CHAPTER 19

17.1K 276 5
                                    

GERALD:


“NICE!” halatang tuwang tuwa si Evan pero tinakpan ko agad bibig niya.

Nasa labas na kami ng locker room namin at katatapos lang magpalit ng tuyong damit matapos ng practice namin. Pumayag ako sa gusto niya pero hindi ibig sabihin in love na ako sa kanya. Gusto ko lang itry, wala naman mawawala sakin.

“Pwede ba, ayoko magsuspetsa mga kateammate natin, tsaka satin dalawa lang ito, naiintindihan mo ba?” seryoso kong sabi.

Tumango naman siya habang nasa bibig pa din niya kamay ko, halatang kumikislap ang mga mata niya sa saya, bakit kaya? Ewan.

Inalis ko na ang kamay ko sa kanya tsaka naglakad.

“So ano gusto mo gawin natin mamaya? Date tayo?” mukang excited ang mokong makadate ako.

“Hindi pwede pupunta ako kena Liam, tatambay lang,”

“Ok e di sama ako,”

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at nabigla sa sinabi niya. 

“Huh?”

“Sabi ko sasama ako, bf mo naman na ako diba tsaka mas mainam ipakilala mo na ako sa mga kaibigan mo na we’re dating,”

“Bakit?”

Tiningnan niya ako ng seryoso na tila ba nakikipagusap siya sa isang t*ngang tao. I mean, di ko ineexpect na ganito dapat agad ang set up. Ayoko makita nila Liam and Riko na I’m dating a guy, pero alam ko naman they’ll accept me for who I am. Alam ko si Liam oo, mukang walang pakialam ang loko na yun e. Si Riko ang prinoproblema ko at kinakabahan ako sa ano mang reaksyon niya. Come to think of it, hindi ako ni minsan nagsabi na ayun, ganun nga, nagkakagusto ako sa lalaki pero give away naman na ata yun nung umamin ako na gusto ko siya. Hindi nga lang niya yun pinansin. Ugh sumakit nanaman ulo ko. Parang nagsisisi na ako sa padalos dalos kong desisyun.

Nakita yun ni Evan and medyo sinserong pagalala naman ang biningay niya sa akin sa pamamagitan ng kanyang mga titig.

“Tol ok lang, huwag mong pwersahin kung di mo pa kaya ipaalam sa kanila,” inakbayan niya ako at ngumiti.

“Di ko alam bakit ginagawa ko to,” mahina kong sambit na parang kinakausap ko sarili ko.

“I’m helping you move on,” ngiti niya, “ or helping you with Derick, kahit ano pa man, I’m here to help, k?”

Tumango lang ako. Tama siya I need to move on and dapat it should start sa mga kaibigan ko. Desidido na ako, ipagpapatuloy ko ang kahibangan kong ito, hays.

“Sige sama ka mamaya kena Liam, ipapakilala kita bilang uhm errr....” nagaalalngan pa ako sabihin, “bf ko”

Ngumiti ng pagkalaki laki si Evan at di ko ineexpect niyakap niya ako bigla. Ok is it just me or parang masyadoong nageenjoy ang mokong na to sa pretend relationship namin. Hays.

“Uwi muna ako tol para magpalit,”

“Ha bakit pa?” tanong ko.

Tiningnan ko yug orasan mag 6 na ng gabi kaya bakit pa siya uuwi e malapit lang naman condo nila Liam.

“Ah e ok na ba tong suot ko?” tiningnan niya sarili niya.

Ok naman ang suot niya, naka grey T shirt siya na hapit sa katawan at isang jersey shorts ba yun na kulay sky blue and white at naka rubber shoes na puti, Ok naman ah bakit siya naconscious bigla.

“Hindi party dadaluhan natin, tatambay lang tayo sa condo ni Liam,” umiling nalang ako at nauna nang maglakad habang sinundan naman niya ako.



....................................





Knock Knock


Wala pa din bumubukas ng pinto pero rinig ko malakas ang TV sa loob ng condo, siguro nanonood sila ng palabas at hindi nila ako marinig kaya kinatok ko pa ng mas malakas.


Knock Knock



Maya maya may bumukas ng pinto, si Riko. Ngumiti siya sakin parang kanina pa ata niya ako hinhintay sa tingin niyang yun, then medyo naguluhan siya nang makita niyang kasama ko si Evan. Kumunot an noo niya at parang nabadtrip ewan.

“Bakit siya nandito?” may halong inis sa tono niya.

“Ah eh inimbita ko siya,” mahina kong sagot.

Tiningnan lang niya ako na may halos pagtataka at inis, di ko alam kung selos ba yun ewan. 

Lumapit naman si Liam sa pintuan para silipin kung sino kausap ni Riko.

“Oh hey, you’re here bro, kanina ka pa hinihintay ng isang ito, I swear to God he was grouchy all day without you dude,” pangaalaska ni Liam pero knowing him ganun lang talaga siya, di ko pinansin ang sinabi niya, ayoko umasa.

Nakita ko namang namula si Riko pero nawala agad yun.

“You brought Evan?” nagtataka din si Liam nang makita niya sino kasama ko.

Lumingon ako kay Evan and mukang all this tension e nanigas siya sa kinatatayuan niya na panay ngiti nalang samin tatlo. Kawawang Evan parang nasalang sa spot light ang mokong, natuwa ako sa kanya pernes.

“Ah oo ok lang naman diba?”

“Sure walang problema, friends of Gerald are friends of ours,” sabay inabot ang kamay ni Liam kay Evan para makipagkamay, pero halatang nahiya ang loko at namula abot tenga habang inabot din niya ang kanyang kamay.

Mukang crush na crush niya ang amboy ah, natawa nanaman ako sa sarili ko.

Pero nakita ko sa gilid ng mata ko na nagsalubong ang kilay ni Riko habang tiningnan niya si Evan tapos sakin at pumasok na siya sa loob ng walang sali salita pa.

“Pasok ka,” anyaya ni Liam.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng condo and as usual wala akong hiya dere derecho ako sa ref ni Liam, nauhaw ako e. Tiningnan ko kung ano meron si Liam. Parang hindi ata nakapaggrocery si Liam at konti lang nasa loob. May juice kaya kinuha ko na yun at nilaklak ko mula sa lalagyan nito, oops manners pero wala ako nun sorry bro hehe.

“Liam wala na laman ref mo bili ka naman ng pagkain next time para may makain ako,” simple ko lang utos.

“Gagu nakikikain ka na nga lang nanguutos ka pa sa may ari?” sumbat ni Riko, na tila nagpangiti samin dalawa. 

Para kaming bumabalik sa dati, I like it, pero nandyan pa din ang paminsan minsang pagbilis ng tibok ng puso ko sa bawat inis na sumbat niya sakin o di kaya e pangaalaska. 

“Oh e ano ngayon, ok lang naman kay Liam yun, diba Liam?” naghanap ako ng kakampi hehe.

“Whatever bro,” walang gana niyang tugon, as usual.

Nakita ko si Evan na parang out of place na nakatayo lang sa may isang banda ng room habang si Riko e umupo sa couch. Si Liam e inaayos yung controller ng xbox niya.

Nilapitan ko si Evan.

“Feel at home lang tol,” sabi ko sa kanya, halatang tensyonado.

“Ah ok sensya,” ngumiti siya sakin. 

“Huwag ka magalala masasanay ka din samin,”

“Ganun ba, oo naman,”

Di ko napansin na tumahimik pala ang buong room at napansin ko nakalingon samin ang dalawa, parang nagtataka.

“Ehem,” i cleared out my throat, nagbabaka sakali lang e magkaroon ako ng lakas ng loob. 

I guess this is it, kailangan ko sabihin sa kanila.

Tumaas ang kilay ni Liam habang si Riko e nakatitig lang sa amin, may kung ano sa mga mata niya pero di ko maipaliwanag. 

“Ah guys may sasabihin sana ako,” halatang kinakabahan sa boses ko.

“Well? What is it? Are you pregnant?” pangaalaska ni Liam 

“F*ck you!” ngiti kong sabi sa kanya. Ngumisi din naman si Liam.

Hindi pa din kumikibo si Riko sa kinauupuan niya habang nakalingon samin dalawa ni Evan.

Nagbuntong hininga ako at pinikit ang mata ko one last time para humugot ng lakas ng loob.

“Si Evan boyfriend ko,” at hinawakan ko kamay ni Evan, na halatang tensyonado din sa tabi ko.




Ok this is by far the longest awkward silence na naranasan ko at the whole time sinabi ko yun hindi ako tumingin sa direksyon nilang dalawa at nakatitig lang sa sahig ng condo unit. Naghihintay ako na may nagsalita pero damn parang napipi ang lahat. Di ko alam ano reaksyon ni Liam at ni Riko. Gusto ko malaman ano iniisip ni Riko ngayon. Hays.


“Well Dang!” si Liam ang bumasag ng katahimikan, “I never thought you’re gay bro pero ok lang we’re cool.”

Narinig ko lumapit siya sa kinatatayuan ko at biglang naramdaman ko na hinila niya ako ng malakas papunta sa kanya at niyakap ng mahigpit. Gumaan ang loob ko sa ginawa niya, at least Liam is ok with it.

“Does that mean I can have gay jokes with you now,” ngising nangaalaska na sinabi ni Liam habang pinakawalan niya ako sa yakap niya.

“Shut up!” pero nakangiti ako sa kanya.

“Well nice to know you’re his partner, kapag sinaktan mo siya, I’ll kick your as$, got it?” mapagbirong banta ni Liam kay Evan pero nandun pa din ang banta. 

Tumango naman si Evan ng maraming beses at napipi ata sa takot. Kawawang Evan, natawa nalang ako.

Tiningnan ko si Riko may kung ano sa reaksyon sa muka niya na di ko talaga maipinta. Nasaktan ko ba siya? Pero malayong mangyari yun diba? Besides I’m moving on tsaka magbestfriend kami, yun ang dapat, pinahiwatig niya yun sakin nung araw na hindi niya ako binigyan pansin ang sinabi ko sa kanya. Pero bakit parang sa likod ng isip ko, naguguluhan ako at nasasaktan sa nangyayari sa kanya.

Ngumiti nalang siya sakin at tumango na para bang sinabi niya ‘OK tol, be happy’. Tapos tumalikod at humarap sa TV. Parang may pumunit sa puso ko iglap na iyun pero di ko na pinansin pa. Di ko namalayan napalakas ang paghawak ko kay Evan kaya hininaan ko ang paghawak agad.

Nakita yun ni Evan at lumingon sakin na tila alam niya, nasasaktan ako pero ngumiti nalang para sa amin dalawa.

“C’mon let’s play Halo and Tekken,” habang hinila ako ni Liam, kasama si Evan papunta sa sala at umupo sa maliit na sofa. 

Hindi umimik si Riko the whole time pero parang sumandal siya sa kinauupuan niya na tila bored at nilabas ang Iphone niya, may kinakalikot ata.


................................



DERICK:


Few hours earlier...

Binati ko si Gerald nang dumating siya sa upuan niya pero mukang may hangover ata yung mokong, naglasing ba ito kagabi?

“Tol uminom ka ba kagabi?” gusto ko lang malaman.

“Bakit?” habang hinimas niya sentido niya at umupo sa likod ko.

Halatang di pa kumportable si Gerald makipagusap sakin, heck ako nga din hindi kumportable pero di ko pinapakita at pinapahalata. Although kahit ganun, namimiss ko ang pagiging maloko ng tao at mapang alaska. Namimiss ko ang pagiging makulit niya sakin. Nabawasan na kasi pero nandyan pa din naman.

“Halata naman sa muka mo e,” 

“Mmmmm” at pinatong niya ulo niya sa mesa ng kanyang upuan. Napailing nalang ako, para siyang bata na pasaway.

Kumuha ako ng water bottle na baon ko na nasa bag ko at tinapik ko balikat niya.

“hmm?”

“Inumin mo to, ubusin mo para maihi mo yung alak sa katawan mo, eto geh na dali,” di ko alam pero nacoconcern ako sa kanya. 

Tiningnan naman niya ako na para bang nagtataka sa ginagawa ko. What? Can’t I be concern to a friend? Ano ba iniisip ng mokong nato.

Kinuha naman niya yung bote ng tubig at ininum niya.

“Ubusin mo,” utos ko na para bang binigyan ko na walang choice siya.

“Daig mo pa nanay ko kung makautos,” napangiti naman siya kahit na naasar siya at ininum niya lahat.

Bumalik nanaman siya sa pagkakahiga sa upuan niya, umiling nalang ako at pinigilan ang sarili ko na sermonan ang loko.



Medyo bumuti naman na kalagayan niya matapos ang ilang oras na hindi nagbibigay atensyon sa klase namin at panay na pagCR niya. Buti nalang e hindi strikto prof namin kundi nako lagot talaga siya.

Natapos ang klase namin sa umaga at napansin ko nauna siyang umalis sa classroom at iniwan ako, binaliwala ko na baka magCCR ang mokong.

Inayos ko na mga gamit ko at nilagay sa haversack ko at lumabas na ng klase at hinanap si Gerald. Pumunta muna ako sa CR na malapit sa building namin, wala.

Saan kaya nagpunta ang loko, nagikot ikot ako sa building hanggang napagpasyahan ko na pumunta sa may tambayan namin na malapit sa isang malaking puno na may bench malapit sa soccer field.

Nakita ko nga sila, kasama niya si Liam at mukang masiglang naguusap. Kinampay ako ni Liam para lumapit ako sa kanila, ngumiti ako sa kanila pero halatang may awkwardness pa din samin ni Gerald, pero binaliwala ko yun. 

Tumayo sila para batiin ako.

“Umalis ka bigla Gerald, hinanap kita,” sabi ko.

“Ah kasi nagCR ako,” sagot niya, pero alam ko hindi siya nagCR kasi dun palang ako galing. Nagsinungaling siya, bakit kaya? Iniiwasan niya ba ako? Mukang nakita yun ni Gerald sa expression ng muka ko and alam niyang I can see right through him. Bestfriend ko siya natural lang na alam ko ano kinikilos niya, pero di na ako umimik pa, hinayaan ko na.

“Oh right mamaya maglalarow kami ni Gerald sa condo, wanna come with us Derick?” anyaya ni Liam sakin. 

“Ah sige ba wala naman ako gagawin mamaya,” ngumiti ako sa kanya.

“Cool” excited na sabi niya.

Mukang tulala si Gerald, may malalim na iniisip. Ayoko naman tawagin siya e medyo awkward na nga sa amin dalawa. Si Liam isa pa ito kung wala magsasalita hindi rin siya, hay nako. Di ko namalayan may lumapit pala sa amin.

“Oi pare, andito ka lang pala,” biglang inakbayan si Gerald. Nakilala ko tong tao na to, tama yung chinito sa soccer field na medyo sobrang close kung umasta kay Gerald. Di ko alam ang nararamdaman ko pero parang uminit ulo ko at medyo sumikip ang dibdib ko.

“Evan?” para bang nahimasmasan si Gerald sa lalim ng pagiisip niya. 

Tiningnan lang namin silang dalawa. Medyo nasisira na kasi mood ko. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa lalaking yan. Naiinis ako kapag ganun makaakbay kay Gerald. Badtrip talaga! Ako lang dapat ang aakbay sa kanya, sh*t what am I saying. Hays. 

Napansin ata ni Liam na malalim ang iniisip ko at nagbago ang timpla ng mood ko. Ayaw magsalita e. 

“Oh bakit ano pa ba ineexpect mo?” napakunot noo niyang sabi habang tintitigan niya si Gerald. Nanigas ang mga kamao ko na para bang may gusto ko sapakin pero pinigilan ko sarili ko.

“Ah wala, bakit andito ka?” may halong pagkainis sa tono ni Gerald.

Sa tono niyang yun medyo kumalma ako, whew! Di ko na naiintindihan ang sarili ko.

Napansin ni Gerald na tintingnan lang namin ni Liam silang dalawa kaya biglang umayos siya at pinakilala yung chinito, pero parang ayaw ko siya makilala. Naiinis ako sa kanya.

“Ah right Evan mga bestfriends ko sina Derick at Liam,” pagpapakilala niya sa amin, pero halatang ayaw ni Gerald sabihin kay Evan ang palayaw ko. Napangiti ako sa kaloob looban ko. Parang gusto niya siya lang tatawag sakin nun. Medyo gumaan ang loob ko na may halong pagkaexcited na ewan. Bakit ba ganito ang epekto ni Gerald sakin hays.

Ngumiti sa amin si Evan pero hindi ko yun sinuklian ng ngiti din kundi sumimangot lang ako. 

“Ako nga pala si Evan kateammate ni Gerald sa soccer, nice meeting you mga pare,”

“Nice meeting you,” kinamayan naman siya ni Liam.

May kung anong titig ang binigay ni Evan kay Liam, halatang may gusto din kay Liam ang loko.

Nang tiningnan ako ni Evan, parang nagaalangan ako makipagkamay sa kanya pero ayoko maging rude sa kaibigan ni Gerald kaya kinamayan ko nalang ng walang sabi sabi. Nakita naman yun ni Gerald sa pagmumuka ko.

Hindi ako nagsalita and wala sa amin nagsalita. Wala ako sa mood e, halatang inis ako. 

“Gerald tara kain na tayo ng lunch,” ako na bumasag ng katahimikan at gusto kong umalis na dun at ayaw ko sumama si Evan.

Mukang may kung ano sa mata ni Gerald na natuwa nang tiningnan niya ako sa mata. Aminin ko medyo nagskip ng isang heart beat ang puso ko nang tiningnan niya ako ng ganun. At least natuwa siya.

“Ah uh oo sige,” sagot niya tapos binaling niya ang mga tingin niya sa mga damuhan sa paligid namin. Nacute-an ako sa kanya. F*ck what’s going on with me. Hays.

“Ehem,” sumabat si Evan at napalingon siya kanya si Gerald, “Sige tol mamaya nalang tayo magusap sa practice,”

Napansin ko na tinitingnan ako ni Evan at sunod naman si Gerald, palingon lingon siya sa aming dalawa na para bang may nakakatuwa siyang nakita sa amin, ewan ko ba. Kung hindi lang ako nagtitimpi baka sinapak ko na siya, ayaw ko sa kanya.

“Ok” yun nalang nasabi ni Gerald.

“Tara na,” inis kong sabi at nauna na sa kanila.

Si Liam kumaway din muna pala kay Evan, friendly much? Pero mukang may nakakatuwa base sa expression ng muka niya tsaka hinila niya si Gerald para sundan ako.

At least kasama ko si Gerald ngayon kumain ng lunch, solo ko siya walang Evan. Madamot lang e no? hays.




...................................



7pm at night same day...


‘Si Evan boyfriend ko’

OUCH! bakit parang may matalim na kutsilyo na sumaksak sa puso ko nang narinig ko yun kay Gerald. Di ko pinapakita ang muka ko sa kanila habang nakatuon lang ang atensyon ko sa Iphone ko. Gusto ko mainis, magalit, umiyak? Ewan.

Medyo hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko at pinagpapawisan na ako ng malamig habang naririnig ko naguusap ang dalawa sa tabi ng upuan ko. Pinapakita kong wala akong pakialam. Hindi ako umiimik, ni magsalita wala ako sinabi mula nang dumating sila. 

Panay sulyap sakin si Liam pero he knows better not to talk to me ngayon kaya ningitian lang niya ako. He understands me, oh sh*t can he see through me also na may bumabagabag sakin kay Gerald? Hays. Lalo lang ako di mapakali sa kinauupuan ko.


“Liam wala ka na ba juice bumili ka naman,” utos ni Gerald habang tumayo sa kinauupuan niya at dumaan sa bandang likuran ko. 

Amoy ko ang cologne niya na may halong amoy Gerald. Lalo tuloy ako di mapakali. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Naguguluhan na talaga ako.

Tiningnan ko yung contacts ko. Nakita ko ang pangalan ni Hannah.

Napapikit ako ng mata, humuhugot ng lakas ng loob kung ano gagawin ko. Ayaw ko magtagal pa sa condo ni Liam, para akong nasasakal na andyan si Gerald kasama ang boyfriend niya, Ugh! Isang kirot sa puso ko.

Derick: Hi busy?

Click. Send. 

Hannah: Wow anong hangin at nagparamdam ka?

Mukang inis pa din si Hannah sakin pero mas gugustuhin ko makaharap siya kesa magstay pa dito. Hindi na ako makahinga, nasasakal na ako, ang bilis ng tibok ng puso ko, gusto ko lang talaga umalis. Ayaw ko muna makita si Gerald.

Derick: I’m sorry, pwede ba samahan mo lang muna ako?

Hannah: Hmm, Derick ok ka lang ba? 

Derick: Yeah I’m fine

Hannah: I know you, hindi ikaw ang tipong mahilig na may kasama maliban sa dalawa mong kaibigan.

Derick: Ok huwag nalang, sorry again Hannah.


Medyo matagal ang reply niya


Hannah: I didn’t say NO actually, nasa bahay ako sunduin mo nalang ako alam mo naman parents ko.

Medyo nabuhayan ang loob ko, gusto ko lang umalis ngayun din kaya nang pumayag si Hannah na makipagkita sakin, hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya. Mas gusto ko nang umalis ako kesa nandito ako nasasakal sa presence ni Gerald. Nasasaktan kasi ako. 

Tumayo ako sa kinauupuan ko ni hindi man lang ako lumingon sa kanila. 

“Ah pasensya na may importante lang ako gagawin,” kinuha ko yung haversack ko sa may upuan malapit sa front door at di ko na hinintay pa na sumagot sila at umalis na palabas ng condo unit. I don’t know kung ano reaksyon nila pero ayaw ko malaman. 

Nagmadali ako pumunta sa may elevator pero ang tagal and para akong balisa na gustong gusto makalabas sa building na yun kaya sa hagdanan nalang ako pumunta at para bang may humahabol sa kin sa bilis kong bumaba sa hagdanan hanggang sa makarating ako sa parking garage.

Hingal na hingal ako pero di ko yun pinansin. Pati yung pagring ng cellphone ko di ko na rin pinansin, alam ko tinatawagan nila ako pero ayoko muna sagutin. I need some air to breathe.

Yumuko ako habang hinahawakan ang binti ko para kumalma. Sa bawat lalim ng paghinga ko, sari saring bagay ang pumapasok sa pagiisip ko.

Pero isa lang talaga ang namumukod tangi na nagpapagulo sa akin. 


Mahal ko na rin ba si Gerald?



To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon