can do whatever you want with me,” pagsang ayon ni Liam.

Parang di kaya we will take advantage sa pagkamahinahon ni Liam kapag ganito. Pano kaya kung papaghubarin siya gagawin niya? O di kaya halikan siya? Tang na mga pinagiisip ko talaga. 

“O isang consequence nanaman yun,” pilyong ngiti ni Gerald.

“Shoot ok sige anow gagawin kow?” tanong ni Liam na malainosente lang.

“Si Derick naman ang magisip para sa consequence mo, kanina ako e,” pasa niya sakin. 

Nagulat ako, wala ako maisip e, blanko utak ko. Ayoko naman suntukin si Liam magmumuka na siyang battered bestfriend niyan, abusive ko naman nun. 

“Ah eh, teka wala ako maisip e,” napakunot ako ng noo.

“Hurry up, kahit anow nalang, suntukin mow nalang ako sa kabilang brasow ko,” at talagang tinaas pa niya yung sleeves niya para ipakita ang malaking biceps niya.

Wala naman ako maisip na iba kaya sinuntok ko nalang, di naman natinag ang loko, parang wala lang. 

“I really need, I mean, kailangan kow talaga masanay magsalitah ng tagalowg kasi my relatives hindi silah sanay magenglish din,” pagpapaliwanag ni Liam.

“Huwag ka magalala masasanay ka din, hanggat andito kami sus makakapag salita ka din ng derecho at hindi na babaluktot dila mo, yan kung ayaw mo maconsequence, baka mamaya e may ipahalik namin sayo sige ka, matakot ka na,” tawa ng tawa si Gerald.

“Depende kung sinow hahalikan kow,” sinakyan ba naman ng loko ang pangaalaska ni Gerald.

“Biro lang to talaga,” 

“So anow sasama ka ba Derick?” tanong ni Liam sakin. 

Tiningnan lang ako ni Gerald parang kinikilatis ang expression ko.

“Sige tingnan ko, sasabihan ko si Hannah na sumama sa weekend,” pangungumbinsi ko.

“Tol kung di talaga pwede, ok lang huwag mo nang pilitin maiintindihan namin, enjoy ka nalang sa date niyo ni Hannah,” ngumiti sakin si Gerald na para bang seryoso na ewan, tapos bumalik siya sa pagkain ng chickenjoy niya.


I really wanted na sumama sa kanila pero gusto ko din kasama si Hannah, ngayon hindi lang ako sigurado kung papayag siya na kasama niya e kaming tatlo knowing Hannah, her parents are strict minsan. Nung minsang nagdate kami umuwi agad siya dahil pinauuwi siya ng mom niya. So malabong papayag yun. Kaya ngayun I’m torn between two decisions, Si Hannah o sina Liam at Gerald?




To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon