CHAPTER 39

12.1K 255 23
                                    




DERICK:



It was our anniversary ngayon kaya dali dali akong umuwi sa apartment. Ang loko mas late pa pala kesa sakin. Muntikan na nga ako mabangga kanina and here he is smiling na parang walang kaatra atraso na pinagmadali niya ako makauwi sa apartment. 

“Pinagmadali mo ko pero ikaw naman pala yung late,” inis kong sambit nang tinulak ko na siya papalayo sa akin at naghugas ulit.

“Sorry na, may binili lang kasi ako,” palusot niya, I rolled my eyes and started preparing to cook our dinner.

Well matagal na rin kami nagsama ni Liam sa apartment na to. Nung bumalik ako ng states 4 years ago, I never told anyone. Di ko nga sinabihan kahit yung mga classmates ko pati na sina Liam and Evan. Syempre di na ako nagabala pang sabihan si Gerald, at parang may kurot pa din sa puso ko basta nababanggit ang pangalan niya. Hays.

Anyway, yun nga the first few months nasa hospital ako, doing my treatments and therapy nang nagulat ako at binisita ako ni Liam. Sumunod pala siya sa akin sa states. Syempre that time I felt relieved kasi kahit papano I still have him, my bestfriend sa pinakamahirap na panahon ng buhay ko. 

He always visited me and he stayed with me hanggang sa nagtapat na nga siya na mahal niya talaga ako. I didn’t want to be unfair sa kanya kaya prinangko ko siya na di pa ako ok but he said he would wait and tinotoo nga niya. 

He is definitely one of the greatest bestfriend I could ever have and naisipan ko why not give him a chance. Alam niyang iba ang maibibigay ko na pagmamahal sa kanya unlike kay Gerald. It always be different. Mahal ko si Liam sa paraang alam ko at sa paraang kaya ko. Di naman siya nagreklamo kung yun lang ang maibibigay ko and he was a wonderful boyfriend sakin. Siguro he knows deep inside si Gerald pa rin talaga ang may pagaari halos kalahati ng puso ko or more than that. 

Never kami nagsex ni Liam, I dunno why? Last sex ko was with Gerald, sh*t napalunok ako, it means si Gerald yung first and last guy sex ko. Ngayon ko lang narealize yun. Hays.

“Oh bakit ganyan ang itsura ng muka mo?” tanong ni Liam nang sineset niya yung table namin. 

“Bakit ano meron sa muka ko?” tinaasan ko siya ng kilay para di pa niya pagtuunan ng pansin. 

Tiningnan lang naman niya ako na para bang alam niya but he doesn’t want to talk about it. 

Nagluto na ako ng dinner namin and mga ilang minuto din kaming walang imik. Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumabi siya sa akin at tinitingnan ang niluluto ko.

“favorite mo talaga ang chicken curry ah?” parang may paguusisang tono sa tanong niya.

“Ah oo,” tumawa ako ng bahagya.

“Sa pagkakaalam ko kasi favorite mo yung burger steak,” nagkibit balikat nalang ako.

Hindi ko naman masabi kay Liam kung bakit naging favorite ko yung chicken curry. Yun kasi ang niluto ni Gerald para sa akin noong nagbakasyon kami sa Cebu. Namiss ko din yun. Actually kapag chicken curry ang kinakain ko, kahit papano naalala ko siya, naalala ko yung masasayang bahagi ng buhay namin. Kamusta na kaya siya? 4 years na kaming di nagkikita and di pa rin nagkakausap. Hindi ko pa din alam bakit siya nagbago sa isang iglap lang. Hanggang ngayon di ko lubos maisip na ganon lang talaga niya ako makakalimutan. Alam kong mahal namin ang isat isa pero bakit siya nagive up agad? Namimiss ko na si Gerald. 

Di ko namalayan inoff na pala ni Liam yung stove at binigyan niya ako ng makahulugang titig. Yung mga titig niya na alam niyang may iniisip ako and I think alam niya kung sino. Minsan iniisip ko may pagka telepathic ba tong si Liam pero siguro dahil kilalang kilala na niya talaga ako. Para kasi akong open book kay Liam kahit na pilit kong itago ang totoong nararamdaman ko. 

“Tara na kain na tayo, mukang masarap ang niluto mo,” Liam gave me a smile. 

Napagbuntong hininga nalanga ako. Ayoko din naman masaktan si Liam, pero alam kong kulang ang binibigay ko na pagmamahal na dapat e sa kanya na. It’s like alam ni Liam na may bahagi pa din sa akin na kailanman e di ko maiibigay sa kanya pero kahit ganun pa man, he stayed with me. Mahal niya siguro talaga ako.

Umupo na ako sa hapag kainan habang si Liam na ang nagserve para sa amin dalawa. Nagulat ako nang may kinuha si Liam sa isang paper bag na isang bottle of wine. 

“Para mas romantic, happy anniversary hon,” ngumiti siya sakin.

Ngumiti din ako sa kanya. Pilit ko munang iwaksi ang mga iniisip ko about kay Gerald. Tonight is Liam’s night ayoko maspoil yun. 

“Happy anniversary hon,” I smiled back.


Kumain na kami and since chicken curry nga ang ulam, parang pinapatay ako sa konsensya sa loob ko kapag naalala ko si Gerald. Miss ko na talaga siya pero alam kong nakapagmove on na yun. Bakit parang di pa rin ako makapagmove on sa amin dalawa. It’s like walang closure, hindi sapat sa akin na parang tinalikuran lang niya ang lahat sa amin. Ngayon ko lang din narealize na ang babaw ng rason niya noong panahon na iyon. 

Nilayuan niya ako just coz of my illness? Pwede kong ipagtapat sa kanya yung totoo, na hindi nakakahawa sakit ko and manageable naman siya. Pwede ko pa ring sabihin yun sa kanya, na ok na ako. Pero it’s too late. Lumipas ang panahon na hindi ko nasasabi sa kanya ang totoo and habang tumatagal nawawalan na ako ng lakas ng loob pa na ipagtapat ito.

Baka masaya na siya sa piling ng iba, baka masaya na siya kasama si James, yun ang mga naglalaro sa isip ko sa paglipas ng panahon until I realized it’s too late. 4 years na ang lumipas, for sure nagmove on na si Gerald. Hays bakit ako hindi pa din. Mahal na mahal ko pa rin ang mokong na yun. Parang di pa rin nabawasan kahit konte, naisantabi lang.

“Derick,” binasag ni Liam ang katahimikan na bumabalot sa amin dalawa. 

“Hmm?” sagot ko nalang.

Tiningnan ko siya and nakatitig lang naman siya sa akin. Halatang may sasabihin siya pero parang pinipigilan niya ang sarili niya. I know him and I know he is a bad liar kaya kung may sabihin man siya na alam kong sumegway siya sa totoo niyang dapat na sasabihin malalaman ko yun. Ika nga bestfriend telepathy diba. 

Siguro nabasa niya yun sa muka ko kaya umurong ang dila niya, napakunot noo ako tuloy.

“It’s nothing,” biglang sabi niya at kumain nalang, “masarap ang niluto mo ah,”

He complimented me, I rolled eyes at that. Matagal ko nang alam na magaling ako magluto, wow yabang lang e no lol.


Natapos kami kumain at tinulungan na ako ni Liam ligpitin ang kinainan namin. Paminsan minsan e nahuhuli ko siyang pasulyap sulyap sa akin habang naghuhugas ako. Yung tipong may sasabihin sana pero di niya kaya ituloy kaya hinayaan ko na. He’ll tell me if he wants to kaya matapos magligpit e dumerecho na kami sa sala para manood ng tv. Tumabi sa akin si Liam at inakbayan naman niya ako para mas lalong mapalapit sa kanya. I feel comfortable like this. Nanood lang kami ng show habang sinusulit namin ang time together. 

Nasa kalagitnaan na kami ng palabas ng nagring yung videophone. That only means tumatawag either si mama or sina papa from pinas. Sila lang naman yung may videophone para tawagan ako. 

“Sagutin mo na baka importante yun,” sabi sakin ni Liam.

“Nah ayoko baka si mama lang yun mangungulit kung ok lang ako or kumain na, hindi na ako bata,” eksplekar ko.

Pero hindi pa din tumitigil magring yung videophone, naiirita na kami e kasi di namin mapanood yung palabas ng maayos kaya si Liam na ang tumayo para sagutin to.

Click.


“Hello?” boses ni papa yun ah, mali pala ako.

“Ah hello po tito,” bungad ni Liam.

Nilingon ko siya para tingnan si Liam na kausap ang papa ko.

“Ah Liam nandyan ba si Riko?” tanong nito. 

Lumingon si Liam sakin para bang pinapapunta na ako sa harapan ng videophone pero tinatamad ako e. Pwede naman sabihin ni papa kung ano need niya sakin since nakaspeaker naman yun, maririnig ko pa din.

Nakita ata ni Liam na wala akong balak tumayo sa sofa kaya siya na nakipagusap.

“Ah opo tito nandito siya pero ayaw humiwalay sa tv, nakaglue yung muka niya sa palabas,” pangaasar niya, sumimangot ako dun hmf.

“Ganun ba, well naririnig naman niya ako tama ba?” 

Tumango lang si Liam.

“Well gusto ko lang sabihin na may pumunta dito sa bahay, may pinaparating kay Riko,” patuloy ni papa.

Hmm nagtaka naman ako dun, sino ang pupunta sa bahay namin sa pinas para lang hanapin ako. Alam naman nila nasa states na ako kung di pa sila slow. 

“Ano daw sabi?” Tumayo na ako at pumunta sa harapan ng videophone, nacurious na ako e.

Tumabi naman si Liam para ako na ang makausap ni papa.

“Inimbitahan ka daw sa kasal,” biglang sambit nito.

Kasal? Kaninong kasal? Wala naman ako kaclose sa pinas na ikakasal. 

“Kaninong kasal?” tanong ko.

“Sa anak nila Mr. Cinco,” patuloy ni papa.

Nagulat ako dun, tama ba narinig ko? Pero madami namang Cinco sa pinas who knows dba? Pero binasag ang katahimikan ko nang kinumperma nga ni papa kung sino yun.

“Kung di ako nagkakamali bestfriend mo yung anak nila diba? Si Gerald ba yun? Babae yung pumunta kasama yung dad niya, Sandy ata yung pangalan,”

Natigilan kami pareho ni Liam. Si Ate Sandy ang pumunta mismo sa bahay namin at kasama pa dad niya? Para ano imbitahin sa kasal? Kaninong kasal? Kay Gerald ba?

“Pa sino yung ikakasal?” tanong ko.

“Yun nga e di ako binigyan ng invitation card at nagpakilala lang sila na close ka sa family nila, pati rin ikaw Liam, sinabi lang nung nakausap ko na ama nung babae na ikakasal ang anak niya tsaka umalis na after giving the details. Gusto daw nila ipaalam sa iyo since di ka daw mahagilap nila for the past years,”

Ikakasal? Ikakasal na ba talaga si Gerald? Medyo natulala muna ako at di na nakausap ni papa. Nakita naman yun sa muka ko. May kung anong sakit nanaman na nararamdaman ko sa puso ko na matagal ko nang ibinaon sa limot.

Ikakasal na si Gerald. Napaluha ako dun.

“Ah tito sige salamat kausapin ko lang si Derick, pakisabi nalang kay Kuya TonTon kung saan at kelan yung kasal para maemail niya sakin,” sabat ni Liam.


“Ah sige Liam, mauna na ako at may importante pa akong aasikasuhin,” at nagpaalam na nga si papa.

Tulala ako sa kinatatayuan ko. Wow after all this years kala ko nakamove on na ako pero di pa pala. Another wave of aching pain ang sumalubong sa puso ko. Ikakasal na talaga si Gerald. Bakit gusto niya ako imbitahan para ipamuka sa akin yun? Para masaktan ako? G@go siya! Well ipapakita ko hindi ako affected. Pero ang sakit talaga. After how many years mahal ko pa rin talaga ang mokong na yun. 

Niyakap ako ni Liam at nakapatong ulo ko sa dibdib niya. Rinig ko ng tibok ng puso niya habang niyayakap ako ng braso niya ng mahigpit.

“Derick it’s ok. May sasabihin sana ako sayo and I think this is a good time,” biglang sambit ni Liam na ikinagulat ko kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin at tiningnan siya sa mata.

“What do you mean?” pagtataka ko.

He combed his hair tsaka huminga ng malalim parang nagiipon ng lakas para maisabi ang gusto niyang sabihin.

“Let’s break up,” 

Natulala ako sa sinabi niya, why? Bakit biglaan naman ata.

“Bakit Liam? May nagawa ba akong mali?” lumungkot na muka ko.

Nagbuntong hininga siya tsaka ngumiti sakin pero kitang kita ko sa mata niya na nasasaktan din siya.

“I think it’s for the best, alam ko namang mahal mo pa rin si Gerald,” 

“Mahal kita Liam,” biglang sabat ko, habang naiiyak na ako. 

“Alam ko pero hindi sa katulad ng pagmamahal mo kay Gerald, I am your bestfriend and always will be at dahil bestfriend mo ko alam kong hinding hindi ko mapapalitan si Gerald sa puso mo,” ramdam ko ang panginginig ni Liam. Ngayon ko lang narealize na it’s also hard on him. Mahal niya ako talaga para palayain ng ganito.

“Hon... Derick... mahal na mahal kita you know that right?” mahinang sabi sakin ni Liam.

Tumango lang ako at nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. Kinagat ko ang labi ko para di ako humagulgol sa iyak. Ayaw kong nasasaktan si Liam, mahal ko siya kahit papano. He is my bestfriend, the best of the best. Ang swerte ko kaya na ako ang minahal ni Liam, ang pogi niya, mala artista ang dating at ang bait pa. 

“Alam mo Liam?” sabi ko habang nababasag na ang boses ko sa tindi ng emosyun na dinaramdam ko.

Tiningnan lang niya ako mata sa mata at kita kong mahal niya talaga ako.

“Ikaw ang Soulmate ko.” napangiti si Liam sa akin, “Ikaw kasi ang lagi nandyan para tulungan ako kapag nadadapa ako, ikaw lagi ang nasa tabi ko para siguraduhing masaya ako kahit na isasacrifice mo ang sarili mong kaligayahan just for me. Alam mo na agad kung ano dinaramdam ko kahit di ko na sabihin pa. Ikaw ang...” 

Naiyak na ako, ayaw ko masaktan si Liam pero pinigilan na ako magsalita nang sumabat siya.

“But I’m not your true love,”

With that simple words pinarealize niya sa akin, pwede pala dalawang magkaibang tao ang soulmate ko at ang true love ko. 

“I think oras na para umuwi tayo sa pinas,” Si Liam na ang nagdesisyon for me. 

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang kahit ganito man lang e masaya na siya. Niyakap ko din siya pabalik at huminga siya ng malalim bago hinalikan ang ulo ko. 


-------------------- 



Sinabi ni Kuya TonTon ang date ng kasal at san ang venue. Di ko pa din alam bakit ginagawa ko to. Para san pa para uuwi ako? Para umattend lang ng kasal ni Gerald? Kung ipagtapat ko sa kanya ang totoo tatanggapin pa rin ba kaya niya ako kahit na ikakasal na siya? Baka nakamove on na siya, natatakot ako. 

Maya maya lang e narinig ko yung playlist ko sa computer na lumipat ng song.

(click on the side for the song)

Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasa'yo lang ang
Pag-ibig na alay sa'yo

Ang awit na to ay awit ko sa'yo
Sana ay madama
Magkabila man ang ating mundo



Napatulala ako sa kanta at napahinto sa ginagawa ko habang pinakinggan ito.

Kahit nasan ka man
Hindi ka papalitan
Nag iisa ka lang 
Kahit na langit ka at lupa ako

Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
Nagniningning



Di ko namalayan na tumulo na ang luha ko habang iniisip si Gerald. Sign na ba ito kay God? Pinapakita ba niyang dapat ipaglaban ko si Gerald?

Dito ay umaga at dyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan ay
Iyong umagahan

Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka

Hihintayin kita 
Kahit nasan kapa
Di ako mawawala
Kahit na may dumating pa

Andito lang ako iibig
Saiyo hangga't nandyan ka pa
Hangga't wala ka pang iba



Mahal na mahal ko si Gerald, kahit ilang taon nang lumipas, kahit milya milya na ang layo namin, kahit pa na may ibang tao nang pumapagitan sa amin. Hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. 


Tama ang sabi ni manang noon. Hindi bastang basta mabubura ng panahon ang true love. Uuwi ako at kahit sa huling sandali bago man lang siya ikasal, masabi ko sa kanya na mahal na mahal ko siya magpakailanman.



To be continued...

Soulmates (Pinoy Boyxboy story)[COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon