CHAPTER 14

20K 308 14
                                    

DERICK:


Mga alas onse na ng gabi nang naisipan namin na magsipag tulog na, nauna naman na sina Aling Nelia at Mang Kadyo matulog sa amin at nagpaalam naman kami na sa bakuran lang muna kami tatambay. Dinalaw na rin kami ng antok kaya pumasok na kami sa kwarto ni Jose.

“Bro san ka pwepwesto?” tanong ko kay Liam na may halong excitement, di ko lang pinapahalata. Ewan parang gusto ko siyang katabi matulog ngayung gabi.

“Ah kayow, where do you want ba?” tanong naman niya.

Pumasok naman si Gerald at biglang inakbayan at hinila ako pababa sa may banig.

“Dito ka na sa gitna at si Liam dun sa kabila mo at ako dito para mayakap kita tol,” pang iinis nanaman niya.

Aba ano ata nakain ng mokong nato at mukang bumalik ang pagkapilyo niya, kanina kanina lang e medyo tulala at wala sa sarili tong si Gerald ngayun parang nakarecharge na. 

“Nagugusot damit ko ui,” pagpupumiglas ko.

Binitawan naman niya ako agad habang nakangiti pa din siya sakin.

“Sige ditow nalang ako sa gilid dyan nalang kayow bro,” at nagsimulang maglatag ng isa pang banig si Liam kung saan tinuro ni Gerald. Sabagay ok lang din at least katabi ko pa din siya.

“Ayos,” tuwang tuwa na sambit naman ni Gerald. Mukang masaya ata siya ngayun? Sabagay ok na rin yun, mas gusto ko yung masiglahing sarili niya.

Nahiga na rin ako sa tabi ni Liam at si Gerald naman e sa kabilang banda ko. Ang kulit ng mokong pero nasanay na ako. 

Biglang pinatong ni Gerald ang kamay niya sa dibdib ko at humarap siya sakin sa pagkakahiga. Nilingon ko siya, nakapikit na mga mata niya.

“Ui mainit tol pwede ba alisin kamay mo?” reklamo ko.

“Mmmmm ayoko, maghubad ka nalang ng pangitaas mo kung naiinitan ka,” sambit niya. 

Nilingon ko si Liam aba tulog na agad ang mokong, napagod ata sa pinaggagawa namin ngayong araw. Ang pogi niyang tingnan matulog. 

Naramdaman kong inalis pansamantala ang kamay ni Gerald at nakita kong naghubad siya ng pangitaas niya.

“ang init tol, wala man lang kasing electric fan,” sambit niya. 

Maganda talaga katawan niya, kanina ko pa yun napansin nung naligo kami sa may talon. Pilit kong di tingnan yun baka kasi ano pa sabihin niya. Nakabrief pa naman siya nung naligo. Iwinaksi ko agad yung mga iniisip ko. 

Biglang humiga nanaman si Gerald at niyakap ako, ang kulit talaga ng mokong nato, para siyang bata, hinayaan ko na. Mainit ang katawan niya, nararamdaman ko ang singaw ng init sa kamay niya pati sa mismong katawan niya na malapit sakin. Parang nilalagnat siya na parang hindi, ewan di ko maexplain. Malakas din yung tibok ng pulso niya, ramdam ko kasi sa kamay niyang nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko nalang pinansin yun sa kanya. Pagod na rin kasi ako kaya maya maya e dinalaw na rin ako ng antok.


.......................






Nagising ako sa tilaok ng manok nila sa labas ng bahay. 

Tik ti la ok.....

Tik ti la ok.....


May konting sinag na rin ng araw na napansin ko sa may bintana. Minulat ko yung mga mata ko, nakita ko si Liam tulog pa din pero yung likod niya ang nakaharap sakin, dinig ko yung hilik niya.

Ang kamay naman ni Gerald nakayakap pa din sakin at ang masaklap pa e yung kaliwang binti niya nakapatong din sakin. Ginawa talaga akong tandayan ng mokong nato. Rinig ko ang bawat hininga nya habang natutulog. 

Dahan dahan kong inalis ang kamay niya at binti niya pero tulog mantika talaga siya kaya hindi siya nagising. Bumangon ako sa hinihigaan ko at tahimik na lumabas ng kwarto. Nagunat unat muna ako at humikab.

Nakita ko si Aling Nelia naghahanda na ng almusal at si Mang Kadyo nasa bakuran nagsisibak ng kahoy para sa panggatong ata. Pinuntahan ko na sa likod.

“Mang Kadyo ako na ho diyan,” alok ko sa kanya.

“Nako iho huwag na baka masugatan ka pa,” tanggi niya.

Pero mapilit ako kaya kinulit ko siya, nakakahiya naman at ang laki nang katawan namin e di kami tumulong man lang lalo pat bisita kami at medyo may edad na sila. 

“Ano ka ba Mang Kadyo, sisiw lang yan sa akin, hayaan niyo naman po ako makatulong, nakakahiya naman na sa inyo na kayo pa pinagsisibak namin ng kahoy,” pangungumbinsi ko.

Mukang nakumbinsi ko naman siya at alam ko pagod din naman na siya kaya kinuha ko na yung palakol sa kanya. 

“Ilan ho Mang Kadyo yung sisibakin ko?” tanong ko.

“Ah eh kahit yan lang muna,” turo niya sa nagkumpulang kahoy sa tabi ko.

“Sige po ako na bahala dito,” ngumiti ako sa kanya.

“salamat iho, papasok muna ako at tulungan ko si Nelia,”

“Opo,”

Nilagay ko yung isang bloke ng kahoy sa harapan ko at inangat ko yung mabigat na palakol. 

PAK

Sinibak ko yung kahoy, ang hirap pala, mabigat na nga masakit pa pala sa may palad kapag ulit ulitin mo, pati yung braso mo mangangawit pero syempre pinagpatuloy ko pa din, ehersisyo na din yun parang nagbuhat lang ng weights.

PAK.

Sunod sunod kong sinibak ang mga kahoy na tinuro ni Mang Kadyo sakin. Unti unti na din ako pinagpapawisan, hinubad ko muna yung T shirt ko baka kasi ako matuyuan ng pawis. 

PAK

Parang naninigas na ang mga braso ko sa kakasibak. Pero pinagpatuloy ko pa din, sisiw lang to. Para lang talagang nagbuhat ako ng barbel. Work out ko na rin ito sa umaga. Maya maya e puno na ng pawis katawan ko. Marami rami na din akong nasibak na kahoy na siyang ikinatuwa ko.

PAK

Nagulat ako at natigilan sa pagsibak nang makita ko si Gerald nasa may puno ng manga na malapit sa bahay. Kagigising lang niya halata sa gulong buhok niya. Nakatulala siyang nakatingin sakin at iniwas ang mata niya. Parang ewan lang. 

“Ui gising ka na pala tol,” bati ko sa kanya.

“Ah e uhm oo,” napakamot siya sa ulo habang di makatingin ng derecho sakin. Ang weird niya.

“Nakita ko si Mang Kadyo nagsisibak nahiya naman ako kaya ako na gumawa para sa kanya.” Eksplekar ko.

“Ah ganun ba,” medyo balisa niyang tingin sakin. 

“Si Liam gising na ba?” tanong ko.

“Gising na ata nasa kusina tinutulungan si Aling Nelia, akina nga yan,” at lumapit siya sakin at pwersahang kinuha yung palakol.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

Tiningnan niya mga palad ko. Hinawakan niya at kinilatis, ngayun ko lang napansin namumula pala. Tumutulo pawis ko sa mga braso ko at kamay.

“Ako na magpapatuloy, maghugas ka nalang at magbihis, pawis ka tol,” medyo inis na sabi ni Gerald. Ano nanaman kaya ang nakain nito bakit galit pa.

“Konti naman lang ako na magtapos,” pagpupumilit ko.

“Ako na sabi tol baka mapulmonya ka pa niyan malamig sa umaga nakahubad at pawis ka,” di ko alam kung nagaalala ba siya o galit na na nangangaral pero ok sabi niya e. Kinuha ko T shirt ko na nakasampay sa bangko at pumasok sa loob para makapanghugas o maligo man lang at magpalit ng damit.

“Ui Liam gising ka na pala,” bati ko sa kanya na kasama ni Aling Nelia, mukang naguusap kasi sila. Nilagay ko muna yung T shirt ko sa kanang balikat ko kasi pawisan ako kaya topless akong pumasok ng bahay.

“Ah yea bro, I wanted to help tita Nelia magluto ng breakfast natin,” sagot niya.

“Oh iho pawis na pawis ka, maligo ka kaya muna, may paliguan kami sa likod, bubon yung gamit namin ok lang ba yun sayo?” pagaalalang tanong ni Aling Nelia.

“Oo naman po sang banda po yung paliguan niyo?” tanong ko ulit.

“Paglabas mo sa bakuran may makikita ka dun na isang maliit na nakatrapal at may mga kawayan, dun,” turo niya sakin.

“Ah sige po,”

“Sige at dalian mo nang makakain na kayo, sabay sabay na tayong mangalmusal,” paalala ni Aling Nelia.

Habang papasok ako sa kwarto para kunin ang shampoo at sabon ko pati na rin ang pampalit ko, sakto lumabas si Rosing sa kabilang kwarto. Natulala siya nang makita ako, parang parehong ekspresyun ni Gerald kani kanina lang, ewan ko ba. Biglang nagtatakbo papasok sa loob ng kwarto niya at sinira ang pinto. Nagtaka ako sa kinilos niya, galit ba yun sakin? Sana hindi, mabait na bata pa naman yun. Binaliwala ko nalang at kinuha ang dapat na kunin ko tsaka pumunta sa paliguan.

Paglabas ko sa bakuran nakita ko si Gerald aba seryosong seryoso na nagsisibak ng kahoy. 

PAK

Parang may pinaghuhugutan ata kasi ambilis niyang magsibak, parang gusto niya atang mapagod ewan. Ok lang ba siya?

PAK

Ni hindi man lang humihinto para magpahinga, sagad kung makapagsibak. Sa muka niya parang may malalim na iniisip. 

PAK


Pumasok na ako sa loob ng paliguan para makaligo na, gaya ng sabi ni Aling Nelia bubon nga yung gamit nila. Ang lamig pa naman ng tubig. Hindi ko na inintindi yun at naligo na ako.



............................



“Tol ok ka lang?” pagaalala kong tanong kay Gerald, parang pagod na pagod na siya pero patuloy pa din siya, sadya bang pinapagod niya sarili niya? 

Katatapos ko lang maligo at nadatnan ko pa din siyang nagsisibak kahit naubos na yung tinabing kahoy ni Mang Kadyo aba naghanap pa siya ng ibang masisibak. Sinasadya niya ata mapagod.

“Hui!” sigaw ko sa kanya at hinawakan ko yung palakol.

“Ha?” tanong niya na parang wala sa sarili. 

“Akina nga to,” kinuha ko sa kanya yung palakol tsaka tinabi. 

“Ah di ko namalayan tapos na pala,” tumatawa pa siya kahit hingal na hingal siya, basang basa ng pawis ang damit niya.

Nilapitan ko siya para hawakan yung likod niya, pero para bang nakuryente ata sya at umilag sakin. 

“Ah sorry tol hehe, maliligo lang ako,” sambit niya.

“Ah ok, pero malamig yung tubig,” pagpaalala ko sa kanya.

“Mas mabuti nga kung malamig,” sabi niya habang naglakad na siya papasok ng bahay.

“Ano?” naweirduhan ako sa sagot niya.

“Wala, sige maligo muna ako,” at pumasok na siya sa bahay.

Hinayaan ko nalang siya, kinuha ko naman ang mga panggatong sa abot ng makakaya ko at pinasok sa bahay. Nakita kong naghahanda na rin sina Aling Nelia ng mga plato sa mesa.

Matapos maligo ni Gerald e sumabay na kami magalmusal kasama sina Aling Nelia at ang pamilya niya. Lumabas na rin sa wakas sa kwarto si Rosing tila nahihiya ata tumngin sakin. 

“San balak niyo ngayun pumunta Liam?” tanong ni Aling Nelia.

“Ah di pa pow namin napaguusapan tita,” sagot naman niya.

“Gusto niyo ba sumama sa bayan?” alok naman ni Jose.

“Jose di ba ngat magsisimba tayo dadalhin mo lang sila sa arcade-an sa bayan e,” sermon ni Aling Nelia.

“Nay naman,” yamot na sabi ni Jose.

“Tsaka matatanda na sila para maglaro pa kaya huwag mo na silang abalahin pa,” sabi naman ni Mang Kadyo.

“Ok lang naman po,” sagot ko naman para di masyado magtampo si Jose. Pwede din naman siya samahan.

“Uhmm actually po, kung pwede sana pupunta kami sa clinic ng ate ko?” sabi ni Gerald.

“May kamaganak ka dito iho?” pagtatakang tanong ni Aling Nelia.

“Opo doctor ho siya pero sa local hospital siya nagtratrabaho at may sariling maliit na clinic sa bayan,” sagot niya.

“Oh cool bro, I didn’t know that,” sabat ni Liam.

“Ako din di ko alam,” gulat ko ding sabi.

“Oo apat kasi kami magkakapatid, panganay namin doctora dito siya nassign at yung pangalawa e Physical Therapist nasa states na tsaka yung bunso kong kapatid si Garry, nakilala mo na yun Derick,” sabay lingon sakin.

“Ah oo sa bahay niyo,” sang ayon ko naman.

“Sino yang doctora na yan iho kasi may kilala akong doctora sa bayan, naalala mo ba Kadyo yung nagkasakit si Liam dinala natin siya dun sa clinic niya,” tanong niya sa asawa niya.


“Ah oo si doctora Cinco ba yun?” inaalala ni Mang Kadyo.

“Oh yeah the gorgeous hot doctor i told you about,” lingon sakin ni Liam na parang naexcite ang mokong.

“Sandy Cinco?” tanong ni Gerald.

“Yun oo si Sandy,” sagot ni Aling Nelia.

“Kapatid ko ho yun,” gulat at tuwang sinabi ni Gerald.

“What kapatid mo siya?” mukang gulat din si Liam.

“Yeah ate ko yun, pupunta sana ako sa kanya ngayong araw para makabisita man lang,” sabi niya.

“Nice,” mukang heaven na heaven ang muka ni Liam ah.

Bintukan ni Gerald si Liam.

“Kapatid ko yun kaya pwede ba walang malisya,” inis na sambit niya, parang over protective na kapatid lang, natawa ako sa kanya.

“Biruin mo nga naman no ang liit talaga ng mundo, pakikamusta mo ko sa ate mo ah, mabait talaga siyang doctora dito samin,” nakangiting sabi ni Aling Nelia.

“Opo sabihin ko po sa kanya,”



.............................



Ginamit namin yung kotse ko papunta sa bayan kung nasaan nagtratrabaho ate ni Gerald. Si Liam parang hindi mapalagay, first time kong makita to sa kanya. Namention nga niya nung una naming pagkikita na may doctora na crush niya. Hindi ko akalain na kapatid pala ni Gerald yun. Medyo may bumagabag lang sa dibdib ko. 

“Bro seriously kapatid mo yun?” tanong ni Liam n halatang excited. Lumapit siya gitna ng driver’s at passenger’s seat habang kinukulit si Gerald. Nasa front seat si Gerald para siya magturo ng daanan namin kasi. Tulad nung nasa front si Liam para siya yung magturo papunta sa tita niya.

Binatukan ulit ni Gerald si Liam pero di man lang nagpatinag ang loko.

“Sabing huwag mong pormahan kapatid ko, sasabihin ko na ngayun palang bawal ka dun ok?” seryosong sambit niya.

Napansin ko tumingin sakin si Gerald na para bang ginagawa niya toh para sakin? Ewan siguro nasosobrahan lang ako sa pagiisip. Alam niyang may pagtingin ako kay Liam pero hindi naman ibig sabihin nun e hahadlangan ko na kung saan masaya siya, alam ko namang straight yung loko at nung nasa states kami ramdam kong bilang kapatid lang talaga ang pagmamahal niya sakin. Marami siyang kapatid oo sa side ng Dad niya at sa side ng Mom niya pero all those are half siblings niya na hindi naman talaga nakaclose niya kasi nga anak siya sa ibang babae kung sa pamilya siya ng Dad niya. Kung nasa pamilya siya ng Mom niya, anak siya sa ibang lalaki kaya hindi niya mailugar sarili niya. Siguro kaya sakin siya nakahanap ng ganung attachment kasi maliban sa pareho kami asian sa isang white neighborhood, kaclose ko talaga siya sa states kahit na nagsarili na siya. Kaya siguro iba ang attachment ko sa kanya habang ang sa kanya e iba din ang attachment niya sakin. 

Nakita ko sa likod sumimangot si Liam, first time ata nagpakita siya ng ganung emosyun. Kahit anong inis namin sakanya kasi di kasi nagpapaapekto ang loko. Mukang espesyal nga ata talaga sa kanya yung kapatid ni Gerald.

“Dito tol, ipark mo nalang malapit dito,” utos ni Gerald. 

“Ah sige,”

Pinatay ko na yung makina at bumaba sa kotse, bumaba na rin sina Liam at Gerald habang tinitingnan namin ang isang maliit na parang establishment sa bayan na may nakasulat na pangalan sa signboard na nakaplastar sa labas ng establishment. 

“Dr. Sandy S. Cinco MD Internal Medicine, hanep tol bigatin pala ate mo?” mangha kong sinabi.

“Siyempre pareho kami ng genes e,” pagmamayabang ni Gerald.

“Ewan ko sayo,” sabat ko naman.

“Tara pasok na tayo,” anyaya niya.

Pumasok kami sa clinic, nakita ko close kasi Sunday pero paliwanag ni Gerald nasa taas lang yung apartment ng ate niya kumbaga sa baba clinic niya. 

Pumanik kami sa taas, medyo may pagkaluma yung sahig pero halatang well maintained kasi nakafloor wax na kahoy, makintab siya.

“Ate?” katok niya sa pintuan.

My bumukas sa pintuan nakita ko na isang magandang babae na naka fitted na pambahay lang na t shirt at maiksing shorts ang suot. Pernes ang ganda niya talaga, maputi, makinis ang balat at sexy. Medyo may pagkahawig sila ni Gerald ng kaunti, kaunti lang naman. Kamuka ni si Kristine Hermosa. 

“Ui Ge Ge, nandito ka?” gulat na sambit ng ate niya habang niyakap siya ng mahigpit.

“Ge Ge?” natatawang sabi ni Liam.

Ako din di ko mapigilang matawa, ngayon namin nalaman ang palayaw niya ah, di alam kung masasagwaan ako o makyukyutan haha. Mukang nahiya si Gerald at namula sa sinabi ng ate niya.

“Te naman, Gerald nalang please, nakakahiya,” pangungumbinsi niya habang namumula siya. Kakatuwa talaga siyang pagmasdan.

“Ui may kasama ka? Sino sila?” pagtataka ng ate ni Gerald at napatingin siya kay Liam, “I think I know you.”

Nahiya si Liam nang tiningnan siya ng Ate ni Gerald, di ko talaga lubos maisip na may ganung side si Liam. Namumula siya at napakamot sa ulo niya.

“Ah oo akow yung pasyente mo last summer yung nagkadengue,” sagot niya.

“Ui nagsasalita ka na pala ng tagalog last time I remember you can’t understand what I was saying,” sagot niya.

“Tinuruan kasi akow ng mga kaibigan ko,” habang tinuturo niya kaming dalawa ni Gerald.

“Ah ok, pasok kayo ako nga pala si Sandy,” pinapasok kami sa apartment niya.

“Ako nga pala si Derick,”

“I’m Liam,”

“Yeah I remember you,” ngumiti siya kay Liam na siya namang ikinilig ni mokong. 

“Napadaan ka Ge este Gerald? Balita ko nagaaral ka sa Liceo del Verbo Divino kasi ayaw mo dito kasama ako hmf,” yamot niyang sabi kay Gerald.

Ang cute niya ngang mag ganun, di mo aakalain na mas matanda siya samin kasi ang bata niyang tingnan at kumilos, tsaka doctor pa siya. 

“Ate naman alam mo naman hindi yan ang dahilan, syempre gusto kita makasama pero ayoko lang talaga malayo sa mga kaibigan ko,” sagot naman ni Gerald.

“Nagpapakatino ka ba ha?” at napakapamewang pa siya.

“Kayo sagutin niyo nga ako, nagpapakamatino ba kapatid ko sa mga klase niya?” bigla niyang tanong samin, ang strong ng personality niya madali magbago mukang alam ko na kung saan kumuha ng ganun na personality si Gerald na madaling magbago.

“Ah oo naman magclassmate nga kami ni Gerald, nagaaral siya ng maayos,” mukang natatakot ako sa kanya hehe.

Tumingin sya kay Liam naghihintay ng sagot, mukang napipi ata si Liam at natulala sa kanya.

“ Ah uhmm yea he is uhhm good at soccer?” yun lang nasabi ni Liam, mukang natorpe ata ang mokong. 

“Hindi ba siya gumigimik araw araw?” sunod na tanong ng ate niya.

“Ate naman huwag mo naman takutin mga kaibigan ko,” nahihiyang sambit ni Gerald.

“I’m not afraid of her,” biglang sabat ni Liam.

Tiningnan ng matalas siya ni Sandy na bigla naman ikinagulat ni Liam, kakatuwa talaga ang ekspresyun na pinapakita ni Liam ngayun.

“I mean uhm she’s nice?” 

“Sipsip,” Pangaalaska naman ni Gerald.

Binatukan ni Sandy si Gerald.

“Aray ate naman,”

“Good at nagpapakatino na si Ge Ge, dapat good influence kayo sa kanya ah kundi ako makakalaban niyo,” nakakatakot niyang banta.

“Opo,” sagot ko.

“Yes maam,” saludo ni Liam

Natawa ng bahagya si Sandy. Ang bilis talaga magchange ng mood, wala tuloy ako masabi.

“Maupo muna kayo,” anyaya niya habang hinila niya si Gerald papalayo samin, “magusap muna kami ng kapatid ko namiss ko din tong si Ge Ge eh.”

Natawa kaming dalawa ni Liam, pigil na tawa nang tiningnan kami ng matalim ni Gerald haha. 

Nasa bandang kusina sila nagusap habang naiwan kami ni Liam sa sala.

“Type mo siya?” tanong ko kay Liam.

“She’s hot and fierce, I think I’m in love,”

hmmmm, di ko maexplain mabigat ang loob ko pero at the same time sinusuportahan ko siya.

“Loko first time lang makita in love agad,”

“Anow naman ngayun, it’s true, buti nlang kapatid siya ni Gerald mas may pagasa akow sa kanya diba?” tanong niya sakin.

“Ewan ko sayo,” parang nainis kong sumbat sa kanya.

Kung naging babae kaya ako, maiinlove kaya sakin si Liam, kinilabutan ako sa inisip ko, iwinaksi ko agad yun sa utak ko. Di pa naman ako ganun ka confused. Parang nanginig ang katawan ko sa ideya na yun. Napansin yun ni Liam.

“ok ka lang bro?”

“Yea I’m fine.”

“ I want to have her number,” parang wala sa sarili na sinabi ni Liam. Aba tinamaan nga talaga ata ang mokong.

Pumasok na sa loob ng sala sina Gerald at Sandy na may timplang juice para samin lahat.

“Inom muna kayo, pasensya na ha wala ako masyadong maiooffer na inumin kasi di napasabi tong isang to na dadalaw pala siya,” inis na sabi ni Sandy habang tinutukoy niya si Gerald.

“Pasalamat ka nga pumunta pa kami dito e,” pabulong na sabi ni Gerald.

“Ano?”

“Wala sabi ko kamo maganda ka,”

“Alam ko na yun matagal na,”

“Yabang,”

Natawa ako sa kanila, halatang iisang genes lang talaga tong magkapatid. Mas fierce nga lang ate niya. Si Gerald may pagkamalambing pa kasi.

“Oh san kayo pupunta after dito? May pasok kayo bukas diba di dapat kayo gabihin sa paguwi mahaba yung byahe niyo, sabi ni Gerald nagkotse lang kayo dito?” tanong ni Sandy.

“Ah opo landtrip lang,”

“Sabagay less hassle kesa sa bus, huwag kayo magpalate sa daan ha. Matagal ang byahe niyo kaya dapat umuwi na kayo matapos dito,” paalala ni Sandy samin.

“Opo ate,” sagot ko.

“Yes Sandy,” sagot naman ni Liam.

Tinaasan ng kilay ni Sandy si Liam. Ngumiti naman si Liam sa kanya, yung nakapangaakit na ngiti.

Nakita yun ni Gerald at tinadyakan yung binti ni Liam sa ilalim ng mesa kaya napa-aray si Liam sa ginawa niya. Napansin naman yun ni Sandy pero parang wala siyang imik.

Parang nagtatalo pa ang dalawang mokong sa mga expression nila sa isat isa, pinipigilan ko lang matawa sa mga inaasal nila. Overprotective talaga si Gerald.

May dinial si Sandy sa phone niya. Di kami umimik at pinakinggan lang namin na nagsasalita si Sandy kausap ang kabilang linya.

“Hello nay,”

“Opo alam ko,”

“Off ko po ngayun nay,”

“Ah e napatawag ako para sabihin na andito si Ge bumisita lang,”

“Opo,”

“Oh kausapin ka daw,” binigay niya yung phone kay Gerald.

“nay?” tanong ni Gerald.

“Pauwi na po kami ilang sandali nalang.”

“Opo,”

“Sige po,” at binigay niya ulit sa ate niya.

“Sige nay, bye nay love you po,” at binaba na niya yung phone.

“As much as I want na makasama kita dito Ge,” 

“Gerald ate!,” yamot na sabi ni Gerald.

“Hmf porket nandyan mga kaibigan mo Gerald ka na? e no naman kung Ge tawag ko sayo,” lumingon si Sandy samin dalawa ni Liam, “wala naman problema sa inyo kung Ge Ge tawag ko sa kapatid ko diba?”

“Wala” bigla kong sagot sa takot ko lang sa kanya.

“Nope, Ge Ge is a fine name,” pangaasar ni Liam habang natatawa.

“O kitams,” sabi ng ate niya.

“Umuwi na daw kayo sabi ni nanay baka gabihin pa kayo at may pasok kayo bukas, halika nga at payakap,” niyakap naman niya ng mahigpit si Gerald.

Halatang beybing beybi ng ate niya si Gerald, nakakatuwang tingnan.

“Tama na ate, eto na uuwi na,” nayayamot niyang sabi.

“Sige magingat kayo sa daan,” ngumiti siya samin.

“Tara na nga mga tol,” nauna na si Gerald papunta sa pintuan at sumunod naman ako.

“Salamat po ate,” sigaw ko pabalik.

Si Liam mukang my sasabihin pa ata sa ate ni Gerald kasi hindi pa din gumagalaw sa pwesto niya.

“Yes Liam?” tanong ni Sandy.

“Ah eh uhm, kung ok lang sana, I want to be friends with you?” nahihiyang tanong niya.

“Depende yun sayo,” 

“huh?”

“Kung karapat dapat nga kitang maging kaibigan, Liam you’re too young for me halos ata magka edad lang kayo ng kapatid ko,”

“Hey I’m old enough,”

“We’ll see, sige na Liam umuwi na kayo, take care of my brother for me ayoko may mangyari sa kanya o mabarkada yun ok?”

“Sure, syempre naman he’s my bestfriend as well, di mo na kailangan sabihin yun sakin,”

Napangiti si Sandy sa sinabi ni Liam. 

“Then we’ll see if we can be friends in the future,” ngumiti siya at pinaalis na si Liam.

Ngumiti naman si Liam kahit papano nalaman niyang my chance naman kahit papano. Mukang seryoso si mokong sa pagpupursue kay Sandy ah.



.................................


“Ge Ge ah,” pangaasar kong sinabi kay Gerald.

Sumimangot si Gerald sa backseat.

“Man your name is funny,” natatawang sabi ni Liam.

“Sige pa mangalaska pa kayo,” inis niyang sabi.

“Ano naman problema dun mga kaibigan mo naman kami, ano kinahihiya mo kung malaman namin palayaw mo?” natatawa kong sabi.

“Sows,”

“Ako nga palayaw ko Riko,” sabi ko para naman di na magtampo si Gerald.

“What’s palayaw?” tanong naman ni Liam.

“nickname yun,” sagot ko.

“Oh ok well they’ve always been callling me as Liam so I think that’s just my name,”

Nakita ko tiningnan ako ni Gerald sa rear view mirror.

“Riko palayaw mo?” tanong niya na medyo nawala na ang sumpong niya.

“Oo ayan e di fair alam mo na din palayaw namin este sakin lang pala kasi wala si Liam nun,” sagot ko.

Nakita kong ngumiti siya mukang nawala na ang pagka iritable nya.

“Sino sino tumatawag sayo na Riko?” tanong niya.

“Ah e sa bahay yun tawag sakin,”

“Classmates?” tanong niya ulit.

Mukang interesado si mokong sa pangalan ko, di ko maintindihan bakit. Baka gusto niya ilagay sa deathnote wag naman sana. 

“Walang tumatawag sakin na Riko na classmates ko,”

“Kahit si Liam?”

Tumngin si Liam sakin at sa kanya.

“I know his nickname is Riko narinig ko na minsan yown sa mom niya but I call him Derick kasi sa states Derick is more of an american name than Riko,” paliwanag ni Liam.

Tumango naman si Gerald pero parang may something sa expression ng muka niya, di ko alam kung naiinis o dissapointed, ewan.

“Um pwede bang Riko tawag ko sayo?” bigla niyang sambit.

Napatingin ako sa kanya sa rear view mirror. Seryoso ang mokong parang gustung gusto niyang tawagin ako nun, di ko naman maintindihan pangalan lang naman yun.

“Sure ikaw pa,” sagot ko.

Ngumiti ang loko. Abot tenga ang ngiti ang weird naman niya para lang sa pangalan na yun sumaya agad ang mokong.

“Riko,” tawag niya na.

“Ano?”

“Wala,” pangungulit niya.

“Kung ikaw kaya tawagin kitang Ge Ge,” pangaalaska ko sa kanya at habang pinipigilan kong matawa.

“Tol huwag na huwag mo akong tatawagin na ganun kung ayaw mong kalimutan natin ang pagkakaibigan natin,” aba naghamon pa ang loko. Seryosong seryoso ang mokong.

“Joke lang,” ngisi ko.

“Si ate lang naman ang nagpalayaw nun sakin nung bata pa kami, hindi ako tinatawag ng ganun nila nanay at tatay or iba kong kapatid,” eksplekar niya.

“Well you’re blessed to have such a sister,” dagdag ni Liam.

Tumango naman ako tanda ng pagsangayon. Hindi na nakipagdebate pa si Gerald samin.

“Basta Gerald lang itawag niyo, pero pwede din honey or hon kung gusto niyo?” pilyong pangaalaska ng loko.

“Ewan ko sayo,” natawa ako sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagmamaneho para pauwi sa Manila.

Tiyak bukas pnibagong araw nanaman at panibagong pagsubok na tatahakin, eskwela man o mapapersonal na buhay. 




To be continued

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon