Liceo del Verbo Divino is a real school but all the descriptions and contents in this story pertaining to this school is pure fiction.
........
Liceo del Verbo Divino
Founded by the Missionaries of Verbo Divino at 1688 as a congregation. Archbishop Father Sergio de Benidez first established the school at 1787 run by the missionaries to provide basic educational needs for all students. It is one of the most prestigious Catholic School to date in Asia.
The University is composed of several autonomous faculties, colleges, schools and institutes, each conferring undergraduate, graduate and postgraduate degrees, and the basic education units. Several degrees have been accredited by the Commission on Higher Education as Centers of Excellence and Centers of Development.
Seryosong kong binabasa ang pamphlet na kung saan andun yung history, visions and missions ng university na pinasukan ko. Pero after some boring words eh di ko na tinuloy basta ang alam ko matandang eskwelahan na to at maka Diyos.
First day of school and im heading for my classroom, yeah I’m a freshmen and I look like a lost puppy in this huge campus. Ang lalaki ng building na may desenyong makaluma pero maganda pa din tingnan. I’m at awe actually just by standing there habang pinagmamasdan ko ang kalakihan ng campus. Ang daming estyudante na nagsisipaglakad papunta sa mga classrooms nila o di kaya kung saan saan lang. Some were actually staring at me and I have no idea why but I just shrugged it off.
“Hoy,” may umakbay saken bigla sa likod na nagpawala sa pagkatulala ko.
Lumingon ako and guess what, a very familiar face came to view. Si mr. Tisoy. Nakauniform siyang tulad saken. Nakawhite polo na may logo ng school namin and black pants. IS he on the same course as I am? Sana hindi.
Napansin ata niya na hindi ako nagsasalita kaya siya na nauna.
“Kanina pa kita napansin na parang tulala dito sa gitna ng school lobby, are you lost? I can help you...” binara ko agad siya.
“Ah hindi, papunta na nga ako sa class ko sige bye,” inalis ko yung kamay niyang nakaakbay sa balikat ko at nagpunta sa isang building.
I actually don’t know where I am going. Hawak hawak ko nga ang mga class subjects ko and yung classroom assignment pero how the hell am i going to know which building is which sa laki ba naman ng campus at ang daming building. I have to admit tama si Tisoy I am lost pero ayoko lang humingi ng tulong sa kanya.
May nakita akong grupo ng girls at may kasamang dalawang bading, nakapang nursing uniform ata sila kasi nakaputi ewan. Nilapitan ko sila and while papalapit ako sa kanila parang makahulugang titig naman ang binigay ng dalawang bading at yung kasamahang mga babae nila.
“Uhm hey sorry to bother you, magtatanong lang ako sana, san po ba yung Yringko building?”
Ngumiti saken yung babaeng pinagtanungan ko at kita ko ding tintitigan ako ng kasamahan niya na may halong kakaibang titig na ewan, binaliwala ko nalang.
“Ah nasa mali kang building, hindi to yun. Uhhm lumabas ka kung san ka nakapasok dito alam mo diba yung administration building?”
“Administration?”
“Oo yung kung saan ka kumuha ng porspectus mo?”
“Ah ok oo alam ko,”
“Sa Kanan ng building doon ang Yringko building,” sabay ngiti saken.
“Ah ok salamat ah,”
“No problem pogi,” sabat naman ng isang bading.
Pilit na ngiti nalang binigay ko sa kanya.
“Ano pala pangalan mo?” tanong naman ng isang bading.
“Ah oo ano nga pala pangalan mo,” inulit ng isang babae na katabi ng pinagtanungan ko na abot tenga ang ngiti.
“Ah eh Derick,” yun lang sinagot ko.
“Derick ano apelyido?” yung mismong babae na pinagtanungan ko na ang nagusisa na halatang nahihiyang magtanong pa saken.
“Villafuente, uhm mauna na ako salamat again sa tulong,” sinsero kong pagpapasalamat.
Nang nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila narinig ko silang nagsitilian, ang lakas tumili ng bading ah, daig pa sa soprano sa taas ng boses. Pati ang boses ng mga babae dinig abot hallway, alam kaya nila na naririnig ko pa din sila? Ewan.
It took me awhile para makapunta sa classroom ko. Buti nalang hindi pa ako late, sakto lang kasi andun na halos lahat ng kaklase ko and yung professor e saktong kapapasok lang. Nasa gitna sila ng pagpapasulat ng name nila sa index card nang natigilan ang klase sa bigla kong pagpasok sa room.
“You!” striktong sita saken ng matandang professor nang papasok na sana ako sa room.
“Ah yes sir?” kinakabahan kong sagot.
“Are you that disrespectful? Papasok ka lang ni hindi ka magaask sa permission ko? What is your name?” galit na sumbat saken ng propesor.
Kainis bakit ngayon pa na first day ng klase, bad impression agad. Nakakahiya pa sa harap ng mga classmates ko na di ko kilala. Hiyang hiya ako na sinambit pangalan ko.
“Derick Villafuente sir, I’m sorry I didn’t realize uhmm ah I’m sorry sir”
“You are not a graduate from this school am I right?”
“Sir?”
“You did not graduate highschool here tama ba ako? San ka naggraduate at bakit parang di ka ata naturuan ng magandang asal sa klase,” suno sunod na birada saken ng propesor. Sabagay what can I expect this is one of the oldest Catholic School of the country I guess sa sobrang konserbatibo nilang pananaw e kahit konteng mali lang sa impyerno ka na pupulutin, hay nako.
“I’m sorry sir, I’m from Woodlawn High School, Detroit, Michigan,” malumanay kong sagot.
Nagbulungbulungan ang mga kaklase ko habang yung iba nakatitig saken.
“Ui stateside oh,” rinig ko sa malapit na kaklase ko.
“Ang cute nya noh?” sabi naman ng isang babae kabilang row.
“mukang nadagdagan ng cute boys sa room natin, may kaagaw na si Gerald sa pwesto ng hot guys sa room naten,” sabi naman ng isa pang babae. And who the f*ck is Gerald bakit cinocompare ako sa kanya.
“Silence!” Sigaw ng masungit naming propesor, “next time Mr. Villafuente show some manners when entering the classroom, understood?”
“Yes sir,” malumanay kong sagot.
“Sit down,” utos niya saken.
Humanap ako ng mauupuan ko pero lahat puro meron na nakaupo maliban nalang sa may bandang likuran at gilid ng room. Dumeretso na ako doon habang sinusundan ako ng tingin ng mga classmates ko lalo na ang mga babae at nagkukunwaring babae.
“Alright finish writing down your names and section on you ½ index card and pass it to me,” striktong utos ng propesor.
Patay wala akong index card. Di ko kasi naman akalain na need yun, umiral ang pagkaengot ko talaga. Triny ko maghanap sa loob ng backpack ko kung sakali lang naman meron pero wala talaga. Hays kung mamalasin talaga.
“Tol eto,” may inabot saken na blankong index card sa bandang likuran ko.
“Ah salamat...” natigilan ako nang makita ko ang isang pagmumukang ayaw na ayaw ko sana makita. Si Mr Tisoy magclassmate pala kami lintek na. Siguro sa sobrang pagkabalisa ko hindi ko namalayan kung sino sino ang nasa paligid at seatmates ko kaya di ko siya napansin na nasa likuran ko pala siya. Kung alam ko lang pipilitin ko nalang sana kahit sa sahig ako umupo o di kaya sa labas nalang, badtrip naman oh.
Nagaalangan akong kunin yung index card mula sa kanya pero no choice e, papagalitan nanaman ako ng masungit na propesor namin at ipapahiya sa buong klase.
“Tanggapin mo na, tsaka peace offerring ko na rin kung ano man ang kinababadtripan mo saken,” sinsero naman ang kanyang tono kaya tinanggap ko na.
“Salamat pre...”
“Call me Gerald, Gerald Cinco” habang inabot niya kamay niya para makipaglamano sakin.
Ah siya pala si Gerald, ok sa kanya pala ako nicocompare ng mga lokong yun. Muka naman siyang mabuting tao, siguro mali lang pagkakajudge ko sa kanya. O e di ako na judgmental, mali na ako sorry tao lang. Kinakausap ko nanaman sarili, baliw na siguro ako.
“Derick,” inabot ko kamay ko sa kanya.
“Nice meeting you.... again pare,” inemphasize talaga ang again.
“Sige na isulat mo na yung pangalan mo sa index card baka pagalitan ka na naman ni Mr. Gelado,”
Mabait naman pala siya. Sinulat ko na pangalan ko sa index card at pinasa sa harapan. Nagsisimulang kolektahin ni Mr Gelado yung mga card kaya yung iba nagchichismisan sa kanilang mga upuan.
Tinapik ulit ako ni Gerald sa likuran.
“Derick pasensya ka na ha kung ano man kinaiinisan mo saken humihingi ako ng dispensa,” serysoso at mapagkumbaba niyang sinabi.
Sabagay naangasan lang naman ako sa kanya kaya ganun trato ko sa kanya, pero mukang mabait naman pala tong mokong nato.
“Ah ok lang, wala ka namang ginawang masama,”
“E bakit parang galit ka sakin lagi pag nakikita mo ko?”
“Ah wala yun,”
“Di nga sabihin mo,”
Aba may pagka makulit din pala to tsk.
“Wala sabi e,”
“C’mon you can be honest with me bro, friends naman na tayo diba?”
Wow agad agad friends? Di kaya sadyang assuming tong taong to? Pero medyo gumaan feeling ko nang marinig ko ang katagang friends. Sabagay wala naman kasi ako masyadong kaibigan.
“Wala siguro najudge lang kita ata na mayabang, ayoko sa lahat kasi mayabang, sorry tol,” honest naman ako.
Medyo umiba experession ni Gerald nung sinabihan ko siya nun, di ko maiwasang isipin na siguro nabruise ko ego niya. Pero kung hindi naman totoo hindi dapat siya magdadamdam diba? Ewan.
“Hey it was just my impression, no big deal, we’re cool right?” pinipilit kong bawiin ang nasabi ko kanina lang.
“Yeah umm di ko kasi alam yun pala impression mo saken,” medyo nalungkot ata ang mokong.
“Hey I said impression lang naman, di ibig sabihin yun nga, we’re cool right?” inabot ko ulit kamay ko para makipagshake hands, I guess he’s not that bad. Pero if there’s one thing about him na nalaman ko, it looks like he value other’s thoughts too much. Ako kasi sanay ako na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Sabagay lumaki at nakasanayan ko na rin kasi ang western culture na walang pakialaman.
Ngumiti ako sa kanya tanda ng pagkakayos namin. Ngumiti din siya at nakipagshake hands ulit saken.
“Yea we’re good, so bali tropa na kita ha,” mukang masaya nanaman ang mokong. Di nga bipolar kaya siya? Hehe.
“Tropa?”
“Oo kaibigan, friends, you know?”
“Alam ko ano ibig sabihin nun,”
“Ah kala ko kasi hindi kasi stateside ka,”
“Nangaalaska ka ba?”
“Hindi medyo lang,” kung ngumiti ang mokong parang tuwang tuwa.
“Ewan ko sayo,”
Tumawa lang siya. Pinalo ng libro ni Mr. Gelado yung mesa nya para patahimikin kaming lahat. Mukang magsisimula nang magleksyun yung terror teacher. First day na first day wala man lang grace period na binigay para makapagadjust kami. Terror talaga hay nako.
Natapos ang subject namin at nakita ko may free period kami mamaya pa ata mga hapon ang sunod na subject namin and it’s only 10:30 in the morning, masyado pa maaga at may bakanteng oras pa ako. Nagsimula na ako maglakad papalabas ng classroom ng may humarang sakin na babae.
“Hi,”
“Uhm hi?”
“Ako nga pala si May Anne pero you can call me Anne for short,” inabot niya kamay niya saken para makipagshake hands.
“Ah ok,” at tinaggap ko naman yun na parang may halong pagtataka.
Lumapit ang mga friends nyang girls din, at nakipagkilala saken.
“Ako nga pala si Jane,”
“Ako si Alice”
“I’m Stacey,” habang ngumingiti siya saken.
Pilit na ngiti lang ginanti ko sa kanila.
“Uhm your name is Derick diba?” tanong ni Anne na parang siya ata head ng group nila
“Ah oo bakit?” pagtataka ko.
“Kasi umm may first day school party kasi sa house ko and gusto sana kita iinvite later, sana pumunta ka,” habang hinawakan niya uli kamay ko at ngayon parang hinihimas na niya. I really don’t know how to react to this pero parang she’s coming too strong for me.
“I’ll try,” habang binabawi ko kamay ko sa kanya pero mukang lalo niya hinigpitan pa.
“Sige na Derick, it will really mean a lot to me tsaka inivite ko lahat ng classmates natin, they’re all going kaya dapat pumunta ka din ha,” pangungumbinse niya saken.
One thing though that bothers me first day of school palang bakit parang close na siya sa lahat ng classmates namin?
“Kilala mo na mga classmates natin?” pagtataka ko.
“Of course, yung iba syempre hindi pero namumukaan lang, mga kabatch namin silang lahat 90% of us here are graduates from Liceo del Verbo Divino highschool kaya magkakakilala na kami maliban sa ilan na transferees at new students, like you,” sabay ngiti saken at titig na makahulugan.
Hindi pa rin talaga binbibitawan ni Anne kamay ko at sumabay na rin ang ibang friends niya sa pagpilit saken.
It’s not like I don’t want to pero I want to settle in first, I have social issues kasi, I don’t get along well agad agad siguro alam na yun ni Gerald per se. Speaking of Gerald bigla nalang siyang dumating at inakbayan ako at hinilang papalayo kena Anne.
“Sorry Anne next time nalang may basketball game kami na dadaluhan ni Derick,”
“Huh?” pagtataka kong tingin sa kanya. Di ata nya nasabi saken na may ganun kaming lakad.
“Sumakay ka nalang,” bulong niya saken.
“Ah oo meron pala kami larong dadaluhan ni Gerald, pasensya Ana,”
“It’s Anne,” yamot na sabi niya, “ok pero next time sasama ka sakin ha?”
Parang naglalambing na ewan ang tono ni Anne pero tumango nalang ako na mukang naguguluhan ang ekspresyon sa muka ko.
Hinila ako ni Gerald papalayo sa classroom akbay pa rin niya ako.
“What was that about?” pagtataka ko at inalis ko ang pagkakaakbay niya saken.
“Dude kung ako sayo huwag ka magdididikit dun kay Anne na yun,” babala niya sakin.
“Oh bakit naman? She seems nice, in a weird sorta way?”
“Lagi ka talaga palpak sa mga impression mo no?”
“Ha?”
“Wala, I mean, just stay away from her, trust me.”
“Bakit naman?”
Lumapit si Gerald sakin at may binulong sa tenga ko. It was kinda awkward, personal space ko kaya. Pero parang kumportable si Gerald na ganun kalapit kami sa isat isa.
“She will just use you,” bulong niya sakin.
Lumayo ako sa kanya ng konteng pulagada lang ang awkward kasi na ganun kami magkalapit.
“Ano ibig sabihin mo?”
“Ganito kasi yan tol, ever since highschool yang si Anne, she goes for the jocks, mga sikat na guys sa campus or sa room. She will have sex with them,”
“Oh e di swerte ng mga lalaki kung ganun,”
“Pero sinsira din niya reputasyon ng lalaki, gagawan ng kwento kung ano ano lang, kaya kung ako sayo para iwas problema huwag mo nalang patulan, marami diyan chiks na mas maganda at mas matino, gusto mo reto kita? Yung nag MissLDVD highschool maganda yun matalino pa...”
“Ayan ka nanaman sa mga reto reto mo, lam mo ba dyan ako unang nainis sayo?”
“Ha? kelan yun?”
“Sa Jeep yung enrolment, tatlong babae na nakasakay natin,”
Natawa si Gerald, di niya mapigilang humalakhak talaga nung nasabi ko yun.
“What’s so funny?”
“E kasi naman tol natawa ako sa mga yun, harap harapan ba e pagchismisan tayong dalawa, Ikaw daw ang leading man nila para sa korea novela, biruin mo yun at ako daw e poging tisoy,” sabay pogi sign gamit yung kanang kamay niya na halos matawa ako at binatukan ko nga ang mokong.
“Gagu!” natawa din ako sa kanya, “bakit hindi ba pwede mangyare yun kapag ako pumunta ng korea magaaply ako dun na artista.”
“Tapos lalabas ka sa Meteor Garden? Na may mahabang buhok? Sagwa nun tol hahaha,” pangaalaska niya, binatukan ko nga ulit.
“Aray sakit nun ah,” himas himas ulo niya.
“Loko ka, pag ako sumikat walang chiks para sayo, saken lahat yun.” Asar ko sa kanya.
“Ang damot, sige sayo na ang mga chiks mo, ikaw nalang sakin,” Ngumiting nanloloko yung ungas.
“Ewan ko sayo,”
“Joke lang di mabiro,” nakakahawa ang kalokohan niya, di ko akalain na ganun pala siya kahyper.
Naglakad nakami papunta sa labas ng building namin. Sabay na kami umalis habang nagkwekwentuhan ng kung ano anong kalokohan lang.
“Nga pala mamaya pa naman klase namtn, gusto mo gala lang muna tayo?” Alok ni Gerald sakin.
“Ah sige tutal wala naman ako pupuntahan talaga,”
“Ayos tara,”
“Nga pala diba intsik yung meteor garden hindi koreans?” tanong ko.
“Aba malay ko,”
“Di ko rin alam,”
“Gusto mo ba maging Dao ming si ba yun?” alaska ni Gerald sakin.
“Loko di ko nga kilala kung sino yan,”
Sabay kami nagtawanan sa daan na parang mga batang di maubusan ng kwento at kalokohan. Nakakatuwa palang kasama si Gerald, masayang kausap. Nasyasyahan akong kasama siya. May kaibigan na ako sa unang pagkakataon nang umuwi ako ng pinas.
To be continued
BINABASA MO ANG
Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]
RomanceThe story talks about three close friends. Derick Villafuente lived in the states with his mom and younger brother almost half his life. His bestfriend half caucasian half pinoy who looks like a male model confessed to him that he likes him more tha...