CHAPTER 26

17.1K 251 14
                                    





DERICK:



I just got home from an overnight stay kena Gerald which oddly enough, I like it. Ewan parang the more I spend time sa kanya all the more nahuhulog loob ko sa kanya pero nandyan pa din ang kaba at pagaalinlangan at some point, ewan ang gulo ko.

I got pulled out from my train of thoughts ng tinawag ako ni manang sa baba. Kanina pa kasi ako nakahilata sa kwarto. Magsisimba kami mamaya ni Gerald which made me excited to see him. Ewan ko ba, may kung ano kay Gerald na nakukuha niya atensyon ko this past few days. Ang kulit niya at very malambing at kapag ngumingiti siya sakin parang nakakatunaw ang ngiti niya. Hays.

"Sir Riko tawag ho kayo ng Daddy niyo," tawag nanaman ni manang sa labas ng kwarto.

"Opo,"

Bumangon na ako sa kinahihigaan ko at pumunta na sa baba sa may sala. Ano kaya kailangan sakin ni Papa? 

Nadatnan ko siya sa may sala na may hawak na mga papeles siguro galing sa business di ko alam. 

"Pinatawag niyo daw po ako?"

Binaba ni papa yung mga papel para matingnan ako ng maigi, siguro seryosong usapin to.

"Ah yes Riko, gusto ko lang maitanong kelan ba sem break niyo exactly?"

Hmm nakakapagtaka naman bakit niya gusto malaman yun. 

"Two weeks from now bakit po ba?"

"We are trying to expand our business, as you can see your brother is busy as it is sa main branch ng hotel. A few weeks from now may ground breaking ceremony na gaganapin sa Cebu para sa ikalawang branch ng hotel."

"You're telling me this why?"

Tiningnan ako ng maigi ni papa habang tahimik akong nakikinig sa kanya, mukang alam ko na kung saan to papunta to.

"I wan't you to be there sa ground breaking ceremony as our representative,"

Medyo kumunot noo ko dun, bakit ako? Ni minsan I hardly give any attention sa business namin, hindi naman sa ayaw ko pero nabobored ako dun e, ok fine ayaw ko nga, hays.

"But pa, bakit hindi nalang ikaw?"

"Kita mo naman Riko busy din ako, I'm asking you to do this para sa pamilya natin, ok?"

Wala na ako magagawa final decision na e. Napansin ata ni papa na naging bugnutin ako nang marinig ko yung news na yun kaya may pahabol pa siya.

"Riko if you do this, you can have a week of vacation sa Cebu na rin tutal sembreak niyo naman diba?"

Medyo slow muna nagregister sa utak ko ang sinabi ni papa then bigla napalitan ang expression sa muka ko ng pagkagalak at excitement. YES! Bakasyon out of town, awesome! Naisip ko imbitahin si Gerald pati si Liam for sure magiging masaya to.

"Sige I'll do it," sabay malaking ngiti sa muka ko, umiling nalang si papa at natawa.

Now what's left is to tell my two bestfriends. 



------------ 



EVAN:


Nakita ko nanaman siya ngayon. Always ako tumatambay sa may library area kasi dito ko panay nakikita ang lalaking matagal ko nang crush. Yung unang lalaking nagpatibok sa puso ko, I mean siya lang talaga ang dahilan bakit ako nagkakaganito. Sad part di man lang niya ako gusto hays buhay. 

Ginawa ko na nga lahat lahat para mapalapit sa circle of friends niya and with that being said, that's saying something. Normally kasi tahimik lang akong tao. Sports ko ang soccer pero aside from that di na ako lumalabas sa gimik o ano pa man, napapasama lang ako sa mga kateammates ko. Kum baga taong bahay ako. Simple lang tao pero siguro mas gusto niya ang isang tulad ni Derick Villafuente na aminin ko pogi nga at mayaman pa. Hays puso nga naman.

"Hey Gale," bati ni Liam sa isang babae na lalabas ng library, siguro kakilala niya o classmate.

Papasok pa lang siya ng library at ako naman as usual sa bandang likuran ako na medyo malayo sa kanya pero tanaw na tanaw ko siya. Stalker lang ang drama? Hays. 


Flashback


Noong una ko makita si Liam nastarstruck na ako sa kanya, i think that was nung bago palang siya sa school. Nasa liibrary ako nun may tinatapos lang na report madami akong dala na mga books. Palabas na ako ng library nang nabangga niya ako sa may pintuan tila papasok ata. Nagkalat ang mga gamit ko sa sahig dahilan para mabadtrip ako, stressed na nga ako sa report ko tapos eto pang di tumitingin sa dinadaanan binangga ako. 

"Sorry, my bad," uy inglesero at halatang hindi taga pinas ang accent, nacurious ako kaya tiningnan ko maigi ang nakabangga sakin.

Nanlaki ang mga mata ko at mukang natulala habang piniagmamasdan ko siya. Ang gwapo niya, narinig ko lumakas ang tibok ng puso ko, sh*t.

Halatang may lahi pero kita pa din ang magandang kumbinasyon ng pinoy blood at american blood sa kanya, artistahin kum baga. Kala ko nga artista ang mokong e, magpapautograph na sana ako. 

"Are you ok?" nagpabalik sa huwisyo ko ang maganda niyang boses.

"Uhh y-yeah," nauutal kong sagot.

"I'm really sorry, here let me help you with that," sinimulan niya kunin ang mga nagkalat kong mga gamit. 

Nahiya naman ako bigla kaya agad agad kong pinulot ang mga yun na tila ba kulang nalang e naging the Flash ako sa bilis. Ningitian naman ako ng gwapong lalaki na yun na para bang ikinatutuwa niya ang kinikilos ko. C'mon kahit sino naman mababalisa kapag makaharap ang isang katulad niya na kayang magpahina sa tuhod kahit sino man sa isang titig lang. He's f*cking gorgeous.

Hinablot ko yung mga papel na nasa kamay niya ng walang sabi sabi at nagmamadali akong umalis ng library. Narinig ko siyang tinatawag ako pero binilisan ko ang paglakad ko na para bang tumakbo na ako.

Nagtago ako sa isang gilid para di na niya ako makita. Sumilip ako sa kinatatayuan ko at nakita ko siyang umiling lang at saka pumasok sa library. Ang lakas ng tibok ng puso ko at parang gusto ko malaman kung sinong taong yun. Na love at first sight ata ako, love at first sight nga ba? Ewan.

Nakita ko siya sa labas na pumasok na sa loob at mukang abala sa kung ano mang gagawin niya na school related stuff. Bumalik ako sa library pero sinigurado ko di niya ako makikita. Pumunta ako sa may counter kung saan nagiiwan ng mga ID ang pumapasok sa library, gusto ko lang malaman name niya. 

Sinilip ko sa loob ng library sakto abala siya sa isang shelf ng books na medyo may kalayuan sa entrance at sa counter kaya agad agad na ako pumunta dun. 

"Ah maam nakalimutan ko kunin ID ko pwede ko po ba makita ang mga ID?" pagsisinungaling ko, kanina ko pa kasi nakuha yun bago umalis. 

"Sige ano pangalan?" sabi ng matandang nagbabantay sa counter.

"Evan Colinares po,"

Hinalukay niya yung mga IDs pero di niya makita, natural andito na kasi sakin pero gusto ko talaga makita ang mga ID.

"Wala dito ang ID mo sure ka ba di mo na nakuha? Parang binigay ko na sayo kanina e," ulyanin na talaga siya.

"Maam patingin nga po ng mga ID baka mahanap ko," dahilan ko.

Medyo nagaalangan yung matanda pero pinakita sa akin yung rack ng IDs kaya natuwa ako. Inisa isa ko yun hanggang makita ko ang ID ng lalaki. Ang pogi niya sa picture. Liam Andersen 1st year BS in Economics. Ang ganda ng pangalan, parang natatak sa utak ko info na yun. Nang nakita ko naghihintay pa din yung matanda, sinabi ko nang na baka nasa akin na at lumabas na ako. Yun ang una kong pagkakakilala kay Liam, unang araw palang stalker na hays. May magagawa ba ako, nagkacrush kasi ako sa kanya sa unang tingin lang.


End of flashback



Ngayon eto nakaupo ako malayo sa kanya at napabuntong hininga nalang ako. Alam ko naman wala ako pagasa kaya masaya na ako kapag nakikita siya. Sapat na sakin na hanggang tingin nalang ako. Masulyapan ko lang siya gumaganda na araw ko. 

Alam kong may gusto si Liam sa kaibigan niyang si Derick, ako ba naman na laging nakatingin sa kanya syempre mapapansin ko kung gaano umaaliwalas ang muka niya pag nakakasama niya si Derick, kahit ang mga titig niya ay katulad ng mga titig ko sa kanya kaya noon pa man nalaman ko na in love siya kay Derick Villafuente. Although mukang nagkakamabutihan na ata sina Derick at Gerald kaya mas lalo ako nahuhurt tingnan si Liam na ganun. Sana ako nalang ang mahalin ni Liam, hays wishful thinking.

Hindi naman ako totally stalker, hanggang sa library lang naman talaga ako kasi alam ko yun parati ang pinupuntahan niya sa free period niya kapag hindi niya kasama ang dalawa niyang kaibigan. After that umuuwi na ako or pumapasok na sa klase. Hays.


"Uy Evan sabi ko na nga ba dito lang kita makikita," biglang sambit ni Harold isa sa mga kaibigan ko.

"Ano kailnagan mo?"

napakunot noo nalang siya habang tintingnan ako.

"Alam mo tol maghanap ka nalang kaya ng ibang magugustuhan, halata namang parati ka dito sa library dahil sa amboy na yan," siwalat niya.

Ganun ba ako ka obvious, sh*t. Namula ako sa sinabi niya.

"hindi ah may ginagawa lang akong assignment," maang maangan ko.

"Hay nako Evan, lokohin mo na lolo mo huwag na ako," at tinitigan niya ako ng maigi.

"Obvious ba ako masyado?" mahina kong sambit, napabuntong hininga nalang ako.

"Tol obvious na obvious since first quarter ng sem dito ka naglalagi kung nandyan yang amboy at halata naman sa mga titig mo sa kanya na halos tunawin mo na siya, di ko nga maintindihan bakit hanggang ngayon di niya napapansin yun."

Tama siya, it's hopeless pero gusto ko lang talaga siya makita and ito lang yung one of those occassions na makikita ko siya araw araw since di kami magkaklase. I'm pathetic hays.

Napayuko ako sa mesa na kinalalagyan ko.

Umupo sa tabi ko si Harold at tila dinamayan ako while patting my shoulder.

"Try mo kaya magtapat sa kanya, malay mo lang pakinggan ka ng poong may kapal at may milagrong mangyare na magkagusto siya sayo,"

Napalingon ako sa kanya at naningkit ang mga mata ko.

"Grabe ka naman parang sinabi mo nang imposible niya ako magustuhan hmf,"

Tumawa siya ng bahagya.

"Hindi naman sa ganon pero try mo, wala naman mawawala sayo kung subukan mo,"

"Except my dignity," bilis kong sagot at sumimangot ako, "tsaka I did tell him na and it took me a huge amount of courage para sabihin yun sa kanya ha,"

Nagmukmok ako sa mesa habang inaalala ko yung scenario sa condo nina Liam. Nakita kong galit sya sakin that time, nilakasan ko kaya loob ko nun kahit na halos mahimatay na ko, yeah I'm pathetic hays. Nang umalis ako sa condo niya nanghina yung buong katawan ko at napasandal sa pader nun ah, ganun ang epekto niya sakin. Ang hirap magpanggap na I'm this very confident egotistic guy pero in truth I'm just a shy guy na nagmamahal ng palihim sa kanya. 

Ginawa ko na ngang kaibiganin si Gerald para lang mapalapit kay Liam pero I guess it backfired. Ngayon I don't think magpapakita ako sa harap nila. Although at least may positive outcome naman yung ginawa ko, naging happy sina Gerald at Derick. Pero bakit ganun, ako ang nasasaktan para kay Liam. Ang mas worse pa dun, tanggap ni Liam yun and hindi niya ipaglalaban ang pagmamahal niya kay Derick, masokista ba ang loko na yun. Kung ako nalang sana si Derick, hays.


"Tama na nga yang pagmumukmok mo, tara na pinapatawag na tayo ni coach kaya ako nandito," biglang sabat niya.

Oo nga pala may soccer practice kami ngayon. Makaalis na nga dito tutal nakita ko naman na si Liam, masaya na ako. 

Nagsimula na akong tumayo at sumama kay Harold palabas ng library, bitbit ko yung haversack ko.

Nang palabas na ako ng library dumaan muna ako sa may counter para kunin ID ko. Walang gana akong naglakad papunta sa matandang librarian habang di pinapansin ang mga nakapaligid sa akin. Siguro kitang kita sa pagmumuka ko ang lungkot, pero hey that's life. 

Nang kukunin ko na ID ko, biglang may nakasabayan ako sa counter. Tiningnan ko yung katabi ko at nanlaki ang mga mata ko at natulala. Si Liam pala paalis na rin, sh*t natameme ako. 

Kumunot ang noo ni Liam nang makita ako. I know I'm the least person he wants to see today kaya lumungkot ang muka ko nang makita ko ang reaksyon niyang yun sa akin. Parang may pumiga lang sa puso ko. Binaling ko ang mga mata ko sa kanya, pero bago ko maibaling yun, nakita ko in a split second ang pagtataka sa muka niya at pagaalala? Why is he worried sa expression ng muka ko? baka guni guni ko lang yun. Dali dali ko hinablot ang ID ko at lumabas ng library without looking back. I know medyo weird na last na pagkikita namin ni Liam e sinabihan ko siya na sakin nalang ibaling ang pagmamahal niya with confidence pa, pero ngayon siguro naweirduhan siya na parang iniiwasan ko siya. I guess I'm back to my old self na, the shy and timid Evan. Hindi ko na guguluhin sila at si Liam, masaya na ako na malayo ko siyang pagmamasdan nalang. I guess this is for the best. Tama iiwasan ko na si Liam. 

Parang may pumiga nanaman sa puso ko. Ok lang sanay na ako. Ill just admire him from afar. 



I think I love him already. 

at may kung anong sumaksak sa puso ko nang marealize ko yun. Hays.


To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon