CHAPTER 28

15K 266 15
                                    





GERALD:



Sabay na kami ni Riko pumunta ng domestic airport sa NAIA Terminal 3. Cebu Pacific ang sasakyan namin papunta doon. Katatapos lang ng sem break and nagpaalam naman si Liam samin na luluwas siya ng Naga. Ayaw talaga papilit ang loko kahit man ilang days ayaw talaga sumama. Sabi lang niya madami siya gagawin sa Naga and may imeemeet daw siya? Sino kaya yun? Di nalang ako nagtanong saka nalang siguro kapag magkita kami ulit.

“Andito na tayo,” sabi ni Riko. 

Hinatid kami ni Mang Lando yung driver nila Riko. Dinaanan nila ako sa bahay namin kaninang umaga para sumabay na ako kay Riko. As usual he is hot, pogi ng future boyfriend ko hehe. Naka white shirt lang siya and khaki shorts with sneakers, meron siyang ray ban na suot, aakalain mo pupunta siya sa isang model competition sa beach. Di ko tuloy maiwasan tumitig sa kanya.

“Tara na Gerald, ano pa hinhintay mo diyan baka malate tayo sa pag check in,” yamot na sabi ni Riko, ningitian ko lang naman siya. Ang cute niya kung naiinis siya, ewan ko ba sadista ata ako haha.

“Eto na boss,” sarkastiko kong sagot, “Mang Lando salamat po sa paghatid.”

“Walang ano man iho, ingat kayo sa byahe niyo,” ngumiti si Mang Lando sa amin.

“Opo, kayo din po,” sagot ko.

Tumango nalang siya at hinintay kami ni Riko makapasok sa loob ng terminal bago siya umalis. Napakabait talaga lahat ng nagtratrabaho sa bahay nina Riko. Sabagay di naman yun questionable kasi mababait na amo ang mga Villafuente, in fact napaka humble nga nila na isa sa mga katangian ni Riko na nagustuhan ko. 

Hindi siya mayabang kahit alam nilang nakakaangat sila sa buhay and hindi sila matapobre. Nirerespeto nila lahat ng tao. Biruin mo ba naman magjeep yang si Riko nung nagenroll siya, di mo aakalain anak mayaman siya kung hindi dahil sa kutis niya. I really love this guy, sana maging kami forever. 

Nabasag ang pagdadaydream ko nang tinapik ako sa balikat ni Riko. Tinanggal na niya yung Ray ban niya at nakatingin siya sakin na tila naguusisa.

“Huy sabi ko yung ID mo amina, kanina pa kita kinakausap pero parang lutang utak mo ngayon,” tinaasan niya ako ng kilay. 

“Ah pasensya iniimagine ko kasi future natin with little Riko and little Gerald,” pang aalaska ko sa kanya, at ningitian ko siya na siya namang ikinablush niya, I just love the way how my simple smile can have this reaction sa kanya, nakakataba ng puso.

“Adek lang? Anong little Riko at little Gerald? Ano kala mo sa atin mabubuntis? Tsaka di pa nga tayo kasal ah este uhm ah kalokohan ang mga yan,” bigla niyang segway at nakita kong sobrang pamumula niya hanggang sa tenga niya, kacute.

“Uuuy iniisip na niya ang kasal natin, san gusto mo maghoneymoon baby,” ngiting pilyo ang sinukli ko na lalong di mapakali si Riko, ang cute niya talaga, Gosh kung pwede ko lang siya yakapin magdamag and halik halikan.

“Ewan ko sayo, tumigil ka nga diyan sa mga kalokohan mo, Yung ID dali na,” iniba niya yung usapan pero halata pa din ang pagkakilig niya kaya nakangiti lang ako all the time. I can’t help it, i like teasing Riko sobrang cute kung magreak ahah.

Dinukot ko na sa bulsa ko yung wallet at kinuha ko yung ID ko para ibigay kay Riko. Nilagay na namin yung mga bagahe namin sa isang stroller at nagtungo kami pareho sa check in counter. 

Napansin ko panay tingin ng mga katabi namin na mga babae sa linya sa amin dalawa ni Riko. Sanay naman na ako pagtinginan nila si Riko basta akin lang siya hmf. 

Kami na sumunod sa counter at binigay ni Riko yung ID namin at yung ticket. Napansin ko panay pacute nung guy kay Riko, pernes mestisuhin yung lalaking staff. Yung ngiti ng lalaki na binibigay kay Riko ay makahulugan habang nageexplain siya about sa baggage or ano pa man. Ito naman si Riko parang engot lang di makagets na nilalandi siya ng tao, naiinis na ako. 

“Ah sir Derick Villafuente you have an alloted free kilos for your baggage, ilan po ang ichecheck in niyo?” parang pakyut niyang sinasabi, ugh kakasuka.

“dalawa.” Matipid niyang sagot as usual his snobbish self.

“Ah ok po sir pakilagay nalang po sa conveyor,”

Nilagay naman ni Riko yung mga bagahe, nasa likod lang ako niya nagmamasid sa pagpapakyut ng damuhong staff na ito.

“Ah sir in case of emergency lang po ano po cellphone number niyo?” tanong nung lalaki.

Naginit ang ulo ko, halata kayang kinukuha lang number Riko, in case of emergency nga eh bakit number ni Riko kukunin at hindi yung sa kamaganak niya, t@nga lang? Sasagot na sana si Riko nang di ko mapigilan at lumapit na sa counter.

“Ah baby, yung number nalang ng dad mo ibigay sila naman emergency contacts mo diba?” at inakbayan ko siya na siya namang ikinagulat ni Riko at napakunot noo siya.

Alam kong ayaw na ayaw ni Riko ng PDA pero this guy is asking for it. Gusto ko lang malaman niya akin si Riko so back off!

Natulala yung lalaki nang marinig yun sakin at pabalik balik ang tingin niya kay Riko at sa akin, na tiningnan ko naman siya ng masama na tila ba sinasabi ko hands off he’s mine.

Napalunok naman yung lalaki sa kaba at inayos yung dapat ayusin, ibinigay na yung boarding pass namin at sinoli yung IDs.

“di na pala kailangan sir ng contacts, enjoy your flight,” nerbyos niyang sabi. Good.

Pinagtingininan kami ng mga babae sa linya at ilang guys na siguro e may gusto din kay Riko.

“Ay teh grabe sayang di natin sila talo ang popogi pa naman nila,” bulong bulungan nila.

“Pero pernes bagay sila, ang cute nila, swerte naman nila,”

Napailing nalang ako sa mga sinasabi nila.

Nasa malayo na kami sa pila nang binatukan ako ni Riko.

“Aray naman, ganyan ba tratuhin ang baby mo?” 

“baby-hin mo muka mo,” inis na sambit ni Riko.

Patay galit talaga ang loko, hays pero worth it naman para di landiin si Riko ng damuhong iyon, naiinis ako.

“Sorry na alam ko naman ayaw mo ng PDA pero obvious kasing nilalandi ka ng lalaking yun, ‘ay sir pwede pahingi ng contact number mo’,” ginaya ko boses ng lalaki na hinaluan ko ng OA na tono, kainis kasi e.

Tiningnan lang naman ako ni Riko. 

“What?” sambit ko.

“Are you jealous?” bigla niyang tanong na ikinagulat ko. 

“Hindi ah,” sh*t ayoko naman aminin na ganun nga kakahiya kaya ang inasal ko.

Biglang nagiba ang expression ang muka ni Riko, parang natuwa na kinilig na may kung anong ewan na ngiti sa labi. Ang weird niya.

Hindi naman siya nagsalita na at nagsimulang maglakad sa security check. Umiling nalang ako, pag umandar talaga pagkatopak ng isang to ay ewan.

Sumunod nalang din ako sa kanya at nagtungo sa security check bago pumunta sa boarding gate namin. Tahimik lang si Riko pero that’s his usual self. May mangilan ngilan na may nagpapansin sa kanya na mga babae pati closet bis, napaghahalataan na ngang desperado yung iba e pero ikinatuwa ko naman na manhid ang loko at tila walang napapansin. Hay for once thank you Lord at ginawa niyong manhid tong ungas na to kundi mamatay ako sa selos.

Umupo kami sa waiting area habang nakasuot si Riko ng headset nakikinig ng music, hinayaan ko nalang siya tutal masaya na ako kasama siya, excited kaya ako na kami lang magouout of town, solong solo ko siya, kinilig ako sa sarili ko.

Nabobored na ako sa kahihintay nang may napansin akong isang guy na panay titig sa akin sa kabilang dako ng seats malayo sa amin pero tila papunta din siya ng Cebu kasi nasa boarding gate namin siya. May itsura naman siya matangkad at maganda ang katawan. Kumunot noo ko habang pinagmasdan ko siya.

Nang napansin niya na nakatingin pabalik ako sa kanya aba di man lang umiwas ng tingin, di nahiya na natyempuhan ko siyang nakatitig sa akin. Ngumisi naman siya sakin tila ba nangfliflirt. 

Tatayo na sana ako para magunat unat kasi bored nga ako nang pinigilan ako ni Riko at hinawakan niya ang pisngi ko para ibaling ang tingin ko sa kanya kung saan naweirduhan ako.

Nilagay niya yung isang pieace ng headset sa tenga ko para makinig kami ng music ng sabay at since hindi kahabaan yung headset e magkadikit ang aming ulo habang panay pinapalingon niya ako sa banda niya at hindi sa lalaking nasa harapan ko.

“kanina ko pa napapansin yung lalaking yan, pwede ba huwag mo bigyan ng pansin siya, eto makinig nalang tayu ng music,” inis niyang sambit.

Napangiti naman ako dun, ang loko kala ko di niya napapansin ang mga nasa paligid niya pero mukang kanina pa pala nakakahalata sa mga taong nangfliflirt sa amin. Ibig sabihin hindi naman talaga siya manhid, sinasadya nya talagang di pansinin ang mga nasa paligid niya. Ang cute niya, lalo ata ako nainlove sa kanya, ang loyal ng magiging asawa ko. Namula ang pisngi ko at ang saya saya ng nararamdaman ko. Sh*t asawa talaga ha? Taas mangarap dre? 

Napaka overprotective din ng ungas napansin ko, ayaw niya talaga ako tumingin sa harapan ko kahit magkastiff neck na ako pero ok lang basta ba si Riko ang tintingnan ko ngayun. Malapit ako sa leeg niya kaya amoy ko ang pabango niya, d*mn he smells nice, inamoy ko siya.

“Ang weird mo alam mo ba yun?” biglang sambit ni Riko.

“hmm?” pagtataka ko.

“Lagi mo kasi ako inaamoy,” nahihiya niyang sabi. Napangiti naman ako dun.

“Ambango mo kasi, nakakainlove lang,” wala talagang pakialam sa sinabi ko.

Nakita kong namula si Riko, ang dali niya talaga magblush at sa puti niyang yun ang cute talaga pagmasdan, ako tuloy kinikilig sa kanya. 

“gusto ko din yung amoy mo,” mahina niyang sambit na ikinagulat ko. 

Tama ba narinig ko? aba tong si Riko may tinatago din palang fetish ahaha. Binaling nalang niya ang atensyon niya sa ipod para di niya makita ang mga titig ko sa kanya. Hays, I really love this guy. 

At sa lagay na yun wala kaming pakialam kung may makakita man sa amin na tila parang sweet kami at magkalapit ang ulo. Mabuti nga yan para malaman nila walang papagitna samin ni Riko at excited akong makasama si Riko for the whole week. Hindi mapawi pawi yung mga ngiti ko sa labi habang iniisip ko yun.





------------------- 


Nakarating kami sa Cebu sa isang oras lang, di naman nagaksaya ng panahon si Riko at tumungo na kami sa baggage pick up area. Kumuha ako ng stroller para mapaglalagyan ng bagahe namin. Ilang minuto din e nakuha namin lahat ng gamit namin at nagtungo sa exit area kung saan may nakita kaming pangalan nakasulat ‘Derick Villafuente’ sa placard. 

“Riko bakit nandyan pangalan mo?” usisa ko.

“Ah siguro yan yung susundo sa atin papunta sa hotel, diba sabi ko sayo pinapunta ako dito ni papa para umattend ng breaking ceremony para sa 2nd branch ng hotel namin, ang alam ko may ibang business partners si papa na dadating din pero ako ang representative sa side namin,”

Tumango nalang ako, nakalimutan ko pala may business na gagawin muna ni Riko bago kami mag bakasyon grande. Hay nako. 

Tumungo na kami sa lalaki na may hawak ng placard at nagpakilala si Riko na siya yung hinahanap nila. Tinulungan kami ng lalaki sa bagahe namin at pinasakay sa shuttle ng hotel. Napansin ko nakasulat Raddison Blu Hotel. Nakakatawang isipin andito si Riko para sa hotel business nila pero sa ibang hotel siya magstay for the whole week. Sabagay baka magkakasosyo ang parents ni Riko sa iba pang mga hotel di ko alam ewan.


Nakarating kami sa Radisson Blu hotel at grabe sobrang ganda ng loob at ang luwang yung receiving area, eleganteng elegante tsaka may malaking piano sa kabilang banda kung saan pwede magpatugtog yung guests. May fountain din sa labas ng entrance. Nakakamangha naman, come to think of it di ko pa nakikita yung hotel na pagmamay ari ng mga Villafuente, mabisita nga yun pagbalik sa manila. 

Nakita kong nauna na si Riko sa may check in counter para sabihin ang pangalan niya at cinonfirm naman ng receptionist.

“Ah sir dalawang room po ba kukunin niyo?” tanong ng babaeng receptionist.

Dalawang room? Para saan? Iniisp ba ni Riko na maghiwalay kami ng room? Pero mas gusto ko kasama siya para mayakap ko siya kapag matulog kami. 

“Isa lang,” bigla kong sambit.

Napatingin naman sakin si Riko pati yung receptionist. 

Narinig ko nagbuntong hininga si Riko.

“Isang room nalang para di mapamahal sa pagbayad,” sabi ni Riko pero I know di yun ang rason, for sure binayaran na kaya to ng dad niya and kung tutuusin pwedeng pwede kahit tatlong rooms ang kunin ni Riko. Narelieve ako nun at least kasama ko si Riko.

“Ah ok sir, may two bed twin size kaming available na rooms,” suggest naman ng receptionist. 

Ugh naiinis na ako sa babaeng to ah, gusto talaga papaghiwalayin kami ni Riko hmf.

“Meron ba kayong queen size isang bed nalang para mura,” sabat ko na halatang naiinis na ako.

Nakita ko si Riko hinawakan ang muka niya na tila di mapigilan madismaya sa pinaggagawa ko, e sa gusto ko siya makasama e, hmf.

“Ah yun nalang miss kung ano sinabi niya, sundin niyo nalang baka kasi magtemper tantrum special child kasi yan,” pangaalaska ni Riko.

Tiningnan ko nga siya ng masama and he just rolled his eyes. 

Nakita ko naman yung receptionist ang pagtataka at pabalik balik ang tingin sa akin at kay Riko pero alinlangan niyang ginawa ang sinabi ko. YES!

“ok po sir eto yung card key niyo sa room 488 po kayo, enjoy your stay,” ngumiti siya kay Riko na tila nang aakit, hmf.

Inakbayan ko nga si Riko at nagsimula na kami pumunta sa may elevator. Umiling nalang si Riko na tila natutuwa sa pinaggagawa ko. aba dapat lang, honey moon namin to wala makakasira sa bakasyon namin. Ngumiting pilyo ako na siya namang napansin ni Riko at kumunot an noo niya sa akin. Hehe ang cute lang.

Nang makalabas kami ng elevator sa 4rth floor laking gulat namin at nakita yung exact same guy na nagfliflirt sa akin sa may terminal sa airport kani kanina lang. Nagkatinginan kami at tiningnan naman siya ng masama ni Riko. Hmmm ok this is awkward? Why is he here?




To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon